"Bye, lolo. Bye, papa," masayang paalam ni Hara sa kaniyang lolo at ama.
"Sigurado bang hindi kayo sasama? Aba, gusto rin kayong makita ni kumpadre." Ang tinutukoy ng lolo ni Hara ay ang matalik na kaibigan nitong nasa Bulacan.
"Ayaw kong makita ang mayabang mong kaibigan," nakasimangot na sagot ng Lola Candida ni Hara.
"Matagal na iyang away n'yo. Isa pa, minahal ka rin niya dati." Malumanay ANG pagkakasabi noon ng lolo ni Hara pero lalong sumimangot ang Lola Candida niya.
"Sige na, umalis na kayo at mahaba pa ang byahe ninyo. Kung ano-ano pa ang mga sinasabi mo diyan. Kunwari ka pang hindi nagseselos. Halos ayaw mo ngang nilalapitan ako noon." Pagtataboy ng ginang sa matandang Del Puedo.
Namilog ang mata ng labing-limang taong gulang na si Hara dahil sa mga naririnig niya. Kinikilig siya sa usapan ng kaniyang lolo at lola. Inilagay pa niya ang mga kamay sa kaniyang pisngi at iginalaw-galaw ang katawan habang nakabuka ang kaniyang bibig.
Hindi lingid sa mga Del Puedo na dating niligawan ng matalik na magkaibigang sina Felecedario Santillano at Ernesto Del Puedo ang kanilang Lola Candida. Ngunit mas pinili ng lola nila si Ernesto.
Noong una ay nagkaroon ng alitan ang dalawang magkaibigan. Hangggang sa tuluyang lumipat ng Bulacan ang mga Santillano pero paglipas ng panahon ay muling nagtagpo ang dalawa. Nagkapatawaran sila at kinalimutan ang nakaraan.
Matagumpay na may ari ng isang malaking farm ang mga Santillano sa Bulacan. May isang anak si Felecedario sa kaniyang napangasawa at meron lamang isang apo. Ang alam ng lolo nila ay sa America na naninirahan ang mga ito at si Felecedario na lamang ang nasa Pilipinas. Hindi sumama ng matandang Santillano sa anak dahil ayaw raw nitong iwan ang namayapang asawa.
Dahil maayos na ulit ang relasyon ng magkaibigan kaya napapadalas ang pagbisita nina Ernesto sa Bulacan dahil sa mga imbitasyon ni Felecedario. Katulad ng araw na iyon, pupunta na naman ulit ang lolo ni Hara doon.
"Mag-iingat kayo rito ha. Hindi yata uuwi sina Fausto. Marami raw kailangang tapusin si Mia sa paaralan. Sa ospital na gustong manirahan ng isang iyon. Mabuti pa itong si Fernando, malaking tulong sa hacienda." Paalala ng lolo ni Hara.
"Sige na, kami na ang bahala rito. Dumaan kayo ng Manila at kumustahin n'yo si Marcela at ang apo natin doon." Ang tinutukoy ng kaniyang lola ay ang bunsong anak nito at ang apong si Klein na noon ay bata binatilyo na rin.
"Oh, s'ya sige. Paroroon na kami," paalam ng kaniyang lolo at papa. Masaya pang kumaway si Don Ernesto at Fernando sa noon ay to flying kiss na si Hara.
Buong maghapon ay naging abala si Hara sa pagbabasa ng pocketbooks. Hinayaan lang naman siya ng kaniyang ina na busy naman sa kusina. Sabado kaya walang pasok sa paaralan. Paminsan-minsan ay lumalabas sa silid niya ang dalaga upang kumuha ng pagkain sa kusina. Hindi kasi nasanay ang dalaga na nag-uutos sa mga katulong dahil gusto ng mama niya na matuto siyang huwag laging nakaasa sa iba.
Ang lola niya ay sumaglit sa taniman ng mga gulayin at tiningnan kung may maaani na ba mula roon. Dumaan na rin ito sa kaibigang si Aling Martha na isa rin sa mga trabahador. Nagbilin pa ang donya sa anak ng kaibigan niya na dalhan sila ng mga gulayin sa mansiyon.
