Share

Chapter Four

Mabilis ang naging takbo ng oras. Naging maayos ang lahat ng aking kailangan tapusin para sa launching ng mga bagong sapatos na gawa ng kompanya namin. Hindi naging madali ang preperasyon para sa event na 'to. Marami akong pagdududa at napaghihinaan ako ng loob dahil takot ako na baka ma-failed ako. I don't want to disappoint my father. He was the pillar of this company and his approval is a big thing for me. 

Agad ako nagligpit dahil pasado alas dose na rin ng gabi at tinawagan ako ni Ivy para sunduin ito sa isang na bar dito sa Metro. Hindi ako pumapasok sa mga bar dahil naiingayan ako at nauusukan pero dahil kaibigan ko si Ivy kaya naexpose na rin ako sa mga ganoong lugar. 

"Manong sa The Hype po ta'yo." utos ko kay Manong Berto nang makasakay na ako sa backseat ng sasakyan. Tinignan muna ako ni Manong Berto sa salamin at tinanguan ko lang siya. 

Hindi naman masyado malayo sa opisina ko ang naturang bar. Mga trenta minutos lamang ang tinakbo ng biyahe namin ni Manong Berto. 

"Manong, kukunin ko lang po si Ivy baka sa bahay ko na po siya patulugin. Saglit lang po ako."

"Sige ma'am. Mag-aabang lang po ako baka sakaling kailang niyo ng tulong sa pagbubuhat kay Ma'am Ivy." nakangising turan ni Manong Berto. Napangiti rin ako bago tuluyang lumabas ng sasakyan. 

Naging routine na siguro namin ni Manong Berto ang sunduin si Ivy sa The Hype kapag gusto nitong maglasing at magwalwal. This is her way of coping up from her lost. Magkaibang-magkaiba kami ni Ivy. I don't drown myself with alcohol just to forget someone. Mas ninanamnam ko iyong sakit. I love torturing myself kaya siguro hindi pa ako nakakamove on kay John hanggang ngayon. 

I went inside The Hype and I was greeted with the banging noise that comes from the huge speaker of the bar. The crowd goes wild. Pilit kong hinahagilap si Ivy. Masyadong maraming tao at nakakahilo pa ang patay-sinding ilaw. Dumiritso ako sa bar counter baka nandoon si Ivy. Pero walang bakas ni Ivy ang nandoon. I just sighed. Kinuha ko iyong phone ko at tinext ang aking kaibigan. 

This is what I hate about bars I cannot easily find the person that I am looking for. I faced the bartender. Kahit wala akong balak uminom ay iinom ako kahit konti lang. 

"One piñacolada please." wika ko. Umupo ako sa high-end chair. Muli kong inilibot ang akong mga mata baka sakaling makita ko na si Ivy. 

I just waited about two minutes for my piñacolada. Nginitian ko ang bartender na nag-offer ng drinks. I sipped to my drinks and licked my lower lip. I really love this one! Pero hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa kabuoan ng bar. I am too eager to look for Ivy because I know that she's now drunk and wasted. Bakit ba kasi kailangan araw-araw maglasing itong si Ivy? Inubos ko muna ang aking inumin at nag-iwan ng five hundred peso bill sa ibabaw ng bar counter. I strode toward the dance floor. Ramdam ko na ang siksikan pero wala akong pakialam dahil gusto ko ng makita si Ivy para makauwi na rin kami. Pero napasinghap ako ng maramdaman kong may pumisil sa bandang mag pwetan ko. Napatingin ako sa lalaking nasa likuran ko. And I saw a man that looks like a maniac. Sinamaan ko siya nang tingin at walang gatol na inapakan ko iyong paa niya. 

"Fuck! Damn you woman!" napasigaw ito habang namimilipit sa sakit. I turned my back on him but he grabbed my arms and pulled me out of the dance floor. Pilit kong kinukuha ang braso ko sa kanya pero mas malakas siya sa akin kaya tuluyan niya akong nahila. Palinga-linga pa rin ako dahil nagbabakasakali akong makita ko pa si Ivy. 

I am more concern about Ivy rather than my current situation. Umakyat kami sa second floor ng lalaking humila sa akin. I glared at him but he just grinned. Alam ko na may binabalak siyang masama. I am still fidgetting so that I can escape from this man but he is too strong basing on his built. Walang-wala ang katawan ko sa kaya nitong gawin. 

