Share

MADILIM NA KAHAPON

                          Kabanata 2

   " Ang galing mong sumayaw Brenda kaya dito ka sa unahan." Sabi ng guru namin. " Salamat po mam ". lumipat ako sa unahan. Nakakahiya man sa iba naming kasamahan pero dina ako tumanggi pa sa utos ng aming titser.  Nang sabay sabay na lahat mga galaw namin ay huminto na kami sa pag eensayo. Pinag meryenda muna kami ng aming guru bago kami pumasok sa aming class room.Sumabay si Warren sa akin kaklase din namin at kapitbahay ko din. Mabait din siyang kaibigan kaya di ako nagdadalawang isip na makipagkaibigan sa kanya. Tawa kami ng tawa dahil nag sa napag usapan namin noong maliit pa kami naligo kami sa ilog yong pinagpaliguan ng kalabaw. Iwan ko kung bakit naalala namin yon. Kaya diko na napansin na wala si Marlon. Yon pala nandon lang siya sa kabilang grupo at tahimik .Nagtataka ako bakit tahimik si Marlon at walang kibo. Malayo ang tingin niya at mukhang malungkot siya na parang naiinis ang mukha.  Kaya bago mag umpisa ang klase nilapitan ko siya at tinanong. Pero di siya sumasagot sa akin . Kaya nagtataka ako kung bakit. Pinabayaaan ko na muna siya. Hanggang sa maghapon. " Brenda sabay na tayo magalalakad ka ba pauwi?" tanong ng isa kung kaklase na si  Warren ." Opo.sige para may kasama akong maglakad. Tara na." Yaya ko kay warren. Mukha kasing wala sa mood si Marlon kanina ko pa napapansin na hindi niya ako pinapansin mula ng magkausap tayo." " baka naman pnagseselosan ako. Halata naman na may gusto sayo yan .. kaibigan lang ang gusto ko sayo at alam mo naman siguro kung ano ang gusto ko." Hahahha sabay tawa naming dalawa. Habang binabaybay namin ang kalsada bigla nalang may huminto na sasakyan sa tabi namin. At sabay baba ng driver at walang awang pinagsusuntok si Warren. Napasigaw ako sa takot at nabigla din ako. Si Marlon pala ang bumaba at pinagsusuntok si Warren. " ano ba problema mo Marlon tama na maawa ka kay warren bakit mo pinagsusuntok ang tao wala naman ginagawang kasalanan yan sayo?" sigaw kong sabi sa kanya. " Anong wala bakit siya kasama mo pauwi di ba sabi ko hatid sundo kita . Bakit iba ang kasama mo!?" Napaiyak na tanong sa akin. "  Di ba kinausap kita kanina di mo naman ako pinapansin kaya naisip ko hayaan ka nalang muna. At bakit ka magagalit kung iba kasama ko bakit ano ba kita? Wala naman tayong relasyon kaibigan lang tayo at wala kang karapatan na pagbawalan ako kung sino ang gusto kung makasama makakausap ! Bakit ka magagalit at nananakit ng tao. Porket mahirap lang kami!. Kaya ng niyaya ako ni Warren pumayag na ako na sabay kami pauwi. Mag sorry ka sa kanya  dahil kung hindi ayoko na makipagkaibigan sayo kahit mabait ka sa akin! Sabi ko sa kanya. Kaya  siguro napilitan siyang gawin yon. Nagsorry naman siya kay Warren at pinatawad naman siya. " Sumakay na kayong dalawa hatid ko na kayo." Nakangiting sabi nito. Sumakay na kami ni Warren.  At inihatid na kami sa mga bahay namin . " Maraming salamat sa paghatid at pagbugbog sa akin" nakangiting sabi ni Warren. " kinamayan ulit ni Marlon si Warren upang masigurado nitong pinatawad na talaga siya nito. " Pasensiya ka na Warren  kilala mo naman ako at sana mapatawad mo ako. Nabigla lang talaga ako. Kumbaga biglang nag init ang ulo ko sa aking nakita.  Sorry talaga ulit." Agad naman na nakipag kamay si Warren kay Marlon. " Huwag mo kasi itago kung ano man ang nararamdaman mo para kay Brenda alam ko naman may gusto ka sa kanya bakit di mo pa sinasabi. Siguro naman may gusto din iyan saiyo." " Nag aalangan pa kasi ako ngayon. Nag aaral pa tayo at isa pa makapaghintay naman ang pag ibig sa tamang panahon." Sabi ni Marlon . " Kungsabagay, tama ka nga naman. Pag aaral muna ang atupagin natin kaysa makipagrelasyon ng maaga.  Kailangan makapagtapos muna tayong lahat." Sagot ni Warren. " Tama ka. Kaya hindi muna ako nagsabi kay Brenda na may gusto ako sa kanya kasi ayoko masira din ang kanyang  mga pangarap sa buhay. Lalo na sa kalagayan nila ngayon. Kulang na kulang sa kanila ang kinikita ng kanilang ama."  Paliwanang ni Marlon kay Warren." Pareho lang naman kami kailangan lang talaga sipag at tiyaga saka determinasyon sa pag aaral gaano man kahirap sa buhay ." Sagot naman ni Warren . "  Paano Marlon pasok na ako sa bahay mamaya nagtataka na si nanay ano ginagawa ko dito sa labas." "Hatid kita sa bahay mo magsosorry lang ako sa mga magulang mo. Na nasaktan kita." Ani ni Marlon . " Huwag na  po. Ako na bahala magpaliwanag kina Inay at Itay. " sagot ni Warren.  