Share

VII

"DAY, WHAT IF KUNG si Diego nga ay si Third?" tanong pa ni Stephen sa kaniya habang papasok sila sa building. Nauna na silang dalawa sa pagbalik dahil may kinausap pa si Raffy pagkalabas nila kanina ng coffee shop.

She heaved a sigh. "Alam mo, hindi ko naiisip ang ganiyang klase ng theory."

Diego seems nice. Gentleman din ito at iba sa mga lalaking kilala niya na galawgaw kung kumilos. Kaya hindi niya ma-imagine ang hinuha rito ng kaibigan.

"What if lang naman, day. Ano ang gagawin mo kung tama nga ako?"

"Hindi ko alam! Okay?" Mariin siyang napapikit at nahilot pa ang sentido. "As long as walang masamang nangyayari ay wala akong gagawin. Besides, wala namang mali sa mga padala niyang qoute at greetings. Wala rin akong natatanggap na death threats."

"May point ka," anito habang binabagtas nila ang direksyon papunta sa elevator.

They even waited for a few minutes until the elevator opens. Naunang pumasok si Shen at sumunod naman si Stephen. The door was about to close nang may pumigil na kamay ro'n. Tila ginapangan siya ng libo-libong boltahe ng kuryente nang mapagsino iyon.

"Ay, Sir Ace! Good afternoon po!" Stephen exclaimed bago umatras para bigyang daan ang pumigil sa pagsara ng pinto.

Isang tipid na tango ang iginanti nito sa kanila bago pumasok sa loob. Gayon na lang ang pagtahip ng dibdib niya nang dumako ang tingin nito sa kaniya.

"Saan kayo?" tanong pa nito. Nakatalikod ito sa kanila habang ang hintuturo ay naka-abang na sa panel board ng elevator.

"Second floor po, Sir," sagot ni Stephen. Nilingon pa siya ng kaibigan at nakangisi itong nagtaas-baba ng kilay. Hindi niya maiwasng umirap sa itsura nito.

The silence was so deafening. Muli na naman niyang napagmasdan ang malapad nitong likod. Nakapamulsa lamang ang lalaki habang nakatingin sa pulang digital number na nasa itaas.

Tumunog ang elevator at parang isang minuto lang ang naging biyahe nito paakyat sa second floor. Pagkabukas ng elevator ay agad siyang kinurot ni Stephen sa tagiliran. Napangiwi siya sa sakit.

"Mauna na po ako, Sir," pagpapaalam pa nito sa kanilang boss na sinuklian naman ng huli ng isang tipid na ngiti. Pinandilatan pa ni Shen ng mga mata si Stephen nang kindatan siya nito.

Muli silang napag-isa ng boss sa elevator. He pressed the number four button pagkasara ng pinto at pakiramdam ni Shen ay napakabagal ng pag-andar ng elevator. Ito na yata ang pinakamabagal na takbo nito sa itinagal niya sa Brooch.

Again, kaharap na naman niya ang pink swetshirt nito. Pambabae ang pink pero mukhang naging mas masculine ang kulay na iyon dahil sa ito ang suot ng Sir Ace nila. His both hand were still on the pockets of its denim loose pants. She glanced to the floor only to see his black converse shoes that firmly pressed on the metal surface.

"Did you read the memo?" biglang tanong nito na nagpakislot sa kaniya. Masyado siyang nawili sa kakatingin sa likod nito.

"S-Sinabi po sa'kin ni Stella kanina," aniya at lihim na napabuntong hininga.

"Good," anito. "Meeting will be held at the conference room."

Napatango siya kahit na hindi naman ito kaharap. Her brows furrowed sa sinabi nito. Sinabi na rin kasi iyon kanina sa kaniya ni Stella. Hindi pa naman siya ulyanin para makalimutan iyon.

Daig niya pa ang pumasa sa bar exam nang huminto ang elevator sa fourth floor. Hindi talaga siya kumportable kapag nasa malapit si Sir Ace. Nagbigay daan naman ang lalaki at palabas na sana siya nang magsalita ito.

"Hindi ka didiretso sa conference room?" seryosong tanong nito kaya tuloy ay napaharap siya rito. Nahigit niya ang sariling hininga nang lumanding ang tingin niya sa mga mata nito. His gemstone green eyes were protruding.

Nanatiling nakabukas ang elevator dahil sa pagkakahawak ni Sir Ace sa pinto nito. She cleared her throat. "N-Nasa department po kasi ang laptop ko."

"I'll go with you." Lumabas na rin ito ng elevator at nagpatiuna sa paglalakad.

Hindi agad nakahuma si Shen sa nangyari. Like, for real!? Gusto siyang samahan ni Sir Ace na kunin ang laptop niya!

"Shen," tawag nito sa kaniya at tila no'n lang bumalik ang diwa niya. "Let's go."

Muntikan na siyang mapasigaw nang biglang sumara ang elevator. Agad siyang lumabas at sumunod dito. Hindi niya maiwasang mailang sa ibang empleyado na nadadaanan nila. Nagtataka ang tingin ng mga ito kung bakit nakabuntot siya kay Sir Ace.

