Share

II

SHEN WENT EARLY TO work on that day. At kung nitong mga nakaraang araw ay mas nagiging competitive siya, ngayon ay nababagot na siya. Pagtapak pa lang sa entrance ng building ay matik nang nag-play sa utak niya ang senaryo kung saan ay harap-harapang inilahad ni Kristie kay Sir Spade ang idea niya.

Nagngingitngit ang loob niyang lumakad papunta sa elevator, hindi na pansin ang matunog na paglapat ng kaniyang black pumps sa marmol na sahig. Marahas niyang pinagpipindot ang up button at mukhang doon ibinuhos ang lahat ng galit niya sa umagang iyon. Mga ilang minuto pa ang nakalipas bago bumukas ang elevator.

She’s about to press number four button pagkapasok sa loob nang may mga kamay na pumigil sa pinto. She heaved a very deep breathe when Diego entered the elevator.

“Good morning, Shen,” kiming bati nito sa kaniya pagkapasok sa loob. Ito na rin ang pumindot ng floor number.

“Good morning, too.”

Nagsimulang umandar ang elevator paitaas. Bahagyang sumandal si Shen sa metal na pader ng elevator saka pumikit. By thinking what happened to her idea makes her wanting to cut Kristie's neck.

Sorry, Lord! Naiinis lang po talaga ako, eh.

“Kamusta ka na?” biglang tanong ng lalaki na nakapagpamulat sa kaniya.

Muli siyang bumuntong hininga at hinarap ito. “Ayos lang.”

Saglit na tumahimik ang lalaki na panay ang hugot ng malalim na buntong hininga. She turned her gaze to him when he spoke, “Um, ano kasi...” Bahagya pa itong napakamot sa batok.

Pinigilan niya ang sariling pagtaasan ito ng kilay. Lagi itong nag-aalinlangan sa pagsasalita kapag magkaharap sila. Which is hindi niya ma-gets. She’s not that scary. Hindi lang talaga siya mahilig makihalubilo.

She looked at him while waiting for him to spill some tea. Diego had this cleaned-cut hair and his almond-shaped eyes were just staring at the corner of the elevator. Pinatingkad pa ng suot nitong baby blue long-sleeved button down ang pagiging magandang lalaki nito.

“Ano kasi... birthday ko ngayon.”

Her mouth formed an ‘oh’ to what he said. Does this mean, ini-invite siya nito?

“H-Happy birthday,” nasabi na lang niya dahil hindi naman niya expected ang pagbanggit nito tungkol sa birthday.

“Thank you, Shen.”

At isang nakabibinging katahimikan ang sumunod sa maikling usapan nilang iyon. They reached the fourth floor at bago pa siya makapunta sa kaniyang desk ay muli siyang tinawag ni Diego.

“Yes?” At muli na naman niyang pinigil ang sarili na mapagtaasan ito ng kilay. Hindi niya alam kung nagpapa-cute ba itong si Diego o ano. Panay ang kamot sa batok at hindi siya nito matingnan ng diretso sa mata.

“I was just wondering if you wanna come later.”

Her eyes narrowed. “Sa birthday mo?”

“A-Ano... kasama rin sina Stephen,” kandautal ito sa pagsasalita. “Pati ‘yong iba pa nating ka-trabaho.”

Napaisip siya sa sinabi nito. Tutal wala naman siyang gagawin after work. At paniguradong mapupuno lang ng stress ang araw niya ngayon. Might as well ay tanggapin niya ang alok ni Diego.

“Okay.” She shrugged.

“O-Okay?” Nanlalaki ang mga mata nito at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Natawa si Shen sa inakto ng lalaki. “Okay. Payag ako. Fine. Just name the place at pupunta ako.”

Happiness was written all over Diego’s face. “Yes! I mean, thank you, Shen.” Hindi nito malaman kung yayakapin ba siya o ano. Nagkasya na lang si Diego sa pagngiti. “We could go there after work. I have my car. Para sabay-sabay na tayo.”

They talked about some details and parted their ways afterwards. From Accounting Department kasi si Diego though same floor lang ang Marketing and Accounting. Nasapo pa ni Shen ang noo nang makita ang kulay pink na folder sa kaniyang desk. The other day after the meeting ay nag-meet ulit ang Marketing team. She really want to do the making of marketing campaign. At dahil nga bida-bida si Kristie ay sa kaniya ibinigay ang paggawa ng marketing strategy.

Nilapag niya sa bandang gilid ng desk ang paper bag na may chocolate from last night then she took off her laptop from her bag. Hindi pa man oras ng trabaho dahil sa maaga pa ay agad nang sinimulan ni Shen ang task. Makita pa lang niya ang pangalan ni Kristie na naka-print sa harapan ng folder ay inaantok na siya. Gustuhin man niyang i-decline ang task na binigay sa kaniya ay hindi naman pwede. Senior nila si Kristie. Parang boss na rin. Ayaw pa naman niya matanggal sa trabaho. Knowing Kristie, malakas ang kapit nito kay Sir Spade.

