CHAPTER SIX
GAMIT ang celfone, tinawagan ni Caitlyn si Janine sa condo unit, ngunit walang sumasagot. Baka nasa salon pa ang kakambal. O kaya'y nakalipad na patungong Paris.
Gusto na sana niyang umalis sa plantasyon kaya tinatawagan ang kapatid. Ayaw na niyang magpatuloy sa pagpapanggap.
Gusto na niyang bumalik sa San Jose, kungsaan ang buhay ay simple at walang kumplikasyon.
'Ayoko ring mahulog nang husto ang loob ko sa 'yo, Drake Mendrez!' bulalas niya habang yapus-yapos ang sarili.
Hindi inasahan ni Caitlyn ang sumunod na ginawa ng lalaki matapos ibalitang bibigyan ng singsing si Janine bukas ng gabi.
Bigla na lang siyang sinambitla ng mahigpit na yakap at ginawaran ng mainit na halik.
Nakatigagal pa rin siya kahit tapos na ang mariin at mapusok na pag-angkin sa kanyang mga labi.
Hindi si Drake Mendrez ang unang lalaking humalik sa kanya. Ngunit ito lang ang tumalab sa kanya. Ito lang ang nagpaalab sa katawan niya, ang tumunaw sa kanyang mga buto, ang nagsindi sa ningas ng pagkababae niya.
Muntik na agad siyang makalimot kanina. Ibig na niyang kalimutang hindi siya si Janine...
"Oh, Janine honey, come to my place tonight," anas ni Drake. Pinapaulanan ng mga mumunting halik ang tagiliran ng leeg at teynga ni Caitlyn.
Ang pangalan ng kakambal na namutawi sa bibig ng kaniig ang nagmistulang malamig na tubig na ibinuhos sa nag-aapoy na kabuuan ng dalaga.
Halos napadaing siya sa sakit ng pinaghalong disappointment at disillusionment.
'Oh, God, gusto ko nang umalis! Gusto ko nang umalis!' ang paulit-ulit na bulong ni Caitlyn sa loob ng utak habang palakad-lakad sa gitna ng silid.
Nang mapagod at maliyo, naupo siya sa gilid ng four-poster bed. Maya-maya'y pabaluktot na nahiga. Ang malaking unan naman ang niyapos. Nakatulog siya sa gayong ayos.
Malamlam na ang liwanag sa paligid nang magising si Caitlyn. Pumikit uli siya dahil mahapdi pa ang mga mata.
"Janine, wake up."
Biglang naglaho ang antok ng dalaga nang marinig ang baritonong boses ni Drake Mendrez. Napabalikwas siya ng bangon.
"D-Drake..." Nakapagsalita siya nang nakaupo at nakasiksik na sa headboard.
Ginawang kalasag ang malambot na unan. Namumungay pa rin ang kanyang mga mata kahit gising na gising na ang diwa.
"A-ano'ng oras na?"
"Five-thirty."
"Uhm, m-may kailangan ka bang sabihin sa akin?" Nagsisimula nang nerbiyusin si Caitlyn kahit walang katinag-tinag sa kinatatayuan si Drake.
"Naninibago ako sa 'yo, Janine," ang prangkang tugon ng lalaki.
Napapatda naman ang dalaga. Agad na naparalisa habang nakikiramdam na maigi.
"S-saan?" Kinagat niya nang mariin ang dila dahil ayaw maalis ang pagkautal.
"Hindi ko ma-pinpoint," pag-amin ni Drake, sa tonong nalilito. "O siguro'y magaling kang mag-artista?"
Pumakla ang pakiramdam ni Caitlyn. Baka hindi na pala siya makaharap sa sarili sa salamin ngayon. Napakagaling na pala niyang magsinungaling!
"Determinado ka talagang pumasa sa mga pagsubok ko sa 'yo para gawin kitang Mrs. Drake Mendrez?"
