Share

CHAPTER 9

Don't Mess With The Billionaire

Chapter 9

"ALL OF THE business stores here in Pacifica's Square are not rentable already. And I'm also informing you that you can't find any available store's around the globe or even sa Mars pa, kaya huwag mo nang subukang maghanap ng ibang area for your kakarampot na business kasi magsasayang ka lang ng lakas at pawis." Pagtataray kay April Rose ng isang matangkad na babae na nagpakilalang Pacifica Azuaje. She's damn gorgeous to the point of being mistaken for ramp model or a beauty queen.

Ito ang humarang sa kanya sa Pacifica’s Square. At mula sa transparent wall ay namataan niyang may isang matangkad at mestizong lalaki sa loob ng rerentahan niyang space. Kasama ito ng babae. Semi–geek ang porma at aura ng lalaki pero malakas ang kutob niyang may sa-halimaw na kaguwapuhang ikinukubli ang badoy na estilo nito.

Bumalik sa babae ang atensyon niya.

Madali niyang naipalagay na purong dugong banyaga ang nananalaytay sa ugat ng babaeng ito. Hindi lang niya sigurado kung ano at nang maisumpa niya dahil sa masamang enerhiyang ibinubuga ng bibig nito. April hates this woman for lacking courtesy.

Hula ni April ay sa pangalan ng babae nanggaling o hango ang Pacifica's Square, pati na rin siguro ang ilang pag-aaring beach resort at pensionne houses ni Wolf Atlas sa iba’t ibang parte ng bansa na ang pangalan ay Coração do Pacifica. Ilang impormasyon iyon na nabasa niya mula sa isang article tungkol kay Wolf Atlas.

Hindi niya ini-stalk si Wolf Atlas, alright. Malaking hindi! Sadyang malakas lang ang tama ng curiosity sa utak niya mula nang makilala niya ito. She will never be one of his multifold number of stalker for freak’s sake. Curious lang siya kaya minsan– yes, minsan lang naman kapag bored siya ay napapa-google siya at napapabili ng latest issue magazine kapag featured si Wolf Atlas kaya alam niya ang mga iyon.

She didn't have an interest about his personal life. All of it is just a pure curiosity. Period!

“Pero, Ma'am akala ko plantsado na ang kontrata ko rito? Everything is already settled, that's what I thought.” Sa kabila ng kakarampot na asar niya sa mataray na babae, ay hindi pa rin nalulusaw ang respeto at galang niya sa kanyang kapwa–maganda. Kaya tao pa rin siyang nakikipag-usap sa babae. 

Bakit kasi pabago-bago ng desisyun ang Wolf Atlas na iyon? Dahil ba sa nangyari?

Ano’ng nangyari sa fifth rules to success na ipinagyayabang ng mukong na iyon sa exclusive interview nito na Keep Your Promises? So, ano pala iyon? Gawa-gawa lang niya para sabihin ng mga taong nagbubulag-bulagan sa out of the world sex appeal ng damuho na iyon. Na hindi nito kayang baliin ang mga pinapakawalang pangako, ganoon? Neknek niya ‘kamo!

Ang linaw pa sa alaala niya na sinabi nito na makukuha niya ang business store na nais niyang rentahan basta mag-usap lang sila ng maayos. Tapos ganito?

Ganito?

Dapat lang naman iyan dahil sa pagiging taklesa mo, April Rose. Bakit kasi nilapastangan mo ang pagkatao ni Wolf sa mismong harapan niya? Gagita ka rin e! Batikus kay April ng sariling utak.

Medyo napasimangot ang babae. “E sa nagbago na ang isip niya. Ba’t ba? Whatever he wants, whatever he demands, iyon mismo ang masusunod. Wolf Atlas na kasi ‘yon, ghorl, kaya what would we expect sa isang taong tumitibok lang ang puso kapag lumalago ang net worth? Marahil ay wala.” Her profound accent, hindi siya puwedeng magkamali. Katunog na katunog ng accent ni Wolf.

So, kaanu-ano nga ba ni Wolf Atlas itong babaeng ito? Malabong kapatid kasi ayon ulit sa nabasa niya sa isang headline sa tabloid, noong bored nga siya ulit ay may dalawang kapatid lang si Wolf Atlas. Iyong isa ay si Wilde Atlas na isang doktor na imbes na magsalba ng buhay ay nagiging cause of heart failure pa ng mga maalembong na kababaehan. At ang bunso naman ay isang condom collector kuno–si Waris Atlas. Hindi lang siya sure doon kung nagbibiro lang ang editorial team ng tabloid na iyon sa bagay na iyon. Mema lang din siguro. Mema–topic lang!

