Share

Kabanata 1

Third person's Pov

Ngayon ang kabuwanan ni Herbeth na ilang buwan na nilang hinihintay.

Abala siya sa pag-aayos ng mga labahin nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang malaking tiyan.

"Ahhg! Di-dickon!"

Mas lumala ang kirot sa tiyan niya kaya nasigaw na niya ang pangalan ng kanyang asawa.

Hawak-hawak ng kamay niya ang malaking tiyan niyang kumikirot habang pinipilit na makalapit sa kama para makaupo ng maayos.

Abala kasi sa pagluluto si Dickon sa kalan at naubusan pa sila ng kahoy kaya lumabas siya sandali para maghanap ng pansamantalang pandagdag sa tangkay ng kahoy na nauubos na at tinutupok na ng apoy.

"Dickon!"

Pagpasok pa lang ni Dickon sa maliit na bahay nila ay narinig niya ang alingawngaw na sigaw ni Herbeth. Naalala ni Dickon na ngayong buwan na manganganak ang asawa niya kaya ganon na lamang ang pagtakbo niya para tignan ang asawa. Basta na lang niyang binitawan ang mga sangang hawak niya para mapuntahan ang kayang asawa.

"Aaaahhhhh!"

"Sige pa! konti na lang! nakikita ko na ang ulo ng bata!"

"Hindi ko na kaya!"

Halos hindi alam ni Dickon kung anong gagawin habang pinapanood ang asawang hirap na hirap na sa kalagayan niya.

Kaya kahit nanginig ang mga kamay niya ay hinawakan niya ang kamay ni Herbeth saka inilapit sa bibig niya at hinalik-halikan. Nagbabakasali na sa pamamagitan 'non ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ng asawa niya.

"Mahal, kakayanin mo. Ilang taon na tayong naghihintay para dito. Diba halos araw-araw nating ipinagdadasal na magkaroon tayo ng anak. Eto na, mahal. Eto na yun, ilang minuto na lang lalabas na. Patawad at wala man lang akong magawa para mabawasan ang sakit na dinaranas mo ngayon."

Matamis na ngumiti sa kanya ang kanyang asawa sa gitna ng paghihirap niya ngayon.

"Huwag kang mag-alala. Ilalabas ko ang anak natin na malusog. Sa akin nakasalalay ang buhay ng anak natin na ilang taon na nating hinihintay. Titiisin ko ang sakit ngayon kung pagkatapos naman nito ay isang magandang biyaya ang magiging kapalit."

"Aaahhhhh!"

Ginawa niya ang lahat para mailabas ang bata. Ilang minuto na naghirap siya para umere nang marinig niya ang sinabi ng nag papaanak sa kanya na tagumpay na nailabas niya ang bata.

"N-nakalabas na a-ang bata."

"Talaga! mahal! nagawa ko!"

Tuwang-tuwa siya nang magawa niyang mailabas ang bata, ngunit naramdaman niyang tahimik ang lahat.

"T-teka! Nasaan ang anak ko? Bakit wala akong marinig na iyak niya?"

"Mahal, baka hindi lang talaga iyakin ang anak natin."

Masaya niyang nginitian ang kanyang asawa.

"Hindi."

Natahimik silang mag-asawa nang magsalita ang nagpapa-anak kay Herbeth.

"bakit?"

Napalunok ang matandang babae bago mag salita.

"W-walang buhay a-ang sanggol. pero imposible to! Kanina ramdam ko pang buhay ang sanggol sa sinapupunan mo! pero b-bakit?"

Nagtataka ang matandang babae sa nangyari sa sanggol. Maging siya ay hindi alam kung ano bang nangyari. Kanina naman ay ramdam niyang buhay ito, pero nang mailabas ay ganon ang nangyari.

"Hindi! Hindi totoo yan! Buhay ang anak ko!"

Nagsimula nang bumuhos ang mga luha niya nang ibinigay sa kanya ng matandang babae ang sanggol na hindi na humihinga.

Pakiramdam ni Dickon gumuho ang mundo niya sa nakikitang sanggol na wala ng buhay, ang anak niya. Ang anak nilang dalawa ni Herbeth na matagal na nilang pinapangarap. Kanina lang halos lumobo ang puso niya sa tuwa nang makitang manganganak na ang kanyang asawa kahit pa nasasaktan siya sakit na bumabalatay sa mukha ni Herbeth.

Ngunit ngayon ay halos isumpa na niya ang lahat sa pagkadismaya at sa buhay na nawala na hindi pa niya lubos na nakasama. Pero imbis na sisihin ang lahat ay nagawa parin niyang magdasal sa maykapal na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Na buhay ang anak nila at palalakihin pa niya ito bilang isang magandang dilag at may mabuting puso.

Sa bawat paghikbi ng kanyang asawa ay doble naman ang sakit na nararamdaman.

"Bakit? Bakit ba nangyayari sa atin ito?"

"Mahal."

