Chapter 4: Stuck

"Good morning Ma'am Hinari." Lea my secretary greeted me bago ako makapasok sa aking opisina.

Natapos na ang dalawang araw na day-off ko kaya balik trabaho nanaman ako.Balik papeles,balik opisina at balik pirma.

Pirma rito...pirma roon.Maya't maya ang meetings at pakikipag-usap sa mga kliyente.Required din ang ngumite na parang nagpapangawit sa aking labi.

Nang maka-upo ako sa swivel chair ko ay kinuha ko ang teleponong malapit sa kamay ko."Lea pakidala rito ng mga papers." 

Wala pang limang minuto ay agad ding bumukas ang pinto at iniluwa nun ang aking sekretarya.

"Ma'am ito po 'yung mga hindi niyo napirmahan noong nakaraan tapos ito naman po iyong papers to sign this week." she stated at bahagyang yumuko habang ipinapatong ang dalawang folder sa lamesa ko.

"Coffee Ma'am?" she asked ngunit umiling lamang ako.Nagkape na ako sa bahay pa lang...ayaw ko namang masobrahan ako sa caffeine.

"Tubig na lang,Lea.Tapos pakidala dito ng report papers." lumabas siya ng pinto nang hindi ko man lang tinitingnan dahil sa pagiging abala ko sa pagtingin sa mga papel na nasa harapan ko.

Kung alam ko lang na matatambakan ako ng pipirmahan at gawain ngayon e hindi na sana ako nag day-off.Nakaligtas din sana ako sa auction last time.

"Hinari!" napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko kasabay ng biglaang pagbukas ng pinto.Kita ko ang pag-awat sa kanya ng sekretarya ko ngunit hindi ito nagpa-awat at tuluyang pumasok ng opisina ko.

"E Ma'am pinigilan ko po siya---"

"Shut up Ms.Secretary!" bulyaw sa kanya ni Nicole.

"Leave us,Lea." I said as i turned my eyes to my secretary.

"Oh chuppee raw." nakataas na kilay na baling sa kanya ni Nicole habang hindi inaalis sa labi niya ang nakakainis na ngise niya.

"What now?" I asked her as I continue to sign the papers.

"Why didn't you sign the papers I passed you last time?" nakataas na kilay na tanong nito sa akin na bahagya kong ikinangite.I knew that she was going to confront me about that matters kaya hindi na ako nagtataka.

"Tell me the damn reason,huh! Because of you napagalitan ako ng Uncle."

"And what's the reason for me to sign those papers gayong puro kagastusan mo lang naman ang nakikita ko doon." I calmly said na siyang tila nagpausok sa ilong niya.

"What?It's for the materials and for our product,damn you!"

"Ang alam ko hindi ganoong halaga ang kailangan for the makings of our product,Nicole.You can leave now marami pa akong ginagawa."

"You...matagal na akong nagtitimpi sayo Hinari.Ang yabang mo porket anak ka ng CEO." she angrily said before leaving my office.

Sanay na ako sa ugali ng babaeng 'yun.Parati siyang naghahanap ng away sa pagitan naming dalawa kaya kahit pa napaka-simpleng bagay ay gagawin niyang issue.

What?Wala naman akong ipinagyayabang sa kanya.I'm not proudly says that I was the CEO's daughter...kelan ko pa ikinatuwa 'yun?

Siya lamang itong may problema sa aming dalawa.Anong akala niya maiisahan niya ako...duh!Alam ko kung magkano ang kailangang pera na dapat ilabas ng kompanya para sa mga materials of our product.Hindi pa ako hilo para pagbigyan ang balak niyang panggagasta sa perang hindi naman sa kanya.

"Ma'am." 

"Come in." I said at saka muling itinuon ang atensiyon sa mga papel na nasa harapan ko.

"Naku Ma'am sorry po.Pinipigilan ko naman si Ma'am Nicole pero talagang ayaw paawat,e." hindi mapakaling paliwanag niya.

"It's okay,Lea.Alam naman nating dalawa na parating ganoon ang babaeng 'yun."

"Kung sa bagay nga Ma'am.Balik na po ako sa trabaho tawag niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo." ngite lamang ang isinagot ko bago siya makalabas ng office ko.

Tiningnan ko muna ang wrist watch ko at napagtantong maga-alas-nwebe na pala ng umaga.

"Lea kapag may naghanap sa akin pakisabi lumabas ako sandali." paalam ko bago naglakad patungong elevator.

Nakalipas na ang lunch time at ngayon lamang ako natapos sa mga pinipirmahan ko.Ngayon pa lang din ako kakain ng tanghalian at balak ko sanang bumili na lamang outside the company total nakakasawa na rin ang mga pagkain dito.

Nang makababa ako sa lobby ay nadinig ko pa ang mga pagbati sa akin ng ibang empleyado na ginantihan ko lamang ng ngite.