Pumasok na ako sa bahay na walang paalam sa kanya. Ang tagal nilang nag usap ni Warren . Sumilip ako sa bintana nakatayo pa rin siya sa harapan ng bahay namin. Pero wala na si Warren umuwi na. Maya maya dumating na si itay." Iho sinong hinahanap mo?" Tanong ni Itay kay Marlon.  " Wala po may hinatid lang po ako dito." Sagot nito. At sabay bukas ng pintuan ng kanyang kotse at pinaandar ito at uma8lis na...napasunod ang tingin ni Itay sa papalayong kotse ni Marlon. Dali dali akong pumasok ng kwarto ko at kunwaring nag aaral ako at gumagawa ng takdang aralin.
   " Myrna! Myrna!" Tawag ni Itay sa pangalawa kong kapatid na babae.  " po itay! Sino ba yong lalaki sa labas kanina ng bahay na nakatayo may dalang kotse.?" Napakunot noo nitong tanong sa kapatid ko. " Di ko po alam Itay, hindi ko naman po nakita e. Ang ate niyo dumating na ba ?" .tanong nito. " opo Itay nasa kwarto po gumagawa ng takdang aralin niya". " Asan na ang Inay niyo?". Nasa palengke po namili ng ulam kasi nanalo ata si Inay kanina." Nanalo saan?" Takang tanong ni Itay kay Myrna. " Diko po alam Itay.  " wika nito.  Hindi ko rin alam nasaan si Inay kung di pa hinanap ni Itay diko rin maisip si Inay. Kaya lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ng kusina. Siya naman pagdating ng tatlo kung kapatid at si inay. Isinama pala sila ni Inay kaya walang makulit sa bahay. " Mga anak asan kayo Brenda! Myrna kunin niyo dala ko. Linisin niyo ang isda at makapagluto na tayo. Sigurado gutom na ang ama niyo." Utos ni inay sa amin. Sa madaling salita inayos namin mga dala dalang groceries ni inay na kunti at nilinis ko na ang isda.  Nabigla ako sa aking narinig nang biglang napasigaw si inay at mukhang nasasaktan siya. Kaya dali dali akong pumasok sa kwarto nila at kitang kita ko na sinasaktan ni itay si inay kaya dali dali akong pumasok  sa loob ng kwarto nila at inawat sila. " Tama na yan itay, wag niyo na pong pagbuhatan ng kamay si inay. Ano ba nagawa niyang kasalanan. Namanlengke na nga para may pang ulam tayo tapos ngayon saktan mo . May problema po ba kayo? Iyak kung tanong kay itay. " Paano yang nanay mo umalis di man lang nagpapalam kung saan pupunta." Saan galing yang pera mong pinamili? Wala naman akong binigay sayo na pera!. Galit na tanong ng itay. Di nakasagot si inay. Kaya pinatigil ko na si itay.  Mabuti naman nag ayos na sila ni inay. Naglalabada pala si inay doon sa bahay nila Marlon siya pala ang labandera nila. Ngayon ko lang nalaman. Sinabi ni Inay sa amin na nagtatrabaho siya sa bahay ng mga Xer . Pero ang hindi alam ni Inay na don pala siya nagtatrabaho sa kanila ni Marlon. Isang Xer lang naman kasi ang nakatira sa kabilang baryo na mayaman . Sila ang nagmamay ari ng malawak na lupain at mga taniman ng lahat ng mga gulay at mayroon pa silang mga restaurant sa Bayan. May mga pagawaan din ng mga damit. Kaya wala na akong ibang maisip kundi kina Marlon Xer na talaga si Inay naglalabada Habang kumakain kami ng hapunan walang imikan sina Inay at Itay. Nauna ng pumasok ng kwarto si Itay. Samantalang si Inay kasama pa namin na kumakain. Nabigla ako sa sinabi ni Inay sa amin. " Mga anak patawarin niyo ako. Isa pang bugbog sa akin ng ama niyo lalayasan ko na kayo. Tinitiis ko lang mga pangbugbog niya sa akin. Mula ng nanganak ako sayo Brenda sinasaktan na ako ng tatay niyo.  " kwento ni inay sa amin. "Iligpit niyo na mga plato at hugasan pagkatapos matulog na kayo. " Bakit po kayo sinasaktan Inay ano po bang  dahilan?" tanong ko kay Inay. awang awa ako sa kanya kaya di ko namalayan tumutulo na pala ang aking mga luha.  Napaiyak kaming lahat na magkakapatid. Hindi sinagot ni Inay ang aking tanong. Sabi ko sa mga kapatid ko mag aral kayong mabuti ha para maiahon natin sa kahirapan ang ating pamilya. Lalong lalo na si Itay. Mabigat ang trabaho niya at mainit pa. Laging nasa panganib ang kanyang buhay kasi laging nasa matataas na gusali siya naka assign. Kaya magsumikap tayo. Nagyakapan kaming magkakapatid. Pagkatapos namin malinis ang kusina agad kaming pumasok na sa kwarto. Iisa lang naman kwarto naming magkakapatid. At sa sahig lang kami nakahiga. Para kaming mga sardinas. Pero kahit mahirap ang buhay namin masaya naman kami kahit papaano.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status