"Hindi ba't ganyan ang gusto mong mangyari?" Unti-unti nang nanumbalik ang katatagan ng loob ni Caitlyn. Kailangang maging matibay siya para makatulong sa kakambal. "Inimbita mo ako dito para subukan kung magiging karapat-dapat na kabiyak mo. Natural lang sigurong magpursige akong magtagumpay, hindi ba?"
Kumiling ang aroganteng ulo ni Drake. "Tama ka sa sinabi mong 'yan," sang-ayon nito. "Once again, I'm asking for apology. Naging mapagduda na naman ako sa 'yo."
Bumuntonghininga muna si Caitlyn bago sinabi ang talagang nasasaloob.
"Ang mabuti pa siguro'y umalis na lang ako dito," mungkahi niya.
"Ano ba ang ipinagmamalaki mo, Janine? Ikaw ang nagpumilit na imbitahan ko dito para makilala ng pamilya ko," paalala ni Drake. "Bakit ngayon ay gusto mo nang umalis?"
Napahiya si Caitlyn nang malamang ipinagsiksikan ni Janine ang sarili sa lalaki. Yumuko siya.
"I'm sorry. Ayoko lang makagulo sa buhay mo." Ayaw na niyang ipagpatuloy ang panloloko sa maglola. "I'll take the evening flight. Sandali lang namang mag-impake--"
"Dahil ba pasado ka na kay Lola Dorothy?" pakli ni Drake.
"Walang halaga kung sa lola mo lamang ako papasa bilang asawa mo, dahil hindi naman kami ang magpapakasal," katwiran niya.
"So, bakit sumusuko ka na?"
"Hindi ako sumusuko. Binibigyan lang kita ng space." Nabasa lang ni Caitlyn sa kungsaang magasin ang katwirang iyon at kusang numulas sa bibig niya.
"Parang natatakot ka," salo ni Drake.
"Ano'ng dapat katakutan?" Lihim na nagpasalamat si Caitlyn dahil kalmado pa rin ang boses kahit sumikdo na ang pagpintig ng puso.
"Ano nga ba?" Umiling-iling si Drake bago kinalabit ang light switch. "Seven o'clock ang dinner time dito. You have a long time to dress this time."
Matapos mapakurap nang ilang ulit sa biglang pagbaha ng liwanag, saka lang napuna ni Caitlyn ang makisig na kasuotan ni Drake.
White turtle-neck sweater at black tailored slacks. Medyo basa-basa pa ang maikling buhok na maayos na nakasuklay. Nang umihip ang hangin, naamoy niya ang mabangong after-shave lotion.
"Susunduin ko na si Lola Dorothy. Maghihintay kami sa 'yo sa sala," wika nito bago binuksan ang pinto.
"Magpapaalam na ako sa kanya," pahabol niya. "Aalis ako ngayong gabi."
Muling isinara ni Drake ang pinto.
"You are not going anywhere tonight," ang matatag na pahayag nito. "'Wag kang masyadong magpaimportante, Janine honey. Baka mawala pa ang mga puntos mo kay Lola," pagbabanta pa.
Hindi na nito hinintay na makasagot si Caitlyn. Lumabas na agad sa pintuan.
Saka lang siya kumilos nang mapag-isa na. Tumindig siya at agad na nagpunta sa banyo kahit nanginginig ang mga tuhod.
Inignora niya ang temptasyon ng bathtub. Nag-shower lang siya ng malamig.
Isang bestidang kulay maroon na may simpleng tabas ang pinili ni Janine para sa unang gabi. Ang katernong accessory ay isang gold scarf at isang costume bracelet na yari sa iba't ibang kulay at hugis ng crystals.
Fly-away look ang hairstyle. Purple-and-brown ang blending sa eye make-up. Manipis na pulbo ang ipinahid sa mukha at sa leeg. Coral pink lipstick ang inilagay sa mga labi.
