Chapter 1: Her Name

"How was your day Hija?" tanong ni Dad habang kumakain kami ng magkakasabay sa mahaba naming lamesa pero tatatlo lang naman kami.

"Pretty good," maiksing sagot ko saka ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Ganito kami parati tuwing kakain kami ng hapunan parati kaming magkakasabay at kung titingnan mula sa malayo, we are perfect as a family pero hindi para sa akin.

Marahil sa mata ng iba ay imahe kami ng masaya at perpektong pamilya pero sa mga mata ko...hindi.

Hindi tulad ng ibang magulang ang mga magulang ko...hindi tulad ng ordinaryong pamilya ang pamilya ko.My family always surrounded by money,by fame and business.

Ang ibang magulang ay minamahal ang kanilang mga anak bagay na kahit kailan ay hindi ko naramdaman sa mga magulang ko.

Pagak akong napangite...marahil ay mahal naman nila ako pero hindi gaya ng pagmamahal ng mga butihing magulang na may malasakit sa kanilang anak.

Mahal ako ng mga magulang ko dahil kailangan nila ako.They love me it's because I am their heiress.... tagapag-mana ng mga bagay na hindi ko naman gusto.

Tagapag-mana ng mga bagay na simula pa noon ay nagbibigay na sa akin ng kalungkutan.Mga bagay na matagal nang gumapos sa akin at ikinulong ako sa isang kulungan na hindi ko alam kung magagawa ko pang takasan.

"Hinari hija are you with us?" napalingon ako sa aking ina na nakatingin ng deretso sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng may pagtatanong sa aking mga mata... marahil ay may pinag-uusapan sila at hindi ko na nagawa pa iyong pakinggan dahil sa aking pag-iisip.

"What I am saying is you should come with us tommorow Hija." my Mom stated at saka muling ibinalik ang atensiyon sa hinihiwa niyang salmon.

"Where are we going...business again?" tamad na tanong ko.Narinig ko ang biglaang pagbagsak ng kanyang kubyertos.

"Business again?Sounds like nagsasawa ka na." pagpuna niya sa simpleng salitang binitawan ko.

Nagsasawa....hindi lang basta pagkasawa, pagod na pagod na din ako sa mga bagay na pilit niyong ikinakabit sa buhay ko.

My parents are the sewers of my own destiny at wala akong magawa kundi hayaan silang gawin iyon.Hayaan silang gawin ang bagay na noon ko pa gustong tutulan.

Hanggang kailan ba...hanggang kailan ako magiging sunod-sunuran sa kanila? Hanggang kailan ko titiisin ang mga bagay na nagpapahirap sa akin?

Napabuntong hininga ako bago ako nag-angat ng tingin sa ina kong nakatingin sa akin ng masama.

"What?" I asked as she rolled her eyeballs.

"You always act like you don't really care on our business Hinari.What's the matter with you...you should be thankful on us dahil tinutulungan ka namin na magpatakbo ng sariling negosyo nang sa gayon ay hindi ka na mahirapan in the future." litanya ng aking Ina kaya ako naman ang napa-eyeroll.

"Yeah...thank you." I stated in a bored tone as I stand up at naglakad paalis sa harapan nila.

"Where are you going Hinari?" dinig kong tanong ng aking ina ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

I walked straight to my bedroom at minabuting doon na lamang ako habang kumakain pa sina Mom and Dad.Gutom pa ako pero napunta na din naman sa business ang usapan e nawalan na ako ng gana.

Hanggang sa pagkain ay hindi nila nakaliligtaang pag-usapan ang tungkol sa negosyo ng pamilya...and it's sucks!

Hindi ba pwedeng kapag nasa harapan kami ng pagkain,e ako naman ang kumustahin nila,na ako naman ang intindihin nila.Pero wala e,kinukumusta nga nila ang araw ko pero not in the way that they show care or atleast a bit of concern...kinukumusta nila ako kung naging magaling ba ako para sa araw na nagdaan.They always asked me if naging top ako for the day.

In short...they only asking me if I did my best to meet their expectations on me and when I failed...disappointment!

Pagod akong napasalampak sa kama kahit pa hindi naman talaga nakakapagod ang bawat araw ng buhay ko.Physically hindi ka mapapagod pero mentally...iyon ang kalaban ko,always.

