Chapter 17: Half-Sister

Chapter 17

Half-sister

Dumaan ang maraming araw.Wala naman nang bago sa mga nagdaang araw na iyon liban lamang sa pagiging mas close namin ni Joaquin.I mean,noon kasi hindi naman kami ganoong kalapit sa isa't-isa lalo na ako sa kanya.Kasi di'ba usually nabwibwiset talaga ako sa kanya at parating mainit ang ulo ko kapag nariyan siya sa tabi ko at inaasar ako.

Pero ngayon,medyo nawala na ang pagkainis na nararamdaman ko towards him though naiinis pa rin ako sa kanya... minsan.Hindi na ganoong kadalas.

At speaking of hindi na ganoong kadalas...hindi na rin ganoong kadalas ang pagpunta niya sa opisina ko.Bagay na wala naman akong issue kasi kapag naroon siya sa opisina ko parati niya lang akong iniistorbo.

Kahit na nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ko ay kinukulit niya ako sa maraming bagay.Tulad na lang ng mga bagay na ereregalo niya kay Lina.

Walang araw na lumilipas na hindi niya ako kinukulit tungkol sa mga bagay na ganoon pero hindi sa ngayon.Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam.Siguro ay may pinagkaka-abalahan lang siya nitong mga nakaraan.

Sa loob ng mga araw na lumipas mas lalo kong nakilala ang binata.Literal na may pagkamayabang ang ugali niya pero ngayon nasanay na ako.Natural din na may mood swings siya at kapag bigla na lang nagbabago ang mood niya...doon ako nabwibwiset.

Especially kapag nag-aaway sila ni Lina.Ewan ko ba dun, sinubukan ko naman siyang pigilan tungkol sa relasyong iyon pero sadyang matigas ang ulo niya.

Hindi raw niya kayang mawala sa kanya si Lina so ako naman walang magawa kundi hayaan na lang siya.Malaki naman na siya.Alam na niya ang tama sa mali.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na bawal ang relasyon nila ni Lina dahil ikakasal na rin ang dalaga.

Minsan nga ay pinayuhan ko siya na baka bukas,makalawa ay magising na sa katotohanan si Lina at piliing itigil na ang namamagitan sa kanila.Pero knowing that Andrade...ang tibay.Ayaw bumitaw.

Alam ko na rin kung bakit hindi sila pwede ni Lina.Kung bakit hindi na lang sila.Family feud pala ang dahilan.

May malalim palang dahilan kaya ngayon mala Romeo and Juliet ang pagmamahal nila.

Naawa tuloy ako para sa lalaking 'yun,e kasi naman kahit pa mahal nila ang isa't-isa hindi naman sila pwede.Naisip ko tuloy...hindi pala sapat na mahal niyo lang ang isa't-isa 'noh.Kasi kahit mahal niyo man ang isa't-isa kapag may hadlang...mahirap.

Mahirap pala talagang ipanalo ang pag-ibig sa gitna ng maraming pagtutol.It's like proving your love kahit pa maliit lang ang tyansang magwagi ka at maging masaya.

Laking pasalamat ko na lamang dahil kahit papaano wala akong problema tungkol sa buhay pag-ibig ko.

Well...minsan sumasagi sa isip ko ang maraming katanungan tungkol sa pag-ibig pero mas minabuti ko na lamang na 'wag na lang pagtuunan iyon ng pansin.

Wala naman akong lovelife na pwede kong ipaglaban kung sakali.Isa pa...nalulunod lang ako sa maraming what if  ko.

Kaya kaysa piliin kong isipin ang tungkol sa bagay na iyon...ang bagay na wala naman ako mas pinipili ko na lang na payuhan si Joaquin kahit pa ang tigas ng ulo.

Syempre kaibigan ko na siya,e so naroon 'yung concerned ko sa kanya kahit pa minsan inaasar niya akong type ko raw siya.Minsan tuloy nababatukan ko siya kapag inaasar niya ako.