Hapon na, walang takot si Hara na tumambay sa labas ng mansiyon. Malayo ito sa kabahayan ng mga tauhan nila pero ligtas naman sila rito kaya walang pakialam ang dalaga. Dala-dala pa rin niya ang pockebook na hindi niya binitawan hanggang sa hindi iyon natapos basahin. Pagbasa ang isa sa mga hilig niya kaya naman madalas ay napapagalitan siya ng kaniyang mama dahil hindi na raw niya minsan nagagawa ang ibang gawain sa paaralan.
"Hara, bago magdilim pumasok ka na ha. Iisang katulong lang ang meron tayo ngayon kaya tumulong ka sa kusina," sabi ng ina ng dalaga.
"Hmmp! Bakit po kasi mama pinauuwi n'yo pa sa bahay nila ang mga katulong tuwing gabi? Kahit isang lalaki wala man lang tayong kasama ngayon."
"May pamilya rin sila Hara. Kailangan rin sila ng mga anak at asawa nila."
"Mga dalaga na lang kaya ang kunin natin para hindi na sila uuwi pa sa gabi para kapag ganitong tayo lang nina lola ay may makakasama tayo."
"Itong batang ito ang daming alam. Tama ng andiyan si Manang Ester. Isa pa,ano bang ikinatatakot mo?" Ang tinutukoy ng mama niya ay ang mayordoma. Matandang dalaga ito kaya hindi umuuwi sa bahay ng mga kamag-anak.
"Hindi naman po ako takot. Hindi lang ako sanay na tayo lang ang naiiwan rito. Nakakainis naman kasi si Mia, hindi man lang pinayagan ni Tito Fausto,." Ngunit nalungkot ang dalaga ng maalala ang pinsan niya. May kirot sa puso niya na hindi niya masabi sa mama niya.
"Hayaan mo na iyon, alam mo namang mahigpit ang tito mo." Hindi kumibo si Hara. Totoo ang sinabi ng kaniyang ina kaya naiintindihan niya si Mia kung sakali mang may ginawa itong mali dahil naghahanap ito ng pagmamahal.
Maya-maya pa ay naghapunan na sila. Pagkatapos tumulong ng dalaga sa paghuhugas ng pinggan ay umakyat na siya sa kaniyang silid. Iniwan niya ang kaniyang lola at mama na nagkwekwentuhan pa sa sala. Mag-alas otso pa lang ng gabi kaya tiyak ng dalagang mamaya pa aakyat ang mga ito.
Naligo muna si Hara bago binuksan ang radyo. Gusto niyang makinig ng musika habang umiiyak. Buong maghapon ay ginugol niya sa pagbabasa para mawaglit sa isipan niya ang sakit na kaniyang nadarama. Kabubukas pa lamang niya ng Radyo ng biglang...
Bang! Bang! Bang!
Halos nawala ang kaluluwa ni Hara sa narinig. Tunog ng baril ang nagpabangon sa noo'y kahihiga lang na dalaga. Mabilis ang naging paghakbang ng mga paa niya pababa ng hagdan.
"Mama! Lola!" malakas na tawag niya.
Ngunit mabilis siyang hinawakan ni Manang Ester sa bibig niya. Nagpumiglas si Hara dahil hindi niya ito kaagad nakilala.
"Huwag kang maingay anak. Halika rito." Hinila siya ng matanda sa isang silid. "Magtago ka riyan. Kahit anong mangyari ay huwag kang magpapakita sa kanila."
"Ano pong nangyayari, manang?" humihikbing tanong ng dalaga. Ang ininga niya ay parang nasa leeg na lamang niya. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib ay nakabibingi
"Pinasaok yata tayo ng mga bandido. Magtago ka lang ha, huwag kang lalabas rito. Titinganan ko lang ang lola at mama mo."
"Natatakot po ako Manang Ester. Sasama na lang po ako sa inyo."
"Hindi pwede, anak. Diyan ka lang. Huwag kang matakot. Magdasal ka lang." Iniwan ng katulong ang noo'y nangnginig na dalaga.
Bang! Bang! Bang!
Nasundan ng malalakas na tawanan at nakakadurog-pusong palahaw ng kaniyang lola at mama ang mga putok na iyon.
"Manang Ester! Manang Ester…" narinig ng dalagang sigaw ng kaniyang mama.
Umalis si Hara sa kaniyang pinagtataguan. Gusto niyang silipin sa sala ang kaniyang lola at mama. Buong ingat na tumawid ang dalaga mula sa kwartong pinagtataguan niya papunta sa isang malaking kwarto. Dito ay malaya niyang nasisilip ang mga kaganapan sa sala dahil ang kwartong ito sa ikalawang palapag ay tanaw ang kinaroroonan ng mga ito.
