Share

IV

"ANG BAGAL MO, DAY! Bilis!"


Kulang na lang ay hilain siya ni Stephen palabas ng building. Working hours ends at ngayon na ang punta nila sa birthday celebration ni Diego.


"Eh, kung kargahin mo na lang kaya ako?" asik niya pa rito. "Masyado kang atat!"


"Gosh, day! Kanina pa naghihintay sina Diego. Gano'n ba talaga ka-busy ang department niyo at nahuli ka pa ng labas?"


Shen just rolled her eyes upon remembering what happened a while ago. Kung kailan uwian na ay saka naman siya tinawag ni Kristie. Nagmamalaki nitong pinaliwanag sa kaniya ang sample nito about making the marketing strategy. Akala yata nito ay first time niyang gagawa ng marketing strategy.


"'Wag ka nang magtanong. Nababanas lang ako," nanggigigil niyang sagot sa kaibigan.


"Masusunod po, Madam Shen," natatawang sambit pa nito.


Isang gray Starex ang naabutan nilang naghihintay sa parking area ng building. They saw Diego standing near at the vehicle while waving at them. "Shen! Stephen! Here!"


"Mabuti at naka-arkila ka ng sasakyan, Diego," wala sa sariling sambit ni Stephen pagkalapit nila. Agad naman itong siniko ni Shen sa tagiliran para manahimik.


"S-So? Let's go," si Diego at pinagbuksan sila ng sasakyan.


Pagkapasok nila sa loob ay lumibot si Diego papunta sa driver's seat. Naroon din sa loob ang ilan sa mga ka-department ni Diego na sina Arnold at Rex. Silang tatlo naman nina Stella at Cassie from Marketing. At mukhang si Stephen lang ang na-invite from Human Resource Department. Konting batian pa ang naganap dahil mukhang ngayon lang sila nagsama-sama sa iisang lugar. Nagsimula na ring umandar ang sasakyan.


"Wait, party ba itong pupuntahan natin? Sana pala umuwi muna tayo para maka-awra," sambit pa ni Stephen na nagre-retouch.


"Oo nga," segunda pa ni Arnold from Accounting.


"Blow out lang 'to, guys," ani Diego na ang atensyon ay nasa daan. "Tsaka hindi naman tayo laging nakakapag-hang out."


"Well, dapat everyday ay birthday mo na lang, 'no?" Stephen joked around. They laughed on that and talked about some other stuffs, skipping the topics related on work.


They arrived at Hotel Krista in Makati. Sosyalin ang structure ng hotel, mala-five star. Nagtatayuan talaga ang mga balahibo niya sa katawan kapag naririnig o nakikita ang pangalan nito. She'd never been here before. Sa balita nga lang niya ito nakita. And she's not paying attention that time on the news.


Upon entering the circular door ay binati pa sila ng ibang staff ng hotel. Hindi nila mapigilan ang mamangha sa malawak na lobby habang nakasunod sila kay Diego. At agaw pansin din ang malaking chandelier na sobrang liwanag dahil sa dami ng light bulb nito.


"Oy pare, pwede bang mag-overnight dito?" tanong pa ni Rex habang inililibot ang tingin sa paligid.


"Basta may pambayad ka sa room," natatawa pang sagot ni Cassie.


"You can get a room, guys," sambit pa ni Diego. He fished out his phone form his pocket and started swiping on it. "Ilan kayong mag-o-overnight? Para mapahanda natin 'yong rooms."


"Woah! Seryoso ka talaga, pare?" tanong pa ni Arnold.


"Oo nga," sambit pa ni Diego. "Ano na?"


"Para namang sobra na 'yan, Diego?" Hindi na napigilan ni Shen ang sumabat sa usapan. "Okay na kami sa pa-blow out mo. Tsaka may pasok pa bukas."


"Ang KJ mo naman, day!" Himutok pa ni Stephen. "Once in a lifetime na nga lang 'to, oh!"


