Share

HARA CHAPTER 3

Luminga-linga si Hara. Napagod siya kasisigaw. Ang malamig na tubig sa kanyang harapan ay para bang inaanyayahan siyang magtampisaw sa mala-kristal nitong kulay. 

 "Hmmm.... Wala sigurong maglalakas loob na pumunta rito ngayong tiyak nang alam na ng lahat na nakabalik na ako ng hacienda," bulong ng dalaga sa sarili.

Marahang tumayo si Hara ng matiyak na mag-isa lamang siya sa lugar na iyon. Dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang sombrero, suot na jacket at pang-itaas na blusa. Tumambad ang malulusog na dibdib ng dalaga na bahagya na lamang natatakpan ng maliit na tela. Inilugay rin nila ang kanyang buhok na kapag tinataaman ng sikat ng araw ay talaga naming napakaganda.

Agad na isinunod tanggalin ng dalaga ang kaniyang suot na sapatos. Pagkuwan ay walang pag-aalinlangan niyang ibinaba ang kaniyang suot na pantalon. Sa puntong ito ay lumantad na ang katawan ng dalaga na para bang inukit ng isang eskultor. Ang makinis at maputi niyang balat ay lalo pang nagpaganda ng paligid.

Patakbo niyang tinungo ang malalim na bahagi ng talon. Tuwang-tuwa niyang ninamnam ang malamig na tubig nito habang parang batang nagtatampisaw.

“Ang ganda talaga ng tanawin dito lalo na kung may magandang dalagang parang diyosa. Magandang hapon po senyorita,” bungad ni Xandro. Ito ang tauhang ipinakilala sa dalaga kanina.

“Ang kapal ng mukha mong pumunta rito! Sino ka ba sa akala mo? Hindi ko palalampasin ang kalapastanganan mo!” Galit na galit ang dalaga sa biglang presensya ng lalaki sa harapan niya.

“Ako po si Xandro. Huwag po kayong magalit. Papangit po kayo senyorita. Ang ganda mo pa naman.”

Ngumiti ang lalaki dahilan para lumabas ang pantay-pantay na ngipin nito na para bang inaalagaan ng mga magagaling na dentista. May kakaibang naramdaman ang dalaga sa ngiting iyon ngunit sinupil niya ang damdaming lumukob sa kaniya.

“Xandro! Alam kong Xandro ang pangalan mo! Huwag mo akong pinipilosopo! Hindi mo ba alam na bawal ang mga tauhan na pumunta sa lugar na ito lalo na kapag andito ako?”

“Alam ko po senyorita.”

“Oh, eh yun naman pala alam mo! Bakit andito ka?" Naniningkit ang mga mata ng dalaga sa galit. Ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang istorbohin siya sa lugar na ito dahil para sa kaniya ay sagrado ito.

“Linawin ko lang po senyorita ha. Una, hindi ako tauhan sa haciendang ito kaya...”

“What?! So, ano bisita ka? Palamunin? Ganun?” Putol ng dalaga sa iba pang sasabihin ng binata.

Bumakas ang galit sa maamong mukha ng lalake. Nakita ni Hara na nagtangis ang mga bagang nito.Tumalim rin ang tingin sa kaniya ng binata. Natakot ang dalaga ngunit hindi siya pasisindak sa mala-adonis na ito sa kaniyang harapan. Kilala siya ng lahat na pinakamatapang na apo ni Don Ernesto.  

“Maaring ganun na nga po, palamunin ako pero pinagtratrabahohan ko po iyon. Nahihiya po kasi ako sa mga taong katulad mo.”

“So, tauhan ka nga rito?” Walang balak magpatalo ang dalaga lalo na sa isang katulad ng lalaking kaharap niya. Hindi pwedeng maramdaman ng binata na apektado siya sa presensya nito. Hindi kailanman sinubukan ng dalaga ang magmahal ng kahit sinong lalake dahil para sa kaniya ay tanging mga kamag-anak niya lamang na sina Ryan at Klein ang mga binatang may puso at ang lalaking kaharap ay hindi dapat makuha ang loob niya.

“Bahala po kayo sa gusto ninyong isipin. Basta dito lang ako dahil ang utos sa akin ng lolo  mo ay bantayan kita."

"Hindi mo ako kailangang bakuran!"

"Hindi ba? Masyado ka kasing excited gumala. Akala mo naman kung sinong kang kaya ang sarili eh baby ka naman sa pamilya.”

Hindi makapaniwala ang dalaga sa nalaman mula sa binata. Dati-rati’y hindi naman siya pinababantayan ng kaniyang lolo. Ngunit batid niya ang dahilan ng matanda. Nanggigigil din siyang ganito kung sagot-sagotin ng lalaking ito. Wala pang sinumang tauhan nila ang nambastos sa kaniya katulad ng ginawa nito.

Dahil sa pagdating ng lalake ay nawalan ng gana ang dalaga. Nakasimangot siyang umalis sa tubig at taas noong naglakad patungo sa mga hinubad niyang damit. Sinadya niyang ilantad sa binata ang katawan niya.

“Hmmp! Ang walang hiyang lalaking ito. Akala mo kung sino.” Mga katagang naglalaro sa isipan ng dalaga habang nakatitig sa binatang kanina pa sa wari niya’y pinag-aaralan ang katawan niya. Nakita niya ang pagtaas-baba ng adam’s apple nito. Batid ng dalaga na binubuhay niya ang pagnanasa sa lalake at nagugustohan niya iyon.

“Patatakamin kita sa masarap na pagkain,” bulong ng dalaga.