"Manang Ester, bakit…" bulong ng dalaga. Nakahandusay ang katulong nila sa hagdanan at unti-unting nawawalan na ng hininga.
"A-anong k-kailangan n'yo sa a-amin? P-pera ba?" tanong ng lola ni Hara.
"Pera? Sinong may ayaw sa pera? Buhay n'yo ang gusto namin!" Tumawa ng ubod lakas ang isa sa tatlong lalaki. Mga nakamaskara ang mga ito kaya hindi makita ni Hara ang mukha ng kahit sino sa kanila.
"M-maawa k-kayo, k-kunin n'yo na ang lahat. H-huwag n-n'yo lang kami babarilin." Kitang-kita ni Hara na takot na takot ang mama niya. Gusto niyang lapitan ang mga ito ngunit alam niyang hindi tama iyon. Patagong pinanonood lang ng dalaga ang lahat ng kaganapan sa sala.
Nakaupo pa rin ang lola at mama niya sa sofa kung saan sila nakaupo bago umakyat ang dalaga kanina. Nilapitan ng parang pinuno ang ina niya. Hinawi nito ang buhok na nakatabing sa mukha ng ginang.
"Hmmm… totoo nga! Ang ganda ng asawa ni Fernando Del Puedo." Hinalikan nito sa pisngi ang mama niya kaya agad itong nasampal ng babae.
Hinablot ng lalaki ang buhok sa may batok ng ng ginang at ubod lakas itong sinabunutan. Napatingala ang babae. Tumutulo ang mga luha nito sa mata.
"May kapalit ang sampal na iyan! Paligayahin mo dapat ako para hindi ko kitlin kaagad ang buhay mo!" Tumawa pa ito ng ubod lakas at hinimas-himas ang mukha ng mama niya.
"Oh, mga 'tol, ako muna ha, pagkatapos ko pwede na kayo!"
Sabay hinalikan nito sa labi ang ina ng dalaga. Napapikit na lamang si Hara habang walang kakilos-kilos sa pinagtataguan niya. Hindi niya gusto ang nakikita. Mabuti na lang at binitawan ng lalaki ang mama niya.
"Ilan kayong lahat dito? Balita namin ay walang mga lalaki rito ngayon. Magagawa namin ang lahat ng gusto namin." Malakas na tawanan ng tatlong lalaki ang sumunod sa tanong na iyon. Mga tawang nagpapabangon ng galit sa puso ng dalagang nakatago.
Tagaktak ang pawis ni Xandro habang ginigising ang umuungol na dalaga. Pakiwari ng binata ay nauubusan ng hininga si Hara dahil namumutla na ito. Ang dibdib ng dalaga ay panay ang taas baba.
"Hara! Hara! Gumising ka!" Naririnig ng dalaga ang boses ni Xandro ngunit wala siyang lakas para bumangon.
"Hmmm…" pilit na ibinubukas ng dalaga ang mabigat na talukap ng kaniyang mga mata.
"Hara, kanina ka pa binabangungot. Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Pilit na pina-upo ng lalaki ang dalaga ng sa wakas ay nagmulat ito at humawak ng mahigpit sa braso n'ya.
Nang mahimasmasan ay biglang yumakap si Hara sa binata at ubod lakas na umiyak. Gusto niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya, lahat ng galit na nararamdaman. Galit na inipon n'ya sa mahabang panahon at pilit pinagtatakpan ng mga aral na natutunan niya sa kumbento.
"Ang sakit, ang sakit-sakit," patuloy na iyak ng dalaga. Mabuti at ginising siya ni Xandro. Pakiramdam kasi ng dalaga ay mamamatay siya ng mga oras na iyon.
"Bumabalik na unti-unti ang ala-ala ko. Hindi pwedeng may makaalam nito dahil hindi ko tiyak kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Ikaw, Xandro matutulungan mo kaya ako?" mga salitang naglalaro sa isip niya.
Hinaplos ni Xandro ang likod ng dalagang umiiyak sa balikat niya. Mabuti at narinig niya ang malakas na ungol nito. Pasalamat din siyang hindi nito isinara ang pintuan dahil doon hindi siya nahirapang pasukin ang kwarto ng dalaga dahil doon.