Bumagsak ang balikat ni April. Kasabay ng pagbagsak ng natitira niyang pag-asa sa pagtatayo ng maliit na negosyo. 

Nagulat pa si April nang sitsitan siya ng babae bago pa siya makalayo at bumalik sa sasakyan ni Garett na hiniram niya. Nagmura ang babae gamit ang parehong lenggwahe na palaging tinatangkilik ni Wolf.

“It is truly difficult to act like a villain kung natural ka namang ipinaglihi kay Birheng Mariya.” Malakas na bulong nito na nagpalukot sa kanyang noo.

“Sige na! I'm telling you na! Inutusan lang naman ako ni Wolf na pumunta rito at sungitan ka at ipamukha saiyo na siya lang ang natitirang baraha sa mundo para mamuhay kayo ng matiwasay. Everything is just a stupid act, okay. Atsaka hindi ko masisikmura ang makaapak ng kapwa. Mabait ako.”

“Naniniwala ako kahit wala sa mukha mo!” It supposed to be a whisper to herself pero mukhang may super power ang babaeng ito at nagawa pang sagipin ang sinabi niya. Pero ang ikinagulat ni April ay nang bigla itong bumunghalit sa pagtawa imbes na mainsulto. Lumabas tuloy ang lalaking may kasing-kapal ng magnifying glass na salamin nang wala sa oras.

“What the heck is happening with you, Pacifica? Are you possessed? Malalagutan ka na ba ng hininga? Magtatagal ka pa ba?” Hindi pag-aalala kundi pagkayamot ang bumalatay sa natural na pinkish na balat sa mukha ng lalaki.

Noon kinalma ni Pacifica ang sarili. Para itong de kalidad na stage actress sa bilis magbago ng emosyon. Walastik! 

“Such a thoughtful groom I have here!  Impressive but I am okay, my darling Zeb. Natawa lang ako sa babaeng ito kasi ang toxic din ng bunganga. Ang saya! Parang ikaw lang din, babe, tagus mang-insulto. Kaya feeling ko, makakasundo ko siya.” 

Napamaang si April. Tama siya. Wala nga sa katinuan ang babae. Psychopath ba itong babaeng ito? O nakatira ng ipinagbabawal na gamot?

Ikinunyapit ni Pacifica ang braso paikot sa leeg ng lalaki pero naaalibadbaran nitong kinalas iyon at sinamaan ng tingin ang loka-lokang babae.

“I told you to refrain yourself from doing some horrible gestures like this, Cifi! Do not touch me again!”

Hala! Ano’ng drama sa telebisyon kasali ang dalawang ito? Bakit parang may nilulutong love quarrel ang tadhana para sa dalawa? Hmmm.

“Zebastien Biamonte Atlas, hindi horrible gestures ang tawag dito. Lambing! Lambing ang tawag dito. Hampasin ko kaya iyang bunganga mo gamit ang labi ko! Palibhasa hopeless case ka at wala kang alam sa bagay na ito. Turukan kita ng lethal injection sa bayag e! Makikita mo.”

Hindi nakitaan ng takot o ni katiting na pagkaalarma ang lalaki sa seryosong death threat dito ni Pacifica. Umikot lang ang eyeballs nito. Nang-uuyam.

Normal la ba ang pag-uusap na ganito sa dalawang ‘to? Pambihira.

“Basta! Huwag mo na ulit akong hahawakan. Ayokong hinahawakan ako ng kampon ni Dracula. At utang na loob lang, doktor ng mga baliw, puwede bang pakibalik mo na ako sa pamilya ko. Balak mo bang patayin sa pag-aalala ang mga magulang ko?”

Ano ‘kamo? Bumilis ang pagpapalipat-lipat ng naguguluhang mga mata ni April sa dalawang nagtatalo.

Ano ito? May kidnapping bang nagaganap?

“You should deal with me first. Itimbre mo muna sa mga magulang mo na ayusin ang wedding natin and then, boom! Ibabalik na kita ahora mismo at may free ka pang asawa. Ayaw mo kasi akong buntisin kaya kasal na lang muna. Puwede na rin! If you can't make me a mother to your children, make me your wife na lang.”

“Siraulo!” Singhal ng lalaki at nagmartsa pabalik sa pinanggalingan nito.

Humalakhak si Pacifica. “Baliw lang sa’yo, gago! Humanda ka lang. Mamanyakin kita mamaya.”

“Kinidnap mo siya?” Huli na nang ma-realize ni April na naisatinig na niya ang tanong na sumisipa sa utak niya. 

