Share

Chapter One

May mga bagay na mahirap kalimutan. May mga bagay na hindi pwedeng ibaon nalang sa pagkalimot. Maraming nangyari sa loob ng limang taon na ginugol ko para  makalimutan ang taong matagal nang nakaukit sa puso ko. I spent years in fixing myself but when I came back her my heart was still yearning for him. I am still longing for his touch. Lumalakas pa rin ang pagkabog ng puso ko kapag naiisip ko siya. He's still the one for me.

I sighed as I threw the magazine on my bed. Hindi pa rin humuhupa ang balitang pagpapakasal ni Blythe at ni John. People were really rooting for the both of them. Sila ang front page sa lahat ng magazine sa Pilipinas. Blythe is quite famous here in the Philippines while John made his step to photography world. 

"Venice!"

Narinig kong sigaw ni Vermuda sa labas ng kwarto ko. Kumatok din ito sa pinto. Vermuda or Vermz is one of the closest cousin that I have. 

"What do you want Vermz?" I snapped as I opened the door.

Ngumisi ang pinsan ko at iniabot sa akin ang isang magazine na naman. The Kintanar magazine. Sinuri ko iyon at napairap ako nang makita ko na naman ang mukha nila John at Blythe sa magazine.

"Not again..." I said. Itinapon ko rin iyon sa kama ko. "They're right bagay nga sila." wika ko pa. 

John really chose the right woman for him. Iyong bagay sa kanya at kaya siyang mahalin ng buo. Iyong klase ng babaeng handa siyang panindigan sa kahit na anong bagay. John is a true lover. Masarap magmahal ang isang John Antonio Guanzalo pero mas pinili kong isawalang bahala ang pagmamahal na iginawad ni John sa akin. Hindi pa ako handa para sa kanya. Hindi pa ako handang panindigan siya but... I regret what I did. Sinaktan ko siya at gumamit pa ako ng ibang tao para masaktan siya at layuan ako. That was five years ago but the pain was still there. 

Humalukipkip si Vermz sa aking harapan at sumandal sa may pinto. Pinasadahan niya ako nang tingin kapagkuwan ay umiling. I raised a brow. 

"Dapat mag-move on ka na halos tatlong taon kang nag-stay sa Japan at isa't kalahating taon sa Butuan City. Hindi ka pa rin nakakarecover sa John na 'yan." anang Vermz. 

Napabuntong-hininga ako. "Hindi naman kasi ganoon kadali 'yon ate." saad ko. 

"Mas sinasaktan mo ang sarili mo, e."

"I deserve this for hurting him." 

Vermz shook her head again. Kinuha niyo ang kamay ko at pinisil iyon. "You don't deserve to hurt yourself back because of what you did in the past. May rason naman lahat kung bakit mo 'yon ginawa diba? It is not for yourself but also him... Ginawa mo rin iyon para sa kanya." 

Naramdaman kung namamasa na na naman ang mga mata ko. Tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Shit! Nasasaktan pa rin talaga ako. 

"Hayaan mo nalang ako, Vermz. He's happy now wala naman akong balak na guluhin siya. The day I broke his heart was also the day he stopped on loving me." 

Hindi na nagsalita pa si Vermz. Ginulo na lang niya ang buhok ko bago tuluyang umalis. Isinara ko ang pintuan at dumiritso sa banyo. Dapat hindi ako masyadong mag-dwell sa pagda-drama ko dahil may trabaho pa akong kailangang asikasuhin. Kahit may masakit sa akin ay hindi dapat ma-stuck ang buhay ko sa pagiging malungkutin. I have a life to face. Nang matapos akong maligo ay agad akong nag-ayos. Kinuha ko iyong polo shirt ko na puti at tinernuhan ko ng highwaist skirt. Hindi na ako naglagay pa ng maraming make-up sa mukha. I just put a red lipstick and light blush on and after a few minutes ay handa na ako.

Pagbaba ko ng hagdan ay bumungad kaagad sa akin ang nakangiting mukha ng mama ko. She was about to call me pero nakababa na ako. 

"I thought you are not going to work."  Sabi ni mama. Inayos niya iyong damit ko. 

