Share

I

“ISANG BANGKAY NG HINIHINALANG biktima ng panggagahasa ang natagpuan dito pa rin sa Hotel Krista kaninang alas otso ng umaga. Ito na ang ika-apat na bangkay na namataan sa nasabing hotel. Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing krimen...”

She pressed the T.V. remote to change the channel. Masyadong nakaka-stress ang araw niya ngayon at ayaw na niyang dagdagan pa iyon.

Marahas siyang napasandal sa kinauupuang couch. That Kristie! Hindi niya maiwasang magngitngit sa ka-trabaho sa tuwing maaalala ang nangyari kanina.

Her phone rang and fished it out from her pocket. She heaved a sigh and answered the call without even looking at it.

“Yes?”

“Day, ano? How are you?” tanong pa ng nasa kabilang linya.

“Really, Stephen?” nanunuya niyang tanong nang mabosesan ang tumawag. She rolled her eyes upwards at marahas na dumakot ng popcorn na nasa center table.

“Fine! You’re not good. Ba’t kasi hindi ka nagsalita kanina?” anito na ang tinutukoy ay ang nangyari sa opisina kanina.

Brooch has launched a new drinking product, a water, which is an energy drink, actually. They‘ve been told to think the best demographics that the company would cater. She even discussed her idea to Stephen. And when the Marketing team shared their ideas with the boss, she was so shocked na halos kapareho ng kaniyang idea ang nilatag ni Kristie. Hindi niya sure kung nakikinig ba ito sa kanila kanina ni Stephen.

And that idea of her was her chance for her promotion.

“Day, si Sir Spade ‘yon! Do you think papaboran ako no’n?” nanggigigil niyang sagot sa kausap. “At tsaka, nalatag na ng bruhang iyon, eh! Bwisit talaga!”

Paborito ng kanilang Sir Spade si Kristie. Kahit ano‘ng sabihin ng babae ay pinapaboran naman nito. Kung pwede lang tirisin niya ora mismo si Kristie ay ginawa na niya.

She really despise her. Big time!

“You know what, Shen? That’s what she get for sleeping with the boss,” labas sa ilong na sagot ni Stephen.

That’s the rumors at their office. All of them think that Kristie is hooking up with Sir Spade. Well, hindi pa naman nila napapatunayan iyon. But the way the two acted when they’re at work, duda talaga sila.

Shen just groaned in frustration. “So, you’re telling me na gano’n din ang gawin ko?”

Natawa si Stephen sa sinabi niya. “Gaga ka! Ano ‘yon? Promoting your body with new marketing skills?”

“I really hate that girl!” singhal niya sa kausap. Napairap siya nang pagtawanan siya nito. Lalo lang siyang nairita sa halakhak ni Stephen.

“Anyway, girl! Thanks pala sa chocolates. Dala ka ulit bukas.”

“Duh? Everyday akong nagdadala ng chocolates sa office ngayon ka lang nagpasalamat?” asik niya pa kay Stephen. With that ay na-divert na ang atensyon niya about the promotion.

She had this admirer who sent her chocolates and flowers everynight. Just by remembering that thought, she looked at her wrist watch.

“Oh, wait! Eight na!” Shen exclaimed to the other line. Stephen squeled to what she said.

“Check your mailbox, day! Para may chocolate ulit ako bukas!”

“Ito na po!” aniya saka tumayo upang lumabas ng kaniyang apartment. “Ikaw nga lang ang nakakaubos ng chocolates ko.”

“Day! As if naman mauubos mo ang isang box ng chocolate. Be grateful na tinutulungan kita sa pag-ubos.”

Napairap siya sa panunumbat ni Stephen. The phone was still up and upon going outside, a bunch of red roses together with the box of chocolate was already at the large paper bag na nakasabit malapit sa kaniyang mailbox.

“Andito na naman ‘yong chocolates and flowers,” aniya sa kabilang linya.

For the past three weeks ay walang palya sa pagpapadala ng flowers and chocolates ang secret admirer niyang ito. Consistent ito dahil at exactly eight in the evening ay matik nang may nakasabit na malaking paper bag malapit sa kaniyang mailbox. Lagi ring may kasamang sulat ang bawat padala nito. Nahihinuha niyang malapit lang ito sa tinitirhan niya. Malamang baka nakasabay na rin niya itong bumili ng Milo sa kalapit na mga sari-sari store.

“Hooray for the chocolates!” Stephen exclaimed. “So, may sulat ba si secret admirer? Basahin mo dali!”

“Mas atat ka pa sa’kin, ‘no?” asik niya sa kaibigan.

Kinuha na niya iyon at nagmamadaling bumalik sa loob ng apartment. Pagkaupo sa couch ay agad niyang binulatlat iyon.

