Share

HARA CHAPTER 1

Maagang gumising ang dalaga. Sosorpresahin niya ang lolo at papa niya. Birthday ngayon ng Lola Candida niya kaya sigurado siyang may salo-salong magaganap sa Hacienda Del Puedo. 

Pinili niyang isuot ang isang bulaklaking off shoulder maxi dress. Hapit na hapit ito sa kaniyang bewang kaya lutang na lutang ang kasexy-han niya sa damit na ito. Mataman niyang tiningnan ang sarili sa salamin. 

"Hmmmm... Ang ganda mo talaga Hara," bulong niya sa sarili. 

Napangiti siya sa repleksyon sa salamin. Kaya maraming tutol na magmadre siya dahil hindi raw siya tatanggapin ng kahit anong kongregasyon dahil marami ang magkakasala. Naalala pa niya ang madalas na biro ng kaniyang mga pinsan. 

"Hara nandito ka pa lang sa lupa ay maraming lalake na kaagad ang makakaabot sa langit pero dahil din sa'yo ay lalampas sila doon kaya huwag mo na lang ituloy iyang pagmamadre mo kasi babagsak din sila sa impyerno," tukso ni Klein sa kaniya dati.

Nanabik na siyang makitang muli ang mga ito. Limang taon na siyang hindi umuuwi. Labing-limang taong gulang pa lamang siya noon ng umalis sa hacienda. 

"Tiyak maraming nagbago," turan ng dalaga.

Marahan niyang sinuklay ang maalon niyang lagpas balikat na buhok. Naglagay siya ng kaunting pulbos at lipstick. Kinuha ang isang beige na flat sandals upang ipares sa suot niyang damit. 

"Mukha ka talagang artista Hara," bati ng dormmate niyang si Carol na kagigising lang. 

"Hoy! Aalis na lang ako binubola mo pa ako."

"Anong bola ka riyan? Parang kanina lang bubulong-bulong ka ng, 'Ang ganda mo talaga Hara." Ginaya pa nito ang itsura ng kaibigan.

"Sira! Ewan ko nga sayo!" tugun ng dalaga.

"Ano baliw lang? Pinagbibigyan lang kita kaya kahit napipilitan ako, ayan pinupuri na kita mahal kong besty."

"Ah, ganun?" Kinuha ni Hara ang maliit na teddy bear sa ibabaw ng lamesa at inihagis ito sa kaibigan. 

"Huwag iyan! bigay iyan sa akin," sabi ni Carol ng makita ang hawak ni Hara. 

"Mamimiss kita," wika ng dalaga ng mapagod sila sa ginawa nilang kunwari'y batohan ng mga gamit. 

"Ako din, hahanap-hanapin kita sa mga susunod na araw."

"Dalawin mo ako doon ha."

"Oo, pangako iyan Hara."

Naiiyak na niyakap ni Hara si Carol. Alam niyang matatagalan bago sila muling magkita. Limang taon na silang magkasama sa iisang dorm. Kabisado na niya ang mga lalaki nito, este ang buhay nito pero kailan lang nalaman ni Carol ang tunay niyang pagkatao. Nagkatampohan pa nga ang magkaibigan pero naayos din kaagad ang gusot sa pagitan nila. 

"Besty, mag-iingat sana sayo ang mga lalake mo," pagkuway wika ni Hara sa kaibigan. 

"Shunga ka talaga. Umalis ka na nga at baka kapag hindi ka pa lumabas ngayon diyan sa pintuan na iyan ay hindi ka na makaalis pa," maarteng sagot ng kaibigan niya.

Ganito talaga sila pero hindi sila nagkakapikonan. Magkasundo sila sa lahat ng bagay kaya naging maayos ang pagtira ni Hara sa dorm na ito. 

Pinilit pa siya noon ng ama na kumuha na lang ng sariling kwarto pero gusto ni Hara na may makakasama siya. Gusto niyang magtiwala ulit sa tao at hindi siya nagkamali sa kaibigan. 

"Permission to leave, ma'am," sabay saludo niya sa kaibigan. 

"Dismiss!" balik biro naman nito.

Binuhat niya ang kaniyang bag kung saan nakalagay ang kaniyang mga gamit. Mag ala-siete pa lamang ng umaga. Tamang-tama hindi mainit sa byahe. Bago mag ikalabing-dalawa ng tanghali ay nasa Hacienda Del Puedo na siya. 

Sikreto niyang kinausap ang pinsang si Klein upang sunduin siya at sabay na rin silang uuwi. Alam niyang basta sikreto ay maasahan niya ang pinsan niyang iyon. 

"Klein, where are you now?"

"In front of your dorm, Senyorita. Please move faster dahil nakakainip maghintay rito."

Dinig niyang sagot ng pinsan niya sa kabilang linya. Kapag ganito ang boses ng pinsan niya ay alam niyang naglalambing lamang ito. 

Kasing-edad nya lamang ang binata. Tatlo silang magpipinsan na ipinanganak sa iisang buwan at taon lamang. Madalas nga silang mapaghinalaan na triplets. 

"Sakay na. Tiyak matutuwa si lolo na makita kang uuwi ng hacienda. Marami ng mga pagbabago doon. Magugulat ka talaga."

Agad namang tumalima ang dalaga. Maingat magmaneho ang pinsan niya kaya kampante siya na ito ang driver. 

"Limang taon lang akong nawala Klein", pagkuwan ay sagot niya sa pinsan. 

"Yeah, I know. But lolo wants improvement."

"Hmmm... Subukan lang ni lolo na ipagalaw ang talon magwawala talaga si Hara Del Puedo." Nagkatawan ang magpinsan. Ganito sila kapag magkasama. Magaan palagi ang mood ng isat-isa. 