Ang finale sa disguise ni Caitlyn ay isang wisik ng mamahaling pabangong pambabae ni Janine. Ang tanging dahilan niya sa paglalagay ng pabango ay upang hindi niya malimutang impostor siya nang mga sandaling iyon.
"A, Janine, iha," ang magiliw na salubong ni Lola Dorothy nang mamataan siya. "Mabuti't nandito ka na. Halika. Dito ka sa tabi ko maupo."
Sa isang mahabang sopa nakaupo ang matandang senyora. Katulad kaninang tanghali, ang suot nito ay isa na namang magarbong baro't saya.
Kulay itim at puti naman ngayon, na may nakaburdang maliliit na brilyantitos sa harapan at sa mga laylayan.
Ikinumpas nito ang hawak na abanikong katerno ng kasuotan. Ivory ang hawakan at kulay itim ang telang seda.
"Salamat po, Lola Dorothy." Nakikimi si Caitlyn dahil matamang nakamasid si Drake sa kabuuan niya habang naglalakad siya patungo sa agwela.
"Apo, pakisalinan mo nga ng martini si Janine," ang masiglang utos ni Lola Dorothy sa binata.
"Okey, Lola."
"Tubig lang ito," wika ng matanda nang sulyapan ni Caitlyn ang hawak nitong crystal goblet. "Nabanggit na ba sa 'yo ni Drake na ipinaka-cancelled na ng doktor ko ang party bukas?"
"Opo." Hindi tumingin si Caitlyn nang lumapit ang matangkad na lalaki upang iabot ang alak niya.
"Salamat, Drake... darling." Talaga nga yatang hindi na niya mabubuong sambitin ang pet name ni Janine sa kasintahan!
"Pero may magaganap pa ring party bukas," patuloy ng matandang babae. Abot-teynga ang ngiti.
"Bawal ang sobrang excitement sa 'yo, Lola," wika ni Drake.
"Yes, I know. Hindi naman bongga ang engagement party na ibibigay ko sa inyo. Isang sit-down dinner party lang para sa ating tatlo."
Hindi nagsasalita si Caitlyn, sa pangambang baka may masabing hindi tama.
Atsaka, hindi na siya dapat tumutol dahil liyamado na ang posisyon ni Janine. Tagumpay na siya sa kanyang misyon!
"Hindi ba dapat ay mamanhikan muna ako sa pamilya ni Janine, Lola Dorothy?"
"May pamilya ka pa pala, iha? Pasensiya ka na, ngayon lang nabanggit ni Drake."
Napilitang tumango ang dalaga ngunit hindi uli nagsalita. Hindi kasama sa script ang ipagkakaila niya ang sariling mga magulang!
"Katulad ko, sa lolo't lola rin lumaki si Janine," paliwanag ni Drake.
Tutol si Caitlyn na mabura ang mga magulang sa mahalagang bahagi ng buhay ng kakambal ngunit wala naman siyang magagawa kundi ang magpatianod.
"I'm sure, maiintindihan ng magiging mga balae ko kung hindi ako makasama sa pamamanhikan ng pamilya natin sa kanila. Hindi ko pa kayang bumiyahe sa ngayon," wika ni Lola Dorothy.
"Of course, Lola."
"Sa mismong araw ng kasal n'yo na lamang dito kami magkakakila-kilala. Okey lang ba 'yon, Janine?"
Pakiramdam ni Caitlyn, tinatangay siya ng isang napakalakas na agos.
"O-opo, Lola Dorothy," sang-ayon niya.
Hindi napansin ang paglapit ni Drake, napapitlag ang dalaga nang maupo sa braso ng sopa ang lalaki at damputin ang kamay niya upang gagapin ng mainit na palad.
"Kasal na ba agad ang dapat nating pag-usapan, Lola?" ang pa-kaswal na tanong ng binata. "Ang akala ko ba'y nagkasundo na tayong magkakaroon muna ng isang engagement period?"