Wala na siyang ibang masasabi pa para mabawasan ang sakit ng nararamdaman ng kanyang asawa, dahil maging siya ay hindi na din niya alam kung paano ito tatanggapin.

Samantala, habang nagluluksa ang mag-asawa at binabalutan na nang matandang babae ang sanggol nang may isang puting usok na palipad-lipad na lang kung saan-saan, at tila may nahanap itong lugar kung saan alam niyang doon siya nabibilang.

Pumasok ang puting usok na iyon sa bintana ng isang maliit na bahay at dumeretso sa binabalutan ng matandang babae.

Ilalagay na sana iyon sa plastik ngunit nagulat silang lahat ng makarinig sila ng iyak ng sanggol.

Natigil sa pag-iyak si Herbeth at Dickon.

Maging ang matanda ay hindi alam kung anong nangyayari.

Mabilis niyang tinanggal ang puting tela na ibinalot niya sa sanggol kanina at halos lumabas ang mata niya sa gulat nang makitang ang sanggol na hawak niya ang siyang umiiyak. Hindi alam kung matatakot ba o matutuwa sa nakikita.

Halos ma-estatwa ang matanda kaya bago pa niya mabitawan ang sanggol ay nakuha na iyon ni Dickon. Halo-halo ang nararamdaman niya, silang dalawa ng kanyang asawa.

Kanina lang ay nagluluksa sila, ngayon ay agad na napalitan ng tuwa ang sakit na naramdaman nila kanina.

Para sa mag-asawa ay isa itong himala. Pakiramdam nila binibiro lang sila ng tadhana. Paiiyakin pagkatapos ay bibigyan ng magandang regalo.

Magmula sa araw na iyon ay binigay nila nang buo ang pagmamahal nila sa kanilang anak. Isang magandang biyaya at himala sa buhay nila.

"Nay, bakit yung ibang mga bata may kapatid sila? Bakit ako wala?"

Tanong ni Aloisia sa nanay niya na abala sa pagpunas sa mga pawis niya. Kagagaling niya kasi sa labas na maraming tao at mga batang kalaro niya.

"Ahh anak gusto kasi namin na ikaw lang ang baby namin. Gusto naming sayo lang ibuhos ang pagmamahal namin bilang magulang mo. Ayaw namin na maramdaman mo ang may kahati."

Totoo yung sinabi ni Herbeth sa anak niyang siyam na gulang na ngayon pero ayaw niya lang sabihin sa anak na hindi na sila makakaanak pa ni Dickon. Kaya nga biyaya sa kanila si Aloisia dahil sa akala nila ay wala na silang pag-asang magka-anak pa. Pero heto at kaharap na niya ngayon ang isang batang nagmula mismo sa sinapupunan niya, nanggaling mismo sa dugo at laman nilang mag-asawa. Hindi na nila kailangang mag-ampon pa ng ibang bata na hindi nila kadugo.

"Hmm! Nagugutom na ako nay!"

Balewalang tugon ni Aloisia sa sinabi ng kanyang ina.

"Nagugutom na ba ang prinsesa namin? Heto may dala akong mga prutas! Eto muna ang kainin mo anak. Sandali lang muna at iluluto ni nanay ang isda na nahuli ko."

Binuhat ni Dickon si Aloisia at pinaupo sa maliit nilang lamesa. Binigay niya rito ang mga prutas na napitas niya at kinuha naman ni Herbeth ang isdang nahuli niya para mailuto na.

Masayang nakikipaglaro si Aloisia sa mga batang katulad niya nang makita ang isang lalaking nasa edad pito na nakaupo sa may puno at malungkot na nakatingin sa kawalan. Para itong nanlalanta at halos buto na ang makikita sa kanya. Ang dumi ng katawan pati ang mukha. Mukhang ilang araw na itong hindi kumakain at makikita sa mukha niya ang mugtong mugto niyang mga mata dahil sa kakaiyak.

Sa ngayon ay wala na siyang luha na maiiyak pa kaya tulala na lang ito sa kawalan.

Nilapitan ito ni Aloisia dahil sa nakikita niya. Hindi niya alam kung bakit mag-isa ang bata.

"Hello."

Nakangiting binati niya ang batang lalaki pero parang wala itong narinig at tulala parin sa hangin.

Napasimangot si Aloisia hindi dahil sa hindi siya pinansin, dahil sa nakikita niyang itsura ng bata.

Nilapitan niya ito at niyakap na ikinabigla ng bata, kahit alam niyang madumi ang suot ng bata ay wala siyang pakialam nang niyakap niya ito. Sabagay, bata pa lang naman sila at wala pa silang pakialam kung madumihan man ang suot nila.

"S-sino ka?"

"Ako si Aloisia Diamond, tawagin mo na lamang akong ate Sia. bakit mag-isa ka? Saan nanay mo? Ang papa mo?"

Nagulat na lamang si Aloisia nang magsimulang umiyak ang bata at niyakap siya nito na para bang naghahanap ng taong tutulong sa kanya.

