Chapter 18: On My Shoulder

Chapter 18

On my shoulder

Kinabukasan, nagising akong tila wala nanamang nangyare kahapon.Naabutan ko sina Mom na tahimik na kumakain ng almusal sa kusina.Pasimpleng nag-uusap at ngumingite sa isa't-isa.

"Good morning." alinlangang bati ko pa sa kanila.Ngumite si Dad sa akin ngunit hindi si Mom.

"Sumabay ka na sa amin papasok ng opisina, Hinari." my Mom said na hindi man lang ako tinatapunan ng konting tingin man lang.

Kibit-balikat akong kumain kasabay sila.Nanatili kaming tahimik hanggang sa magsalita si Dad.

"Manang pakitawag si Bea." utos ni Dad kay Yaya Sole na agad naman nitong sinunod.

Sa tabi ko, narinig ko ang pagbuntong hninga ni Mom.Tila napansin iyon ni Dad kaya hinawakan niya ang kamay ni Mommy at marahan iyong pinisil.

"We already talked about this,Matilde." saad niya.

Ako nama'y tahimik lang na kumakain.Pasimpleng titingnan ang bawat kilos nila ngunit hindi sumasabat sa usapan.Hanggang ngayon din kasi,hindi ko pa maprocess sa utak ko ang mga nangyayare sa pamilya namin.

Parang kailan lang ay larawan kami ng perpektong pamilya pero sa isang iglap...sa isang kisap biglang naglaho ang larawang 'yun.

"G-good morning p-po..." napatingin ako sa kararating lang na kapatid ko.Nakayuko ito at hindi kami tinitingnan...tila nahihiya o natatakot.

"Have a seat,Bea." paanyaya ni Dad sa kanya at saka itinuro ang upuang bakante na malapit sa kanya.

Hindi naman umupo roon si Bea...I guess I heard it right.Bea ang pangalan niya.Hindi siya ro'n umupo marahil ay nakaramdam siya ng takot nang tingnan siya ni Mom.

Habang kumakain,hindi ko maiwasang hindi tingnan ang kapatid ko.Medyo bata pa siya...I guess she's only seventeen.

Nakapony-tail ang mahaba niyang buhok.Maputi ang balat na gaya ng sa akin at hindi rin maipagkakailang...kamukha ko nga siya.

Well...halos lahat ng features ng mukha ko ay nakuha ko kay Dad kasi malakas daw ang dugo ng De Alva.Ang tanging nakuha ko lang kay Mom ay ang hugis ng mukha at ng labi ko and the rest kay Dad na.

Talagang kapatid ko siya.Hindi iyon maitatanggi... talagang may kapatid nga ako.

Ewan ko ba.Sa gitna ng inis at pagka-yamot ko kay Dad bakit parang some parts of me are thankful kasi nangyare ang bagay na 'toh.Na nagkaroon ako ng kapatid kahit pa nagtaksil si Dad.

Hindi ko makuhang magalit sa kapatid ko.Alam ko naman kasing wala siyang kasalanan...na hindi niya kasalanang isilang siya sa mundo at nagkaroon ng pamilyang hindi ideal sa mata ng marami.

"Let's go." iyon ang narinig ko kay Mom bago ako sumakay ng kotse nila.Nasa backseat ako katabi si Mom tapos nasa driver's seat si Dad.

Ipagmamaneho kasi sana kami ni Tatay Pablo pero tumanggi si Dad.Siya na raw ang magda-drive pero hindi naman sa kanya tumabi si Mom.Nagmukha tuloy na driver namin siya ni Mom.

Buong biyahe tahimik lang kaming tatlo sa loob ng sasakyan.Walang may lakas ng loob na putulin ang katahimikang namamayani.

Maging pagdating namin ng kompanya,tahimik pa rin kami.Saka lamang ako nagsasalita kapag may bumabati sa amin pero sina Mom...mukhang walang balak na magsalita.

Naiintindihan ko naman kung bakit.Ayaw ko na lamang kwestiyunin ang paraan ng pagtrato nila sa isa't-isa ngayon.