"What is a month or two? Mabilis lumipas ang panahon, iho. Atsaka, saan pa ba dapat humantong ang engagement n'yo?"
Nakikinig lang si Caitlyn sa mahinahong pagtatalo ng mag-agwela. Hindi naman siya si Janine, kaya hindi siya apektado.
Ngunit ang masuyong paghaplos ng mga daliri ni Drake sa sensitibong palad ni Caitlyn ay labis na nakakaapekto sa katinuan niya.
Ang bawat sensuwal na hagod ay lumilikha ng munting diliryo na unti-unting gumagapang sa iba't ibang bahagi ng katawan niya.
Sinisindihan siya.
Pinagliliyab siya.
Pinipigil niya ang humingal kaya hindi makasali sa pagtatalo ng maglola.
"As I was saying, mas tamang mamanhikan na muna ako kina Janine, Lola Dorothy," giit ni Drake.
"Hay, bahala ka na nga, iho." Sumuko ang matandang babae ngunit masaya pa rin ang ngiti. "Basta't dito kayo ikakasal ni Janine sa kapilya natin, ha?"
"Do you have any objections to that, honey?"
Lalong kinilabutan si Caitlyn nang marinig ang endearment. Solo lang at walang kakabit na ‘Janine’ kaya puwede niyang angkinin.
"No objections," tugon niya. Medyo paos na ang boses dahil sa nadaramang arousal.
"Thank you, iha." Kinuha rin ng matandang babae ang isang malayang kamay ni Caitlyn at pinisil. "Puwede bang dumito ka na habang hinihintay natin ang petsa ng kasal n'yo?"
Nabigla si Caitlyn sa kahilingan ni Lola Dorothy. Natigilan naman si Drake.
"S-sorry po, Lola Dorothy, pero may trabaho po ako."
"Hindi naman nine-to-five job ang trabaho mo, a? Kapag in-between assignments ka, dito ka umuwi," giit ni Lola Dorothy.
Humingi ng saklolo ang mga mata ni Caitlyn kay Drake. Ayaw niyang mag-commit dahil hindi naman siya si Janine!
"She will try her best, Lola Dorothy," tugon ng lalaki. "Ako mismo ang magdadala sa kanya dito kapag libre si Janine."
Ikinasiya lalo ng matanda ang pangako ng apo.
"Salamat, iho, iha. Napakasuwerte ko't nagkaroon na ako ng dalawang apong mamahalin. Sana'y magisnan ko pa ang mga anak ninyo."
"That is another promise, Lola," pangako uli ni Drake. "Bibigyan ka namin ng maraming, maraming apo sa tuhod ni Janine."
"Oh, thank you, Drake!" Parang tinedyer na kinilig ang matandang senyora. "Pero ayokong magmadali ka. Baka isipin naman ni Janine, gagawin mo lang siyang baby factory."
Hindi pa rin kumibo si Caitlyn kahit palagi nang nababanggit ang pangalan ng kakambal.
"Nothing to worry on that score. Sinabi sa akin ni Janine kanina, na gusto niyang magkaroon ng maraming anak."
Nagkulay-rosas ang mga pisngi ni Caitlyn dahil naramdaman niyang nakatingin sa kanya ang lalaki.
"Hindi ba, honey?"
Tumango siya. "True," ang pabulong na tugon niya.
"See? I've found the perfect wife, Lola." Tila tunay na ang pagmamalaki sa tono ni Drake. Wala nang bahid ng pagdududa.
"Congratulations sa inyong dalawa!"
Sa tagpong iyon dumating si Aling Seling upang ipahayag na nakahain na ang hapunan sa marangyang kumedor ng Villa Mendrez.
Hawak pa rin ni Drake ang isang kamay ni Caitlyn nang tumindig sila. Pinauna nila ang matandang senyora.
"May ilang pagsubok ka pang pagdadaanan sa akin, Janine. So be ready!" bulong ni Drake sa teynga ni Caitlyn.
