Chapter 19: Surprised

Chapter 19

Surprised

Nang gabing 'yun,walang ibang tumakbo sa utak ko kundi ang mga luha ni Joaquin.Ang mga paghikbi niya sa aking balikat.Mga luhang para kay Lina.

I don't know why pero nasasaktan ako.Nasasaktan ako kasi kaibigan ko siya.Nasasaktan ako kasi as his friend wala akong magawa kundi tingnan lang siya.

Na tanging balikat ko lang ang naibigay ko sa kanya.Ni hindi ko man lang siya nabigyan ng words of wisdom kuno ko.O di kaya'y words that could make him comfortable.

Parang feeling ko tuloy wala akong kwentang kaibigan para sa kanya.

"Ate?" nilingon ko ang tumawag sa akin mula sa likuran ko.It was Bea,dala ang tray ng pagkain ko this breakfast.

Hindi kasi ako bumaba kanina para sumalo sa umagahan nila.Ilang beses din akong kinatok nina Yaya pero tumanggi ako.Sinabi kong masama ang pakiramdam ko kaya hindi na rin ako pinapasok pa nina Dad.

At dahil do'n,abot tainga ang ngite ko.No works,no paper at higit sa lahat no stress dahil ngayong araw naka-schedule ang lunch namin ni Mr.Silva.

Mabuti na lang talaga nakatakas ako sa lunch na iyon na base sa lalaking 'yun,e lunch date.

Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko, syempre palusot ko lang 'yun.Inabot lang talaga ako ng katamaran at isa pa,parang wala talaga ako sa mood.

Wala ako sa mood na pumasok sa opisina,na magtrabaho ngayon.Basta parang...parang wala akong gana ngayong araw.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi,Ate Hinari?" tumango ako bilang pag sagot sa tanong ng kapatid ko.Agad namang lumitaw sa labi niya ang pag ngiwi na tila ba hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya.

"E,bakit naman ang laki ng eye-bags mo?" usisa niyang muli.

Napatayo tuloy ako mula sa kinauupuan ko at kaagad na humarap sa salamin.Confirmed...totoo ngang may eye-bags ako at mas visible ito ngayon.

Hindi naman ako napuyat kagabi,ah.Medyo maaga akong nakatulog matapos kong isipin ang nangyare kay Joaquin.Siguro'y mga ten ako nakatulog.Well...hindi talaga iyon ang natural na oras ng pagtulog ko,medyo late na iyon.Pero medyo lang naman.

"Ate..." 

"Bakit? Kumain ka na ba... tulungan mo akong ubusin 'toh.Ang dami-dami,e." pag-anyaya ko sa kanya.

Kanina ko pa pilit inuubos ang tinapay na nasa harapan ko pero di ko naman maubos.Hindi rin naman ako gutom ngayong umaga.

"Masaya ba?" tanong niya na siyang ikina-angat muli ng tingin ko sa kanya.

Nakatungo nanaman siya at hindi ako tinitingnan.Pakiramdam ko talaga'y malungkot siya pero hindi lang siya nagsasabi.

"Masaya ang alin?"

"Masaya bang magkaroon ng ganitong buhay?" nagsalubong ang mga kilay ko.

"You mean masaya ba ang maging mayaman?" 

"Hindi...ang ibig kong sabihin, masaya bang  may kumpletong pamilya.May Nanay at Tatay?" she suddenly asked me na siyang ikinalukot ng mukha ko.

I suddenly feel dryness on my throat dahil sa tanong na iyon.Napa-ngite rin ako ng mapait dahil 'dun.

Hindi ko alam...hindi ko alam ang isasagot ko."Bakit mo ba naitanong?" balik na tanong ko sa kanya.

Hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyon.Nanunuyo ang lalamunan ko.Para akong naluluha dahil sa nararamdaman kong sakit.

'truth hurts...alot.'

"Wala lang... curious lang ako sa magiging sagot mo.Kasi,tingnan mo Ate...mayaman ka tapos...tapos kumpleto pa kayo ng family mo." she said

Ininom ko ang natitirang tubig sa baso ko."Hindi lahat ng kumpleto totoong buo,Bea." I said bago siya inaya palabas ng kwarto ko.

Bitbit ko ang tray ng natira kong pagkain nang bumaba kami sa kusina.Naroon ang ilang kasam-bahay namin na abala sa paglilinis habang ang iba nama'y naghuhugas at nagpupunas ng mga plato.

"Good morning,Señorita." bati nila sa akin.Ngumite lang naman ako bago nagtungo sa labas.