Mula sa bukas na pinto ay nakatayo si Mia habang nakahalukipkip ang mga braso nito. Malaya niyang pinanonood ang eksenang nakikita niya sa loob ng kwarto ng pinsan niya. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nitong nakatitig sa dalawang magkayakap.
Pag-angat niHara ng mukha mula sa pagkakayakap kay Xandro ay ang pinsan niyang nakatayo lamang sa may pintuan ang nakita niya. Nakangiti na ito at tila ba aliw aliw sa pinapanood niya."Mia, kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Hara."Oo, nanonood ako ng isang magandang eksena," lumaki ang ngiti nito at pumasok ng silid ni Hara. "Papasok na sana ako ng kwarto ko nang marinig kong umuungol ka. Akala ko kung anong nangyayari na sa'yo."Napahiya ang dalaga dahil mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kaniya ni Xandro kahit nasa silid na niya si Mia. Kusang humiwalay siya sa lalaki."Binangungot lang ako. Dala siguro ng sobrang pagod," paliwanag ni Hara."Ayaw mo kasing magpapigil sa pagpunta sa taniman. Pwede namang sa opisina ka na lang magtrabaho para matulungan mo ako," sermon ni Mia."Huwag mo akong simulan, Mia. Hala, magbihis ka na at bababa na tayo. Kakai
Hindi nakahuma kaagad ang dalaga sa halik ni Xandro. Unang beses siyang nahalikan ng kahit sinong lalaki. "Teka, unang beses nga ba?" Nalilitong bumitaw si Hara sa lalaki at walang lingon na iniwan ito.Sa isang bahagi ng bahay ay may isang Mia na nagtatangis ang mga ngipin. Mariin ang pagkakakuyom ng mga kamao nito at handang manakmal ano mang oras."Mia, pasensya ka na ha," sabi ni Hara sa pinsang nakatayo sa may isang malaking halaman sa loob ng bahay. Nilapitan niya ito ng kumaway sa kaniya. Kalmado ito at hindi mababakas ang kanina lang ay matinding emosyon na nadarama nito.Ngumiti ng ubod tamis si Mia at nagwika ng, "Para saan naman ang sorry na iyan?""Doon sa… Ano... Kuwan kasi, eh... Mia, iyong..." Halos hindi madugtungan ni Hara ang bawat linyang binitawan niya."Ah, huwag mong alalahanin 'yong kanina. Binibiro ko lang si Xandro. Wala ka pa rito, madalas ko na s
Siniguro ni Xandro kay Klein na wala siyang asawa at anak. Ngunit hindi ito naniniwala. Ang alam kasi sa buong hacienda ay isa s'yang lalaking napulot lamang ng matandang Del Puedo sa tabi ng daan. Walang maalala at walang pamilya.Sinabi ng pinsan ng dalaga na layuan niya ang babae hanggang hindi pa bumabalik ang kaniyang alaala. Subalit naging matigas ang pagtanggi ni Xandro. Sa pagbalik ni Hara ay hindi siya papayag na magpatuloy ito sa pagmamadre. Gagawin n'ya ang lahat upang mapaibig ang babaeng kaytagal n'yang hinanap at hinintay.Kinagabihan, nagulat si Xandro sa biglang pagpasok ni Hara sa kaniyang kwarto. Gusto raw siya nitong makausap at sa lugar na iyon lamang sila makakapag-usap ng walang makakarinig na sinuman."Na-miss mo ba kaagad ang halik ko at di ka makatulog?" Malapad ang pagkakangiti ng binata habang sinasabi ang mga salitang iyon. Gusto n'yang hindi mailang sa kan'ya ang dalaga kaya gusto
Masusing pinag-usapan nina Xandro at Hara ang mga susunod na hakbang para mahanap nila ang totoong salarin sa naganap na Hacienda Del Puedo massacre limang taon na ang nakakaraan. May kaba sa puso ng dalaga ngunit inihanda na niya ang sarili sa maaari nilang matuklasan ng binata."Wala ng atrasan ito. Kailangang maalala ko talaga ang lahat," sabi niya habang nakapangalumbaba."Huwag mong pilitin ang sarili mo. Maghahanap ako ng mga dyaryo noong panahong iyon. Magtatanong-tanong na rin ako sa mga tauhan," sagot ng binata sa dalaga."I wanted to move on. Sobrang sakit na kasi talaga eh." May lungkot sa tinig ni Hara habang sinasabi iyon. Sa loob ng mahabang panahon ay pilit niyang niloko ang sarili na okay na sa kan'ya ang lahat pero hindi iyon ang tunay niyang nadarama."Ngayong andito na ako, magkasama nating haharapin ang kahapon mo.""Thank you ha."
