Sa ospital na naabutan ni Mia ang pinsan niya. Sa sobang pagkataranta ni Xandro kanina ay hindi na nito naisipan pang pasakayin ang dalaga.
"Where is she?" nag-aalalang tanong ng dalaga sa binata.
"Inaasikaso na ng papa mo. Tiyak magagalit si Don Ernesto kapag nalaman niya ito. Ihanda mo na rin ang sarili mo," sabi ni Xandro. Nakita niya ang panginginig ng dalaga.
Hindi nga nagkamali ang binata. Paglabas ng ama ni Mia sa kwarto kung nasaan si Hara ay galit nitong binalingan ang anak.
"Follow me," matigas na utos nito. Naiwan naman si Xandro na nakatingin lang sa kwarto ni Hara. Nang hindi na makatiis ang binata ay pumasok na rin siya. Nilapitan ang namumutla at tulog na dalaga.
"I'm sorry, nahuli ako ng dating. Matigas kasi ang ulo mo eh. Pangako hindi na kita pababayaan pa. I will protect you."
Hinawakan ng binata ang kamay ng dalagang may swero. Marahan niyang pinisil ito upang iparamdam dito na nasa tabi lamang siya nito.
Maya-maya ay naisipan ng binatang tawagan ang Don at ipaalam sa matanda ang nangyari. Tinawagan niya na rin ang ama ng dalaga. Labis ang pag-aala ng matandang Del Puedo pero tiniyak niya ritong nasa maayos nang lagay ang dalaga.
"Gising na ba siya?" tanong ni Mia nang pumasok ng kwarto. Namumula ang mga mata nito tanda na pinagalitan ito ng ama.
"Hindi pa nga. Anong sabi ng papa mo?"
"Na-shocked lang daw si Hara."
"Bakit gano'n na lang ang naramdaman niyang sakit ng ulo?" Hindi na natiis ng binata na uriratin ang kaharap.
"Pareho kasi kayong may amnesia. Sa kagustohan niyang makalimutan ang nakaraan ayan may mga bahagi tuloy na hindi niya na maalala.
Naawang tiningnan ng binata ang nakahigang si Hara. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala, ngunit nagulat si Xandro ng biglang nagsalita si Mia.
"Kawawa naman siya. Napakarami na niyang pinagdaanan at kasama ako sa mga nagbigay ng sakit na iyon sa kaniya."
"Anong sinabi mo, Mia?" tanong ni Xandro sa kaharap.
"Hmm… Feeling ko kasi nagkulang ako sa kaniya. Ah, basta huwag ka nang marami pang tanong."
Naging malikot ang mata ng binata. May kakaiba siyang nararamdaman sa babaeng kaharap. Kung ano man iyon ay siya lamang ang nakakaalam sa ngayon.
"Umuwi ka na Xandro. Ako at si Mia na ang bahala kay Hara. Pakisabi kina papa at Fernando na okay lang siya. Mamaya lang ay magigising na rin si Hara," turan ni Fausto sa binata.
"Hindi pwede papa. Magagalit si lolo kapag umuwi si Xandro na hindi kasama si Hara."
"Mia, ang utos ko ay hindi mo pwedeng kontrahin!"
Napayuko ang dalaga sa pagtaas ng boses ng ama. Tiningnan niya si Xandro na parang nagmamakaawa na huwag silang iwanan nito dahil tiyak ay masasaktan siya ng ama.
"Hindi aalis si Xandro, Kuya Fausto. Kung nasaan si Hara ay dapat nandoon din siya," tinig ni Fernando Del Puedo. Ang ama ng dalaga ang isa sa mga humimok sa matandang Del Puedo na kailangang bigyan siya ng bodyguard.
"Wala ba kayong tiwala sa akin?" Salubong ang kilay ni Fausto dahil sa narinig.
"Hindi sa gano'n, kuya. Sadyang kailangan talaga ni Hara ng isang taong palaging titingin sa kaniya.
"Ipasok n'yo na lang ulit 'yan sa kumbento. Mas mabuti pa noong wala siya rito, tahimik tayong lahat."
"Tumigil ka, kuya. Hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi mo," mariing sabi ni Fernando.
Nagising si Hara sa malalakas na boses na kaniyang naririnig. Nagtatalo na kasi ang papa at tito niya.
"Hmm… Sabihin n'yo lang kung kailangan kong omorder ng kanyon o granada para sa giyera n'yong dalawa."
Natigilan ang dalawang lalaki at parehong lumapit sa dalaga habang nakatingin lang si Xandro sa mga kaganapan sa loob ng kwartong iyon.
"Ayos ka lang ba anak? Kuya anong lagay niya?"