Kasama ko pa rin si Bea habang nasa harap kami ng pool.Masaya akong nagkakasundo kami ng kapatid ko kahit pa hindi naman aiya nagkwe-kwento sa akin ng tungkol sa sarili niya.

Hindi ko man lang alam ang buo niyang pangalan,Bea...iyon lang ang alam ko.I'm not even sure if she's using the name De Alva o hindi.

"Bea..." tawag ko sa kanya.Talaga kasing gusto kong makilala pa ang kapatid ko lalo pa't simula noong dumating siya rito sa bahay ay ngayon lang talaga kami naging close sa isa't-isa.

Feeling ko nga ay feeling close ako sa kanya."May tanong ako...pero 'wag mo sanang mamasamain?" 

"Ano naman 'yun,Ate?" 

"Where is your Mom?" tila lumungkot ang mukha niyang masigla naman kanina kung titingnan.Para bang may nasabi akong mali dahilan ng biglaang pagka-lungkot niya.

"Si Mama...patay na siya.Namatay siya noong nakaraang buwan lang dahil sa sakit." she said the reason why I suddenly stopped my breath.Parang nawalan ako ng hangin sa katawan ko sa loob ng ilang segundo.

"Mahilig kasi siyang mag-inom...tipong kahit pinagbabawalan na siya ng doctor patuloy niyang sinusuway.Kahit ako'y sinusuway siya kapag ginagawa niya iyon pero sadyang matigas ang ulo niya,e.Ayaw niyang makinig sa akin...ang sabi niya mamamatay lang din naman siya,iinumin na niya lahat ng kaya niyang inuming alak Hanggang 'yun... binawian na siya ng buhay." malungkot niyang kwento sa akin.

Nakita ko rin ang iilang pagpatak ng mga luha niya na bumabasa sa suot niyang jeans.Lumuluha siya habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Nakaramdam tuloy ako bigla ng guilt dahil sa pag-uusisa ko tungkol sa Mama niya.Hindi ko alam...hindi ko alam na patay na pala ang Mama niya.Kung alam ko lang sana,hindi ko na pa sana itinanong ang tungkol sa bagay na iyon.

Wala ako sa sarili napa buntong-hininga sa gitna ng aking pagbabasa.Nasa loob na ako ng kwarto ko matapos naming mapag-usapan ni Bea ang tungkol sa buhay niya.

Grabe...hindi ko alam na ganoon pala ang nangyare sa kanya.Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagmamahal sa kapatid kong 'yun.

Buong akala ko ang sakit ng nangyayare sa buhay ko pero may mas masakit pa pala.Tulad na lang ng buhay na kinamulatan ng kapatid kong si Bea.

Ayun sa kwento niya, nabuntis daw ni Dad ang Mom niya sixteen years ago.Yes...sixteen lang pala siya...mali ang calculation ko.

So 'yun...nang ipanganak daw siya ng Nanay niya ipina-alaga raw siya sa kapit-bahay nilang matandang-dalaga.May trabaho raw kasi ang Nanay niya tuwing umaga at sa gabi nama'y parati itong nasa club...kung saan 'dun siya nakilala ni Daddy.

Naalala ko tuloy bigla noong seventh birthday ko, nag-away sina Mom and Dad no'n matapos ang party ko.Tapos umalis si Dad at ilang araw din siyang hindi umuwi ng bahay no'n.Siguro that was the time when he met Bea's Mom.

Ang Mommy siguro ni Bea ang nakapawi ng problema ni Dad noon tapos siya ang naging bunga.

Akalain mo nga naman ang tadhana.Buong akala ko ako...na wala akong kapatid pero look,mayroon pala.

Isinarado ang librong hawak ko at saka nahiga sa kama.Gusto ko munang maidlip ngayon tutal hindi pa naman madilim.

Kinagabihan, nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

"Oh...bakit?" pupungas-pungas pa ako nang pagbuksan ko si Bea.

Nakasuot ito ng bestida at naka-ayos ang mukha.Pansin ko rin ang hindi maalis na ngite sa labi niya na siyang nagpakunot ng noo ko.

My brows knotted when she grabbed my pillow at mahigpit iyong niyakap.Tila kinikilig pa siya na ewan.

"Ano ba iyon...saka ba't naka-ayos ka?May date ka ba...naku Bea huh..."

"Hindi.Ang sabi ni Papa sabihin ko raw sayong mag-ayos ka na at may bisita sa baba."

