Chapter 20: Tears and Escaped

Chapter 20

Tears and Escaped

Natapos ang party nang hindi ko man lang na tinangka pang bumalik sa garden kung nasaan nagaganap ang kasiyahan.

Sa kwarto, patuloy akong umiyak.Walang tigil ang paglalandas ng luha ko sa aking magkabilang pisnge.Walang paglagyan ang mga hinanakit ko ngayon sa kanila.Nangingibabaw ang galit ko kina Dad.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.Kagaya ng bakit nila ginawa ang bagay na iyon?

Ang sakit... sobrang sakit ng gabing 'toh.Lihim kong hiniling na sana...sana hindi na lang ako nagising mula sa pagkakatulog ko kanina.Sana hindi na lang nang sa gayon hindi ko nalaman ang ginawa ng mga magulang ko.

I can't...hindi ko kaya.Lahat ginawa ko para maging proud sila sa akin.Lahat-lahat na ibinigay ko.

Sinabi nila sa akin noon na kailangan lagi akong nasa taas.Tinitingala gaya nila at kahit mahirap pinilit kong gawin ang makakaya ko so I won't make them disappointed.

They sent me abroad at doon pinag-aral at kahit na ayaw ko... pumayag ako.

Sinabi nilang kailangan kong pumasok sa kompanya namin para matuto ako sa patakaran.Ginawa ko kahit labag sa loob ko.

Itinuro nila ang lahat ng bagay na alam nila.Ginawa nila ang lahat ng gusto nila without asking me... without hearing what I was actually feels.Masakit man,nakakasakal man hinayaan ko sila.

Hindi nila pinaramdam sa akin ang kabataan ko...ultimo kaibigan ko kailangang sila ang pumili.Lahat hinayaan ko lang na gawin nila kahit pa tutol ako.

Kahit pa ang sakit na,hindi ko sila kinontra.Kahit pa hindi na ako makahinga nanatili akong sunod-sunuran sa batas nila.

Lahat ng bagay na gusto kong maranasan unti-unting naglaho hanggang sa paglipas ng panahon.Hindi ako nag-reklamo because I respect their decisions.Na kahit pa masakit,okay lang kasi sila 'yun...ang magulang ko.

Wala akong magawa kundi sundin ang utos nila.Kundi iwasan at gawin ang do's at don'ts nila.Wala akong nagawa at nanatiling ideal na anak nila.

Ilang beses kong naranasan ang ikumpara sa iba...sa anak man ng kaibigan nila o kahit na kaninong bilang sa circles nila.Lahat nang 'yun tiniis ko.

Tipong kahit umiiyak ako kailangan kong pigilan para lang hindi nila makita.Iniwasan kong umiyak sa harapan nila kasi I know I would disappoint them dahil hindi iyon ang itinuro nila sa akin.

Sa gabi,kung kailan lihim akong umiiyak kailangan kong pigilan kasi hindi iyon ang Hinari na gusto nila.Hindi iyon ang anak na nais nila at kahit masakit ang katotohanan tinanggap ko.Pinilit kong baguhin ang sarili ko para lang mag-fit sa expectations nila.

Stars are my witness even the moon is.They witnessed how many times I wished na sana...sana hindi na lang ako ang anak nila.

Na sana iba na lang ang pamilya ko.Na sana hindi ko nararanasan ang pananakal nila sa akin.

At ngayong gabi habang nagkakaroon sila ng kasiyahan,narito ako sa kwarto ko at walang magawa.Walang magawa kundi patagong umiyak sa takot na makita nilang umiiyak nanaman ako.

Naging mabait naman ako kahit pa minsan nagiging mataray ako...pero sinunod ko lahat.Mula sa utos nila hanggang sa payo nina Yaya at ni Manang Loleng.

Pero bakit...bakit kailangan kong maranasan ang gabing 'toh?

Bakit kailangang ganito kalungkot ang buhay ko?

Bakit kailangang mabuhay ako kakambal ang batas ng pangalang mayroon ako?