"Actually pare, okay na kami sa pa-blow out," biglang sabat ni Arnold saka inakbayan ang lalaki. Magkalapit lang kasi ang dalawa. "Next time na tayo mag-overnight. Dapat walang work kinabukasan para sulit ang overnight."


They all agree on that at pagkarating sa restaurant ng hotel ay agad silang inasikaso ng isang staff. Sinamahan sila nito sa VIP area. Hindi gano'n karami ang nasa resto dahil hapon pa lang naman.


Pagkarating sa venue ay napa-wow pa sila sa loob. May catering service at naka-ayos ang long and single cream couch at ang pahaba nitong glass coffee table na nasa gitna mismo ng area. Mas pinatingkad pa ng liwanag ng chandelier ang golden motif ng venue. Even the golden furnitures ay agaw pansin din. Parang nasa bahay lang sila ni Diego though hindi pa naman sila nakakapunta ro'n.


"Pare, debut mo ba?" takang tanong ni Rex na ikinatawa nilang lahat. Kahit sino naman ang makakakita ay gano'n ang iisipin. Napakamot na lang ang huli sa batok nito.


"O, ano pa ang hinihintay natin? Chibog na!" Lalapit na sana si Rex sa catering service nang hatakin ni Arnold ang kwelyo nito.


"Greet muna, pare," natatawa pa ito bago bitawan si Rex.


"It's okay, guys," ani Diego saka sila nito iginiya sa catering service. "Thank you kasi pinaunlakan niyo ang invitation ko. Kain lang kayo."


They started to get food at hindi malaman ng iba kung ano ang uunahin. Kaunti lang sila pero ang damin ng handa ni Diego. In-assist pa sila ng mga caterer sa pagkuha ng pagkain.


"Gosh, Diego! Bubusugin mo ba kami ngayong gabi?" Stephen joked around habang nag-i-slice ng cake. "Pwede rin bang mag-take home?"


"Hoy! Mahiya ka nga!" mahina ngunit mariing sita ni Shen sa kaibigan. Saka niya binalingan si Diego na nasa tabi niya at kumukuha rin ng pagkain. "Pasensya ka na talaga kay Stephen."


"No, Shen. Okay lang. Ang totoo niyan ay may inihanda rin akong containers. In case gusto niyong mag-take home."


"'Yon naman pala!" sabat pa ni Rex. "The best talaga 'tong si Diego. Alam niyo, guys? Galante na talaga 'yan since college."


"Mukhang nabaon pa nga niya hanggang ngayon," segunda pa ni Arnold.


"Schoolmates kayo noon?" tanong pa ni Stella.


"Blockmates kaming tatlo noong college," kwento pa ni Rex.


"And guys, trust me. Busog kayo riyan lagi kay Diego," ani Arnold na nauna nang umupo sa couch. Natawa na lang si Diego sa kwento ng kaibigan.


They all sat down at the couch at nagkabiruan pa sila sa iilang bagay.


"Rich kid naman pala itey," komento pa ni Stephen. "Sa next birthday mo ay mag-Tagaytay tayo."


"Oo nga naman," segunda pa ni Cassie. "Para naman hindi puro masasamang hangin ang nalalanghap natin."


"Bakit, day! Purga ka na ba?" natatawang tanong ni Stephen dito.


"Itong si Shen purgang-purga na nga, eh," nahinto siya sa pagsubo ng carbonara sa sinabing iyon ni Stella.


She just arched her brow. "Ba't naman ako nasali riyan?"


"Obviuosly mas malaki ang hinanakit mo sa masamang hangin na si Kristie," pabalang na sagot sa kaniya ni Stephen. Inirapan niya lamang ito.


"Oy, ang ganda ni Kristie. SKL," biglang singit ni Rex. "Kaso mukhang tinitira na ni Sir, eh." Napailing pa ito sa huling sinabi.


