Share

CHAPTER 8

Don't Mess With The Billionaire

Chapter 8

“ALAMO’S already asleep. As usual, nangalay na naman ang kamay ko kakahagod sa likod niya.”

Kausap ngayon ni April sa cellphone ang matalik niyang kaibigan na si Garett. Naligo kasi si Wolf kaya pumuslit siya papunta sa private chamber ng bahay na iyon. Nakaimbak sa silid na iyon ang lahat ng gamit ng asawa niyang si Gino. Lahat ng collection nitong mga handgun ay naka-display sa naturang kuwarto na iyon. Bukod sa mga alaala ni Gino ay naging tahanan na rin iyon ng fetus ng baby nila. Doon sa mismong silid na iyon ginawan ng burying spot ang nalaglag nilang anghel.

Napahawak si April sa kanyang puson. Napangiti. Kaya siguro lumaking mapagmahal at masayahin ang triplets dahil ang baby niya ang guardian angel ng mga ito. And also Gino. Mahilig sa mga bata ang yumao niyang asawa kaya sigurado siyang masayang-masaya itong makita siyang kapiling sina Alamo, Aragon at Alabama. 

Kung buhay ka lang sana, Gino. Mas masaya sana ako. 

She slowly dismissed her thoughts when Garett spoke again.

“Si Aragon naman panay ang pangungulit na sunduin ka namin diyan.”

“K—kung ganoon, gising pa si Aragon?”

“Dinalaw na rin ng antok. Buti nahanap ko sa drawer mo ang pirasong kulambo niya sa paa kaya hindi ako masyadong nahirapan dito sa isa. Napilitan pa akong pahiramin ng phone saglit kahit alam kong babatukan mo ako. Pero iyon nakatulog na rin naman. Si Aba heto, humihilik na. Halos sumuko na ako kakataboy ng butiki sa kisame dahil tili nang tili kapag nakakakita.” Sumasalang sa boses ni Garett na patang-pata ito sa pagpapatulog sa mga anak niya.

“Lumalaking ubod ng pasaway iyang mga anak ko. Hindi na ako hihingi ng paumanhin. Alam ko namang masokista ka at nag-i-enjoy kang inaalila ng pasaway mong mga inaanak.” She laughed inwardly.

“Tama ka naman doon. Sila lang naman ang rason kung bakit nagtatagal ang bakasyon ko kapag bumababa ako ng barko,” anito. Seaman kasi si Garett kaso hanggang interisland lang ang kontratang tinatanggap nito. Ayaw kasi nitong lumabas ng bansa. Anito ay sapat naman daw ang kinikita nito lalo pa’t wala pa naman daw itong asawa.

Sa edad nitong treinta y uno ay mukhang wala pa rin itong plano na lumagay sa tahimik. Ni hindi nito nababanggit na may dini-date ito.

“Mukhang mas lalong naging bibo itong tatlong ito. Hyper masyado. Kaya pala nitong umuwi ako ay nangangayayat ka.”

Palaging ganoon naman ang eksena kapag nasa higaan na silang mag-iina. Siguro nga sa iba ay exhausting ang ganoon pero pagdating kay April ay sisiw na iyon. Apisyon na niya ang pahirapan na pagpapatulog sa mga anak niya. 

Kapag lumabas na ang resulta sa gagawing paternity test, paano na lamang ang mga dadaang araw at gabi sa buhay ni April? Sigurado naman siyang isasama ni Wolf sa Maynila ang triplets kung sakaling ito nga ang Ama ng mga anak niya. Wala naman siyang karapatang hahabulin sa mga bata. They're not related to her by blood.

“Rose, are you safe in there? Kung bakit kasi hindi mo na lang dinala ang kotse ko nang sa gano’n ay makauwi ka pagkatapos mong makausap ang lalaking iyan.” Garret voice suddenly gave a hang.

“Huwag na. Makakaabala pa ako. Okay ako rito. Wolf Atlas is somehow treating me good here.” She rest assured.

Okay? Halos magalaw ka na ng lalaking hindi mo gaanong kilala tapos okay ka pa rin? Ha, April? Kastigo sa kanya ng kanyang Maria Clara–ng side. 

“You sure? You're okay with that kind of man near you? M–may naikuwento ba siya tungkol sa nakaraan?” 

“N–nakaraan, Garett?” Suspicious niyang saad.

At tungkol sa naturang lalaki... Normal pa ba ang reaksyon niya na sa tuwing dadampi ang balat nito sa balat niya ay tila pumapalo sa forty degree celcius ang temperatura ng katawan niya? Normal bang nakakaligtaan niyang huminga ng matiwasay kapag naka-lock ang mga mata niya sa mga mata ni Wolf? Pati ang kilabot na pakiramdam na panaka-naka niyang nararamdaman kapag binobola siya nito, normal rin ba?