Mahirap makipag-patintero sa mga expectations ng iba sa iyo.Tipong lahat ng gagawin mo pwedeng makasira o makapagpa-windang sa utak mo.

Para bang bawat araw kailangan kong ma-meet ang mga expectations na iyon nang sa gayon ay hindi nila ako sermonan or the worst is...ikahiya.

Yeah! I've already told you...iba ang pamilya na mayroon ako.Iba ang mga magulang ko.

I envy those children na may mapagmahal at mapag-arugang magulang kahit pa hindi sila ganoong pinalad sa buhay.Ang iba ay mahirap pero masaya sila sa piling ng magulang nila,ng pamilya nila.Like kahit kapos sila sa buhay they can endured it dahil they stand as whole...as a family with a presence of love and care.

Napabitaw ako ng malalim na hininga.

Bakit ganoon?Oo nga't mayaman ako,may magulang na kaya akong bilhan ng pangangailangan ko pero bakit hindi ako masaya?

Simula pagkabata lumaki akong mag-isa at hindi nagagawa ang mga bagay na ginagawa ng normal na mga bata.I mean normal naman ako...what isn't normal on me is the way my parents raise me.Hindi ako masaya sa paraan ng pagpapalaki nila sa akin,hindi ako masaya sa piling nila.

Paperwork are not my thing.

Nor business.

Ang gusto ko lang makaramdam ng kalayaan,iyong walang nakabantay...walang mga mata na nakasubaybay sa bawat paggalaw ko.

I want to live my life kung saan malayo sa expectations nila,malayo sa amoy ng pangalan na mayroon ako.

Everytime na gigising ako tuwing umaga hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi.I don't know what to feel.Dapat ba akong matuwa kasi anak ako ng mayaman,na kahit anong hilingin ko ay magagawa nilang ibigay o malulungkot ba ako kasi kahit na nasa akin na halos ang lahat e may kulang pa din...ang kaligayahan ko!

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil isa akong De Alva o dapat kong hilingin na sana...sana hindi na lang ako ang nag-iisa nilang tagapag-mana.

Naluha ako dahil sa mga naiisip ko.

Hindi ako masaya sana alam niyo iyon Mom.Dad.

"Señorita!" pipikit-pikit pa akong napabangon sa kama ng madinig ang pagtawag sa akin ng aming katulong habang patuloy itong kumakatok sa pinto ng aking kwarto.

"Bakit?" tanong ko ng mapag-buksan siya ng pinto.

"Señorita pinabababa na po kayo ng Señora...sumabay na raw po kayong kumain sa kanila ng iyong Papa." sambit niya kaya napatingin ako sa orasang nakasabit sa pader ng aking kwarto.

Nalate pala ako ng gising.

"Pakisabi susunod na ako." I stated as I closed the door.

Tamad akong naglakad patungong banyo at saka naligo bago bumaba upang sabayan ang mga magulang ko na kumain ng agahan.

Himala naman ata at hindi pa sila naka-aalis ng bahay.Nasanay na akong gigising ako tuwing umaga nang wala na sila sa bahay at nasa opisina na.

Minsan tuloy ay hindi na ako nag-aagahan dito sa bahay at mas pinipiling sa favorite café ko na lang ako mag-breakfast.Ngunit ganoon din naman...kapag narito sila sa bahay ay nawawalan din ako ng gana.

Napa-iling ako bago naglakad pababa ng hagdan at kaagad kong natanaw ang aking ama't-ina na nag-aagahan sa aming breakfast table na nasa pool area.

Mula sa hagdan ay tanaw kong may kasama sila at masayang nakikipag-usap dito ang aking ina.Medyo bumaba pa ako ng hagdan at doon ko nakitang isang babae pala ang kausap niya, babaeng medyo kaedad ko.

Maiksi ang buhok nito na hanggang kalahating leeg niya at may singkit na mga mata.Nakangiti ang babae habang may kung anong sinasabi sa kanya ang ina ko samantalang nakikinig lang sa kanila ang aking ama at bahagya lang silang tingnan.

"Hinari!" naka-ngiteng bati sa akin ng ina ko nang makita ako nitong naglalakad palapit sa kanilang kinauupuan.

"Have a seat Hija."

"Thanks Dad." saad ko at nang maka-upo ako ay bahagya kong tinapunan ng tingin ang babaeng kaharap ko na ngayon.