"Don't worry, she's okay. Masyado lang siyang nag-isip kaya sumakit ang ulo niya." Bumaling ang doktor kay Hara at parang paring senermonan s'ya. "Kabilin-bilinan ko sayong huwag mong pwersahin ang utak mo. Kusa mong maaalala ang lahat. Iyong mga reseta ko ha, huwag mong kalimutang inumin."
Hinaplos ni Fausto ang buhok ng nakangiting si Hara. Hindi nila napansin ang pag-ismid ni Mia ngunit hindi iyon nakalagpas sa mapag-obserbang mata ni Xandro.
Kaagad namang nakauwi si Hara pagkatapos ng isang araw na pamamalagi niya sa ospital. Nag-alala ng husto ang kaniyang lolo kaya pinangako niya sa kaniyang sariling susunod na siya palagi rito.
"Thank you ha," sabi ni Hara kay Xandro habang nasa sagingan sila. Pumunta sila rito upang tingnan kung anong lagay ng mga saging.
"Thank you, saan?"
"Sa pagiging maagap mo. Teka, paano mo nalamang naroon ako?"
"Pinasundan kayo ng lolo n'yo eh."
"Si lolo talaga. Friends?" Inilahad ng dalaga ang kaniyang kamay tanda ng pakikipagkaibigan sa binata.
Ngumiti ng ubod tamis ang lalaki. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin kaya parang tinatamobol ang puso ng dalaga. Napakabilis ng tibok ng puso ni Hara ng mga oras na iyon na para bang umakyat s'ya ng sampung bundok.
Marahang inabot ni Xandro ang kamay ng dalaga at saka ito nakipagkamay sa kaniya.
"Makikita ko na yata ang kabaitan ni Hara Del Puedo", biro ng lalaki sa dalaga.
"Mabait naman talaga ako eh. Isa pa, kapag naalala ko na ang lahat, babalik na ako ulit ng kumbento kaya dapat mamuhay ako rito ng naaayon sa itinuro sa akin."
"Hindi ka na makakabalik pa roon." Seryosong saad ng binata.
"Ha? Bakit mo nasabi iyan?"
"Dahil sa puso ko ang tungo mo pagdating ng panahon."
Tumawa ng napakalakas ang dalaga. Hindi niya akalin na palabiro pala ang kasama. "Si Mia na lang ang ligawan mo. Huwag ako. Mas kailangan ni Mia ng pagmamahal mo kesa sa akin."
"Huwag mong turuan ang puso ko. Hindi ka teacher at lalong hindi ka counselor."
"Ay, bongga. Ginagaya mo ang style ko ha. Humihirit ka na rin. Tayo na nga, mainit na." Sadyang iniba ng dalaga ang usapan para hindi mahalata ng binata na kinilig ang puso niya.
Inalalayan siya ng binata habang naglalakad sila sa gitna ng sagingan. Nagkunwari na lang ang dalaga na okay lang ang lahat pero ang totoo ay parang may mga paru-paro sa tiyan niya. Lalong uminit ang pakiramdam niya sa simpleng paghawak lang ng lalaki sa kanya.
Nakipag-usap pa ang dalaga sa mga mag-sasaka bago umuwi. Inalam niya ang mga problema ng mga ito at kung ano ang maitutulong niya. Tulad ng dati ay masaya siya habang kasama ang mga tauhan nila. Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya.
Pagdating ng mansiyon ay masigla n'ya ring binati ang lolo at papa niya. Wala si Mia dahil nasa opisina pa raw ang dalaga kahit magtatakipsilim na. Sabay pa silang umakyat ni Xandro sa palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila.
"Mayamaya lang bababa ulit tayo para kumain. Sasabay ka ba?" tanong ni Xandro sa dalaga.
"Oo, magpapahinga lang ako sandali," maikling sagot ng dalaga.
"Sige, kakatukin na lang kita mamaya."
"No need, bababa na lang ako." Ngumiti pa ang dalaga bago isinara ang pintuan ng kwarto niya.
Pagpasok ng silid ay napalis ang ngiti sa labi ng magandang dalaga. Lumukob na naman sa kaniya ang lungkot na palagi niyang nararamdaman sa tuwing mag-isa na lamang siya. Pilit niyang iwinaksi iyon sa kaniyang isipan.
Hinubad ni Hara ang suot niya. Wala siyang itinira kahit ano. Lumakad ang dalaga papuntang banyo ngunit tela kidlat na bumalik sa isipan niya ang lalaki sa mall noong namasyal sila ni Mia.
"Kilala ko talaga siya. Saan ko ba siya nakita? Sana bumalik na ang mga nawawala kong ala-ala," bulong ng dalaga.
