Share

HARA CHAPTER 5

Pagkatapos mag-agahan ay naisipan ng dalagang pumunta sa koprahang bahagi ng hacienda. Katulad ng kagustuhan ng lolo niya ay nakasunod kay Hara si Xandro.

"Huwag mo akong dikitan ha. Allergic ako sa'yo," galit nasabi ng dalaga.

"Huwag mo akong kainisan, Hara. Darating ang araw na hahanap-hanapin mo ang makisig na lalaking ito. Nag-iisa lang kasi ang katulad ko sa mundong ito. Lumalapit kahit ipinagtatabuyan, nagmamahal kahit..."

"Nasobrahan ka ba sa kape? Sobrang believe mo kasi sa sarili. Nakalimutan mo yatang ako ang kausap mo. Matuto kang gumalang sa isang Del Puedo!"

"Hindi ako nagkakape, senyorita. Ikaw lang sapat na para tumibay ang dibdib ko."

"Hoy, lalaki! Hindi ako vitamins na nabibili lang sa kanto. Hindi ako energizer battery na pwedeng mong kuhaan ng enerhiya. Ang presko mong unggoy ka!"

"Sige na, huwag ka nang magalit diyan. Binibiro ka lang ang init na agad ng ulo mo. Ipakukuha ko lang ang kabayo mo para makarating tayo ng mabilis sa koprahan."

Napangiti ang dalaga ng tumalikod ang lalaki. "Damn! Ang guwapo niya ngayon. Hindi niya dapat mahalatang kinikilig ako sa kanya. Shit, Hara ang landi mo," bulong ng isip ng dalaga.

Kunwaring nakasimangot si Hara pagbalik ng binata kaya nanahimik na rin ang lalaki. Pasakay na ng kabayo ang dalaga ng biglang hahawakan siya ng lalaki para alalayan.

"Don't touch me! Kaya kong sumakay ng kabayo mag-isa."

Hinayaan na lamang ni Xandro ang dalaga. Napakasungit kasi nito sa kaniya samantalang mabait naman ito sa ibang tauhan ng hacienda. Marahang hinimas ng dalaga ang kabayo at mabilis na sumampa rito.

"Sana ako na lang ang kabayong iyan para sa akin ka nakasakay," wika ng lalaki dahilan para pamulahan ng mukha ang dalaga.

"What the heck are you talking about? Bastos ka!"

Dahil sa sobrang lakas ng pagkakasabi noon ng dalaga ay biglang nagwala ang kabayong sinasakyan niya. Nataranta ang dalaga kaya mabilis siyang tumalon mula rito. Mabuti at maagap ang binata kaya agad siyang nasalo nito.

Hindi sinasadyang napayakap si Xandro sa dalaga dahil maging ito ay nabigla rin sa inasal ng kabayo. Walang ano-ano ay lumapat ang kamay ni Hara sa pisngi ng binata. Halos mabingi ito sa sobrang lakas ng pagkakasampal ng dalagang Del Puedo.

"It's your fault. Muntik na akong mamatay dahil sa iyo."

"Bakit naging kasalanan ko? Ikaw ang sumigaw kaya nagulat ang kabayo," nanlolokong saad ng binata. 

"Binastos mo ako!" naiiyak na sabi ng dalaga.

"Sorry if I..."

"Kainin mo ang sorry mo!" malakas na sigaw ng dalaga.

Lahat ng mga nakakita sa pangyayari ay hindi maiwasang kiligin sa eksenang iyon ngunit nakaramdam sila ng takot sa nakita nilang reaksyon ni Hara.

Bumaling ang dalaga sa isang tauhan nila at inutusan itong kuhaan siya ng ibang kabayo. Dala ng takot ay mabilis namang tumalima ito.

"Ikaw, huwag kang sasama sa akin ha. Huwag mo akong susundan kun'di sasamain ka sa akin," asik nito sa binata.

Walang nagawa ang huli kundi ang yumuko na lang. Alam nitong mapapagalitan siya ng lolo ng dalaga pero wala na siyang mapagpipilian pa.

Tumuloy si Hara sa koprahan kahit nagngingitngit ang kalooban niya. Hindi niya akalain kanina na magwawala ang kabayo dahil kahit matagal siyang nawala ay hindi niya nakalimutan ang pagsakay dito.

Naabutan niya roon si Aling Martha. Malapit sa puso niya ang matandang ito dahil kaibigan ito ng lola Candida niya. Lola rin ito ng dating kalaro niya noong bata pa siya. Nalungkot ang dalaga ng maalala ang dating kaibigan.

"Magandang umaga po, senyorita," bati sa kanya ng matanda.

"Magandang umaga po, Aling Martha," sabay yakap ni Hara sa matanda. "Kumusta po kayo rito?"

"Maayos naman ang lagay namin, iha. Hindi kami pinababayaan ng lolo mo sa kabila ng mga nangyari noon."

"Patawad po sa mga naganap noon. Hindi ko po gustong mangyari iyon. Sana po ay hindi kayo galit sa akin. Miss ko na po kayo." Hindi napigilan ng dalaga ang mga munting luhang pumatak mula sa kan'yang nangungusap na mata. 