Hindi niya ma-recall nang maigi kung ganoon na ganoon din ba ang nararamdaman niya noong nagsisimula palamang umusbong ang pag-iibigan nila ni Gino. 

Palagay niya ay nasisiraan na siya ng bait. Paano ba naman niya naikukumpara ang lustful na sitwasyon nila ni Wolf kanina sa relasyon nila noon ng kanyang asawa? She's definitely out of her mind.

April's heart raced when she heard scratches on the floor from outside. Si Wolf iyon. 

“W–wala. Wala, April. Kalimutan mo na. Mag-iingat ka.”

“Okay. Garett, ibababa ko na. Uuwi ako mamayang madaling araw. I promise.”

May pagmamadali niyang tinakbo ang revolving book shelf na nagsisilbing portal papasok ng private chamber na iyon. Konektado iyon ng library.

Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas siya roon nang hindi napapansin ni Wolf. That room must be kept hidden. Sana hindi iyon galawin ni Wolf kung sakali mang magbalak itong i-renovate ang interior ng bahay na iyon. Pero imposible naman yata iyon dahil si Wolf Atlas na ang proud owner ng bahay na ‘yon.

Walang ingay na sinundan ni April ang nababalisang pigura ni Wolf. Marahil ay inaakala nitong tumakas na naman siya ‘tulad ng kanyang ginawa noong nakaraang nagtangka itong isukol siya’t litisin. Well, parang ayaw na niyang ulitin ang ganoon. Kung si Wolf Atlas naman ang susukol sa kanya, lucky of her.

She immediately held her light steps when Wolf stopped. Huminto ito sa panrihayesa bago ang hagdanan. From his spot, batid ni April na nakatanaw ito sa isang framed picture na naka-display sa entertainment hall ng bahay. Sa medyo uppermost part ng wall. Hindi gaanong nakaka-attract ng atensyon ang bahaging iyon kung nasaan ang 9” × 7” na larawan na nakalagay pa sa isang vintage retro Italian style gold frame. It was Gino’s present for her in their first wedding anniversary.

Siya ang beinte anyos na dalagang naroon sa candid shot, masiglang naglalako ng kung anu-anong kakanin na pinagtutulungan nilang gawin noon ng kanyang Nanay. Bukod sa labada na tinatanggap ng kanyang Nanay noon, ay iyon na rin ang source of income nila pero ang owned recipe ng Nanay Alberta niya na coconut jam ang talagang ika nga’y best seller nila na ginawan nga niya ng outlet noong siya’y nakapag-ipon. Kolehiyala man ay taas-noong naglalako si April upang kahit papaano ay makatulong sa kanyang Ina. Kahit araw-araw niyang nakakasalubong sa daan ang mga kaklaseng nagtataas-kilay sa hanapbuhay niya ay hindi siya nagpaapekto sa mga ito. At least marangal ang kanilang hanapbuhay. At kahit kailan ay hindi niya ikakahiya iyon.

“Malamang ay kinukutya mo ang mukha ko sa picture na ‘yan.” Meaningless na paratang ni April Rose nang hustong makalapit siya sa kinaroroonan ni Wolf. 

Noon lang niya napansin ang primness sa mukha ni Wolf. Mukhang nahihirapan itong ialis ang atensyon sa larawan niyang iyon. Problema nito?

“How did you get that?”

“Ha? Ang larawan ba?” 

“Yes. How?” Tila may kapiling na masamang hangin ang pipis na boses ni Wolf. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos nito. Animo’y pinaparatangan siya nito sa isang krimen o ano.

“Wedding anniversary gift sa akin iyan ng asawa ko. Isn't he sweet? Wala siyang hilig sa photography but he captured me there perfectly. Gano’n talaga kapag in love na in love ang isang tao. If you truly love someone,  you have no time capturing unnecessary images of him or her even in the most unnecessary time and place.” She dreamingly explained. 

Ano naman ang ipinaglalaban niya? As if naman may pakialam ang isang Wolf Atlas sa romantic experience niya sa piling ng kanyang asawang si Gino.

“How sure are you that he was the one who took that shot?”

“What do you mean?” She sucked in her breath when Wolf turned his head into her side and offered her his signature intimidating, wolfish grin.

“Twenty fourth day of July, year 2015, alas kuatro ng hapon when I decided to stopped by no’ng napansin kong naliligaw ako habang papunta sa rancho de Ricaforte. Heavy rain is approaching then I spotted that nipa hut kung saan nakasilong ang isang magandang babae. Maganda pero nakasimangot. Mangiyak-ngiyak. Iyon pala matumal ang benta n’ya ng nilalako niyang pagkain which I don't exactly remember what food was that. At dahil isa akong guwapong sugo ng Diyos kaya nagpangudngod ako ng pera sa mga fazendeiro sa karatig hacienda para bilhin ang paninda mo. And there, I've perfectly captured the most priceless subject— you with your innocent and relieved smile. Iyong ma-emosyong  klase ng ngiti na grateful. Your eyes smiled gratefully. As if you were telling the world na, thanks, God. May  panglaman ng t’yan na naman kami sa hapunan. Blessed smile. You have it, babe.”