“Ano, manyakis lang? Kung makatitig ka sa akin ay parang gusto mo na ring hubarin ang two-piece ko,” paninita niya sa lalaki na tila naman natauhan.

Nang malapit na ang dalaga sa binata ay hindi sinasadyang naapakan ng niya ang isang madulas na bato kung kaya ay bigla siyang nawalan ng balanse. Maagap ang naging pagkilos ng binata. Agad nitong nahapit sa bewang si Hara.

“Ayos ka lang po ba senyorita?” Namamaos na bulong ni Xandro sa tainga niya. Naamoy ng dalaga ang mabangong hiniga nito dahilan para mapapikit siya. Yakap siya ng lalaki sa matiponong bisig nito kaya damang-dama ng dalaga ang matigas at malapad na dibdib nito. Dahil sobrang malapit sila sa isa’t-isa ay naramdaman ng dalaga sa ibaba ng kaniyang puson ang matigas na bahagi na iyon sa pagitan ng mga hita ng lalaki. 

“Ang lakas ng loob mong yakapin ako,” mahinang sabi ni Hara. Nagtaka pa siya sa sarili niya dahil sa naging tono niya. Para siyang nawala sa sarili niyang katinuan.

“Patawad po senyorita. Inagapan ko lamang na hindi kayo bumagsak.” Agad siyang binitawan ng binata at mailap ang mga matang tumalikod ito.

“Magbihis na po kayo para makauwi tayo bago magdilim.”

Walang kibong sumunod si Hara sa binata. Hindi na rin niya ito kinausap dahil nahihiya siya sa inasal niya kanina. Ayaw rin niyang maramdaman ng lalake na nagustohan niya ang yakap nito.

Kinagabihan, hindi makatulog si Xandro kaya lumabas siya ng mansyon upang magpahangin. Naglalaro sa isipan niya ang mga nangyari kanina. Inutusan siya ng Don na bantayan ang apo nito. Matagal niyang pinanood ang dalaga habang walang tigil ito sa pagsigaw at pag-iyak sa talon. Ang mga daing nito ay paulit-pulit na bumabalik sa isipan ng binata. Para iyong libo-libong karayom na tumusok sa matibay niyang dibdib.

Nagtataka ang binata sa inaasal ng bagong dating na apo ni Don Ernesto Del Puedo. Mukha itong mabait pero may itinatagong lungkot ang mga mata ng dalaga. Ang mga ngiti nito sa harap ng pamilya ay biglang nabubura kapag mag-isa na lamang ito.

Napangiti sa sarili ang binata. Muntik kasi siyang mapatalon kanina ng unti-unti ay hinubad ng dalaga ang kaniyang mga kasuotan. “Sobrang liberated naman ng babaeng ito.” Bulong pa niya habang pinagmamasdan ang dalaga na patakbong lumusong sa tubig. Hindi niya gustong galitin ito pero hindi niya napigilan ang sarili upang magpakita rito. Sa tagal niya sa Hacienda Del Puedo ngayon lang tila magkakakulay ang mundo niya.

“Anong problema mo?” mahinhing tanong sa kaniya ni Mia. Isa ito sa mga apo ng matandang Del Puedo. Batid ng binata na may pagtingin sa kaniya ang dalaga subalit wala siyang interest dito.

“Wala, Mia. May iniisip lang ako. Bakit andito ka pa?”

“Andito ka eh,” sagot ng dalaga na may kasamang ngiting mapang-akit.

Si Mia ang isa sa pinakamanhinhin na apo ni Don Ernesto pero iniiwasan niya ito. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa babaeng ito. Ayaw niya sa mga babaeng nag-aakit ng lalake.

“Ehem… Nagda-date ba kayo?” Napakislot ang binata sa upuan ng marinig sa likuran niya ang boses ni Hara.

“Parang ganun na nga. Huwag kang istorbo. Tsupe ka nga muna,” pagtataboy ni Mia sa pinsan nito.

“Hindi po Senyorita Hara. Nagbibiro lang po ang pinsan mo.”

“Senyorita?” gulat na tanong ni Mia.

“Bakit mo siya tinatawag na senyorita eh hindi ka naman trabahador dito?”

“Hindi ba?” maang na tanong rin ni Hara. Napansin ng binata na umiwas ito ng tingin sa kaniya.

“Hara, hindi siya nagtratrabaho sa hacienda. Matigas lang ang ulo niya kaya kahit madalas siyang pagsabihan ni lolo ay sige pa rin siya ng sige sa pagtratrabaho. Kapamilya, kaibigan, bisita ang turing namin sa kaniya rito.”

“Ah… Kaya pala ang lakas ng loob mambuso,” mahinang turan ng dalaga.

“Ano? May sinasabi ka po ba senyorita?” Pang-aasar na tanong niya. Kahit mahina lang iyon ay narinig niya ang sinabi nito dahil malapit lang ito sa kaniya. Hindi niya alam sa sarili pero natutuwa siyang makitang naiinis ang dalaga. Ngayong araw niya lamang ito nakita sa hacienda pero masaya siya. Gusto niya kilalanin pa si Hara.

“Wala!” Nakasimangot na nagmartsa ang dalaga papasok ng mansiyon.

“Anong nangyari doon?” nagtatakang tanong ni Mia.

Napangiti ang binata. Tiyak niyang sa pagdating ni Hara sa Hacienda Del Puedo ay mas magiging kapana-panabik  ang mga susunod na araw niya rito.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ano Kaya Ang tunay na pagkatao ni Xandro
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha para sayo zandro kapana panabik ei ke hara kaya
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
selos ka lang Hara Kay Mia
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status