Share

VIII

AGAD NA NAGTAYUAN MULA sa kanilang kinauupuan ang mga nasa loob ng conference room pagkapasok nila ni Sir Ace. They all greeted ngunit nahinto iyon nang makita siya ng mga ito sa likuran ng lalaki.


"Sorry if we're late," ani Sir Ace habang naupo sa pinakadulong bahagi ng table. Sinundan pa siya nito ng tingin habang paupo siya sa tabi ni Cassie.


"Hoy ineng, nag-date kayo ni Sir, 'no?" bulong pa nito at mapanuri siyang tinitigan.


Sumenyas lang siya rito na tumahimik na at itinuon ang tingin sa harapan. Muli pang nagtama ang mga paningin nila si Sir Ace at hindi niya maiwasang kabahan nang ngitian siya nito.


"Nag-start na ba kayo?" tanong pa ni Sir Ace kay Kristie na halos hindi na mapinta ang mukha. Padarag pa nitong binuksan ang laptop.


"Not yet, Sir," labas sa ilong na sambit nito. Hindi nakaligtas kay Shen ang mapang-akusa nitong mga titig. "Stella, minutes, please."


"Y-Yes, miss," kandautal pa si Stella habang kinukuha ang journal nito. Mukhang nabigla sa kakaibang mood ni Kristie.


Ano na naman ba ang problema ng isang 'to?


"Okay!" Sir Ace exclaimed. "Let's start. Ano ba ang uunahin?"


"The marketing strategy, Sir," si Kristie sabay baling nito sa kaniya. Nginitian pa siya nito. Isang peke na ngiti.


"Sino ang naka-assign sa part na 'yan?" Sir Ace asked again saka inilibot ang tingin sa mga nasa table. Animo'y naumid ang dila ng mga kasama niya dahil nakatungo lamang ang mga ito sa kani-kaniyang mga laptop.


"A-Ako po, Sir." She raised her hand timidly at iyon na naman ang kakaibang pakiramdam nang titigan siya ni Sir Ace. His green gemstone eyes are really something, she thought.


"Miss Tiu," halos pabulong na sambit nito. "I only need the insights. Not the whole content." He even gestured his fingers to the air. "You may start now."


"Y-Yes po, Sir."


She already opened the laptop earlier habang papunta sila rito sa conference room kaya naman pagbuklad niya nito ay agad niyang hinanap ang folder ng presentation sa window. Insights lang naman ang hinihingi ng boss nila, but she need to impress him. She thought na kapag na-impress ito ay baka ma-promote na siya.


And she's hoping for that to happen.


She faced the laptop to everyone at ipinakita niya sa mga ito ang isang slide na may video content by using her smartphone. May ikinabit siyang chord sa laptop na saglit pa niyang hiniram kay Cassie to connect on her phone so that the turning of slides will become efficient.


"St. Thomas Academy, a prominent school in Metro, will held a music festival for this month. And it will be between twenty-third and twenty-fifth. So, instead of making billboards as what Ms. Bagares said on her written marketing strategy, what if we sponsored their music festival and give them our newly energy drinks for free?"


"Wait!" Kristie cutted her off. "Maglalabas tayo ng pera para sa music festival nila? Tapos magbibigay pa ng free drinks? Are you thinking, Shen? I already gave you the sample! Bakit hindi iyon ang sundin mo?"


Natahimik ang lahat sa biglang pagtaas ng boses ni Kristie. Tuloy ay hindi na alam ni Shen kung magpapatuloy pa siya sa ginagawa. Napayuko na lang siya at napamura sa kaniyang isip. Kung pwede lang magkalamat ang phone niya sa higpit ng hawak niya rito ay baka nangyari na iyon. Harap-harapan siyang pinapahiya ni Kristie sa mga ka-trabaho, pati na rin sa kanilang boss.


Bwisit talaga ang babaeng ito! Ba't ba kasi hindi na lang siya ang nag-present nito? Ugh!


She bit her lower lip. She accidentally turned her gaze to Sir Ace at hindi niya inaasahan ang reaksyon nito. Nakangisi lang ito habang nakatingin sa kaniya. Gusto niyang isipin na nagustuhan nito ang idea niya. But the way he smirked, mukhang natatawa lang ito sa sinabi niya.