Pero aaminin kong tinatamaan talaga ako ng kilig kapag bumbanat siya ng ka-cornihan niya.Yes...corni rin siya minsan pero sa lahat yata ng ugali niya iyon ang pinaka-gusto ko.

Ewan ko rin kung bakit at sa anong dahilan pero hindi ko maitatangging sa bawat araw na lumilipas...iyon ang nagugustuhan ko sa binata.

Not totally na gusto...crush siguro ang tamang term...ewan hindi ko rin alam.Basta ang alam ko lang...hindi ko gustong maging third wheel sa relationship nila ni Lina.

And I'm not into him din.Period.

"Dios mio kang bata ka.Kaya pala hindi mo ako pinag bubuksan ayun pala'y may nakapasak riyan sa tainga mo." pinatay ko ang music na kanina ko pa pinapakinggan sa cellphone ko at saka binalingan si Yaya Sole na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Ano 'yun,Ya?" tanong ko pa.

"May sinasabi ka,Ya?" muli kong dagdag at iiling-iling lang siyang nagtungo sa  walk-in closet ko.Paglabas niya dala niya ang mga dirty clothes ko.

"Bumaba ka na riyan.Hinihintay ka na ng Mama't Papa mo sa baba." pahayag niya.Kibit-balikat akong sumunod sa kanya palabas at nang makababa ako nadatnan kong tahimik na kumakain sina Mommy.

"Natagalan ang pagbaba mo,Hija." bati ni Dad nang maka-upo ako sa tabi ni Mommy.

Ngumite lang naman ako ng pilit.Wala naman akong maisipang palusot para idahilan sa kanila ang bahagyang pagka-antala ng pagbaba ko.

Kanina pa kasi ako nakikinig ng music kaya siguro nakakunot din ang noo ni Yaya kanina habang nakatingin sa akin.Siguro kanina pa niya ako tinatawag,e kaso hindi ko nadinig.

Pagkatapos naming kumain,nag presinta akong tumulong kina Yaya sa pag aayos ng mga halaman namin sa garden.

Pinigilan pa nga nila ako pero talagang nagpumilit ako.Wala rin naman kasi akong gagawin since wala naman akong trabaho ngayon.

Tiyak din naman akong hindi rin ako papayagan nina Mommy na pumasyal.Ayun pumapayag lang sila kapag kasama ko si Joaquin.

Ang bwiset naman kasi nang lalaking 'yun.Hindi nanaman nagparamdam.Hindi tuloy ako maka labas ng hawan ng mansion namin.

Nakita ko roon sina Yaya na nag gugupit ng mga damong hindi naman ganoong kataas.Ni hindi nga yata iyon umabot sa paa ko kapag naka-tsinelas ako.Ang sabi kasi ni Yaya,bilin daw ni Mommy na gupitin na ang mga Bermuda na 'yun.

"Ya,kapag ba nadiligan ako may pag-asa pang madagdagan ang height ko?" dahil sa tanong kong iyon,napahugot ng hininga si Yaya habang ginugupit niya ang natuyong dahon ng mga halaman.

"Bata ka...kung ano-anong tinatanong mo." 

"E kasi,Ya...si Joaquin nakakainis.Kapag iniaabot siya ng kayabangan niya parati niyang ipinapatong sa ulo ko ang braso niya.Iyon daw ang purpose ng mga pandak." reklamo ko.

"Aba'y hindi ka naman pandak,Hinari.Bakit gusto mo pa bang tumangkad?"

"Oo naman,Ya...ang bigat kaya ng braso ng lalaking 'yun.Tapos lagi niya ring ginugulo ang buhok ko."

Nagsimula lang gawin 'yun ni Joaquin sa akin simula ng maging mag-kaibigan talaga kami.Simula ng gabing hiniling niya na maging kaibigan ko siya...ayun mukhang nagsisisi na ako.

E paano ba naman kasi.Kapag pagti-tripan niya ako parati niyang ginagawang mini table ang ulo ko.Sa elevator kapag kami lamang dalawa ang nasa loob... ipinapatong niya sa ulo ko ang braso niya.Akala mo'y magaan...bukod pa ro'n parati ring nagugulo ang buhok ko.