Hindi rin naman kasi madaling kalimutan ang sakit na nararamdaman ni Mom.Hindi naman pwedeng umakto lang siya na tila ba'y walang nagawang pagkakamali si Dad sa kanya.

Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang opisina ko, nakangite akong nagpaalam kina Dad.I tried to kiss my Mom's cheeks pero umiwas siya.

Damn that.Parang kahapon lang ay nasa loob siya ng mga braso ko habang umiiyak pero ngayon...basta masakit.

I walk through the hallway almost crying pero pinigilan ko dahil na rin sa mga matang nakatingin sa akin.Ang ila'y bumabati gayundin ang aking secretary pero hindi ko siya binati pabalik.

"Ma'am nasa line po si Mr.Silva." my secretary announced so I grabbed my telephone.

"Hinari De Alva from De Alva company." simula ko.

"Yes... yes Mr.Silva.Tomorrow lunch." ibinaba ko ang linya bago napa-ismid ng wala sa oras.

Akala ko'y tungkol sa trabaho ang dahilan ng pagtawag niya,hindi naman pala.Asking for a lunch...pinagbigyan ko naman.

Si Mr.Silva kasi ay isa sa mga shareholders ng kompanya at hindi maipagkakailang,malaki ang part niya sa negosyo.Matagal na rin siyang nagpapahiwatig sa akin pero hindi ko pinapansin since hindi ko gusto ang ugali niya...base sa chismis na ipinararating sa akin ng sekretarya ko.

According to rumors...babaero raw siya at may obsession na itinatago.Noon nga'y natatakot akong kumain ng tanghalian kasama siya dahil sa usap-usapan.But my Dad says na wala namang gagawing masama sa akin ang lalaking 'yun...so pinakikisamahan ko na lang.

Dumaan ang mga oras and I was about to leave the office nang makita ko si Mom na papunta sa akin kasama si Joaquin.

Hindi ko alam pero napangite na pala ako ng makita ko ang binata.Ang tagal din niyang hindi nagpakita.

Napansin kong medyo hindi ganoong ka-blooming tingnan ang binata.Parang namayat ito ng bahagya at mukhang kulang pa sa tulog.

"Mabuti naman at narito ka pala,Hija.Let's talk inside." wika ni Mom ng makalapit sa akin.

Aangal pa sana ako para sabihing may pupuntahan ako since balak kong puntahan sana si Manang Loleng pero mukhang hindi nanaman ako makakapunta.

Hinila ako ni Mom papasok muli ng opisina ko at saka ini-lock ang pinto nito.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko.

Pasimple ko pang tiningnan si Joaquin na hindi naman nakatingin sa akin.Parang malalim yata ang iniisip niya at tila wala sa wisyong nakatuon ang mga mata sa hawak niyang folder.

"Joaquin and you are going to have team up project.It was actually a partnership project with Andrade Incorporation at ikaw ang pinili ng Daddy mo na maging representative ng company natin." she announced.Hindi na rin naman ako nagulat.

Wala nang nakakagulat sa bagay na iyon.Mas nakatuon lang ang focus ko kay Joaquin na hanggang ngayo'y wala pa ring imik.

"Nasaan ka nitong nakaraan?" tanong ko sa kanya.Umalis na si Mom at tinamad na rin akong lumabas ng kompanya kaya nagpa deliver na lang ako ng lunch.

Lunch na ako lang naman ang kumakain since mukhang diet ang lalaking 'toh.Ni hindi nga rin niya pinapansin ang mga sinasabi at itinatanong ko sa kanya.

Mukha siyang wala sa sarili na kung saan-saan napapaling ang tingin.Kanina nakatulala siya sa hawak niyang folder ngayon nama'y nakatulala siya sa bintana.

"I have to go." 

"Huh...A-ah I mean sige." I awkwardly said tapos lumabas na siya ng opisina ko.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa inaakto ng binata.Hindi ko mapigilang hindi magtaka.The Joaquin I used to know is...makulit kahit na may mood swing.Hyper pero hindi sa public.