"So, truth nga," taas-kilay na sambit ni Cassie saka sumubo ng pansit. "No wonder siya lagi ang pinapaboran ni Sir."


Marahas na napabuntong hininga si Shen. Kahit ba naman dito ay abot ang kamandag ng Kristie na 'yon. Pangalan pa lang nito ay talagang kumukulo na ang dugo niya sa inis.


"O ayan na! Sasabog na si Madam Shen," natatawang sambit ni Stephen. "Change topic na tayo, mga day!"


Napairap na lang siya nang magtawanan ang mga kasalo sa sinabi ni Stephen. Nagngingitngit ang loob niyang sinubo ang isang hiwa ng embutido.


Nahinto siya sa pag-inom ng juice nang may isang platito ng cake ang tumambad sa harapan niya. Nag-angat siya ng tingin para lang makita ang nakangiting mukha ni Diego.


"A-Ano... chocolate cake. Baka g-gusto mo," kiming sambit pa nito.


"Yown! Pa-seminar naman, master," nagkatawanan pa sila sa sinabi ni Rex.


She smiled to him as she accepted the cake. "Thanks, Diego. Nag-abala ka pa."


"Naku! May bago na akong ship!" Stella squeled. Nahampas pa nito sa pagkakilig ang katabing si Arnold na napangiwi pa sa sakit.


Isang malalim na buntong hininga ang naibuga ni Diego bago bumalik sa kinauupuan nito at nagpatuloy sa pagkain. Patuloy pa sa panunukso sa kanila ang mga kasama ngunit hindi na iyon pinansin ni Shen. She didn't mind at all. Inisip na lang niya na baka ito ang way ni Diego ng pakikipagkaibigan.


"Wait. 'Di ba may bago tayong boss?" bigla ay tanong ni Arnold.


"Yep. Si Sir Ace," sagot ni Cassie. "At ang pogi niya. Swear!"


"Naku! Kumerengkeng ka na naman." Umirap pa si Stephen na ginantihan din ng babae.


"Pagpapantasyahan niyo pa. Eh, for sure naunahan na kayo niyan ni Kristie," labas sa ilong na sambit ni Stella.


Medyo agree do'n si Shen. Dahil kanina sa office ay iba na ang titig ni Kristie kay Sir Ace. Or siguro iyon lang ang tingin niya dahil lagi niyang nakikita ang babae na gano'n kay Sir Spade.


Diego's birthday celebration lasted for a couple of hours. Kung ano'ng mga kalokohan ang napag-usapan nila, especially the boys. After the get together ay nagdesisyon na rin silang umuwi ng maaga dahil may pasok pa kinabukasan. Sa sobrang dami ng handa ni Diego ay talagang nag-take home pa sila. Tuloy ay tig-iisa sila ng paper bag na may mga food container.


"Teka paano pala tayo uuwi?" tanong pa niya kay Stephen nang nasa labas na silang lahat ng hotel.


"Ako na'ng bahala. Ihahatid ko na kayo," ani Diego na nagsu-swipe sa cellphone nito.


"Sa QC pa ako, pare," singit naman ni Rex.


"Kung mag-MRT na lang kaya tayo?" suhestiyon pa niya na agad tinutulan ni Diego.


"I insist. Ihahatid ko na kayo. Wait, andito na ang sasakyan."


Huminto sa harapan nila ang gray Starex na sinakyan nila kanina. Bumaba mula ro'n ang isang staff ng hotel at ibinigay nito kay Diego ang susi ng sasakyan. Pinagbuksan pa sila ng staff ng pinto at agad niyang pinili ang pwesto na malapit sa bintana.


"Ano guys? Okay na kayo?" tanong pa ni Diego habang binubuhay nito ang makina ng sasakyan.


"Ayos na, master," sagot ni Rex na ikinatawa nila.


Pasado alas otso na nang baybayin nila ang kahabaan ng EDSA. Nag-usap pa sila kung sino ang unang ihahatid. Good thing lahat sila ay sa QC, maliban kay Shen na sa Taguig pa.