Bago tuloy ako makapasok sa loob ng office ko, malisyosa akong tinatapunan ng tingin ng sekretarya ko.

Minsan pa'y uusisain ako ni Lea tungkol sa kung anong chismis tungkol sa amin ni Joaquin.Bagay na itinatanggi ko talaga.

Hindi na rin ako maka-ahon sa chismis dahil sa lalaking 'yun.Kakambal na yata talaga niya ang rumors,e.Ayan tuloy...nadamay pa ako.

Masyado siyang hyper...pero kapag nasa public naman kami,napaka seryoso.Laging salubong ang kilay na walang kaemo-emosyon.Mood swing nga niya.

Sumapit ang hapon,bigla na lang akong napabangon sa kama ko nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

"Bakit?" tanong ko sa maid.

"Ma'am kailangan daw po kayo ng Mama niyo.Nasa rooftop po siya." pahayag niya.

Nang maka-alis naman siya ay agad din akong bumaba sa kama ko para puntahan si Mom.Ang lapit lang naman ng kwarto ko sa kwarto nila ni Dad bakit hindi na lang siya ang pumunta rito.Kailangan ko pang umakyat sa rooftop para kausapin siya.

"Mom?" tawag ko sa kanya nang makarating ako sa rooftop namin.

Nakita ko ro'ng nakatanaw siya sa malawak na kabuuan ng subdivision.Tinatangay ng banayad na hangin ang iilang hibla ng takas niyang buhok.Gayundin ang ang suot niyang damit since nakasuot siya ng maxi-dress na tabon ang paa niya.

Nilingon niya ako and it's made me shocked when I saw her eyes in tears.Her eyes are swollen because of it.

Pinutol ko ang distansiya sa pagitan namin at agad siyang dinaluhan.Hindi man ako sigurado kung bakit siya umiiyak pero tumatakbo na sa isip ko posibleng dahilan.

"Shhh...stop crying Mom." the only words that I can say to comfort her.

Hinaplos ko ang buhok niyang hindi ganoong kahabaan.Mas lalo ko ring hinigpitan ang yakap sa kanya.

While hearing her sobs on my shoulder...parang...parang nadudurog ako.

Parang gusto ko ring umiyak.

"Y-your Dad...Hinari...your Dad cheated on u-us." garalgal ang tinig niya habang tinuturan ang mga salitang iyon.

Hindi naman na ako nagulat sa sinabi niya since alam ko na iyon.Hindi ko lang ipinaalam sa kanila since they acted normal after the fights they have.

Wala akong ibang nagawa kundi hayaan na lang siyang umiyak sa balikat ko.Hayaan siyang damhin ang yakap at ang suporta ng isang anak sa isang Ina.First time in my life na makitang mag breakdown sa harapan ko ang Mommy ko and honestly...its killing me.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.Pero nangingibabaw ang pagka-yamot ko sa sarili kong Ama.

Base sa araw-araw namin buhay...sa araw-araw naming pagsasama sa iisang bahay as a perfect image of a family...wala akong nakikitang ibang problema sa pagsasama ng mga magulang ko.

The love of my Mom towards my Dad it's genuine.Maaaring peke ang pagtrato nila sa akin kapag kaharap nila ang ibang tao pero ang pagmamahal ni Mommy kay Dad... fuck!Totoo ang lahat ng 'yun.

Kaya ngayon...itinatanong ko sa sarili ko kung bakit.Bakit nagawa ni Dad na pagtaksilan si Mom?

Bakit siya nagkaroon ng anak sa iba?How can he have the guts na baliin ang sinumpaang pangako niya kay Mom sa harap ng altar.

Bakit niya kami niloko?

After seeing my Mom's breakdown...ngayo'y nakatingin lamang ako sa kanya habang naka-upo siya at nakatanaw sa malayo.

Tinulungan ko na rin siyang kumalma ngunit hindi napawi ng pagko-comfort ko sa kanya ang mga luhang patuloy na lumalandas sa pisngi niya.