“Kidnap? That's not the real thing here. Pipikutin ko lang iyang lalaking iyan at hindi ko sinasadya na kidnapin siya. Kasi ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang taong bastos. Mahal ko siya kaya nararapat lang na mas mahalin niya ako. Logical, isn’t?” 

April winced in disbelief. Anong klaseng babae ‘to? Kung sa bagay, kahit nga ang Diyos ay mahirap manghusga sa mga taong nabubulag sa pag-ibig, siya pa kaya? At isa pa, hindi niya puwedeng husgahan si Pacifica kung bakit ganoon ito ka-determinado na makuha ang lalaking mahal nito kahit kapansin-pansin naman na walang kaamor-amor para rito ang lalaki? For sure naman ay may malalim na dahilan iyon. Sa kagandahang taglay kasi ni Pacifica, ay malaking question mark na patay na patay ito sa isang lalaking hindi umusad ang porma galing 80’s or 90’s. 

Or better yet, she's doing those impossible stunts because she simply loves the man. Ganoon lang kasimple ang bagay-bagay pagdating sa usapang pag-ibig.

Kung siya nga ay naguyo e.

“Let us back on track and please, let's not be hypocrite over this matter, Miss Nuyda. I bet, hindi naman sasama ang loob ni Wolf kung wala kang ginawa sa kanya na below the belt. Kasi, ano nga bang nagawa mo? Kilala ko si Wolf! Nobody else gets into his nerve easily that's why I'm wondering how the hell did you push his durable power button kung kaya’t nagalit siya ng ganito saiyo? Na kahit ang pinakamalayo mong kamag-anak ay gusto niyang kantiin because that's how dirty and ruthless a Wolf Atlas could be, mind you! Iyon ang wala sa mga article na nagkakalat sa social media form or tabloids.”

Dumoble kaysa sa normal na laki ang mga mata ni April Rose dahil sa impormasyon na narinig mula kay Pacifica. Naramdaman niya ang mabilisang pag-ahon ng takot sa kanyang sistema nang maalala ang pag-uusap nila kagabi sa telepono ng second cousin ng kanyang ina na naninirahan sa isang malayong isla. Biglaan daw kasi na na-revoke ang lisensya at permit ng mga kamag-anak niya roon at hindi na pinayagan ang mga ito na mamalaot sa kahit saang bahagi ng karagatan ng Pilipinas. At nitong umaga rin lang ay tumawag ang mga malalayong pinsan niya na nag-aaral sa Maynila at nagpapatulong sa kanya na maghanap ng bagong matutuluyang apartment o boarding house dahil sinipa raw ang mga ito ng landlady.

Now everything made a very clear sense. Iisang tao lang pala ang pinag-ugatan ng lahat. What would she expects? Influentially powerful ang taong ginalit niya. Hindi niya maaaring ipagsawalang-bahala ang mga iyon.

Nalapastangan na pala ni Wolf Atlas ang mga kadugo niya nang wala siyang kaidi-ideya. Dahil lang doon sa mga sinabi niya kaya sinisira nito ang buhay ng mga taong wala namang kinalaman sa kabaliwan nito? Grabe! Mas masahol pa pala kaysa sa diablo ang ugali ng taong iyon. 

Pinagsisisihan na niya ang mga sandaling hinangaan at sinamba niya ito sa imagination niya. Kahit nuknukan sa kaguwapuhan ang nilalang na iyon, galit siya rito dahil sa panggigipit nito sa angkan niya. Walang puso!

Pulos palatak at iling ang reaksyon ni Pacifica nang mapilitan si April na sabihin dito ang saktong sinabi niya kay Wolf nang gabing huli niya itong nakasama.

In the first place ay siya naman talaga ang may mali. Okay, aminado siya sa bagay na iyon. Hindi rin kasi siya nag-iisip na ganoon pala kalalim ang puwedeng maidulot ng masasakit na salita niya kay Wolf. 

She's dead! So dead! Pati mga kamag-anak niya ay nadadamay dahil sa letseng bugso ng damdamin niya. Kung tutuusin ay nagsasabi lang naman ng totoo si Wolf na hindi naman talaga kay Gino ang candid shot na iyon.  Walang masama sa ginawa nito kung tutuusin. Tapos siya pa itong may ganang sumama ang loob at batuhin ng kung anu-anong pandaruhagi si Wolf na wala namang ipinakitang masama sa kanya. 

Siya nga yata itong nasisiraan ng ulo.

