Share

VI

SHEN OPENED THE GLASS door of the coffee shop nearby at their office at agad na inilibot ang tingin sa buong paligid. Hindi gano'n karami ang tao kahit lunch break na. She couldn't see Stephen behind those wooden tables and chairs. The cozy breeze of air from the air conditioner came along through her thoughts. Ang sabi sa text ni Stephen ay dito raw sila magkikita. Eh, wala namang ibang coffee shop na malapit dito sa building.


"Shen!"


Napalingon siya sa bandang kaliwa para lang makita si Stephen na kumakaway sa kaniya. Naka-pwesto ito malapit sa glass wall. Agad niya itong nilapitan at naupo sa tapat nito.


"Ba't hindi kita nakita rito kanina?" agad niyang tanong sabay lapag ng paper bag na may lamang pagkain sa table.


"Nag-CR ako, eh. 'Yong note dala mo ba?"


"Teka." She fished out the sticky note from her pocket and handed it to Stephen.


"Magkaiba sila ng penman," sambit pa nito na nakatingin sa note.


"Penman? Patingin nga ng penman niya."


May inilabas itong isang yellow na sticky note mula sa bulsa nito at inilapag iyon sa table. "See? Magkaiba sila. Sumaglit kasi ako sa Accounting kanina. Nadaanan ko ang cubicle niya kaya pasimple akong kumuha ng isang note."


Pinag-compare pa ni Shen ang dalawang sticky note. Itallic double stroke ang kay Third. Samantalang naka-single stroke ang kay Diego. All uppercase.


"Pero malay natin baka nag-iiba siya ng penmanship everytime na magpapadala siya sa'yo ng note," dagdag pa ni Stephen.


Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ng kaibigan. "Puwede ba 'yon?"


"Theory lang naman 'yan," kibit-balikat na sambit nito. Napa-irap siya sa theory kuno nito. "Pero ang sweet niya, 'no? Gabi-gabi kang may flowers and chocolates."


Hindi niya pinansin ang sinabi ni Stephen at marahas na napasandal sa kaniyang kinauupuan. Gumugulo pa rin sa isipan niya ang kwento ni Raffy.


"Day, ano? Oks ka lang?" taas-kilay na tanong sa kaniya ni Stephen.


She heaved a sigh. "M-May na-kwento kasi sa'kin si Raffy."


"O? Ano naman 'yon? Wait." Nanhaba ang leeg nito na parang may tinatanaw sa likuran niya. Stephen smirked. "Well, speaking..."


Napalingon siya sa tinitingnan nito only to see Raffy na mukhang naghahanap ng mauupuan. Kinawayan pa ito ni Stephen nang mapatingin ito sa direksyon nila. Raffy waved back and immediately went to their table. Agad niyang ibinulsa ang mga hawak na sticky note bago pa man makalapit sa kanila si Raffy.


"Dito pala kayo nagla-lunch?" nakangiting tanong nito nang makalapit ito sa kanila.


"Hindi naman. Ngayon lang," ani Stephen. "By the way, join us."


"'Yon! Tamang-tama wala akong kasabay." Kinuha nito ang isang upuan sa katabing table saka ipinwesto iyon sa table nila. Pagkaupo ni Raffy ay agad nitong napansin ang paper bag. "Oy, Shen. Ito pa rin ba 'yong paper bag kanina?"


"O-Oo," aniya. "Kuha ka na lang ulit."


"Wow! Thank you!" Raffy exclaimed. "Naka-order na ba kayo?"


"Hindi pa," si Stephen ang sumagot. Ito na rin ang tumawag ng waiter.


"Sana may kanin sila rito. Puro ulam pa naman itong dala ni Shen," sambit pa ni Raffy habang nagbubutinting sa mga pagkaing dala niya.


Pagkarating ng waiter ay um-order sila ng tig-isang order ng pork chop at isang pitcher ng iced tea. 'Yong kanin lang naman talaga ang habol nila dahil na rin sa mga dala ni Shen. Pagka-alis ng waiter ay muling binalikan ni Raffy ang paper bag.


"Mukhang masarap pa naman itong chocolate mo, Shen," anito habang kinukuha sa loob ang kahon. "Kaso kinikilabutan talaga ako kapag naaalala ko kung saan 'to galing."


"Hoy akin 'yan!" Agad na hinablot ni Stephen mula rito ang box. "Tsaka ano'ng nakakakilabot? It's from her secret admirer. It's so sweet kaya."


Raffy just shrugged. "I don't know. Since no'ng nangyari sa Hotel Krista ay kinikilabutan na talaga ako sa mga secret admirer na 'yan." Binuksan nito ang isang lalagyan na may embutido at kumuha ro'n ng isa saka sinubo. "Mukhang ako pa ang na-trauma kaysa sa pamilya no'ng namatay."


Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Stephen sa kaniya. Alam niya ang gustong ipahiwatig nito. Marahan siyang tumango na hindi naman napansin ni Raffy na abala na sa pagkain.


