Share

Chapter 10: SunDATE?

Chapter 10

SunDATE?

I was supposed to take a whole day rest since it was Sunday.I don't have work this day and planned to watch some N*****x all throughout the day but unfortunately it didn't happen.

I'm still sleepy when my Mom knocked on my room door.Still snoring when she patted my shoulder just to wake me up.I furiously knotted my brows as I asked her and her answer makes me more irritated.

She cut my pieceful sleep just to announced that Joaquin is in there...waiting for me.

At ngayon,inaantok pa akong bumaba ng hagdan to assist Joaquin.Mula ng makilala ko talaga siya wala ng ibang nangyare kundi mga nakakainis na mga bagay.

I should take more sleep up till now but here he is...disturbing me.What a great Sunday.

"What do you need Mister?" sarcastically asked him made him grinned on me.Nagawa niya pang ngumise ng nakakairita...fuck!

"Sorry for waking you up." he apologized but that doesn't mean I would forgive him.Masyado na siyang epal.

Nilingon ko ang paligid ko para tingnan kung nasa tabi-tabi lang ba ang Mommy ko and after seeing na wala ito agad kong tinaasan ng kilay ang binata."Bakit ka ba napadpad dito...nang iistorbo ka pa." I irritatedly asked him.

He just shrugged his shoulder."Asking you for a date." my lips parted as I hear what he just said.

Let it sink in first."Date?Sa tingin mo naman ay papayag ako?" pagsusungit ko sa binata.

"Yes.Alam kong papayag ka." he said confidently.Aba't ang taas naman yata ng confident niya.

"Ipinagpaalam na kita sa Mommy mo so there's no way para tumanggi ka." he added ng may pang-aasar sa mukha niya.

Bwiset na lalaking 'toh!Inuna niyang magpaalam kay Mom para hindi ako makatanggi.Ang sarap niyang hampasin.

"By the way you look good on that dress." he complimented me.Ngingiti na sana ako pero naiinis pa rin ako mukha niya.

Wala din naman akong nagawa kundi sumama sa kanya and now we're going to have a long drive.Ewan ko sa kanya kung saan niya balak pumunta.

Nakasimangot kong itinuon ang mga mata ko deretso sa labas ng kotse niyang umaandar.Not minding to listen with him.Anong akala niya magiging mabait ako sa kanya after waking me up.Nah!

The car stopped in front of a park.Park?So ginigising niya lang para samahan siyang pumunta dito.Bakit hindi na lang ang Mama niya ang isinama niya rito at ako pa ang inistorbo niya?

Bumaba kami ng kotse at magkasabay na naglakad sa pathway ng park.Nakasimangot ako,oo.Naiirita ako sa lalaking 'toh.Mukhang balak pa niya akong gawing babysitter niya.

While walking,natanaw ko ang mga batang nakaupo sa mga upuan sa gitna ng mga lilom ng mga puno.May isang magandang babae ang nagtuturo sa kanila and their attentions are in the white board na nasa harapan nila.Doon kami patungo dahil doon kami dinadala ng pathway.

"Kids look!" lahat ng atensiyon ng mga bata ay sa amin napunta.No,erase that.Kay Joaquin sila lahat nakatingin.Masayang nagsitayuan ang mga bata at kaagad na sumalubong sa kinatatayuan namin.

I saw Joaquin's face with a genuine smile on it.Halata sa mga mata niya ang pagiging masaya while giving the kids a wide hug.

Habang masaya siyang binabati ng mga bata ay naka-ngite naman akong nakatitig sa binata.

He looks different now.The way he smiled at the children are so pure.He looks so happy seeing them.Parang hindi ang kilala kong Joaquin ang kaharap nila ngayon.

Mukha siyang mapagmahal na kuya sa mga batang ito.My thoughts dropped when I heard someone's cough.Halatang gustong agawin ang atensiyon namin.

"Lina!" Joaquin gave the woman a peck of kiss on her cheeks that made her blushed a little.She was the woman on the white board a while ago.

"Good to see you here again,Jaq." Ow!So that was their call sign.Nickname basis...pfft!

"You too Lina.Actually I really missed this place and you too kids." nakangiteng sambit ni Jaq---este Joaquin.Duh! whatever.

I took a deep breath bago pa marealized ni Joaquin na may kasama siya.Kung hindi ko siguro ginawa iyon baka maiwan na ako dito sa kitatayuan ko.Medyo dumistansiya din kasi ako since sinalubong siya ng mga bata.Tiningnan ako ni Joaquin before introducing me to her so called---ka call sign.