“I hope this will serve as a lesson for you. Sa lahat ng tao, si Wolf ang huwag na huwag mong gagalitin at papainitin ang ulo kung ayaw mong matuldukan ang saysay ng buhay mo. Alam mo kasi, si Wolf iyong tipo na hindi mapipisil ng sino man. He's untouchable. Distant, mysterious, unreadable, unfriendly—”

She begged to disagree.

“Unfriendly? Sure ka sa bagay na iyon?” Nagtataka niyang usisa kay Pacifica. Sa paglipas ng segundo ay napapansin ni April na medyo gumagaan at nagiging komportable siya sa pakikipag-usap kay Pacifica. Oo at may pagka-maldita nga ito pero keri naman.

“Do I look like I'm lying?” Umigkas ang isang kilay nito. Wala itong guhit ng make-up at talagang natural ang eyebrows nito. But they are perfectly trimmed into an angled arch. Bumagay iyon sa diamond shaped nitong mukha.

Same lang sila. Hindi rin kasi niya gamay ang guhitan ng pekeng impressive line ang kilay niya. Tamang labnut lang, ayos na. Ang pagkakaiba lang nila ay kahit isang buwang walang paligo pa itong si Pacifica ay kaya pa rin nitong dalhin ang sariling ganda at alindog nito. 

“Hindi naman sa ganoon pero—”

“Oh My God! Do not freaking tell me na he asked you to be his friend. Did he?”

Kagat-labing tumango si April, dahilan upang impit na tumili si Pacifica. Ayan na naman siya! Sinusumpong na naman yata. Takas nga siguro ito sa mental.

“Pero ‘di ko sure kung nagbibiro lang iyon kasi palabiro siya, hindi ba?”

“And he also cracked a joke on you? Bloody Mary! Kailan pa naging komedyante ang supladong iyon? Iba yata ang pakiki”

Bakit ganito kaeksaherada ang reaksyon nito? Paano pa kaya kung ibulgar din niyang muntik nang may mangyari sa kanila ni Wolf? Hindi kaya iuntog na nito ang bungo sa pader? Exaggerated e!

She's bothered.  

“My bad for acting loka-loka. Gosh! Hindi kasi ma-absorb ng utak ko na kaya naman pala ng isang Wolf Atlas na umakto ng ganoon. Imagine that? Wolf Atlas can also throw a silly jokes? Inviável! Oh My Gosh lang! Alam mo iyon, buong buhay ko, nasanay na ako na makita siyang nagbabasag-ulo, magpaiyak ng babae, magpataob ng mga kalaban niya sa negosyo, pasakitin ang ulo ni mamãe, paputukin ang ugat sa ulo ng erpat niya at magsisante ng empleyado niya. Akala ko doon lang iikot ang buong buhay no’n hanggang sa kumulubot ang balat niya, pero parang may nagbago na sa pananaw ko.” Iba’t ibang uri ng emosyon ang kumukutikutitap sa mga mata ng babae. At hindi niya masundan ang ibig nitong sabihin.

“Siguro ay dahil sa mga anak ko. Kasi malakas ang kutob niyang siya ang Ama ng triplets ko kaya siguro ganoon siya makisama sa akin. I guessed that he's just tricking me, deceiving me para hindi ko siya pahirapan na makuha ang mga anak ko oras na lumabas ang totoo.” At hustong nanlulumo siya sa usapang iyon.

Ngayong galit sa kanya si Wolf ay malaki ang posibilidad na pagalawin nito ang lahat ng koneksyon nito mapadali lamang ang proseso sa pagpapalabas ng resulta. Wolf Atlas and his money, his durable connections? Just please! Nothing will be impossible.

Napaisip si Pacifica sa sinabi niya at mahinang napatango. See? 

“Might be possible. Parang ganoon na nga rin and let me remind you that this is your fault after all. I'm telling you this for the last time, Missy. Don’t messed with the Billionaire. Don't ever  messed with the arrogant Wolf Atlas, of all people or you will be sorry for the rest of your life.”

Muntik na siyang mapaluha. Hindi kasi siya nag-iisip. Hindi siya nag-iingat sa taong babanggain niya. Dapat kasi ay naging extra-polite siya kay Wolf dahil kapag napatunayan na ng resulta ng Paternity test na ito nga ang biological father ng triplets ay baka payagan pa siya nitong madalaw-dalaw ang mga bata. Hindi iyong ganito na parang nasa harapan na niya ang signus na puputol sa kaligyahan niya. 

“Pero hindi pa naman huli ang lahat, Miss Nuyda. Dahil mukhang magkakasundo naman tayo kaya sagot na kita. I will gonna teach you how to tamed the barbaric Wolf Atlas, darling. Are you in?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status