CHAPTER SEVEN HABANG naghahapunan, muli na namang pinagmasdan ni Drake ang nobyang tila naging estranghera sa kanyang pakiramdam. Maikling panahon pa lamang niyang nakasama si Janine Del Praño ngunit may natandaan na siyang mga katangian at kapintasan ang bagong girlfriend.Ang mga nagustuhan niya ay ang pagiging malambing, karinyosa, sensuwal, at intelihente.Ang mga kapintasan naman ay pihikan sa pagkain, matapobre, mapaghanap, at masyadong mahilig sa alak. Handa siyang i-overlook ang mga kapintasan, basta't makapasa lang ang babae sa pihikang panlasa ni Lola Dorothy--at sa ilang personal na pagsubok niya. Ngunit paano nga kung isang impostor naman ang dumad
CHAPTER EIGHT 'ANO'NG gagawin ko?' bulalas ni Caitlyn sa sarili.Wala sa script ni Janine ang isang love scene. O rape scene. Lalaban ba siya? O magpapaubaya? Alinman sa dalawa ang kanyang gawin, agrabyado pa rin si Caitlyn.Kahit hutok sa ehersisyo ang mga biyas, mas superyor pa din ang lakas ni Drake. Tiyak na matatalo lang siya kapag nagpambuno sila.Kapag nagpaubaya naman siya, tiyak na hindi lang ang katawan niya ang maaangkin ni Drake. Pati siguro ang kaluluwa ay maibibigay na niya! Higit sa lahat, iyon ang ikinatatakot ni Caitlyn. Ang mawalan ng
CHAPTER NINE NANG magkamalay si Caitlyn, nakahiga na siya sa mahabang sopa at nakatunghay ang nag-aalalang mukha ng makisig na lalaki. Maliksi nitong inalalayan ang kanyang pagbangon. "You're so cold." Ginagap ni Drake ang mga kamay na nagyeyelo. "Drink this." Isang baso ang maliksing inilapit sa bibig niya. Kusang nilunok ng dalaga ang likidong nasa baso. Napaubo siya nang manghapdi ang naninikip na lalamunan. Alak pala ang nalagok niya. "Are you okey?" Pinilit tumango ni Caitlyn matapos ibaling ang ulo palayo sa baso. Lalong nangapos ang kanyang hininga.&nb
CHAPTER TEN NAGMISTULANG kidnap victim nga si Caitlyn sa Mendrez Plantation. Naging anino niya si Drake. Sa loob lang ng banyo hindi nakabuntot.Tila wala nang paraan upang makalaya. Makakaalis lang siguro siya doon kung makukumbinsi niya ang tagabihag! Ang tanging pampalubag-lubag sa imposibleng sitwasyon ay ang di-matatawarang kaligayahan ni Lola Dorothy, bilang reaksiyon sa ibinalita ng binatang apo tungkol sa pagpapakasal nila sa isang buwan. "Hay, salamat sa Panginoon! Natupad na ang aking pangarap!" Magkasalikop pa ang mga palad, habang pausal na sinasambit ang pasasalamat. Matamis ang ngiti sa kulubot na bibig ngunit may luha sa mga mata. “Napakagandang regalo ang ibinigay n’yo sa akin, mga apo!”&nbs
CHAPTER ELEVEN:Marahang bumangon si Drake. Nakadapa si Caitlyn, paharap sa kanya. Maamo ang mukha. Parang inosenteng anghel na natutulog.Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. God, uhaw na uhaw siya!Tinawagan niya si Lola Dorothy. Nagpaalam na dito lang sila ni Caitlyn sa homestead.At doon nga lang silang dalawa. Hanggang sa gumabi, hindi siya nagsasawa sa paulit-ulit na pag-angkin kay Caitlyn.Hanggang sa makatulog ito dahil sa pagod.Dahil ba tutol pa rin ito na makasal sila? Gayong nagpapaubaya naman?Hindi niya maintindihan ang babaeng ito. Kakaiba kay Janine. Kakaiba sa sinumang babaeng nakilala.O dahil ito lang ang pumukaw sa kanyang pagnanasa. Ibinintang niya sa babae na addict ito sa kanya gayong siya ang higit na addict.Masamyo lang niya ang natural na amoy ng balat nito, nababaliw na siya. Parang gusto niyang ikulong sa kuwarto ang babae kasama niya.Na ginawa niya ngayon…