"Bisita...nanaman?" napabuga pa ako ng hangin ng marinig ko ang balita niyang iyon.

Yung mukha niya,mukhang tuwang-tuwa samantalang ako...hindi natutuwa.Bisita...parati na lang kaming may bisita.Dios ko...kailan ba matatapos ang pekeng pag-ngite ko sa mga bisitang dumadating sa bahay namin.

"Dalian mo na,Ate Hinari.Mag-ayos ka na at naroon sa baba ang pamilya ni Kuyang pogi." humagikhik pa siya ng banggitin ang katagang kuyang pogi.

Doon pa lamang ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niyang bisita.Sina Joaquin iyon panigurado kaya nama'y kilig na kilig ang kapatid ko.

Hindi ko alam kung bakit ba kinikilig ang kapatid kong 'toh kay Joaquin.Oo...gwapo nga si Joaquin pero duh...kung alam niya lang ang ugali ng lalaking 'yun.Sobrang presko.

Gaya ng sinabi ni Bea...bumaba akong nakaayos.Suot ang isa sa mga bestidang hindi ko pa nasusuot ni-minsan.

It was a white dress embroidered by purple design.Si Bea ang pumili nito para sa akin.Hindi ko pa nga sana susuotin since exposed ang back ko.Wala pa mandin ako sa mood na maging sexy ngayong gabi.

Hindi ko naman alam na bigla silang bibisita rito tapos pagbaba ko...what?Bakit hindi sinabi ni Bea na may iba pa palang bisita?

Tiningnan ko ang ilan pang bisita namin na halos lahat ay nakita ko na noon.Karamihan sa kanila ay mga relatives nang pamilya namin.

Mula sa labas ng mansion,tanaw ko sina Mom kasama ang pamilya ni Joaquin.Naroon din ang pamilya ng kapatid ng Daddy ko...sina Nicole at ang ilan ko pang pinsan.

"Akala ko ba...bakit ang dami nila?" pasimpleng tanong ko kay Bea mula sa aking tabi.

"E... excited kasi ako,Ate.Hindi ko nabanggit na may iba pa nga pala." saad niya.Bahagya pa niyang kinamot ang likod ng ulo niya at iniwasang magulo ang pagkaka-ayos ng buhok niya.

Para tuloy akong nabigla though sanay na ako sa ganitong mga bagay.Pero naman kasi hindi man lang ako inform.Natulog lang naman ako kanina tapos pag-gising ko ito ang bubungad sa akin.

Inaantok pa nga ako,e.

"Oh...mabuti naman at nakapag-ayos ka ng bata ka.Kanina ka pa hinahanap ng Mama't Papa mo...naroon sila." itinuro ni Yaya Sole ang kinaroroonan nina Dad.Hindi ko naman na sinundan pa ang daliri niyang itinuro ang direksyon nila dahil kanina ko pa nakita iyon.

Mas napansin ko ang malungkot na mukha ni Yaya kaya naman inusisa ko kaagad siya.Hindi ako sanay na makita siyang hindi nakangite lalo pa't sa ganitong uri ng okasyon, parati siyang nagtatrabaho ng may ngite sa labi.

"Ano pang hinihintay mo,Hija.Puntahan mo na...."

"Ya...masama ba ang pakiramdam niyo?" usisang tanong ko.I have the presumption na may nararamdaman siya.

Ilang taon...ilang taon ko nang kasama si Yaya kaya alam ko kung may mali ba sa ikinikilos niya...at ngayon,alam kong meron.

"Naku...Bea samahan mo na nga ang Ate mo ro'n.May gagawin pa ako sa kusina."

"Halika ka na,Ate." tatanungin ko pa sana si Yaya pero kaagad din naman aiyang pumasok ng kusina at iniwan kami.

Wala tuloy kaming nagawa ni Bea kundi puntahan sina Mom and Dad.

Una'y,humigpit ang pagkaka-hawak sa akin ni Bea nang malapit na kami but I gave  

her the assurance na walang gagawing masama sa kanya si Mom.

I know my Mom,hindi niya gugustuhing masira ang ganitong klase ng selebrasyon dahil lang sa galit niya.She's not scandalous at alam ko iyon.Kaya walang dapat na ikatakot si Bea dahil malabong mangyareng saktan siya ni Mom...kung mangyare man 'yun,ako mismo ang pipigil sa Mommy ko.

"Good evening..." bati ko sa kanila na umagaw sa atensiyon nila.

Ngayo'y nakatuon ang mga mata nila sa akin habang may ngite sa labi.Hindi ko man alam ang dahilan ng mga ngiteng iyon,e ngumite na lang din ako pabalik.