Masakit...masakit makitang nag-kakaganyan siya dahil sa sarili kong Ama pero bakit ganoon?

Bakit kahit naiinis...nayayamot kay Dad,e hindi ko kayang magalit sa kanya ng lubusan.Oo...nasasaktan din ako kasi naaapektuhan ako sa pag-iyak ng Mommy ko but I can't hate my Dad that much.

Nangingibabaw pa rin sa akin ang idea na baka...marahil.Marahil may dahilan kung bakit niya nagawa sa amin ang bagay na 'toh.Na baka siguro may sapat siyang rason para ipaliwanag ang bagay na 'toh.

Baka...marahil.Mga hindi siguradong marahil na pilit kong pinang hahawakan.Na pilit kong itinatatak sa isip ko dahil ayaw kong husgahan si Dad ng ganoon lang.

I can't judge him without even further explanation coming from him.Kaya kahit masakit sa akin na anak nila...inintindi ko ang bagay na 'toh.

And then pareho kaming napatayo ni Mom muka sa pagkaka-upo nang marinig ang busina ng sasakyan mula sa baba.

Naunang dumungaw sa baba si Mom at hindi pa man nagtatagal ang pag dungaw niyang 'yun...muli nanaman siyang humaguhol sa pag-iyak.

Tiningnan ko kung bakit pero tila natapunan ako ng malamig na tubig.Parang  mas lalo akong nakaramdam ng sakit but at the same time parang...parang may pagkatuwa akong naramdaman sa loob-loob ko.

Nagmamadaling bumaba si Mom na kaagad ko namang sinundan.Sa hagdan pa lamang pababa ng main area ng bahay namin nangibabaw agad ang boses ng Mommy ko.

Galit niyang inagaw ang atensiyon ni Dad na kapapasok lamang ng pinto habang nasa likuran niya ang...ang half-sister ko.

"How dare you, Philip!How dare you to bring your bastard in our house?B-bakit...bakit mo siya dinala rito?" umiiyak na tanong niya kay Dad na tila nag-aalalang nakatingin kay Mom.

"Mommy...calm down." mahinahong awat ko sa kanya habang yakap siya sa aking mga braso.

Tinapunan ko ng tingin ang babaeng nasa likuran ni Dad at base sa mukha niya hindi niya rin gustong narito siya sa harapan namin.Sa harapan ng umiiyak kong Ina at sa harapan ko.Nakayuko lang siya habang hawak niya ng mahigpit ang maletang kanina lamang ay hila-hila ni Dad.

"Matilde...kumalma ka.Ang puso mo b-baka mapaano ka." dinaluhan siya ni Dad pero agad siyang itinulak ni Mom palayo.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan,ni-lumapit sa akin ay 'wag mong gagawin.Manang Sole ihatid niyo sa labas ang batang 'yan at huwag na huwag niyong papapasukin sa pamamahay ko."

"Pamamahay natin,Matilde.Walang susunod sa iniutos niya kung ayaw niyong matanggalan ng trabaho!" malakas na utos ni Dad.

Dahil tuloy ro'n tumigil sa paglalakad sina Yaya Sole at nakayukong bumalik sa kanilang pwesto.Narinig ko rin ang lalong pag-iyak ni Mom na ngayo'y kumawala na mula sa pagkakayakap ko.

"Paalisin mo siya,Philip...paalisin mo ang anak mo sa labas!Ang bunga ng pagtataksil mo sa akin...sa amin ng anak mo!" my Mom shouted pero umiling si Dad at saka inakay ang kapatid ko paalis sa harapan namin ni Mom.

"Philip!" muling sigaw ni Mom ngunit tuloy-tuloy lamang si Dad sa pag-akyat sa itaas.

"Mom...calm down first." 

"How c-can I?Paano akong kakalma gayong pinamukha pa ng Daddy mo akin ang bunga ng kasalanan niya sa akin...sa atin?" 

I was left dumbfounded after hearing those words coming from my Mom.Coming from my wounded Mom.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status