Kumpara sa malayo ay mas maganda siya sa malapitan.Hindi ko napansin ang dimples niya sa magkabilang pisnge niya na nagdagdag ng kagandahan sa mukha niya.Kung titingnan ay mukha siyang isang Chinese lady dahil na rin sa singkit niyang mga mata.

"By the way hija,remember her?" my Mom stated at nakangiteng nakatuon ang mga mata sa akin habang iniintay ang sagot ko sa tanong niya.

Muli...tiningnan ko ang dalaga pero hindi ko naman siya naaalala kaya pilit akong napangite sa aking Ina.

Napa-ismid siya ng bahagya nang mahalata niya sigurong hindi ko nakikilala ang babae.

"She is Rose Choi your Ninang's daughter." saad niya pero hindi ko pa rin ito maalala.

"Ninang Lila haven't told me na may anak siya,sorry." I apologized at sinimulang hiwain ang pancakes na nasa plato ko.

Narinig kong bahagyang tumawa ang babae.

" Okay lang...kakauwi ko lang din naman from Beijing kaya siguro hindi mo ako kilala.I stayed there for almost two decades din naman."

"Uh...e ba't ka umuwi?"

"Hinari!" suway sa akin ng aking ina kaya napakunot ang noo ko.

"What?may mali ba sa sinabi ko...what I mean is bakit siya umuwi?" paglilinaw ko sa sinabi ko dahil mukhang hindi iyon nagustuhan ng aking Ina at kaagad itong nag-react.

What?wala naman akong nasabing masama.Tinanong ko lang si Rose kung bakit siya umuwi...iba ba ang dating sa kanila?Dapat ba ay mas ginandahan ko pa ang pagtatanong ko...dapat ba ay mas firm?Pati ba naman words ko.

"Mom told me that they need me as they have an upcoming business trip abroad kaya ako muna ang magpapatakbo ng company namin." Rose stated at saka ako nagkibit-balikat bilang sagot.Wala akong ganang makipag-usap,sorry for that.

"Such a responsible daughter of Lila how I wish that my Hinari is like you." my Mom complimented Rose na siyang nagpatigil ng kutsara ko sa ere habang ako ay naiikom ko ang bibig kong handa na sanang isubo ang laman ng aking kutsara.

Damn that compliment!

How can she do that?Giving others nice compliment while on the same time.... hurting her own daughter's feeling?

"Our Hinari can do that also,Matilde...right hija?" pilit akong napangite nang balingan ako ng tingin ng aking Ama.

"I know that Philip but I can't stop myself to feel...you know mainggit kay Lila because of her Rose." my Mom stated as she caress Rose hand.

Halos iyon ang magpatulo ang ng aking mga luha nang makita ko kung paano niya hawakan ang kamay ng hindi naman niya kaano-ano.Kung paano niya purihin ang babaeng nasa harapan niya habang akong anak niya ay nasa harapan niya rin.

"Excuse me." paalam ko sa kanila at hindi na sila inintay pang magsalita at deretso kong tinahak ang daan pabalik sa aking kwarto.

Bago pa ako maka-akyat ng hagdan ay muli kong nilingon ang aking Ina na mukhang hindi man lang pinansin ang ginawa kong pagwa-walk out.

"I hate you,Mom!" lumuluhang sigaw ko nang makapasok ako ng kwarto ko.

Napa-upo ako sa mismong kinatatayuan ko nang makapasok ako at naisandal ko na lamang ang aking likod sa malamig na pinto habang umiiyak.

Why they're always make me feel in this way?

Bakit paulit-ulit nila akong kinukumpara sa iba?

Mahirap ba para sa kanila na purihin ang iba ng hindi nila ako ikinukumpara?

Mabuti sana kung kinukumpara nila ako in a good way e...like in a way na proud sila pero hindi e.Kapag pinupuri nila ang iba,binababa naman nila ako...ako na sarili nilang anak.

"Our Hinari can do that also,Matilde...right Ija?" paano kung hindi ko magawa Dad?anong gagawin niyo...ikakahiya niyo nanaman ako?

Paano kung hindi ko magawa ang nakayang magawa ng Rose na iyon.Paano?

"Such a responsible daughter of Lila how I wish that my Hinari is like you." Bakit ka ganyan Mom?anak mo ako pero you always act like I'm not.

Proud lang kayo sa akin kapag may maganda akong nagawa pero kapag wala na,hindi na.

You being proud of me quickly turns into you being disappointed

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status