Nagsimula na akong gapangan ng kaba. This is ain't right. I should think a way to escape. Naging mabigat ang paghinga ko dahil alam kong papalapit ako sa peligro. Their were two big man who block our way. Pinasadahan nila ako ng tingin. 

"Can I have one VIP room please..." nagsalita ang lalaking may hawak sa akin. I startled when I heard what he was asking for. Bumaling ang tingin ng dalawang bouncer sa lalaki. 

"We need to scan the lady first, Mr. Luna." wika nang lalaking nasa right side. 

"What for?! I am a loyal costumer in this club and I am also a VIP so I deserve to have the VIP room." 

Nagsimula ng tumaas ang boses nang lalaking may hawak sa akin. I just remained silent. Naramdaman ko ang galit ng may hawak sakint dahil naging mahigpit ang pagkakadiin nito sa aking braso. 

"L-Let me go... I don't know who you are." I looked at the men. 

"Really? You are the one who flirted to me and you asked for this."

Bumangon ang galit at pagkakainis sa akin. Saan galing iyon? Siya itong unang lumapit sa akin at walang pasabing hinila ako at dinala rito. 

"Hindi iyan totoo..."

"Really?" ngumisi pa ito. 

The two men infront of us were just eyeing on us. Biglang nag-ring ang cellphone ng isa sa mga lalaking bouncer. Nagtinginan muna ang dalawa bago tuluyang sinagot ang tawag. Ang lalaking naiwan ay mataman lamang na nakatingin sa akin. I am starting to get awkward. Pilit kong inaalala kung saan kami nagkita nitong lalaki. He seems so familiar to me. At sa paraan ng pagtitig nito ay parang kilala ako nito. 

"Can you please let me go?" singhal ko pa sa may hawak sa akin. 

Tinapunan niya ako nang tingin. Itinaas niya ang kanyang kamay at inilapat iyon sa aking pisngi. Marahas kong itinagilid ang aking mukha para hindi manatili ang kanyang mga kamay sa aking pisngi. I don't know this man and he is a mere stranger to me. Hindi tama ang basta nalang manghila ng babae at dalhin kung saan-saan. Isa iyong pambabastos. 

Muling bumalik ang kasama nito. May ibinulong ito sa lalaking naiwan kanina. Tanging tango lang ang ganti ng huli. 

"I am sorry Mr. Luna but the Hype's owner won't allow you to have a VIP room." imporma ng lalaking kanina pa tingin ng tingin sa akin. 

Nakita ko ang pagtiim bagang ng lalaking may hawak sa akin. Naramdaman ko na naman ang pagdiin ng mga daliri nito sa braso ko. Napapikit ako dahil sa sakit. Alam kong nagsisimula na iyong mamaga. Sa baba ang tingi ko dahil ayaw kong makita ng lalaking manyak na umiiyak ako. I bit my lower lip. 

"That is not how you should treat your valued costumer. Where is the owner I need to talk to him..." 

"The owner is busy Mr.Luna. He cannot accomodate you as of this time." anang lalaki na umalis kanina. 

"No! Kailangan ko ng VIP room!" muli ay sigaw ng lalaking manyak. 

"Can you just please let me go and leave me at peace?!" 

Umiling ang lalaki at hinila ako ulit. Tinatahak na namin ang ibang daan but I can say that we are heading to the exit. I am starting to get scared. 

"Kung hindi pwede rito pwede naman sa ibang lugar." aniya. 

"Who are you? I will sue you for this!" sigaw ko pa. Nawala na sa isip ko si Ivy ang tanging nasa isip ko nalang ay kung paano ako makaalis sa at makakatakas sa lalaking may hawak sa akin. 

Mabilis ang bawat hakbang ng lalaki at hingal na hingal na ako. Ramdam ko kung gaano siya ka pursigido ka makuha ako. For what reason? 

"Venice Cai Dellalana..." he then smirked. May kung anong apoy na nagbabaga sa kanyang mga mata. 

I swallowed hard. "H-How did you know me?" nangingig kong tanong. 

Kahit anong hinuha ko sa aking isipan ay hindi ko maalala ang lalaking kaharap ko ngayon. Alam kong ito ang unang beses na nagkita kami. Pero bakit parang may atraso ako sa kanya sa paraan pa lamang ng kanyang pagtitig sa akin. 