"Ano pala pangalan mo? Hindi mo sinabi sa akin kanina kasi. Tsaka ipapakilala kita kay nanay at papa. Eto ang bahay namin!"

Masaya niyang kuwento sa bata at excited pa siyang ipakilala ito sa magulang.

"Ang pangalan ko ay Osmond. tawagin mo na lang akong Mond ate Sia."

Nakangiti na ngayon ang batang lalaki na kanina lang ay halos wala nang pakiramdam na parang blanko kanina.

"Sige! Nay, may bago akong kaibigan! si Osmond! Dito na siya titira, nay!"

"Anak, halika kumain kana. Papasukin mo din ang kaibigan mo dito. Naghanda ako ng marami."

Simple lang naman ang buhay nila. Pero kahit ganon ay nakakakain parin naman sila ng tatlong beses sa isang araw at minsan ay masasarap na pagkain.

"Anak, saan mo nakilala si Osmond?"

Malumanay na tanong niya habang pinapanood na kumakain ang bata. Marami na itong natatapon na kanin pero hindi naman siya yung taong strikto pagdating sa pagkain. Batang-bata pa si Osmond kaya ganon siya kumain.

Saka naaawa siya sa bata, ang lakas nitong kumain at ramdam niya ang gutom nito at ilang araw nang hindi nakakakain.

"Habang naglalaro kami nay ng habulan, nakita ko siyang malungkot na nakaupo sa silong ng puno. Kaya nilapitan ko siya at dinala dito dahil mukhang naligaw siya."

Napangiti si Herbeth sa sinabi ng anak niya. Alam niyang may mabuting puso si Aloisia, bata palang nakikita at nararamdaman na niya ito. Sa mga simpleng pagtulong pa lang niya na ganito ay natutuwa na siya.

Hinarap niya ang batang lalaki para magtanong.

"Saan ka ba galing Osmond? Nasaan ang mga magulang mo? alam mo ba kung saan kayo nakatira at ang pangalan nila?"

Nagulat na lamang si Herbeth ng magsimulang umiyak si Osmond.  Umiyak ito nang umiyak na para bang may nasabi siyang masama.

"Hala! Patawad kung may nasabi ako masama!"

Nataranta si Herbeth kaya nilapitan niya ang bata at niyakap.

Unti-unti ay humihinahon na si Osmond sa pag-iyak saka nagsalita.

"W-wala na akong n-nanay. P-pati si p-papa, n-nikuha nila. Masasamang t-tao, nikuha nila si nanay at papa."

Natigilan si Herbeth sa sinabi ng bata.

Magmula noon ay hindi sila nagsisi na inampon nila si Osmond at tinuring na totoong anak. Magmula ng dumating si Osmond sa buhay nila ay doble ang saya na nakikita nila mula kay Aloisia. Ngayon hindi na siya magtatanong kung bakit wala siyang kapatid. Dahil ngayon, may kapatid na siyang laging kalaro kahit dito da loob ng maliit nilang bahay. Hindi na kailangan ni Aloisia na lumabas pa at maghanap ng kalaro niya, dahil nandito na si Osmond na kalaro niya.

Sa bawat pagdaan ng panahon ay lumalaki silang mabuting tao at mahilig tumulong sa mga nahihirapan sa simpleng paraan. Tunay na magkapatid ang turingan nila sa isa't-isa. Imbis na si Aloisia ang nagtatanggol kay Osmond dahil mas matanda siya rito ay laging pinipilit ni Osmond na dapat siya ang nagtatanggol sa ate niya dahil siya ang lalaki.

Lumaki si Osmond na wala nang sakit galing sa masamang ala-ala at hindi na niya naisipan pang maghiganti sa pumatay sa mga magulang niya. Hindi din naman kasi niya kilala ang mga iyon lalo na at may bago na siyang pamilya na tinanggap siya ng buo at binigay sa kanya ang tunay na pagmamahal ng isang magulang at isang kapatid.

Masuwerte siya at sa pamilyang iyon siya napunta. Isang mabuting pamilya at kahit kailan ay hindi niya naramdamang iba siya.

"Mond!"

"ate!?"

"Tulungan mo naman ako dito!"

Sigaw ni Aloisia habang binubuhat ang isang aparador para itabi sa gilid. Maliit lang iyon ngunit mabigat kaya halos lumuwa ang mata ni Aloisia kapag pinipilit niya iyong buhatin.

Nasa na taong 21 gulang na siya ngayon samantalang nasa 19 gulang naman si Osmond.

Mga dalaga at binata na sila.

Tinulungan naman siya ni Osmond sa pagbubuhat 'nun pagkatapos ay tinulungan din niya itong maglinis sa may kaliitang bahay nila. Naiwan silang dalawa dahil ang nanay ay lumabas para magbenta ng mga prutas at gulay samantalang ang papa nila ay nagtatrabaho sa templo, tagalinis, tagabuhat at kung ano-ano pa.

Nasusuwelduhan naman siya ng tama at para na din daw iyon sa binigay ng Maykapal sa kanila na dalawang mabubuting anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status