Hacienda Del Puedo #1 Hara
Hacienda Del Puedo #1 Hara
Author: Magic Heart
PROLOGUE

"I'm back!"

Masayang bungad ni Hara sa mga kamag-anak na kumakain sa kubong katabi ng kanilang mansiyon. 

"Ikaw na bata ka, ginulat mo kami," masayang wika ng kaniyang lolo sabay yakap sa kaniya. 

Matagal na hindi umuwi si Hara sa Hacienda Del Puedo kaya sabik na sabik siyang makita ang mga taong nandito. 

"Oh, sino siya?" pagkuway baling ni Hara sa lalaking paparating na may dalang mga buko. 

Napakakisig ng binata sa suot nitong short at manipis na sandong puti. Lalong pina-angat ang kagwapohan nito ng kaniyang buhok na basa ng pawis. 

"Pinsan, si Xandro yan," wika ng kaniyang Kuya Ryan.

"Nadampot ni lolo sa tabing kalsada. May amnesia kaya kinupkop na muna ng pamilya." 

Napatango-tango si Hara. Masaya siyang nakabalik na siya sa paraisong kaniyang kinalakihan. 

Nagagalak rin ang mga tauhan nila na makitang  muli ang kanilang Senyorita Hara. Ang babaeng ito lang naman ang pinakamabait sa mga apo ni Don  Ernesto. 

"Are you staying for good?" tanong ni Mia. Ang pinsan niyang napakaganda pero madalas na hindi napapansin sa pamilya dahil sa mahina raw ang ulo nito sabi ng kaniyang mga tito at tita. 

"Well... I'm not sure yet. I really wanted to become a nun but before I do that I want to stay here for a while. Gusto kong ihanda ang sarili ko sa vocation na pipiliin ko." 

"Hindi ka bagay magmadre. Kahit ipakasal kita kay Xandro bukas na bukas ay gagawin ko para lang matigil ka diyan sa kahibangan mo," tutol ng ama. 

" Hay, pwede ba pakainin nyo muna ako bago ninyo ako ipakasal sa may amnesia."

Nagkatawanan ang buong mag-anak sa tinuran ng dalaga. 

Siya si Hara Del Puedo, ang babaeng iniingatan ng lahat dahil sa madilim na trahedyang kanyang pinagdaanan.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Andrea
ayyy parang based on true story to ms m.........
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
......... payag ka naman ba Hera ipakasal ka sa taong may amnesia
goodnovel comment avatar
Author Zenayda
wow! Keep it up, author! ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status