"H-hi." lumuluhang nilingon ko ang pumasok ng aking kwarto.Lalo tuloy akong naiyak.

Naglakad siya palapit sa kamang kinaroroonan ko at nang makalapit siya kaagad niya akong niyakap.He kiss my head  and then I heard him sighed.

"S-sorry.Sorry for making you cry." he apologizes pero kaagad akong umiling sa gitna ng mga bisig niya.

Hindi naman siya ang may kasalanan kundi ang mga magulang namin.Ang putang*nang kasal na iyon.

"I'm sorry dahil wala akong magawa.If only I'm brave enough para suwayin ang kasal na iyon gagawin ko pero... I'm really sorry Hinari." pahayag niya bago ako pinakawalan ng mga bisig niya.

Lumuluha pa rin ako matapos niyang lumabas.Wala akong magawa...ni walang lumabas na salita sa bibig ko.Hindi ko alam ang gagawin para matakasan ang napag-kasunduang kasal namin ni Joaquin.

Alam kong pati siya ay nahihirapan din lalo pa't kailan lang din siya umiyak ng dahil kay Lina.Si Lina na ikakasal din sa lalaking hindi naman talaga niya mahal.

Hindi ko lang napag handaan ang bagay na 'toh dahil hindi naman ako naniniwalang mangyayare pala sa akin ang nangyare kay Lina.

I can't marry Joaquin.I can't marry the man I don't love just for the sake of our family's good relationship.

Ayaw ko...pero paano?Paano ako makaka-ayaw?

Kinabukasan,hindi ako pumasok ng opisina.Mas lalo akong nawalan ng gana kaya tanghali na'y narito pa ako sa kwarto ko.

Dinalhan lamang ako ni Bea ng pagkain na hanggang ngayo'y hindi ko magawang kainin.Alam din niyang hindi ako sang-ayon sa mga inanunsiyo ng magulang ko.Dahil tuloy ro'n ay nalungkot din ang kapatid ko.

Nakita niya ang pag-iyak ko pero masaya akong kahit sa kanya man lang hindi ko kailangang umarte.Umarteng matatag akong tao na hindi kailangang umiyak.

Ang sarap sa pakiramdam na may karamay ako ngayong nahaharap ako sa malaking problema...sa matinding sakit.Kita ko sa mukha ng kapatid ko kanina ang simpatiya na hindi pa sana nais na lumabas ng kwarto ko kung hindi ko lang pinilit na okay na ako.

Tapos paglabas niya...ayun unahan nanaman sa pagtulo ang mga luha ko.Kahit anong gawing pagpunas ko ro'n hindi natatapos ang pagtulo.

Lahat na siguro ng ininom kong tubig ay lumabas na mula sa katawan ko.Maga na rin ang mga mata ko na akala mo'y kinagat ng ipis dahil sa kakaiyak ko kagabi pa.Ang eye-bags ko na nagpatindi ng itsura ko na tila isang sabog sa droga...damn!ang panget ko na.

Pero uunahin ko pa ba iyon kaysa sa pag-iisip ng solusyon sa problema ko.Lahat na yata ng pwedeng idahilan ay naisip ko na pero alam kong lahat ng 'yun hindi tatanggapin nina Dad lalo na ni Mommy.

Isa lang ang natitirang paraan pero natatakot ako.Hindi ko alam ang gagawin ko para makatakas ng hindi nila nalalaman.Kapag tumakas ako tiyak na ipapahanap din nila ako at ibabalik dito sa mansion para ituloy ang kasal namin ni Joaquin.

Lalo tuloy sumakit ang ulo ko kakaisip tapos nang makatulog ako, nagising ako dahil sa sigaw ni Mommy.Pagmulat ko nakita ko siya habang nakatayo sa harapan ko.

Bumangon ako at hindi inalintana kung ano ang itsura ko sa mga mata niya."Hindi ka raw pumasok sa opisina?" tanong niya.