Feeling niya ay ang layo ng nilalakad nila. Parang napaka-bagal ng oras sa tuwing makakasabay niya si Sir Ace.

Hanggang sa makarating sila sa Marketing Department ay nanatili lang siyang nakasunod sa lalaki. Wala nang tao sa loob. Nahihinuha niyang nauna na ang mga kasamahan niya sa conference room. They stopped at her cubicle. She pressed her lips and took a glance on her desk. Pero dahil nga nasa harapan niya ito, hindi niya matanaw ng maayos ang kaniyang mesa dahil na rin sa malaking katawan nito.

"Shen, may boyfriend ka ba?" wala sa sariling tanong ni Sir Ace. Nanatili itong nakatalikod sa kaniya.

"A-Ano..." she stuttered. Hindi niya alam ang isasagot. Nakakagulat naman kasi ang tanong nito. Her boss is actually asking her about her boyfriend. "Bakit po, Sir?"

"You have a boquet of flowers and chocolates here," bale-walang sambit nito. "Anniversary niyo yata ngayon."

Hindi na siya nakatiis at agad na nilapitan ang desk. Her eyes widened nang tumambad sa kaniya ang pamilyar na isang bungkos ng mga pulang rosas na napaka-elegante ng pagkakabalot at dalawang box ng chocolate.

Iisang tao lang ang naiisip niyang gagawa nito. Si Third. Pero nakakapagtaka dahil nag-iba ito ng schedule ng pagpapadala sa kaniya ng mga bulaklak at chocolates.

Kunot noo niyang hinalungkat ang mga bulaklak kung may note itong kasama. Nang hindi niya makita ang hinahanap ay binalingan niya ang dalawang box. She only saw the note at the top of the other box pagkatanggal niya ng unang kahon. Her brows furrowed nang mabasa ang note.

Hope your receive these little gifts from me, Shen...

Walang pangalan na nakasulat. Hindi nasabi sa note kung kanino galing ang mga bulaklak na ito at chocolates. Buong akala niya ay galing na naman ito kay Third dahil ganito lagi ang natatanggap niya sa gabi. Mas pinakatutukan niya ang sulat-kamay ng note. Single stroke, all uppercase.

May naalala siya sa note na ito. Ngunit ayaw niyang isipin na galing nga rito ang sulat. At nasisiguro niyang hindi ito galing kay Third. Magkaiba kasi ng penmanship.

"You love red roses," patungkol ni Sir Ace sa mga bulaklak.

It's not a question, rather, a statement. She twitched her lips at atubiling napatingin sa boss. Mataman lang itong nakatitig sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy ay nakagawa siya ng isang pagkakamali.

"K-Kunin ko lang Sir 'yong laptop ko," pagpapaalam niya pa na tinanguan lang ng lalaki.

Pero bago kunin ang laptop ay inayos na muna niya ang pagkakalagay ng mga iyon sa mesa niya. Nang masiguro ang mga iyon ay saka niya binitbit ang kaniyang laptop.

"Okay na po ako, Sir," aniya sa lalaki. Muli pa siya nitong tinitigan at hindi niya maiwasang mailang sa uri ng tingin nito sa kaniya.

"Let's go. Late na tayo," anito at nagpatiuna sa paglabas ng department.

Agad naman siyang sumunod dito habang yakap-yakap ang nakatikom na laptop. Palaisipan pa rin kay Shen kung sino na naman itong nagpadala sa kaniya ng mga bagay na 'yon. Hindi pa nga niya alam ang identity ni Third ay may bago na naman siyang secret admirer.

"Hindi man lang sumagi sa isip ko na nag-i-entertain ka pala ng mga manliligaw."

Napasinghap siya sa tinuran ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit nagsasalita ng ganito ang kanilang boss ng tungkol sa personal na buhay niya. He sounds like a jealous boyfriend, she thought.

Mas binagalan nito ang paglalakad na mukhang hindi naman nagmamadali. Walang magawa si Shen kung 'di ang bagalan din ang paglalakad. Nakakahiya kung mauuna siya rito gayong iisang lugar lang naman ang pupuntahan nila.

At iyon na naman ang pakiramdam na tila napaka-bagal ng oras. Marahil ay dahil sa bagal ng paglalakad ni Sir Ace.

"H-Hindi naman ho s-sa gano'n, Sir," kandautal si Shen sa pagsagot habang nakayukong nakasunod dito.

Natigil lamang siya sa paglalakad nang bumangga siya sa likuran nito. Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayang narating na pala nila ang elevator.

Kunot noo itong lumingon sa kaniya. "What do you mean?"

"A-Ano kasi... hindi ko kilala 'yong nagpadala," kimi niyang sambit na siya namang pagbukas ng elevator.

"You mean wala kang boyfriend?"

Napailing siya. "Wala po."

Sir Ace just smiled. At hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya sa simpleng pagngiti nito.

"After you." He gestured his hand inside the elevator. Agad namang pumasok si Shen sa loob.

And her heart kept on throbbing for whatever reason she didn't know.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status