"Hotel Krista? Bakit? Ano'ng nangyari?" patay malisyang tanong ni Stephen sa lalaki.


"Laman 'yan ng balita no'ng isang araw," panimula ni Raffy. "Na-kwento ko na 'to kay Shen kanina, eh. May pinatay na babae kasi sa hotel na 'yon. Eh, kapit-bahay namin 'yon. So, 'yong palaging nagpapadala ng mga bulaklak at chocolate do'n sa babae ang pinaghihinalaan ng mga pulis."


Stephen left his mouth opened. Tila nagulat sa kwento ni Raffy. Hindi pa rin maiwasang kilabutan ni Shen kahit na nalaman na niya ang bagay na iyon kanina.


"M-May suspek na ba sila?" muli pang tanong ni Stephen pero umiling lang si Raffy.


"Wala. Never pa kasi nilang nakita 'yong palaging nagpapadala ng mga 'yon do'n sa babae. And 'yong namatay? Siya lang ang nakakakilala sa kung sino man 'yon. Ang alam kasi nila ay iyon lang ang huling nakasama ng biktima."


Pinaglaro ni Shen ang mga daliri sa kaniyang kandungan para maibsan ang malakas na pagtahip ng dibdib. Ang dami nang naglalarong eksena sa isip niya. Malapit nang mag-isang buwan itong pagpapadala sa kaniya ni Third ng bulaklak at chocolates at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang itsura nito. Kahit nga cellphone number nito ay hindi niya alam.


"Grabe naman 'yan!" nahihintakutan pang sambit ni Stephen. "Parang ayaw ko na tuloy kainin itong chocolate."


"Kung ayaw mo eh 'di akin na lang," nakangisi pang sagot ni Raffy. "Sayang 'yan. Pero ang creepy pa rin."


Nahinto sila sa pag-uusap nang dumating na ang order nila. Inisang tungga ni Shen ang isang baso ng iced tea na ibinigay sa kaniya ni Raffy. Nilagyan ulit nito ng inumin ang baso niya.


"Matanong ko nga, matagal na ba kayo niyang secret admirer mo?" si Raffy na sinimulang buksan ang mga dala niyang pagkain.


"Mag-iisang buwan na this coming week," aniya at muling napainom sa kaniyang baso.


"Malapit na pala kayong mag-monthsary," natatawa pang sambit nito na ginatungan ni Stephen.


"Gosh, day! For sure bongga ang mga padala niyan sa monthsary niyo."


Umirap lang siya sa mga ito saka nagsimulang kumain. The food was great. Pero hindi iyon manguya ng maayos ni Shen dahil sa naiisip. Sobra na ang mga natatanggap niya mula kay Third pero hindi pa rin ito nagpapakita sa kaniya.


Pero iniisip din niya na paano kung dumating ang araw na hilingin nitong magkita na sila. Is she ready?


"Day, okay ka lang?" Napaigtad siya sa tanong na iyon ni Stephen.


She heaved a sigh. "A-Ayos lang ako. May iniisip lang."


"Dahil ba sa kwento ko?" nag-aalalang tanong ni Raffy. Napayuko siya at itinuon ang tingin sa platong hindi pa napapangalahati ang bawas. "Look, I know the feeling na flattered ka sa mga natatanggap mo galing diyan sa secret admirer mo. But, kailangan mo ring mag-ingat. Hindi natin alam kung ano'ng klase ng tao 'yang nagpapadala sa'yo . Baka mamaya ay drug lord 'yan."


"Hoy 'wag ka ngang ano! Tinatakot mo si Shen," saway pa ni Stephen sa lalaki. Binuksan na rin nito ang box ng chocolate at sinimulan iyong kainin.


"S-Salamat sa paalala, Raffy." Shen smiled to him.


Nagkibit balikat lang ito habang abala sa pagkain. "No sweat. Alam mo na, prevention is better than cure."


Marahas siyang napabuntong hininga at muling bumalik sa pagkain. Right! She need to be more cautious. Wala siyang alam ni kahit isang impormasyon sa pagkatao ni Third. Puro qoutes at greetings lang ang laman ng note nito.


Siguro makakampante lang siya kapag nagkita na sila nito. Kapag nalaman na niya kung sino nga ba talaga si Third.





HE sipped from his cup of caramel macchiato while staring at her from a distant. Ah! She's really something, he thought. Beauty, simplicity, brains...


He can't wait to be with her as soon as he got all the possibilities in the world.


He fished out his phone from his pocket and started swiping on it. He put it on his right ear and his smile was so something when the third ring stopped.


"Hello, I want the usual," he said to the other line. "But this time, make it two boxes of chocolates. I will send to you later the text that should be written on it."


"Is there anything, Sir?" the other line asked.


"Nothing else. Thank you!"


He ended the call and he put his phone on the table. And he can't take his eyes away to her face. He's really captivated by her presence.


"I can't wait to take you home with me," he whispered as he sipped from his cup.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status