Bang! Bang! Bang!Galit na galit na nagpaputok ng baril si Klein. Mabilis namang dinaluhan ni Xandro si Hara na ngayon ay wala ng malay habang tulala naman ang asawa ni Ramon.Nanginginig naman ang katawan ni Aling Martha. Nang marinig nila kanina ang sigaw ni Carol ay nagmamadali silang tumakbo sa ilog. Sa ibaba lang ito ng bahay ng matanda kaya mabilis silang nakarating kaagad."Hawakan n'yo siya at igapos!" Utos ni Klein sa ilang tauhang nakatingin lang sa kanila. Singlakas ng kulog ang boses ng senyorito nila kaya mabilis na tumalima ang mga ito."Hara, gising, gising." Tinatapik-tapik ni Xandro ang mukha ng dalaga."Tabi!" Galit na wika ni Klein. Nakakatakot tingnan ang lalaki ng mga oras na iyon. Napayakap na lang si Aling Martha sa tulala niyang manugang na ngayon ay nakagapos na sa isang puno.Mabilis na isinagawa ni Klein ang CPR procedure. Bag
Habang nakaupo si Hara sa kubo na nasa likod ng mansyon ay lumapit dito si Xandro. Alam ng binata na nalulungkot si Hara ng mga oras na iyon dahil kaaalis lang nina Klein at Carol."Galit ka pa ba sa akin?" tanong n'ya sa dalaga habang tinatantya ang nararamdaman nito ."Hindi naman ako galit sayo," ngumiti ito. "Sobrang naging emotional lang talaga ako kahapon. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Sorry kung nasigawan kita.""Ay sus, ayos lang iyon. Alam mo namang love kita. Huwag ka nang sumimangot diyan," nagpapa-cute na wika ng binata.Matagal na hindi umimik ang dalaga wari'y iniisip ang sasabihin niya kung tama ba o mali. Maya-maya ay nagsalita na ito ngunit medyo pabulong lang."Xandro, wala ka bang naaalala tungkol sa sarili mo?""Meron naman, kaunti," pagsisinungaling ng binata."Tulad nang..." Umangat ang mukha ni Hara para matingn
Hindi makapaniwala si Hara sa mga sinabi ni James. Subalit gusto niyang paniwalaan na isa nga itong dating kaibigan. Gusto niyang alalahanin kung sino ba talaga ito sa buhay niya. Masakit man o hindi ang matuklasan niya ay handa na siya. "Hara, bakit ang tagal mo? Nag-alala ako sa iyo kaya sinundan na kita," tinig iyon ni Xandro. "May nakita kasi akong dating kaibigan. Hindi mo ba s'ya nakasalubong dito?" "Sino? Dalawa kasi ang labasan dito. Baka doon siya lumabas sa kabila kaya hindi ko siya napansin." "Iyong lalaking nakita ko sa mall, kaibigan ko pala s'ya dati. Hindi ko nga lang siya maalala," kwento ng dalaga. Napakunot ang noo ng binata. Alam niyang marami pa siyang dapat malaman sa dalaga pero nakapagtataka na ganoon ang epekto ng isang dating kailbigan sa kasintahan niya. Base sa ginawa niyang research ay palakaibigan talaga si Hara noong nag-aaral p
Unti-unting pinoproseso ng isip ni Hara ang mga nalaman niya mula kay James. Ayaw niyang maniwala na totoo ang mga sinabi nito ngunit may bahagi ng utak niyang nagsasabi na pakinggan ito."Wala na pala dito 'yong mga pulis na humawak ng kaso n'yo dati." Pagpasok ay iyon agad ang sinabi ni Xandro. Hindi na niya inurirat pa ang dalaga tungkol sa kausap nito. Gusto niyang irespeto ano man ang kagustuhan ng kasintahan niya. Kung ayaw ni Hara na sabihin iyon sa kaniya ay hndi niya ito pipilitin."Paano silang nawala?" nagtatakang tanong ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan niya kaya gusto niyang alamin ang buong detalye."Namatay na raw yung isa dahil sa atake sa puso. Iyong isa naman daw ay na-promote na at nailipat ng destino sa Maynila," palianag ni Xandro.