"Kami man ay may pagkakamali sa pamilya n'yo, anak. Kalimutan mo na iyon. Hindi ko talaga maintindihan na sa kabila ng malaking tulong ninyo sa amin ay nagawa pa ng anak ko ang mga bagay na iyon." Gumanti ng yakap ang matanda at nag-iyakan sila.

"Magandang umaga, Senyorita Hara," madiin na wika ni Camille. Manugang ito ni Aling Martha at asawa ni Ramon. Sila ang mga magulang ng batang kalaro niya dati.

Alam ng dalaga na malaki ang galit nito sa kaniya. Tumango na lamang siya rito bago niya batiin ang ibang mga tauhan sa koprahan.

"Natutuwa po kaming bumalik ka na. Sana po ay mapawi na sa puso mo ang mga naganap noon. Naniniwala po kami na biktima rin si Ramon," nag-aalinlangang turan ng isa sa mga magsasaka.

"Bumalik po ako para maalala ko rin ang mga nakalimutan kong pangyayari noong araw na iyon. Tila bangungot kasi sa akin ang lahat. Naisip ko pong hindi ako dapat magtago lang at manatiling parang bilanggo rin ng kahapon."

"Ay siya, huwag na nating pag-usapan iyan. Magsaya tayo sa pagbabalik ni Senyorita Hara," sabi ng isa ring magsasaka

"Tama, may tuba kami senyorita. Inoman tayo."

"Hindi siya pwedeng uminom!" Nagulantang ang dalaga sa narinig. Si Xandro iyon at galit na nakatingin sa kanila ng mga magsasaka.

"Relax, Xandro. Binibiro lang namin si senyorita."

"Wow, sino ka para pagbawalan ako? Hindi mo yata talaga alam kung saan ka lulugar." Humalukipkip ang dalaga.

"Iyon po ang bilin ng inyong lolo. Tumador ka raw kasi sabi niya."

"Bawal na po pala senyorita. Hindi ka na uuwi ngayon na puro putik." Nagtawanan ang mga nasa koprahan.

"Ay! Huwag n'yong ipaalala sa akin iyan." Nagtakip pa ng tenga ang dalaga para kunwari ay ayaw niyang marinig ang bagay na iyon pero maging siya ay natatawa rin.

"Alam mo ba Xandro, dati sa sobrang kalasingan niyan ni Senyorita Hara naligo iyan sa lubluban ng kalabaw para pag-uwi ay hindi siya pagalitan ni Don Ramon."

"Nagkunwari lang naman ako noon para hindi halatang lasing na lasing ako."

"Kaya lang ipinahamak siya ni Senyorita Mia. Sa sobrang galit ng Don pinabalik siya sa putikan at ilang oras na parang kalabaw doon na nakalublob."

Nagtawan sila ng mga magsasaka. Isa kasi talaga ang dalaga sa pasaway na apo ni Don Ramon kaya madalas siya noong makatikim ng parusa. Hindi siya mapigilan nito sa pagpabalik-balik sa bahay ng mga magsasaka para makasama niya ang mga ito.

Ilang oras pang namalagi ang dalaga sa koprahan. Nagpakuha pa siya ng buko at gumawa sila ni Aling Martha ng buko juice. Naglupak rin ng saging ang mga lalaki.

Hapon na ng maisipan ni Hara na umuwi. Napansin niyang masaya rin kaninang nakikipagkwentohan si Xandro sa mga magsasaka at hindi siya halos nilapitan nito buong maghapon.

"Babalik na lang ako ulit sa mga susunod na araw. Bukas magpapadala ako ng…"

"Alak! Alak!" sigaw ng mga kalalakihan.

"Tigilan nyo ako," nakangiti niyang tugon.

"Aling Martha, padal'han mo ako ng listahan ng mga kailangan ninyo rito. Walang alak at sigarilyo. Magtuba na lang kayo."

"Sige po, senyorita. Humayo na po kayo at baka abutan kayo ng dilim sa daan."

Umalis na nga ang dalaga. Nakasunod lang sa kaniya si Xandro. Mabilis ang patakbo niya sa kabayo dahil gusto niyang asarin ang binata.

Ngunit nagtaka siya dahil kahit matulin ang kabayo niya ay nakakahabol rin ang kabayo nito at wala rin itong takot sa pangangabayo.

Tumigil saglit ang dalaga bago tumawid ng ilog upang makausap ang binata.

"Paano ka natutong sumakay ng kabayo?"

"Sa loob ng isang taon ko rito Hara maraming bagay akong natutunan."

"Diba may amnesia ka?"

"Oo, bakit pinaghihinalaan mo ba ako?"

"Gusto ko lang makasiguro. Girlfriend mo si Mia. Malay ko ba kung may asawa ka na. Subukan mong paiyakin ang pinsan ko, mananagot ka talaga sa akin."

"Ho?! Hindi ko girlfriend si Mia."

Kunot-noong napatingin ang dalaga sa binata. Iba ang sabi ng pinsan niya sa sinasabi nito.

"Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo?" bulong ng dalaga sa sarili. "Mukhang may isang sira-ulo sa kanilang gustong paikutin ako."

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ha ha ha gusto kasi ni Mia SI Xandro
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha gusto Kasi ng pinsan mo si zandro kaya nya nasabi yun
goodnovel comment avatar
Andrea
bet na bet q ung mga hugot m xandro hahaha nakatikim k tuloy ng malutong n sampal ni hara.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status