"By the way she is Hinari."

"Nice to meet you Hinari." Lina smiled at me at ginantihan ko lang din iyon ng ngite."Is she your girl?" biglang tanong nito that made me cough.

"No.I'm not." sagot ko sa kanya.Mabuti ng ako na ang sumagot sa tanong niya.Sa mga bagay na iyon...Joaquin is not good to trust on.

Masyado siyang mayabang at baka gawin niyang biro ang tanong ng dalaga."Hindi raw." Joaquin said na para bang may halo pang papakahulugan sa sinabi niya.See?

After having some greetings with them Joaquin and I took some seats on the bench.Nakalapag sa wooden table ang pagkain namin at nakangite kong tinitingnan ang mga batang naglalaro sa harapan namin.I heard Joaquin cough besides me ngunit hindi ko iyon pinansin.

Those kids played full of happiness written on their faces.Iyong mga ngiteng hindi makikita sa aking mga labi noong bata pa ako.Seeing them with those genuine smiles make me smiled bitterly.They were so lucky to have those smiles...ngiting ipinagkait sa akin ng pangalan ko.

Napainom ako ng tubig nang maramdaman ko ang nagbabanyang pagtulo ng luha ko.Good thing hindi iyon tuluyang tumulo mula sa mga mata ko.

"Mahilig ka pala sa mga bata." I stated to cut the silence enveloping between me and Joaquin."Yeah.They were my charity since I started my jobs." he answered that made me admire him for a short time.

Kahit pala mayabang siya at minsa'y antipatiko may mabuti naman pala siyang puso.Good points siya roon.

"Ikaw?" 

"Ako?Anong ako?" I asked confusedly."Do you have charity?" he asked.I shook my head as an answer.Wala akong charity na tinutulungan kahit noon pa pero ang alam ko my mother has two.

Both charity for an orphanage.

"Si Lina...kasama mo siya sa charity mo?" I suddenly asked dahil mukhang matagal na silang magkasama ng dalaga.It takes a few seconds before he answered my question at nang lingunin ko siya ay naka-ngite siyang nakatingin kay Lina na masayang nakikipag laro sa mga bata.

"She's my childhood best friend." he answered without removing his smile.Malinaw kong nakikita sa mga mata niya ang paghanga sa dalaga.Base sa tingin niyang iyon...lihim niyang hinahangaan ang kababata niya.

"Best friend lang?" I asked teasing him.Tiningnan naman ako ng binata ng nakakunot ang noo."Y-yes." utal niyang sagot.

Confirmed.The way he answered my question made me confirmed his secret feelings on his childhood best friend.Kaya pala may call sign sila.

My thoughts made me feel bit irritated to Joaquin.Bakit niya pa ako inayang mag date kung may iba naman pala siyang dapat na ayain?

"Hi!" bati sa amin ni Lina ng matapos siyang makipag-laro sa mga bata.Joaquin stood up to gave her a towel to wipe her sweat.

Lihim akong napa-ismid.Halata namang gusto nila ang isa't-isa idadamay nanaman ako ng antipatikong 'toh.

Tumayo ako at sinimulang pagpagan ang dress ko.Joaquin look at me confused."Where are you going?" he asked when I started to walked away from them.

Ayaw ko namang sirain ang bonding nila.Look like they missed each other so bakit pa ako magtatagal kasama silang dalawa.Maa-out of place lang ako since they have their common.

"CR." sagot ko at nagsimulang maglakad palayo sa kanila.Hindi naman na sumunod si Joaquin kaya hindi ako nahirapang makalabas ng park.

Now I was waiting for a taxi na masasakyan palayo ng park but unluckily wala ni-isang dumaan.Napilitan tuloy akong sumakay ng jeep at makipag-siksikan sa mga pasahero.

Nakaalis ako ng park ng walang hassle.Napangite tuloy ako ng pumasok sa isip kong pumunta ng mall.Medyo matagal na din ng makalabas ako ng patago.

It's gonna be a Sundate with me, myself and I.Woooo!

Tumigil ang jeep na sinasakyan ko sa harap ng mall.Excited akong bumaba at hindi maalis sa labi ko ang ngite.

Nagawa ko pang ngumite sa guard bago ako pumasok sa loob.Sorry manong guard, excited lang.

Una kong pinuntahan ang bookstore to buy some books na magugustuhan ko.At nang lumabas ako bitbit ko ang isang paper bag laman ang mga librong binili ko.