"Ayaw kong magmukmuk sa kwarto ma. May kailangan din akong tapusin para sa delivery ng mga tsinelas sa mga nasalanta ng bagyo sa San Isidro." wika ko. 

These past few days ay binaha na naman ang probinsiya ng San Isidro. Malapit sa puso ko ang nasabing probinsya dahil dito ako madalas gumaganap ng mga outreach program. Marami rin kasing mga bata ang naging malapit sa loob ko dahil sa mga activities na ginagawa ko sa San Isidro. 

"Hindi mo isasama si Vermz?" Mama asked. 

Umiling ako. "Busy si ate, Ma. May team building daw sila ngayon, e." imporma ko kay mama. 

"Okay sige. Mag-ingat ka ha? Iloveyou Venice." mama kissed my cheeks. "Pero puntahan mo muna ang papa mo na nasa garden. Ewan ko ba naging adik sa orchids." naiiling na wika ni mama. Natawa nalang ako. 

I immediately went to the garden and there I found my papa sprinkling water to his orchids. I never thought that papa would love plants pero nang minsan ay isinama ito ng mga kaibigan nito para sa isang bakasyon ay doon na nagsimula ang pagkahilig nito sa mga halaman. 

"Papa! Alis na po ako." pamamaalam ko kay Papa. 

Lumingon si papa sa gawi ko at ibinaba ang sprinkler sa ibabaw ng wooden table nito. Papa took off his gloves and walked towards me. 

"Venice, magtatrabaho ka anak?" tanong nito sa akin. 

I nod. "Pa I need to settle the things needed in San Isidro. Hindi ko po 'yon natapos kahapon." I explained to him. 

"Mahal mo talaga ang San Isidro 'no?" 

Papa knew how much I love San Isidro. Hindi lang dahil sa kagandahan ng lugar kundi dahil sa mga taong nakatira roon. The place seems to be my safe haven. Kapag malungkot o kapag stressed out sa work ay agad akong tumatakbo sa San Isidro. I even bought a house in there. Doon ako namamalagi kapag gusto ko na naman iyakan si John. 

"You already know the answer, Pa." bahagya ko siyang nginitian. "I am also planning buy Hacienda Mayora." I told him. 

Bakas sa mukha ni Papa ang pagkagulat. "For what Venice? Are you getting married?" nahi-hysterical na tanong ni Papa.

I laughed with his reaction. Oh! I don't know how much I love my Papa. Si papa ko na 'ata ang pinakamatinong lalaki na nakilala ko kahit pa sinasabi ni mama na hindi. 

"Hindi pa po. For future use po ba gusto ko na may property ako na pagmamay-ari ko. Ayaw ko pong umasa nalang sa inyo ni Mama palagi. May ipon naman po ako Pa." anang ko. 

"Sige if that's what you want hindi kita pipigilan Venice pero if gusto mo ng mag-asawa please do inform us first okay?" Papa said. 

Hindi na ako nagtagal pa dahil marami pa akong kailangan asikasuhin sa opisina. My secretary is not around. Nakamaternity leave si Dia na secretary ko for more than a year. May mga kailangan din akong i-finalize para sa susunod na advertisment na ipapalabas under RED advertising. Isa kasi ako sa mga stockholders sa naturang kompanya. I am not just running the company of my parents. Ibinuhos ko lahat mg mga naipon ko sa Japan and I also have my own share of money kaya naging parte ako ng pamosong kompanya. Maagap ang kamay ko sa pagkuha ng key fob na naisilid ko sa aking bag. I clicked my key fob and i heard a sound coming from my car. I dive in and fastened my seatbelt for safety purposes. Palagi akong binibilinan ni Mama na dapat cautious ako sa mga gagawin ko especially when it comes to my safetiness. I maneuvered the car for my departure. 