Muli tuloy nabuhay nararamdam kong sakit at hinanakit sa kanila ni Dad lalo na sa kanya na Ina ko.Hindi man lang ba niya ako kukumustahin o tatanungin kung bakit ganito ang itsura ko?

"Sakit ka talaga ng ulo,Hinari.Saka ano itong nalaman kong maghapon ka raw fito sa loob ng kwarto mo.What kind of drama is this Hinari?" she irritatedly asked dahilan para tuluyan na akong maiyak.

"I c-can't Mom.I can't marry Joaquin so please stop the fucking marriage between me and Joaquin." nag-lakas loob na akong sabihin sa kanya ng deretso ang nais ko.

Agad kong narinig ang pagtawa niya."Are you out of your mind,Hinari?You know that we can't do that..."

"Pero bakit?Bakit hindi niyo pwedeng gawin!?" mataas ang boses ko nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

Napa-atras pa ng bahagya si Mom ng tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa kama ko.Nanlaki rin ang mga mata niya na halatang nagulat sa biglaang pagtataas ko ng boses.

"Bakit hindi niyo gawin ni Dad?Mom I am your daughter kaya please gawin niyo para sa akin.Ayaw ko...hindi ako papayag na ikasal kay Joaquin."

"Bakit hindi?Matinong binata si Joaquin,ideal man at bagay kayo."

"Fuck that reason Mom.Hindi niyo ba naririnig ang mga sinasabi niyo?Gusto niyo akong itali sa lalaking hindi ko naman mahal!" naramdaman ko ang pag-iinit ng kabilang pisnge ko.

Isang sampal na tila nagpa-binge sa akin.Isang sampal na galing mismo kay Mommy.

"Ate!" napalingon ako kay Bea na agad akong  niyakap matapos niyang makita ang ginawang pagsampal sa akin ni Mommy.

"Huwag kang makisawsaw ditong bastarda ka!Lumabas ka ng kwarto...."

"Stop it,Mom!Pati ba naman ang kapatid ko idadamay mo."

"Kapatid?" pagak siyang tumawa.

"Kailan ko sinabing ituring mo siyang kapatid mo,Hinari?Anak lang siya sa labas ng Daddy mo kaya dapat magalit ka sa kanya..."

"Anong klaseng katwiran 'yan,Mom?Bakit kailangan kong magalit kay Bea gayong masaya ako dahil sa wakas may karamay ako.May taong handang pakinggan ang mga hinanakit ko mula sa inyo ni Dad.Pain that my own parents gave me." 

"Kailan ka pa natutong sumagot sa akin ng ganiyan,Hinari?Sinabi ko na nga ba't mana sa nanay niya ang bastardang ito." susubukan niya sanang lapitan si Bea ngunit agad kong iniharang ang sarili ko.

"Stop Mom...isa lang naman ang pakiusap ko sa'yo...sa inyo ni Dad kaya sana gawin niyo para sa akin na anak niyo.I've been in pain nang hindi niyo nalalaman.Tiniis ko lahat pero hindi ang bagay na gusto niyong mangyare ngayon.I won't marry Joaquin and you can't change my mind." I said in finality habang patuloy na umiiyak.

Nakayakap pa rin sa akin si Bea nang lumabas si Mom.Maging siya ay umiiyak na rin marahil dahil sa mga salitang ibinato sa kanya ni Mom.I can't do anything but to hug her tight kahit na pareho kaming umiiyak.I can't offer anything for her but a sister's hug...kahit man lang sa yakap na iyon gumaan ang nararamdaman niya.

I know how pained she is also matapos niyang mamatayan ng Ina.Tapos ngayon ang masasakit na salita naman ni Mom.I can't do anything but to say sorry about what happened at kalaunan,lumabas na rin siya ng kwarto ko.

Muli akong naiwan sa loob ng kwarto ko.Nag-iisa at patuloy na umiiyak hanggang sa makatulog na lang ulit ako.

Kinagabihan,nagising ako dahil kay Bea.Marahan niyang niyuyugyog ang balikat ko upang gisingin ako.Nangunot pa ang noo ko nang makitang tila balisa siya at kinakabahan.

