Share

Chapter 5

Napadilat si Ruth nang marinig ang malulutong na mura ni Ester sa ibaba, kakamot-kamot siya sa ulo dahil naabala ang mahimbing na pagtulog niya. Binalingan niya si Tina mula sa tabi niya, wala na ito. Mukang siya na naman ang pinag-iinitan ni Ester sa ibaba. Napasilip siya sa orasan, alas-singko pa lang ng umaga.

Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. "Nandito pa rin kaya siya?" tanong niya sa sarili saka sinipat ang paligid ng kuwarto, tahimik naman at walang nagalaw na gamit.

"Ang multo, laging nagtatago sa ..." Iniisip niya nasa cabinet madalas nakikita ang mga multo sa horror film, pero wala naman silang cabinet. Namilog ang mata niya nang may maalala sa napanood niyang nakakatakot na movie. Dahan-dahan na gumapang si Ruth at sinilip ang ilalim ng kama. Napangiti siya, mga lumang gamit lamang nila ang naroon, walang multo.

"Baka panaginip lang 'yong nangyari kagabi." Nakahinga siya ng maluwag, salamat nam

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status