"Sa lahat talaga ng magagandang lugar sa hacienda ang talon pa rin ang special sayo."

"Hindi lang siya special, extra special. Alam mo naman iyon, diba?"

Biglang nalungkot ang mukha ng dalaga. Nahalata naman ito agad ng binata kaya iniba nito ang usapan. 

"Siya nga pala wala ring alam si Mia na darating ka. Asahan mo na ang drama mamaya."

Napangiti ang dalaga ng marinig ang pangalan ng pinsang kasabay rin nila ni Klein ipinanganak sa buwan ng Agosto. 

"Wala kang sinabi sa kanya ha. Naku, Klein itatakwil talaga kita," biro niya sa binata. 

"Oo, wala. Takot ko lang sayo."

Habang nasa daan ay panay nag kwentohan at tawanan ng dalawa. Hindi maikakailang nanabik sila sa isa't-isa. 

Mabilis ang byahe ng magpinsan. Mabuti na lamang at walang trapik sa mga shorcut na daan na tinahak nila. Bago dumating ang ikalabing-dalawa ng tanghali ay pumasok na sila sa malaking arko ng Hacienda Del Puedo. 

Mabilis ang tibok ng puso ni Hara. Pagkatapos ng limang taon ay muli siyang aapak sa lupaing kay tagal niyang hinahanap-hanap. 

Nasasabik niyang inilabas ang ulo sa bukas na bintana ng sasakyan ni Klein. 

"Hacienda Del Puedo, ang inyong Senyorita Hara ay nagbabalik na."

Malakas na sigaw ng dalaga dahilan upang mapalingon ang mga trabahador nilang nasa tabi ng kalsada. Nang marinig ng mga ito ang sigaw ng dalaga ay masaya nilang kinawayan si Hara at Klein. 

Ang Senyorita Hara nila ang isa sa pinakamamahal ng mga trabahador sa hacienda. Ang masayahin nitong aura ang madalas na bumabati sa kanila sa kainitan ng panahon. Lumipas man ang mga taon ay hindi nakalimutan ng mga ito ang maamong mukha ng dalaga.

"Senyorita Hara.... Senyorita Hara..." sigaw ng mga tao. 

Masayang kumaway ang dalaga sa mga ito. Matagal niya ring hindi narinig na tawaging senyorita. Maging ang kaibigang si Carol ay hindi alam dati na apo siya ng pinakamayamang haciendero sa bansa. Kapag tinatanong siya nito kung bakit Del Puedo ang apelyedo niya ang sinasabi niya lang ay dahil Del Puedo ang tatay niya. 

"Are you ready?" pagkuwan ay tanong ni Klein sa pinsan ng papasok na sila sa malaking gate ng mansyon. 

"Yeah."

Maikling sagot niya sa kaniyang pinsan. Ang totoo ay hindi siya sigurado sa sarili kung handa na nga ba talaga siyang muling pumasok sa bahay na ito.

Sinalubong sila ng mga katulong na nabigla ngunit nagalak ng makita si Hara. 

"Nasaan sina lolo?"

"Nasa kubo po senyorito, malapit sa ilog doon po sa likod," sagot ng katulong. 

"Bring her bags in her room." Sumunod naman agad ang katulong sa utos ng amo.

"Oh, mag-iingat ka. Nasa likod bahay sina lolo. Iikot tayo sa mabatong lugar na ito. Hay, hindi na kasi maubusan si lolo ng ipinagagawa sa bahay na ito."

Napamaang si Hara sa bagong itsura ng mansiyon. Ibang-iba ito sa mansiyon na kaniyang iniwan. Napakaganda at elegante nito ngayon. Hindi mababakas rito ang sakit at poot ng kahapon. 

"So, this is the new you?" Parang walang sa sarling kinausap niya ang bahay.

"Sumasabay ka talaga sa mga pagbabago ko. Tama lang na magbago ka na rin. Hindi pwedeng manatili ka na lamang sa alaala ng kahapon. The pain is still here pero ako si Hara Del Puedo, hindi ako magpapaalipin sa nakaraan at ikaw na saksi ng lahat ay dapat na ring magbagong bihis."

Nakatingin lamang sa kaniya ang pinsang si Klein habang nakatapat ang kamay niya sa kaniyang puso. Nauunawaan nito kung bakit halos hindi na siya bumalik sa lugar na ito. 

Hindi rin inasahan ng binata ang desisyon ng dalaga noong sinabi nitong sunduin siya dahil babalik na siya sa Hacienda Del Puedo. Akala talaga ng binata ay tuluyan ng kakalimutan ng dalaga ang kaniyang bayang sinilangan. 

Walang sinoman sa pamilya ang may lakas ng loob na pauwiin sa lugar na ito ang dalaga. Batid nilang hindi makakabuti iyon kay Hara kaya hinayaan nila ito sa kung ano ang magpapaligaya rito. 

"Hara, a Del Puedo is forever Del Puedo. Matapang, matatag. Forget the past. Move on."

"Don't worry, Klein. I am as strong as my mother. Tulad ng sabi ni Lola Candida, dahan-dahan akong tatayo, ngunit hindi ako dapat tumakbo ng tumakbo. Dapat alamin ko kung kilan ako dapat lumingon at humakbang para sa sarili kong kaligtasan."

Ipinikit ni Hara ang mga mata dahil naramdaman niyang parang sinaksak ang kaniyang puso ng maalala ang kaniyang lola at ina. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng naganap sa mansyon ito noong gabing iyon. 

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Minerva Lobaton
i love local stories
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ano kanyang nangyari sa Lola at Ina ni Hara
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ano kayang nangyari
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status