Pagkatapos maligo ay nagsuot lamang ng maikling short at spaghetti strap blouse ang dalaga. Gumamit na siya ng air blower para mas mabilis matuyo ang buhok niya. Bababa na sana ang dalaga ng maramdaman niya ang muling pananakit ng kaniyang ulo kaya naisipan niyang humiga muna saglit.
"Kakatok naman sigurado si Xandro kaya magigising ako kapag maghahapunan na. Ipapahinga ko muna ang sakit ng ulo ko," sabi ni Hara.
Habang unti-unting ginugupo ng antok ang dalaga ay paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang lalaking nakita niya noong isang araw.
"Ang lalaking iyon, siya ang…"
"Bye, lolo. Bye, papa," masayang paalam ni Hara sa kaniyang lolo at ama."Sigurado bang hindi kayo sasama? Aba, gusto rin kayong makita ni kumpadre." Ang tinutukoy ng lolo ni Hara ay ang matalik na kaibigan nitong nasa Bulacan."Ayaw kong makita ang mayabang mong kaibigan," nakasimangot na sagot ng Lola Candida ni Hara."Matagal na iyang away n'yo. Isa pa, minahal ka rin niya dati." Malumanay ANG pagkakasabi noon ng lolo ni Hara pero lalong sumimangot ang Lola Candida niya."Sige na, umalis na kayo at mahaba pa ang byahe ninyo. Kung ano-ano pa ang mga sinasabi mo diyan. Kunwari ka pang hindi nagseselos. Halos ayaw mo ngang nilalapitan ako noon." Pagtataboy ng ginang sa matandang Del Puedo.Namilog ang mata ng labing-limang taong gulang na si Hara dahil sa mga naririnig niya. Kinikilig siya sa usapan ng kaniyang lolo at lola. Inilagay pa niya ang mga kamay sa kaniyang pisngi
Pag-angat niHara ng mukha mula sa pagkakayakap kay Xandro ay ang pinsan niyang nakatayo lamang sa may pintuan ang nakita niya. Nakangiti na ito at tila ba aliw aliw sa pinapanood niya."Mia, kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Hara."Oo, nanonood ako ng isang magandang eksena," lumaki ang ngiti nito at pumasok ng silid ni Hara. "Papasok na sana ako ng kwarto ko nang marinig kong umuungol ka. Akala ko kung anong nangyayari na sa'yo."Napahiya ang dalaga dahil mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kaniya ni Xandro kahit nasa silid na niya si Mia. Kusang humiwalay siya sa lalaki."Binangungot lang ako. Dala siguro ng sobrang pagod," paliwanag ni Hara."Ayaw mo kasing magpapigil sa pagpunta sa taniman. Pwede namang sa opisina ka na lang magtrabaho para matulungan mo ako," sermon ni Mia."Huwag mo akong simulan, Mia. Hala, magbihis ka na at bababa na tayo. Kakai
Hindi nakahuma kaagad ang dalaga sa halik ni Xandro. Unang beses siyang nahalikan ng kahit sinong lalaki. "Teka, unang beses nga ba?" Nalilitong bumitaw si Hara sa lalaki at walang lingon na iniwan ito.Sa isang bahagi ng bahay ay may isang Mia na nagtatangis ang mga ngipin. Mariin ang pagkakakuyom ng mga kamao nito at handang manakmal ano mang oras."Mia, pasensya ka na ha," sabi ni Hara sa pinsang nakatayo sa may isang malaking halaman sa loob ng bahay. Nilapitan niya ito ng kumaway sa kaniya. Kalmado ito at hindi mababakas ang kanina lang ay matinding emosyon na nadarama nito.Ngumiti ng ubod tamis si Mia at nagwika ng, "Para saan naman ang sorry na iyan?""Doon sa… Ano... Kuwan kasi, eh... Mia, iyong..." Halos hindi madugtungan ni Hara ang bawat linyang binitawan niya."Ah, huwag mong alalahanin 'yong kanina. Binibiro ko lang si Xandro. Wala ka pa rito, madalas ko na s
Siniguro ni Xandro kay Klein na wala siyang asawa at anak. Ngunit hindi ito naniniwala. Ang alam kasi sa buong hacienda ay isa s'yang lalaking napulot lamang ng matandang Del Puedo sa tabi ng daan. Walang maalala at walang pamilya.Sinabi ng pinsan ng dalaga na layuan niya ang babae hanggang hindi pa bumabalik ang kaniyang alaala. Subalit naging matigas ang pagtanggi ni Xandro. Sa pagbalik ni Hara ay hindi siya papayag na magpatuloy ito sa pagmamadre. Gagawin n'ya ang lahat upang mapaibig ang babaeng kaytagal n'yang hinanap at hinintay.Kinagabihan, nagulat si Xandro sa biglang pagpasok ni Hara sa kaniyang kwarto. Gusto raw siya nitong makausap at sa lugar na iyon lamang sila makakapag-usap ng walang makakarinig na sinuman."Na-miss mo ba kaagad ang halik ko at di ka makatulog?" Malapad ang pagkakangiti ng binata habang sinasabi ang mga salitang iyon. Gusto n'yang hindi mailang sa kan'ya ang dalaga kaya gusto