"So, si Shen ang unang bababa," ani Diego na abala sa pagmamaneho.


"'Wag ka nang malungkot, pare," pang-aasar pa ni Rex sa kaibigan. "Magkikita pa kayo ni Shen bukas. 'Di ba, Shen?" Binalingan pa siya nito at nagtaas-baba pa ito ng mga kilay.


"Kayo ha! Tigilan niyo kami ni Diego," natatawa niya pang saway sa mga ito. "Friends lang kami niyan."


"Sus. Diyan 'yan nagsisimula," komento pa ni Stella.


"Oo nga, day!" segunda pa ni Stephen. "Then 'pag kayo na, malay mo sa Macau na tayo dalhin niyan 'pag nag-birthday ulit."


"Pag-ibig ko sayo'y totoo..." kumanta pa si Arnold na sinabayan ng lahat.


Tanaw niya mula sa rearview mirror ang mariing pagpikit ni Diego. Mukhang naiinis na ito, pero natawa rin nang nasa chorus na ang kanta. Nakisabay rin si Shen sa kalokohan ng mga kasama kahit na tinutukso na sila ng mga ito.


Huminto ang sasakyan sa tapat ng apartment ni Shen. Agad na bumaba si Diego at pinagbuksan pa siya nito. Inalalayan na rin siya nitong makababa ng sasakyan.


"Thank you, Diego," nakangiti niyang sambit sa lalaki. "Salamat din pala sa pag-invite."


"You're welcome, Shen. Thank you rin sa pagpunta sa birthday ko."


"Hoy, Diego! Ano'ng petsa na?" sigaw ni Stephen mula sa bintana. "Lima pa kaming ihahatid mo!"


Mariing napapikit si Shen sa inasal ng kaibigan. Napakamot naman si Diego sa batok nito. "Pasensyahan niyo na talaga iyang si Stephen. Kulang lang talaga 'yan sa aruga."


"Ayos lang," Diego smiled at her. "We'll go ahead, Shen. Ingat ka."


"Kayo rin."


They waved at her as they bid their goodbye. Sinenyas pa ni Stephen ang cellphone nito na i-text siya. Malamang, iyong chocolates na galing sa admirer niya ang tinutukoy nito. Hinintay na muna niyang makalayo ang sasakyan bago niya buksan ang gate ng apartment. Hindi pa man siya nakakalapit sa main door ay tumunog ang doorbell na nasa gilid ng gate. Nagpalinga-linga siya sa paligid at kumunot ang kaniyang noo nang walang makitang tao na nasa kalsada.


Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago bumalik sa gate. Doon niya napansin ang isang malaking paper bag na may nakalitaw pang red roses.


Napatingin siya sa kaniyang wrist watch. Malapit nang mag-eight thirty. Mukhang nag-iba ng scedule ang admirer niyang ito. Or na-late lang ng hatid?


Agad niyang kinuha ang paper bag at nagmamadaling pumasok sa loob. Nilapag niya muna sa coffee table ang bag at naupo sa couch saka binulatlat ang laman ng paper bag. As usual, a box of chocolates and a fresh red roses. Papalitan na naman niya ang mga bulaklak sa kaniyang vase. Minsan ay iniisip din niya na mukhang hindi pipitsugin itong admirer niya. Gabi-gabi ba naman siya nitong pinapadalhan ng mga bulaklak at tsokolate. Eh, ang mahal ng bulaklak ngayon.


Hinanap pa niya kung may note na kasama ang mga padala nito. At hindi nga siya nagkamali. Dahil may isang blue sticky note na nakadikit mismo sa loob ng paper bag. Kinuha niya iyon at gayon na lamang ang lakas ng pagtahip ng kaniyang dibdib sa nabasa.




Seeing you up close feels so heaven to me. Have a good night sleep, Shen...


Love,

Third

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status