“So, what does it say?” tanong pa ni Stephen.

“Walang letter, day.” Inisa-isa pa niya ang mga tangkay ng rosas ngunit wala. She opened the box of chocolate at doon niya nakita ang isang kulay yellow na sticky note.

Kinuha niya iyon at inilapag ang box sa coffee table. Marahas siyang napabuntong hininga sa nabasa.

Hope you had a great day today...

Love,

Third

“Day? Ano? Andiyan ka pa?” untag sa kaniya ni Stephen. Inis niyang nilamukos ang sticky note saka iyon itinapon sa malapit na trash bin.

“Hope I had a great day raw,” malamya niyang sambit sa kaibigan. Kung alam lang ng admirer niyang ito ang nangyari sa kaniya ngayong araw.

Again, she heaved a heavy deep breath. Sukdulan ang pagka-inis niya sa tuwing maaalala ang nangyari kanina. Tinik talaga sa lalamunan niya ang Kristie na ‘yon!

“Sana all may secret admirer, ‘no?” Stephen squeled. “Teka nga, wala ka bang balak na kilalanin ‘yan?”

Shen rolled her eyes upwards at muling dumakot ng popcorn. Hindi pa siya nakuntento at inilagay pa niya ang mangkok sa kaniyang kandungan.

“Ang dami ko nang iniisip, Stephen. Tapos you want me to get to know this sender?”

“Chill lang, day!” natatawang sambit ng nasa kabilang linya. “I mean, hindi ka man lang ba nagtataka kung sinetch si boylet?”

Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan. Oo nga. Sino ba talaga kasi itong nagpapadala sa kaniya palagi ng chocolates and flowers?

“So...” she trailed off. “Do I need to look for him? Gano’n?”

“It‘s up to you, day.”

Sunod-sunod ang ginawa niyang pagsubo ng popcorn. Malapit nang mag-celebrate ng monthsary itong secret admirer niya sa kakapadala ng chocolates at mga bulaklak ngunit hindi pa ito ngapapakita sa kaniya.

She find it creepy. But she can feel na magkakilala sila ng admirer niyang ito. Hindi naman siguro ito magpapadala ng mga ganito kung hindi ito related sa kaniya.

“Wait day, ‘di ba laging may inclusive na note ‘yong mga padala ni Mr. Secret?”

Kumunot ang noo niya sa tanong ni Stephen. “Y-Yeah... bakit?”

“Baka may clues sa notes. Andiyan pa ba? Tingnan mo!”

“Tinapon ko na,” aniya saka inilipat ang channel ng T.V. Hindi na niya nagugustuhan ang mga palabas sa gabi. Pulos mga teleserye.

“Ay,” may panghihinayang na sambit ng kaibigan. “Next time ipunin mo. Malay mo sa isang note nagpakilala na pala siya.”

“His name is Third. Iyon palagi ang nasa note, eh.”

“So, may kilala ka bang Third?”

Naudlot ang pagsubo niya ng popcorn sa tanong na iyon. Dati pa rin niya iniisip kung may kakilala nga ba siyang Third. But she’s not that friendly. At bilang lang din sa mga daliri niya ang acquaintances niya. Sa trabaho naman, tanging si Stephen lang ang close friend niya.

“Wala, eh.” She shrugged. “Tsaka, importante pa ba ‘yon? Eh, ikaw nga ‘tong mas excited sa’kin kapag nakakatanggap ako ng ganito.”

“Syempre naman, day! Sayang ang chocolates, ‘no?”

Tinawanan lang niya ang sinabi ni Stephen. They had few chit chats before they ended the call.

She looked on the fresh red flowers. Tumayo siya at kinuha iyon at ang flower vase na may laman pang red roses. Ito rin ang natanggap niyang bulaklak kagabi.

Magmula nang dumating sa buhay niya ang kaniyang secret admirer ay binago na rin nito ang routine niya sa gabi. Tuwing gabi na niyang pinapalitan ang mga bulaklak sa flower vase. Sayang din kasi kung itatapon niya ang mga bulaklak. Everynight she puts the box of chocolates on the fridge. At sa tuwing matatapos niyang basahin ang note na kalakip ng mga padala nito ay agad niya itong itinatapon sa trash bin, not minding what the message was all about.

Naiintindihan naman niya ang nakasulat doon, ngunit hindi na siya nag-aaksaya pa ng panahon na i-comprehend ang message nito. Well... what for? For sure ay titigil din itong secret admirer niya sa kakapadala ng mga bulaklak at chocolates.

And she’s certain of that. Lalo pa’t hindi naman talaga siya nagpapakita ng interes sa mga galawan nito.

Ngunit sa loob niya, gusto niya ring malaman kung sino ang nasa likod ng mga bagay na ito.

Sino ka ba talaga?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status