Masusing pinag-usapan nina Xandro at Hara ang mga susunod na hakbang para mahanap nila ang totoong salarin sa naganap na Hacienda Del Puedo massacre limang taon na ang nakakaraan. May kaba sa puso ng dalaga ngunit inihanda na niya ang sarili sa maaari nilang matuklasan ng binata."Wala ng atrasan ito. Kailangang maalala ko talaga ang lahat," sabi niya habang nakapangalumbaba."Huwag mong pilitin ang sarili mo. Maghahanap ako ng mga dyaryo noong panahong iyon. Magtatanong-tanong na rin ako sa mga tauhan," sagot ng binata sa dalaga."I wanted to move on. Sobrang sakit na kasi talaga eh." May lungkot sa tinig ni Hara habang sinasabi iyon. Sa loob ng mahabang panahon ay pilit niyang niloko ang sarili na okay na sa kan'ya ang lahat pero hindi iyon ang tunay niyang nadarama."Ngayong andito na ako, magkasama nating haharapin ang kahapon mo.""Thank you ha."
Bang! Bang! Bang!Galit na galit na nagpaputok ng baril si Klein. Mabilis namang dinaluhan ni Xandro si Hara na ngayon ay wala ng malay habang tulala naman ang asawa ni Ramon.Nanginginig naman ang katawan ni Aling Martha. Nang marinig nila kanina ang sigaw ni Carol ay nagmamadali silang tumakbo sa ilog. Sa ibaba lang ito ng bahay ng matanda kaya mabilis silang nakarating kaagad."Hawakan n'yo siya at igapos!" Utos ni Klein sa ilang tauhang nakatingin lang sa kanila. Singlakas ng kulog ang boses ng senyorito nila kaya mabilis na tumalima ang mga ito."Hara, gising, gising." Tinatapik-tapik ni Xandro ang mukha ng dalaga."Tabi!" Galit na wika ni Klein. Nakakatakot tingnan ang lalaki ng mga oras na iyon. Napayakap na lang si Aling Martha sa tulala niyang manugang na ngayon ay nakagapos na sa isang puno.Mabilis na isinagawa ni Klein ang CPR procedure. Bag
Habang nakaupo si Hara sa kubo na nasa likod ng mansyon ay lumapit dito si Xandro. Alam ng binata na nalulungkot si Hara ng mga oras na iyon dahil kaaalis lang nina Klein at Carol."Galit ka pa ba sa akin?" tanong n'ya sa dalaga habang tinatantya ang nararamdaman nito ."Hindi naman ako galit sayo," ngumiti ito. "Sobrang naging emotional lang talaga ako kahapon. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Sorry kung nasigawan kita.""Ay sus, ayos lang iyon. Alam mo namang love kita. Huwag ka nang sumimangot diyan," nagpapa-cute na wika ng binata.Matagal na hindi umimik ang dalaga wari'y iniisip ang sasabihin niya kung tama ba o mali. Maya-maya ay nagsalita na ito ngunit medyo pabulong lang."Xandro, wala ka bang naaalala tungkol sa sarili mo?""Meron naman, kaunti," pagsisinungaling ng binata."Tulad nang..." Umangat ang mukha ni Hara para matingn
Hindi makapaniwala si Hara sa mga sinabi ni James. Subalit gusto niyang paniwalaan na isa nga itong dating kaibigan. Gusto niyang alalahanin kung sino ba talaga ito sa buhay niya. Masakit man o hindi ang matuklasan niya ay handa na siya. "Hara, bakit ang tagal mo? Nag-alala ako sa iyo kaya sinundan na kita," tinig iyon ni Xandro. "May nakita kasi akong dating kaibigan. Hindi mo ba s'ya nakasalubong dito?" "Sino? Dalawa kasi ang labasan dito. Baka doon siya lumabas sa kabila kaya hindi ko siya napansin." "Iyong lalaking nakita ko sa mall, kaibigan ko pala s'ya dati. Hindi ko nga lang siya maalala," kwento ng dalaga. Napakunot ang noo ng binata. Alam niyang marami pa siyang dapat malaman sa dalaga pero nakapagtataka na ganoon ang epekto ng isang dating kailbigan sa kasintahan niya. Base sa ginawa niyang research ay palakaibigan talaga si Hara noong nag-aaral p