Nakarating kami sa exit ng club pero hinarangan agad kami ng mga lalaking puro naka-itim na t-shirt na may pangalan ng naturang club. 

"Mr. Luna, the president won't allow you to leave with Ms.Dellana." anang lalaki na mestiso. 

Kumunot ang noo ko dahil nakakapagtataka na alam nila kung sino ako. Sa wakas ay pinalaya na nf lalaki ang aking braso napahawak ako sa parteng iyon at bahagyang napangiwi ng mapansin kong nagsisimula na itong mamaga. 

"What?! Are you kidding me?!" 

Napaangat ako nang tingin dahil muli na namang sumigaw ang lalaking tinatawag nila na Mr.Luna. I can sense that he's now losing his temper. Frustrations were written all over his face. Napakuyom ito ng kamao at bumaling sa akin. 

"You..." tinuro ako ni Mr.Luna. 

Napasinghap ako nang biglang umangat sa ere ang kamao ni Mr. Luna. Napapikit ako ng aking mga mata dahil hinahanda ko ang sarili ko sa paglapag ng kamao nito sa kahit na saan na parte ng aking katawan. But it didn't happen. Mabilis na naagaapan iyon ng mga lalaking empleyado ng club. They were now holding Mr. Luna's arms. Sa paraan ng pagkakatitig ni Mr.Luna sa akin ay parang gusto niya akong sakalin. Napaatras ako. 

"I hate you Venice. I'll make sure we'll see each other again and you'll probably rot in hell." 

Sigaw nito habang kinukuyog ng mga kalalakihan ng nasabing club. Napaiyak dahil sa takot na nararamdaman ko. Simula nang umalis ako sa Pilipinas ay alam ko na naging mabuting tao ako. I became low profile. Wala akong inaapakan na tao at alam ko na wala akong naagrabyado na tao. But what happen right now made me think about the way I live? Naging mabuti ba talaga ako... Sigurado ka bang naging mabuti ka Venice? 

What you did five yeas ago was it the right thing to do? Naging mabuti ka ba sa ginawa mong pagwasak sa taong pinakamamahal mo? Think again Venice. 

I just let my tears rolled down my cheeks. Nanginginig pa rin ako dahil sa nangyari. I know I am safe but... hindi pa rin maialis sa akin ang pangamba para sa aking kaligtasan. I just leaned at the wall. Hawak ko parin iyong braso ko na namamaga. Hindi naman ako mag-isa may nakatingin sa akin. Iyon iyong nga lalaking tumulong sa akin kay Mr. Luna. 

"You should drink this Ma'am." 

Iniabot sa akin ng lalaking kausap kanina ni Mr.Luna ang isang bottled water. Malugod ko iyong tinanggap at binuksan iyon. When the water dripped down my throat I suddenly felt relieve. Ngayon parang gusto ko ng matulog at magpahinga. Ipapahanap ko nalang kay Mang Berto si Ivy. Sobrang pagod ako sa mga nangyari sa akin. It traumatized me. Ayaw ko ng pumunta sa kahit na ano na bar dahil natatakot ako sa mga nakakasalamuha ko. They became a different person when alcohol will start to invade their system. 

"U-uwi na ako... Thank you sa inyo. I owe you my life." sabi ko at dire-diretsong tinahak ang exit. Wala ako sa sariling naglalakad. 

"Ms. Dellalana the owner will send you home." 

Balita nang lalaki kanina. Hindi pa ako nakakalayo sa kanilang kinatatayuan. I looked back at them smiled weakly. I am really curious of who is the owner of this club. Gusto ko siya pasalamatan dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Kung hindi dahil sa kanya ay baka kung ano na ang nangyari sa akin. Pero masyado na akong pagod gusto ko ng magpahinga. Lumapit sa akin ang lalaki siguro para sabihan ako na hayaan na lang ang may-ari ng club na ihatid ako but no, Mang Berto is with me kaya ko na ang sarili ko. 

"Just tell the owner that I am so thankful because he saves me from that stranger but..." 

Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko. Nanigas ako at hindi ako makagalaw. Lumingon ako...

"I insist in sending you, Venice. Naiuwi na si Ivy. Let's go home..." 

John Antonio himself spoke while his eyes were darted on mine. He is the owner, I must say. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status