Tuwing nakikita nila ako ay ganoon ang pakikitungo nila sa akin...magalang at parating nakangite.Nadidinig ko sa iba ang impression nila sa akin at actually lahok-lahok iyon.

Ang iba...ang sabi mabait daw ako.Ang iba naman sinasabing mataray ako at masungit.Minsan naman ay isnabera...well own opinion naman nila iyon at wala akong issues about doon.Quite true din naman kasi.

Nang makalabas ako ng company ay kaagad kong pinara ang paparating na taxi.Itinaas ko ang kamay ko ng bahagya sa ere upang huminto ang paparating na taxi...sayang oras pa kapag tatawagin ko pa si Tatay Pablo na nasa parking pa.

Hindi rin naman malayo ang lugar na iyon kaya okay lang kung mag-commute ako.

"Oh!Ikaw pala ulit yan,Hinari." malawak na ngiteng bungad sa akin ng tindera ng makapasok ako sa munti niyang karinderya.

"Manang pabalot nga ako ng paborito kong ulam saka kanin." saad ko at saka pansamantalang umupo sa upuang malapit sa akin.Nakangiteng tinungo ni Aling Loleng ang kusina nila at nang lumabas ito ay dala na nito ang dalawang disposable tupperware.

"Ngayon ka lang ulit napabalik ah...busy ka ba nitong nakaraan?" tanong niya habang binabalot sa plastic bag ang dalawang tupperware.

"Ah...opo medyo abala ako.Nga pala Manang...di'ba sabi ko po ay 'wag niyo nang ilagay sa tupperware kapag bibili ako rito...sayang din ho."

"Naku ikaw talagang bata ka...yaan mo na at nakakahiya naman kung sa supot nakalagay ang pagkain mo.Ewan ko ba naman sayong bata ka...pwede ka namang kumain sa mamahaling restaurant diyan sa tabi-tabi,e dito ka pa nagpupunta." saad niya.

Napangite ako dahil sa sinabi niya bago tumayo."Hindi nakakasawa ang luto niyo Manang kaya parati akong bumabalik dito.Oh!paano po uuna na ho ako." paalam ko at saka lumabas ng karinderya niya na bitbit ang plastic bag na may lamang pagkain ko.

"Ganiyan ulit ang bitbit niyo Ma'am." nakangiteng pansin sa dala ko ng security guard sa company.

"Nakakasawa ang pagkain dito Manong e." sagot ko at saka dumeretso patungong elevator.

Madalas makita ng security guard na iyon ang dala ko kapag galing ako sa karinderyni Manang Loleng.Noong una ay nagtataka siya pero sa huli ay mukhang nasasanay na ito.

Bakit ba kasi parang big deal masyado kapag may dala akong supot ng pagkain.Wala namang masama kung kumain ako ng tinda mula sa karinderya...minsan naman talaga ay mas masarap kumain ng lutong karinderya.Parang feel na feel mo 'yung pagkain mo...lalo pa't naka-kamay ka.

Kapag ba mayamang gaya ko ay kagulat-gulat kapag kumain ng pagkain from karinderya?

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ang isang lalaking ngayon ko lang nakita.Nakasuot ito ng mamahaling damit at sa tingin ko ay hindi siya employee dito sa kompanya.Nang sumarado ang elevator ay pasimple kong tinitingnan ang repleksiyon nito sa pinto ng elevator since kita roon ang repleksiyon naming dalawa.

Medyo mataas ito kumpara sa akin at sumisigaw ng kakisigan ang katawan niya.Amoy na amoy ko rin ang mamahaling pabango mula sa kanya at tila natabunan pa yata ang pabango ko.Hindi ko lamang makita ng ayos ang mukha niya lalo na ang mata niya dahil na rin sa nakasalamin ito ng itim...grabe ang taas naman ng sikat ng araw dito sa loob.

Pero magkagayon man...bahagya kong nakita ang labi at hugis ng mukha niya.Mukha siyang artistahin pero never ko naman siyang nakita sa TV.Gwapo siya at hindi iyon maipagkakaila pero para naman siyang robot dahil sa parang masyadong seryoso ang dating niya.

Bahagya kong narinig ang buntong-hininga niya at makalipas 'yun biglang nablack-out ang loob ng elevator.What the...anong nangyare?

Maya-maya pa'y bumukas din naman ang ilaw pero mahinang liwanag lamang iyon.Don't tell me naabutan ako ng pagloloko ng elevator na 'toh?

Akala ko ba ay pinaayos na ito last time,e bakit mukhang nasira nanaman?Sinubukan kong pindutin ang elevator pero ayaw bumukas ng pinto nito...isa lang ang ibig sabihin nito.Nagloko nanaman ang elevator na 'toh at kamalasan naman nagugutom na ako.