Nakapag-tataka nga't wala namang special sa suot ko para bigyan nila ako ng ngiteng may bahid ng paghanga or what.Hindi tuloy ako komportable sa mga ngiteng iyon.

Hinalikan ako ni Dad sa pisnge gayundin si Bea.Pansin ko ring tila hindi na nagtaka ang  sina Tita Catalina ng gawin iyon ni Dad kay Bea.Siguro'y alam na rin nila...at hindi rin nakaligtas sa mata ko ang pag-ismid ni Mommy sa hangin ng gawin iyon ni Dad.

Alam kong hanggang ngayo'y hindi pa rin niya tanggap si Bea pero umaasa akong sana...sana dumating ang araw na matanggap niya ang kapatid ko.Na sana huwag na niyang idamay pa si Bea sa galit niya kay Dad na ngayon nama'y tila hindi niya kagalit.

Ewan ko ba but they acted weird.Kahapon lamang ay halos hindi sila nag-iimikan tapos ngayon...may pa party.

Nagdilang-anghel siguro ai Yaya...baka talagang nag date sila Mom kaya ngayo'y ayos na sila.Wews...sanaol na lang.

Sana nama'y natauhan silang dapat mas maging matatag sila.Na kailangan nilang patawarin ang isa't-isa sa mga pagkukulang at pagkakasalang nagawa.

Ayaw ko rin naman kasing mamagitan sa pag-aaway ng parents ko.Ayaw kong maranasan ang ganoong bagay.

"Good evening..." bati ko kay Joaquin nang malapitan siya mula sa kinaroroonan niya.Maging siya ay naka-pormal na suot.Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung para saan nanaman ang part na 'toh.

Ngumite siya.Naroon nanaman ang tingin niyang mula ulo hanggang paa but this time hindi naman siya mukhang naiilang.

Casual lang ang itsura niya ng tingnan ako."Good evening.Balita ko natutulog ka pa kanina?" 

"Oo...ni-hindi nga ako inform sa bagay na 'toh.Ikaw...baka alam mo?" 

"Me?Nope.Wala akong alam kung para saan  biglaang party na 'toh." pahayag niya ngunit I doubted what he says.

Hindi ako kumbinsido sa salitang binitawan niya.Parang may alam siya pero bakit naman hindi niya sasabihin sa akin.

Baka masyado lang akong judgemental ngayong gabi.Baka naman hindi niya talaga alam ang tungkol sa bagay na mayroon ngayong gabi.

"Good evening everyone." my attention was caught by my Dad who speaks to the microphone.

"Let's have the seats..." gaya ng sinabi ni Joaquin,naupo kami kung nasaan sina Bea at Gigi.Kaming apat lamang ang nasa table since nasa ibang table ang Mommy at Daddy nila.

Tahimik kaming lahat na nakikinig sa pagsasalita nina Mom.Napatawa pa nga ang iba maski ako nang pasimpleng maging naughty si Dad sa harap ng marami.

Napalingon lamang ako sa titig ni Joaquin sa akin."B-bakit?" alinlangang tanong ko.Bigla kasi akong nakaramdam ng awkwardness sa paraan ng titig niyang iyon.

Umiling lang naman siya at muling ibinalik ang tingin sa harapan kung nasaan sina Dad habang nagsasalita.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagsasalita nang makaramdam ako ng bahagyang pagkapa-ihi.

"Saan ka,Ate?"

"CR lang.I'll be right back." wika ko at saka nagmamadaling umalis sa kinaroroonan nila.

Nakasalubong ko pa ang ilang maids habang papasok ako sa loob ng mansion but what caught me off guard is when I heard my Dad's announcement.

Wala sa sarili akong lumingon pabalik nang marinig ko ang mga salitang kanilang tinuran.

Tanaw na tanaw ko kung paano gumuhit sa labi nila ang ngite...ngiteng labis kong kinainisan.I saw everyone and how they happily clapped their hands.

Tears slipped down on my cheeks as I feel my sudden aches on my chest.Napahawak ako roon habang nagtatagis ang aking mga bagang.

Mariin kong tiningnan ang mga magulang ko na ngayo'y masaya sa kanilang ibinalita.

How could be this happened?

At...at paano nilang nagagawang ngumite habang ako'y patuloy na tumutulo ang mga luha?

Bakit...bakit nila ginawa ang bagay na kinatatakutan ko?

Tell me...can someone wake me up from this dumbass nightmare.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status