Literal na napamaang si April Rose. Maingay na napasinghap dahil sa narinig. Would she believe him? Tama na ang kutob niya na kilala na siya nito dati pa? No freaking way! Hindi siya maniniwala sa kuwento nito. Kuwentong barbero lang ang pinagsasabi nito panigurado.

And Gino took that picture. Gino owns it. Nanliligaw na si Gino sa kanya ng mga panahong iyon. Madalas ay nakabuntot ito kahit saan man siya magpunta kaya naniniwala siya na kuha iyon ng yumao niyang asawa habang naglalako siya noon ng kanyang panindang pagkain. 

And a memory attacked her brain. Hindi siya naliwanagan sa sagot parati ni Gino kapag tinanong niya ito kung kailan eksakto nitong kinunan ang larawan na iyon. Hindi rin naman niya ginawang issue ang bagay na iyon at pinalipas na lamang.

“Now I do remember that you were that girl, April Rose— that linda mulher with a beautiful and innocent smile. I know it's you. Capturing a gorgeous subject like you made me proud of myself. Halos mailampaso ko na nga si René Burri dahil lang sa shot mong iyan.”

(Linda mulher is beautiful woman in Portuguese. Source: Google)

“Yabang! I don't believe you!” She walked out. Dahil sa sinabi ni Wolf ay nagkaroon siya ng doubt at tampo sa yumaong asawa kahit pa’y wala namang matibay na ebidensya si Wolf Atlas kung gaano ba katotoo ang pinagsasabi nito.

So paano pala kapag may katotohanan nga ang sinabi ni Wolf? Paano nga kaya kung totoo ngang minsan siyang naloko ni Gino? Atsaka paano napunta kay Gino ang larawan na iyon kung pagmamay-ari nga ito ni Wolf Atlas?

Well, hindi naman imposible iyon. Nagawa nga nitong mangaliwa noon.

What's with the harsh thought against your dead husband, April? Nawawalan ka na ng respeto sa asawa mo. Sita ng kanyang utak.

“Aren’t you thankful of me? Your late husband impressed you with that shot of mine.” Maagap na binuntunan siya ni Wolf pababa ng hagdan. 

It's about time to rest. Kailangan na niyang ipahinga ang kanyang katawan. Lalo na ang kanyang isipan na pinunterya ni Wolf ng isang nakakagulong bagay. She felt like she had an instant headache.

“Let me rest, Wolf Atlas. Leave me alone!” Halos pasinghal niyang sabi. Wala yata itong balak na tantanan siya. 

“You should be thankful. Siguro dahil do’n sa larawan kaya ka lalong nahulog sa asawa mo—”

“Utang na loob! Will you please shut up?! Shut up, okay? Kung inaakala mong dahil lang do’n sa walang kuwentang larawan na iyon kaya minahal ko ang asawa ko, puwes you fucking got it wrong. For you to know, Mr. Atlas, hindi ganoon kababaw ang pagmamahal ko sa asawa ko. Bago pa dumating ang pinagmamalaki mong candid photo ay inalay ko na ang buong puso’t pagkatao ko sa asawa ko. Meron man no’n o wala, walang magbabago sa pagtingin ko kay Gino because he's my husband. Akala mo siguro ay may katumbas na bagay sa mundo ang tunay na pagmamahal ng isang tao, puwes maling-mali ka ro’n. Palibhasa babaero ka! Palibhasa wala kang alam sa pag-ibig. Wala kang alam sa buhay. You know nothing but to captivate every woman that you like and pull them on your lap and just shove your fucking dirty finger inside their vagina. ‘Yon lang ang  alam mo kasi gago ka. And you know what, kahit pa ikaw ang biological father ng triplets, I'm so doubtful that you will be a responsible father to them. Your kind doesn't deserve to be a father.”

Natauhan lang si April mula sa matatalim na katagang pinakawalan niya nang walang imik na tumalikod si Wolf at bumalik sa itaas. Pagbaba nito’y may bitbit na itong denim jacket. He looks so untouchable. His silence was... dangerous. Hindi ito tumingin sa kanya nang iabot nito ang jacket sa kanya. Iyong pakiramdam na isang maling galaw pa niya ay tiyak bubulagta na siya.

Tons of guilt swirled through her heart. Sumobra naman yata siya kanina. 

“I will take you home. You need to get away, away from me bago pa mandilim ang paningin ko.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status