Tiningnan ko ang kasama kong lalaki pero mukhang kalmadong-kalmado lang ito sa kinatatayuan niya.Ano hindi ba siya magpa-panic?

"Nasira ang elevator...normal lang na hindi agad ito bumukas." biglang sabat niya sa gitna ng pagkataranta ko.Ilang beses kong sinubukang buksan ang elevator pero hindi ito bumubukas.

"Hello?" tawag ko sa kabilang bahagi nito at nagbabaka-sakaling may makakarinig sa akin.

"You have your bag maybe you have your phone." muli nanamang sabat ng lalaki at walang pinagbago ang itsura.Kalmado pa rin siya habang ako'y natataranta pa rin.

Idinial ko ang number ng sekretarya ko pero walang signal."Can you try yours?" alinlangang tanong ko sa lalaki pero umiling ito at inilagay sa ere ang kamay niyang naka-pamulsa.

"I don't have phone with me,sorry." saad niya na siyang ikinasandal ko sa dingding ng elevator.

Paano na kami dito?Baka maubusan kami ng hangin at ikamatay iyon.Naku naman kasi...ilang beses nang nakarating sa akin ang reklamong 'toh at ilang beses ko na din sinabihan ang maintenance para ayusin ang elevator na 'toh pero bakit nagloloko pa din?

Kung tutuusin ay hindi ko naman sagutin ang bagay na ito...hindi ito sakop ng posisyon ko.I am VP of finance at sagutin ko lang ang tungkol sa mga perang inilalabas ng kompanya as well as ang ipinapasok nito.Financial matters ang obligations ko dito pero nakapirmahan ko na ang tungkol dito e.

Muli...sinubukan kong buksan ang elevator at nagawa ko pa itong hampasin gamit ang palad ko kaya naman sumakit lamang ito.Tiningnan ko ang relos ko at halos isang oras na ang nakalipas at nananatili kaming nandito sa loob ng sirang elevator.

Tumighim ang kasama kong lalaki and as usual he is calm as while ago...parang hindi ito natataranta."Walang maitutulong ang pagwawala mo diyan...relax ka lang Miss magbubukas din 'yan." he calmly stated kaya masama ko itong tiningnan.

"How can I calm gayong nakakulong tayo dito sa elevator...can't you think na pwede tayong mamatay." iritableng sagot ko sa kanya.Inalis niya ang shades niya at tiningnan ako gamit ang blankong tingin.

Sa wakas nakita ko din ang mata niya at kabuuan ang mukha niya pero sana pala hindi na lang niya inalis ang shades niya...masyado yatang ma-awtoridad ang mga mata niya.

Sino ba kasi ang isang 'toh?Imposible namang isa siya sa employee dito dahil halos lahat naman ata ay nakilala ko na.Siguro ay isa siyang kleyente at kamalasan naabutan pa niya ang nagloloko naming elevator.Bawas points 'yun baka hindi na niya ituloy ang transactions niya dito sa kompanya.

Plus natarayan ko pa siya.E papaano namang hindi...he looks so calm habang ako ay natataranta na.Bakit kaya hindi na lang siya tumulong 'noh?

Napahawak ako sa tiyan ko ng marinig ko ang pagtunog nito dala na rin siguro ng gutom.Dahil doon ay napatingin sa akin ang binata...shemay!nakakahiya.

Tiningnan ako nito ng blankong tingin."Nagugutom ako bakit ba?" sagot ko.Para namang ngayon lang siya nakarinig ng kumukulong tiyan.

"You have your foods on that plastic bag,right.Bakit hindi ka kumain?" tanong niya at napatingin ako sa plastic bag na ibinaba ko kanina sa sahig.

Oo hindi ako maarte sa pagkain pero ako kakain dito sa loob ng elevator...never ko pa namang nagagawa 'yun.Pero nagugutom na talaga ako.

Umupo ako sa sahig at ipinatong sa hita ko ang tupperware ng pagkain ko.Mabuti na lang at nasa tupperware ito...salamat Manang Loleng.

"Gusto mo?" alok ko sa binata pero hindi ako nito sinagot bagkus umupo lang ito sa tapat ko.Sungit!

Habang hindi pa naayos ang elevator ay kumain muna ako at pasimple kong tinitingnan ang binata na hindi ko maintindihan ang itsura.Para siyang may sakit o may masakit sa kanya dahil sa namamawis ang noo niya.

"Okay ka lang?" nang hindi ako makatiis ay nilapitan ko ito at akma sanang hahawakan ang leeg ng biglang umuga ang elevator dahilan para masubsob ako sa dibdib niya.

Pakshet!mabango.

"Sa wakas naayos d----Ma'am!" napalingon ako ng bumungad sa amin ang mga taong mukhang nag-iintay ng pagbubukas ng elevator.

Naabutan nila kaming mag-kadikit dahil sa pagkakasubsob ko sa dibdib ng binata...another kahihiyan!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status