Nakakapag taka naman yatang hindi man lang niya ako inaasar o kinulit ngayon.He doesn't even tease me o di kaya'y yabangan kasi usually iyon ang ginagawa niya.

Halos hindi rin siya nagsalita.Oo o pag-iling lamang ang isinasagot niya kapag tinatanong ko siya.

Problemado siya base sa mukha niya.Hindi ko lang inusisa kanina dahil baka sabihin niyang chismosa ako masyado.

Pag-uwi ko,nakita ko si Bea na palabas sana ng kwarto niya but upon seeing me...muli siyang pumasok sa kwartong katabi lang ng kwarto ko.Alam kong umiiwas siya at mukhang ayaw rin niyang maglalabas ng kwarto.Siguro'y takot kay Mommy or ayaw niya lang talaga.

Dumeretso lang ako sa kwarto ko at saka muling lumabas.Pagbaba ko sa kusina,naabutan ko roon sina Yaya na naghahain ng pagkain.

"Sina Mom?" tanong ko.

"Hindi pa umuuwi,Hija.Nagsabi rin ang Daddy mo na may lakad sila ng Mama mo.Mukhang magde-date." sabay hagikhik ni Yay na tila'y kinikilig pa.

Hindi ko naman maiwasang hindi rin mapa-ngite.Sana...sana nga'y magkaayos na sila para hindi naman ako namomroblema kung kailan sila magkaka-ayos.

Isa pa,ayaw ko na rin ng gulo rito sa bahay.Ang sama naman tingnan kung parati na nga silang walang oras sa akin, nag-aaway pa sila.

"Oh...saan ka pa pupunta bata ka?" 

"E,tatawagin ko si Bea para sabayan akong kumain." 

"Naku...masaya ba ang alaga ko dahil may kapatid na siya?"

"Um...hindi ko alam ang totoong sagot diyan,Ya.Sige...akyat muna ako." paalam ko bago muling umakyat sa itaas.

Nang nasa harap na ako ng ointoyng kwarto ni Bea parang nalunok ko ang dila ko.Hindi agad ako nakakatok sa pinto at huminga pa ng malalim bago naglakas loob na katukin na ang pinto.

"Bea." tawag ko kasabay ng pagkatok ko.Hindi naman ako nag-intay pa ng matagal dahil nakatungo niya akong pinagbuksan ng pinto.

"Um...t-tara na sa baba.Sabayan mo akong kumain." aya ko sa kanya.

Iniangat niya ang tingin sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkabigla.

"Kasabay po?A-ako?" di-makapaniwalang tanong niya na sinagot ko lamang pagtango ko bago siya hinila palabas ng kwarto.

Hawak ko ang kamay niya nang makababa kami sa kusina.Nakangite pa akong inaya siyang kumain na since bakas pa rin sa mukha niya ang gulat.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain?"

"Huh...A-ah,e hindi naman po." wika niya nang tanungin ko siya.Ibinaba niya ang tingin niya sa pagkaing nakahain sa harapan niya at saka nagsimulang sumubo.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng marinig ko ang mumunti niyang paghikbi.Dahil tuloy ro'n bigla akong nataranta.

Inisip ko bigla kung may nasabi ba akong masama sa kanya pero wala naman.

"B-bea?" 

"Pasensiya na p-po,Miss.Hindi ko lang po m-mapigilang hindi maiyak,e." saad niya.

Nagtataka man ako sa dahilan niya kung bakit siya biglang umiyak,tumayo ako at saka siya nilapitan.

"Hindi uso sa akin ang Miss.Ate...iyon ang itawag mo sa akin." ngiteng pahayag ko sa kanya.

Since nananatili siyang naka-upo kinailangan niyang tumingala para matingnan ako.Her eyes were swollen dahil sa pag-iyak niya.

"A-ate..." she almost whisper and I was about to hug her pero naudlot nang pumasok ang isa naming maids.