CHAPTER TWELVELUMIPAS ang dalawang araw. Walang tawag na natanggap si Caitlyn kay Drake.Pero sigurado siyang tumatawag ito sa agwela. Kaya imbes na pag-aalala ang nadama, naghihinanakit siya.Pagkatapos ng mga pinagsaluhan nila, itatapon siya na parang basahan.Alam niyang exaggerated ang iniisip niya. Alagang-alaga siya ni Lola Dorothy. Tunay na apo na ang turing nito sa kanya.Ngunit si Drake, ni-ha ni-ho ay wala.Nangulila na agad siya kapag nakahiga sa kama. Hinahanap-hanap na niya ito.“Iha, mamili ka sa mga ito.”Nabuglawan niya si Lola Dorothy sa hardin. Nakalatag sa harapan nito ang ilang pares ng rubber shoes. Luma na pero malinis at tila size ni Caitlyn.“Magkasukat po yata tayo ng paa, Lola Dorothy.” Nahawa siya. Nakatawa rin nang lumapit.“Narito rin ang ilang uniporme ko sa pagiging player.” Parang batang tuwang-tuwa si Lola Dorothy.
The Fake WifeSYNOPSISUlila na si Catherine at ang mga nakababatang kapatid ay mga responsibilidad niya. Dahil sa pagnanais na magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya, pumayag siyang magpanggap na asawa ng isang mayamang pintor.Anong klaseng parusa ang nararapat sa isang manlolokong katulad niya? Hindi pa ba sapat ang paghihirap ng puso niyang natutong umibig sa isang lalaking hindi na malaya?* * *CHAPTER ONE Magulo. Mabaho. Maingay.Ang mga katagang iyon ang eksaktong maglalarawan sa lugar na inuuwian ni Catherine. Isang squatters’ area na nakakalumpon sa magkabilang panig ng isang malawak sanang estero kundi nabubulunan sa dami ng sari-saring basura.Nakatambak rin ang nangangalingasaw na basura sa isang panig ng makipot na eskinita patungo sa tinutuluyang bahay.Ang istilo ni Catherine ay huminga nang malalim upang hindi niya masinghot ang lahat ng
CHAPTER TWODahil si Catherine lang ang okupante sa ilalim ng waiting shed, nagulat siya. "Hindi po ako si Arminda, ma'am," tanggi niya habang umiiling. Kusang umaatras palayo ang mga paa niya habang nakatitig sa estranghera.Kumurap-kurap ang ginang na halatang maykaya sa buhay. Makapal ang meyk-ap nito kaya naitago ang karamihan sa mga wrinkles sa mukha. May kulay na ash blonde ang maikling buhok. Ang bestido at ilang mga alahas na suot sa medyo bilugang katawan ay pulos mamahalin."H-hindi ikaw si Arminda?" Unti-unting nabura ang matinding excitement sa mukha nito. Parang nanlulumo."Misis? Napap'ano po kayo?" Napansin ni Catherine na tila mawawalan ito ng malay-tao dahil sumuray sa pagkakatayo. Agad niyang nahawakan ito sa isang braso bago tuluyang matumba."Ooh! Ang akala ko'y tapos na ang paghahanap ko!" ang pa-daing na sambit ng ginang habang sinasapo ng isang kamay ang noo."Dito po muna kayo maupo," ani Catherine habang marahang igi