"Why?Bakit ganyan ang itsura mo...sinaktan ka ba ni Mommy..."

"Hindi,Ate...pero kailangan mo nang tumakas." pahayag niya dahilan para makaramdam ako ng bahagyang kaba.

Seeing her reactions is a valid reason para sabihing may nangyayareng hindi maganda.

"Narinig ko sina Papa at ang Mommy mo,Ate...ipapadala ka nila sa ibang bansa para hindi ka raw makatakas sa kasal niyo ni Kuya Joaquin.Kailangan mo nang umalis,Ate.Alam kong hindi ka masaya sa desisyon nila kaya habang may oras pa...tumakas ka na.Bukas...bukas ang pagpapadala nila sayo sa ibang bansa." naluluhang kwento niya sa akin.

Hindi pa man nawawala ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ay muli nanaman akong nakaramdam ng mainit na likido sa aking pisnge.

"Ate hindi ito ang oras para umiyak ka.Kailangan mong mag madali habang natutulog pa sina Papa.Tutulungan ka namin ni Yaya na makatakas..."

"Yaya?"

"Oo.Kaya't dalian mo na.Kunin mo na lahat ng magagamit mo." gaya ng sinabi niya agad akong nagmadali.Lumabas muna siya ng kwarto ko upang magbantay sa may pintuan.

Lahat ng pwede kong gamitin ay isinilid ko sa isang di-kalakihang maleta.Ni-hindi ko na natupi ang mga damit ko habang inilalagay ko iyon isa-isa.Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang nagmamadaling mag impake at nang matapos ako... kaagad akong lumabas.

Naabutan namin sa baba sina Yaya at Tatay Pablo.Pareho silang balisa at halatang inaantay akong bumaba.

"Yaya...Tatay Pablo..." lumuluha ko silang niyakap ngunit agad din nilang pinutol ang yakap na iyon at sinabihan akong magmadali na.

Lumabas kami ng bahay.Naroon sa labas ng gate ang isang tricycle na maghahatid daw sa akin sa terminal.Hindi na nila ako maihahatid dahil baka raw maghinala sina Daddy.

"Tandaan mo ang bilin ko sayo,Hija.Sumakay ka ng bus patungong Quezon.Nariyan ang address sa papel." sinulyapan ko ang piraso ng papel na hawak ko.Nasa loob pa lamang kami ng bahay ay ibinigay na ni Yaya ito sa akin.

Bago ako sumakay sa tricycle na nag-iintay sa akin... isa-isa ko silang niyakap habang lumuluha.

"Salamat sa inyo,Yaya." my voice cracked while saying those words.

I waved my hands at kahit medyo madilim ang paligid namin kita ko pa rin ang pag-iyak nila.Napahigpit ang hawak ko sa papel na kinasusulatan ng address na pupuntahan ko.

Habang lumalayo ang distansiya namin sa mansion ng pamilya ko...hindi ko mapigilang hindi mapamura sa isip.Lalo akong nakaramdam ng hinanakit kina Dad.

They've planned to sent me abroad sa pangalawang pagkakataon para lang maituloy nila ang balak nila.Para lang ituloy ang kasal namin ni Joaquin.

Bakit ang selfish nila?Itinaya nila ang kaligayahan ng sarili nilang anak para lang sa iniingatan nilang pangalan.Hindi man lang ba talaga nila inisip na nasasaktan nila ang sarili nilang anak dahil sa mga desisyon nila sa buhay ko.

Ngunit sa kabila ng mga paghikbi ko isang ngite ang umalpas sa labi ko.Tinatangay ng hangin ang mga buhok ko na hindi ko man lang nagawang itali kanina.Unti-unti rin natuyo ang pisnge kong kanina pa basa ng mga luha ko.

Finally...makakatakas na ako sa batas nila.Makakalayo na ako sa batas ng pangalang mayroon ako.

DMCA.com Protection Status