"Señorita...nasa labas ho si Señorito Joaquin.Gusto raw po kayong maka-usap." pahayag niya.

Ngiteng binalingan ko si Bea."Babalik ako." I said at saka siya iniwan.

Paglabas ko,nakita ko si Joaquin na naka-upo sa beach chair na malapit sa pool.

"Bakit?" agaw ko sa atensiyon niya.

Nakapamulsa siyang tumayo at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.Doon ko lang narealized na naka short lang pala ako at nakasando.Medyo kita pa ang cleavage ko...para tuloy nailang ako bigla.

"Malamig ang panahon pero ganyan ang suot mo?" Wait.Did he just questioned my clothes?

"Hindi naman malamig sa loob.Ano nga palang pinunta mo rito?" pagbabalik ko sa usapan dahil mukhang sesermunan niya lang ako.

"I..." tila nauumit pa ang dila niya para sabihin nang tuluyan ang sasabihin niya.

Hindi rin mapakali ang mga mata niya at kung saan-saan iyon ipinapaling.

"Hoy...ano na?" atat na tanong ko.

"Um..pwede bang magpalit ka muna ng suot mo." pahayag niya dahilan para makaramdam ako ng bahagyang pag-iinit ng aking pisnge.

Walang sabi-sabing tinungo ko muli ang loob ng bahay para magpalit ng damit.Sakto namang pagpasok ko nakita ko Bea na nasa may hagdan dala-dala ang isang...roba.

"Eto na lang ang suotin mo,Ate.Mukhang naiilang si kuyang pogi sa suot mo." pahayag niya.

Na-conscious tuloy ako bigla sa itsura ko.I wondered how I look like kaya tinanong ko si Bea."Ano bang itsura ko?" tanong ko sa kanya.

"Nakaka-akit po." deretsahang sagot niya sa akin.My lips parted nang marinig ko ang sagot niya.

Ibig bang...kaya ba...kaya ba hindi mapakali ang tingin ni Joaquin? Shit!naakit ba siya?

"Sige na,Ate.Nag-iintay na si Kuyang pogi." sabay nguso niya sa kinaroroonan ni Joaquin.

Nakatayo ang binata sa harap ng pool habang nakapamulsa pa rin.Nakatalikod ito mula sa direksyon namin ni Bea at nang maglakad ako pabalik ng pool area...tila nagulat pa ito ng makita ang suot ko.

May ngiwi ring lumabas sa labi niya na kaagad na nabura."So...ano nga..."

"She broke up with me..." 

"Oh..." iyon lang ang lumabas na salita mula sa bibig ko matapos kong marinig ang balita niya.

"Wala na kami,Hinari.Pinili niya ang lalaking 'yun over me." muli niyang saad.

Wala naman akong masabi dahil wala ring pumapasok na advice sa utak ko.

Ayan...sinabi ko na sa'yo,iiwan ka rin 'nun. Iyon ang nais kong sabihin sa kanya pero syempre hindi ko sinabi.Sa isip ko lang.

"Ang sakit-sakit,Hinari.Ang sakit ng katotohanang hindi kami pwede.Na kahit mahal ko siya at mahal niya ako,hindi pa rin sapat." yumugyog ang balikat niya at muling napaupo sa upuan habang ako'y nanatiling nakatingin sa kanya...walang masabi.

"I hold onto her words,on her I love you's pero bakit ikinawasak ko?Akala ko...akala ko ilalaban niya ang namamagitan sa amin pero hindi pala." patuloy na sambit niya na ngayo'y nagpatulo ng luha ko.

Umiiyak ang kaibigan ko sa harapan ko and I can't do anything but to stared at him... dumbfounded habang tumutulo rin ang sarili kong luha.Wala akong masabi dahil wala naman akong alam na ikagagaan ng loob niya.

"I love her so much,Hinari pero nawasak ako sa maling akala.Sa pag-aakalang she loves me too the way I love her." his last words before I've realized that I was now hugging him... tightly while he was crying on my shoulder.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status