Kalahating oras lang naman ang uukulin papunta sa kompanya ni Papa. I was greeted by my employees. I just flashed a warm smile. Hindi ako ganoon kahigpit sa mga taong nagtratrabaho sa kompanya because I know that they're the heart of this company. Kung wala sila ay wala rin patutunguhan ang kompanya. Marami na ang nagbago sa kompanya ni papa simula nang umalis ako five years ago. Noon ay mga tsinelas lang ginagawa namin but now we are also making a name in the shoe industry. Mas lalo akong bumilib sa papa ko dahil sa naging paglago ng kompanya. Kung wala si papa ay wala kami ngayon sa tuktuk. He was still managing the sardines company in Zamboanga. Minsan umaalis si Papa para bisitahin ang site. Ako naman ang nah-aasikaso sa shoe business niya. 

"Ms. Dellalana, you'll have a meeting to Mr.Fabras this afternoon." imporma sa akin ni Jade ang temporary secretary na kinuha ko. I smiled at her and nod. 

"What is that all about Jade?" I asked.

"About Hacienda Mayora, Miss." 

My forehead knotted in confusion. Anong tungkol sa Hacienda? "What? I don't get you." wika. I sat on my swivel chair and darted my gaze to Jade. 

Binuklat ni Jade ang folder na hawak niya at iniabot iyon sa akin. Kunot-noo kong tinanggap iyon. I scanned the content of the folder. Nag-init ang pisngi ko dahil sa laman ng folder. 

"Hindi 'to pwede!" I hissed. "I already had a meeting with the owner of Hacienda Mayora. I am going to buy that land. Why does Mr. Fabras suddenly gets interested about the Hacienda?" naiinis kong tanong kay Jade.

Jade shook her head. I sighed in frustration. "I am sorry, Jade. Naiinis lang ako. That property, the Hacienda Mayora is really important to me." 

"Miss Dellana, I understand." ngumiti si Jade sa akin. "But as I also scanned the information that Mr.Fabras sent. It was mentioned that someone is interested in buying the Hacienda. I also did my investigation Miss. Well, Mr. Fabras offered a huge amount of money just to get land. " Jade gave the information with a strain look. 

"Mr. Fabras? Let me just recall is he the owner of Fabras Corporatkon?" pilit kong inaalala ang mukha ni Mr.Fabras

Tumango si Jade. "And the guy who asked for your number three months ago in La Alquera miss."  

"Bakit ba siya naging interesado sa Hacienda. I already settled an agreement with the owner and we're quite fine with the idea of me buying the Hacienda." I sighed again. Hindi ko alam kung pang-ilan na 'yon. 

Jade left without any word but she just came back after a few minutes. She has a magazine in her hand, Kintanar magazine. Naguluhan ako kay Jade. Inabot niya sa akin ang magazine. Sumiklot na naman ang puso ko nang makita ko ang front page ng nasabing magazine. Again, it was the same magazine that I checked earlier. It was John and Blythe who looks so happily in love in the picture. Masakit... 

I sighed bitterly. "Ano naman 'to?" I asked her without leaving my gaze to the magazine. 

Ngayon ko lang nasuri nang maayos ang magazine dahil hindi ko kaya na tagalan ang pagtitig sa mukha ni John at Blythe na masaya habang ako ay miserable. It was five years ago but John is still capable of hurting me. Nakaukit na si John sa kaibuturan ko at hindi ko na siya kaya pang tanggalin. They say time heal all woundd  but why am I still feeling this way after all these years? Hindi ko namalayan na may nakawala na palang butil ng luha sa mga mata ko. Tumingala ako para pigilan ang mga nasabing luha. Nakamasid lamang sa akin si Jade. 

"Miss Dellalana..." she offered me her handkerchief. Tinanggap ko iyon. "Are you okay?"

I nod. "I am fine. Anong purpose nito?" I asked her when I finally composed myself. 

"John Antonio Guanzalo II is planning to buy the property. Mr. Fabras and Mr. Guanzalo are cousins, miss. Mr. Guanzalo just asked Mr. Fabras to do the work but the money they will spend is from Mr. Guanzalo. Ireregalo daw nito sa fiancé ang nasabing property miss." 

Namutla nalang ako sabay ng pagpiga ng kung ano sa may dibdib ko. Hindi maari! Dapat akin lang ang Hacienda. Kahit ang Hacienda na lang kahit hindi na si John. Naipikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa mga impormasyon na nakalap ni Jade. Does it means property no more? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status