Mukhang mapupurnada pa ang promotion niya...


"Go on, Shen." Sir Ace gestured his hand for her to proceed.


Nginitian pa siya ng lalaki, which gave her goosebumps. She swiped her phone at nalipat ang slide sa VMGO ng Brooch. Halos hindi na mapinta ang mukha ni Kristie at padaskol itong napasandig sa kinauupuan.


"Our company's goal is to cater our markets to what service they preferred. But on this case, bago ang product natin. Tubig na energy drink. At marami na rin ang naglipana na energy drinks sa bansa. International companies are our greatest competitors because they already established brands to different markets."


"So..." Sir Ace trailed off as he played his long fingers on his chin. Mas pinili niyang ituon ang atensyon sa cellphone dahil naiilang talaga siya sa mga titig nito. "What do you want to happen, Ms. Tiu?"


She heaved a sigh as she continued speaking. "Gaya nga po ng sinabi ko kanina, why don't we sponsored St. Thomas' music festival. They already clarified na hindi sila magpapapasok ng minors so it's our great chance to grab those large markets."


Tila gumaan ang pakiramdam ni Shen nang magtanguan ang mga kasama, maliban kay Kristie na kulang na lang ay ibalibag ang table sa sobrang pagkainis.


"Middle men lang ang target natin, Shen," naiiritang sambit ni Kristie. If Shen can do roll eyes ay ginawa na niya. "Can we just focus on a certain subject? Bago pa lang ang product natin."


"That's the point, Ms. Kristie," diretsahang sagot niya sa kanilang head na nakapagpasinghap sa mga kasama niya. "Bago ang product, that's why we need a large market para ma-hit natin ang target sales in a month. We already launched the product the other day. And according to our FEO, two percent lang ang itinaas ng sales natin sa nagdaan na tatlong araw."


"Patikim lang iyon, Shen. That's why we're having this project to see if middle men can be our best demographics." Animo'y nasa recitation si Kristie na gustong pumasa. Gustong matawa ni Shen pero pinigilan niya ang sarili.


"We don't need to do trial and error here, Ms. Kristie," nagtitimpi niyang sambit sa babae.


Kristie unbelievably looked at her. Lihim siyang napaismid sa itsura nito. Kung pwede lang sabunutan niya ito sa sobrang kabobohan ay ginawa na niya. Halatang nakaw ang idea dahil ito mismo ay hindi mapanindigan ang nasa folder.


Muli pa siyang bumuntong hinanga bago magpatuloy sa pagsasalita, "Kung ano ang nakikita natin na best way to do this project ay iyon dapat ang gawin natin. If we just make billboards and advertisements for the whole month ay hindi natin mababawi ang expenses na nailaan sa energy drink. We need to make a brand not just by posting the details to social media. Dapat ma-experience din ito ng mga tao by first hand. And after that, people will gonna do the talk about our product. Huwag sana tayong umasa na porket established na ang kumpanya sa market ay makakampante na tayo. We also need to exert efforts."


"That's brand marketing," ani Sir Ace na mukhang napapaisip pa. "Impressive, Ms. Tiu."


"Thank you, Sir," she confidently said, pero nabawi rin ang lakas ng loob niya nang ngumiti na naman ito.


May gayuma ba ang mga ngiti ni Sir? Iba talaga pakiramdam ko, eh...


Bumaling si Sir Ace kay Kristie na wala nang ginawa kung 'di ang bumuntong hininga. "So, what do you think?"


Kristie just shrugged. "If it's okay with you, Sir, then we'll go with it."


"Good!" Sir Ace snapped. "Please take note what Ms. Tiu said."


"Noted, Sir," ani Stella na abala sa journal nito. 


"By the way," Sir Ace leaned forward on the table. "What about the costing for music festival?"


"A-Ano..." she stuttered. "Since si Raffy ang naka-assign sa marketing campaign, we're currently communicating na with the organizers of that event."


"Good. Okay, proceed to next."


Doon lang nakahinga ng maluwag si Shen. She thought na sasabunin pa siya ni Sir Ace dahil against si Kristie. It's her idea, after all, na kinupit lang ng magaling nilang head. Kaya nasisiguro niya na kahit ano'ng itanong ng kaniyang boss ay masasagot niya.


Say hello to your promotion, Shen. She smiled on that thought.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status