"McDonald's naman tayo Hinari." I uttered at kaagad na tinungo ang fast-food restaurant.Kahit pa puno na pinilit kong makahanap ng table and luckily I found one vacant.Dala ang order ko at ang librong binili ko kanina tinungo ko ang table at nang paupo na ako biglang may umupo sa tapat na upuan nito.

What the...nauna ako ah?

Inis kong tiningnan ang lalaking umupo and my lips parted when I realized who he is."Ikaw nanaman?" inis na tanong ko sa binata.

"Anong akala mo makakatakas ka ng ganoon kadali?" naka-ngiseng tanong sa akin ni Joaquin.

Talaga bang may sa aso siya?Sabi ko date with myself,umepal nanaman siya!

"Sit." he said full of authority.Tulad ng sinabi niya inis akong umupo sa tapat niya.

"Wala ka namang order ah...bakit ka nakiki-upo." reklamo ko.Ngunit agad niyang kinuha ang fried chicken na in-order ko kanina."Akin na 'toh." he playfully said.

"Akin 'yan!" napatingin sa akin ang mga customer na kumakain dahil sa biglaang pagtataas ko ng boses.Nahihiya pa akong napatakip ng mukha ko.

'hindi talaga matatapos ang araw na 'toh ng hindi ako nakagaganti sa antipatikong 'toh.'

Ang kaninang ngite ko ng takasan siya ay agad na nawala.Ni hindi man lang iyon nagtagal sa aking labi...bwiset!

Natapos kaming kumain at ngayon ay naglalakad kami sa loob ng mall.Halos lahat ng nakakasalubong namin lalo kapag teenager ay napapatingin sa kasama kong antipatiko.Duh! kinikilig na sila niyan?

"Iba talaga ang mukha ng Andrade...masyadong kapansin-pansin." he confidently said besides me.

Hindi ko naman pinansin ang kayabangan niyang iyon.Malamig na nga dito sa loob ng mall pinahangin pa niya.Noong pinanganak siguro siya ng Mommy niya...bumabagyo.

"Saan tayo sunod na pupunta?" he asked nang sandali kaming tumigil sa harap ng isang jewelry shop."Gusto ko nang umuwi." walang ganang sagot ko sa kanya.

"Uuwi?Hindi pa oras para umuwi Hinari.Pinagpaalam kita sa Mommy para makasama ka ng buong araw." sambit niya.My heart beat so fast as I heard what he just said.It feels like my heart suddenly dropped...shit!pakipulot.

Natameme pa ako bago siya muling nagsalita."Doon muna tayo." aya niya sa akin sabay turo sa isang shop ng men's apparel.Wala sa sarili akong sumunod sa kanya habang hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi niya.

Those lines make me dumbfounded sa hindi malamang dahilan.Ngunit nabalik ako sa wastong pag-iisip ng hilahin niya ang kamay ko palapit sa kanya.

"Faster." he irritatedly said.Mula tuloy sa pagkaka-tulala napa-ismid ako bigla.

"Bitawan mo na.Kaya ko namang maglakad mag-isa." I complained then he removed his hands on my wrist.Bahagya pa itong namula dahil sa pagkakahawak niya.

Bwiset talaga siya.May pabanat-banat pa siya hindi naman bagay.Nakasimangot akong sumunod sa bawat paglakad niya hanggang sa makapasok kami sa itinuro niya kaninang shop.

Buong akala ko ay bibili siya dahil sa pagmamadali niya sa akin kanina lamang pero nang lumabas kami ng shop na walang dala kahit punit na tela...agad ko siyang binatukan.Kahit pa mas mataas siya sa akin ay nagawa ko iyon...and yes!Proud ako dahil nakaganti rin ako.

"What was that for?" salubong ang kilay na tanong noya sa akin.

"May pahila-hila ka pa,e hindi ka naman pala bibili." I said irritatedly.

"Eh sa mahal masyado,e." he answered that makes me laugh.

"What's so funny?" he asked as I tried to stop myself laughing.

"Sa likod ng maranya mong buhay kuripot ka pala." pang-aasar ko sa kanya ngunit agad na nag-iba ang itsura ng mukha niya.

He became so serious.The look that saw on his face the first time we met on the elevator.Oh?Wala namang masama sa sinabi ko ah.Bakit naging seryoso siya bigla.

"You know what...let's go." he coldly said before leaving me behind.Nauna siyang naglakad palabas ng mall at hindi man lang ako inintay...aba't pikon na nga napaka gentleman.

Kuripot lang naman ang sinabi ko 'noh...anong nakaka offend 'dun?

Pasensiya niya maiksi pa sa napkin...bwiset siya!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status