“Good morning!” Kristie greeted upon entering the office. Awrang-awra pa ito sa suot na semi-office wear. Bumati rin ang ilan sa mga ka-trabaho niyang mas maaga pa sa kaniya dumating.

Hindi na nag-abala si Shen na lingunin ang babae. Sa halip ay mas itinuon niya ang pansin sa laman ng folder. Kulang na lang ay mapunit ang folder sa higpit ng pagkakahawak niya rito. Her ideas about the demographics was really the same to Kristie’s. Madali na talaga siyang maniwala sa hinala niyang nakinig ang babae sa usapan nila ni Stephen no’ng nakaraan.

Lumakad si Kristie papunta sa kaniyang desk at kahit nasa likuran na niya ito ay hindi pa rin ito nilingon ni Shen. Masyado siyang nababanas sa babaeng ito.

“It’s so early pa, Shen. May fifteen minutes ka pa to start the work,” anito habang nakamasid din sa binabasa niya. She secretly rolled her eyes upwards.

“Para ho maagang matapos,” labas sa ilong na sagot niya rito.

“Just call me if hindi mo gets ang iba sa mga laman ng folder. Andiyan lang ako sa kabilang table. I’ll go ahead.”

Sinigurado muna ni Shen na wala na sa paligid si Kristie then she mimicked every word she said. Masyado talagang pabida ang Kristie na ‘to. Kung tratuhin siya nito ay mukhang first day niya sa trabaho.

Sa isip-isip ni Shen ay mas lamang pa nga siya sa Senior nila. Kung tutuusin, sa kaniya naman talaga ang idea about having middle men as their demographics para sa bagong product.

Inabala na lamang ni Shen ang sarili sa trabaho. Baka magka-wrinkles pa siya sa kakasimangot sa tuwing maaalala ang mukha ni Kristie. Hindi man niya napatunayan ang ang sarili sa pag-share ng kaniyang idea, sa marketing strategy na lang niya ipapakita ang galing niya.

Shen was so busy not minding na lunch break na pala. Kung hindi pa siya kinalabit ng kalapit desk niyang si Stella ay hindi pa siya hihiwalay sa kaniyang laptop.

“Kanina pa nasa labas si Stephen,” sambit pa nito habang naglalagay ng foundation.

Saglit pa siyang nagpaalam kay Stella bago lumabas ng office. Tama nga ito dahil hindi pa man siya nakakalabas ay rinig na niya ang matinis na boses ng kaibigan.

“Naku! Excited talaga ako mamaya. Marami ba tayo?”

Iyon ang eksenang naabutan ni Shen. Kausap ni Stephen si Diego.

“Grabe day, ha? Wala kang patawad. Kahit lunch break na work pa rin,” panenermon pa ng kaibigan niya. Natigil lang ito sa pagsasalita nang i-abot niya rito ang paper bag na may box ng chocolate.

“Nawili ako sa ginagawa ko, eh,” aniya at tinapunan ng tingin si Diego na mukhang hindi mapakali. “Sabay ka na sa’min, Diego.”

His lips parted, mukhang nagulat sa pang-aaya niya. “S-Salamat, Shen,” anito at muling napakamot sa batok. Mukhang mannerism yata ito ng lalaki kapag nahihiya.

“Ay, bet ko ‘yan!” Stephen exclaimed. “Para mapag-usapan natin ang tungkol sa pa-blow out mo mamaya. Sasama ka Shen, ha?”

“Yep! In-invite na ako kanina ni Diego.”

Nagpatiuna siya sa paglalakad habang ang dalawa ay panay ang chika-han sa kaniyang likuran.

“Saan pala tayo mamaya?” rinig niyang tanong ni Stephen.

“Sa Hotel Krista. Pinapa-ayos ko na rin kasi ang reservation natin do’n. VIP.”

Napahinto si Shen sa narinig. Gano’n din ang mga kasama niya at nagtataka ang mga itong napatingin sa kaniya nang lumingon siya rito.

“O, bakit? May nakalimutan ka sa office?” tanong pa sa kaniya ni Stephen. Ngunit hindi niya iyon pinansin at hinarap niya si Diego.

“‘Di ba ‘yan ‘yong hotel na may kaso ng patayan no’ng isang araw?”

“Ah, o-oo,” ani Diego. “Pero sa Ortigas branch kasi ‘yon. Bale ‘yong venue natin mamaya is sa Makati.”

Marahan siyang napatango saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Nagkibit balikat lamang ang dalawa na agad namang sumunod at panay pa rin sa pag-uusap.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Dahil nang marinig niya ang pangalan ng hotel na iyon ay biglang nagtindigan ang mga balahibo niya sa katawan. Naninibago rin siya sa kakaibang pagtahip ng kaniyang dibdib.

Or maybe it’s just because of work?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status