Nagising si Ruth sa dakong alas-singko ng umaga, Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niyang pinagsisilid na ni Ester ang mga uniform nila ni Tina sa malaking supot kasama ng mga basura.
"Ikaw, ilabas mo na ang mga 'to ng mahakot na ng truck mamaya," utos niya ng makita si Ruth sa ibaba ng hagdanan.
Agad na nilapitan iyon ni Ruth at isa-isang inalis sa supot. "Anong ginagawa mo?!" galit na tanong ng matanda subalit hindi sya pinakinggan ni Ruth, patuloy na hinahanap nito ang ilang uniform nila ni Tina na naroon.
"Siraulong bata, ano bang ginagawa mo?!" Naramdaman niya nalang na hinigit na ni Ester ang buhok niya, malakas na napasigaw sa sakit si Ruth.
"Bakit?! ang akala niyo ba pag-aaralin ko pa kayo sa laki ng nagastos ko sayo sa ospital!" Napapikit si Ruth at pinipigil na hindi tumulo ang luha niya sa sakit, inipon niya ang buong lakas para itulak si Ester. Sa wakas ay nabitiwan nito ang buhok nya.
Malalim na napabuntong hininga si Ruth habang pinagmamasdan ang magkakasalubong na tao na lumalabas at pumapasok sa simbahan. Karamihan sa mga taong iyon ay suot ng magagara nilang kasuotan, mamahaling mga sapatos atbag. Panay naman ang pagpaypay ng mga ilang matatandang kunwa'y naiinitan subalit ibinabalandra lamang naman ang makikinang na bato sa mga singsing nila.Umikot ang mga mata niya, wala rin namang pinagkaiba sa kanya ang ilan sa mga taong ito, pare-pareho silang mapagkunwari."Pabili ako ng dalawa." Lumapit kay Ruth ang isang babaeng may kasamang isang batang lalaki at isang batang babae. bumili ito ng dalawang kandila, ang mga bata pa ang namili ng kulay na gusto nila.Binigyan siya ng bente pesos para doon, ilang kandila nalang ang hawak niya. Sana ay mabilis silang makaubos para makauwi na sila agad ni Tina. Alas-kuwatro na ng hapon, unti-unti
"Takbo!" sigaw ni Austin na nagpataranta lalo sa kanya, gusto niyang batukan dahil tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari."Sa kabila tayo dumaan!" sigaw ni Ruth."Ano?" pabalik namang sigaw ni Austin."sabi ng sa kabila.""hinde mali, dito tayo sa kabila."Nagkakanda subsob na si Ruth habang tumatakbo, mahigpit na mahigpit ang kapit niya sa kamay ni Austin. Hindi na niya namalayan iyon, naghihilaan sila sa eskinitang dapat daanan upang makalayo lamang sa isang mabangis na aso.Hanggang sa mapadaan sila sa kakahuyan, matinik ang daanan dahil sa mga kawayan. Hindi sila makakatakbo ng matagal kapag ganoon ang kanilang daraanan."Akyat," utos sa kanya ng binata, nasa tapat sila ng mataas na puno. Hindi na nag-atubili pa
"Heto na." "Oo, sige sasaluhin ko." Hinagis ni Ruth sa kabilang bakuran ang bag at mga uniform nilang dalawa ni Tina, ngayon ang unang araw nila na papasok sa eskwelahan. Si Tina ang nasa likod ng bakuran para saluhin ang mga gamit nilang dalawa. "Hayan na si tanda," sabi ni Austin na ngayon ay sitting pretty na nakaupo sa bakuran at pinagmamasdan lang ang ginagawa ng dalawa. Napalingon naman si Ruth sa kabahayan dahil sa sinabi nito, ngayon ay naririnig niya nang patungo ng likod-bahay si Ester kaya binilisan niya ang pag-akyat sa bakod. Nang makalapag siya ay mabilis silang nagsuot ng uniporme saka tumakbo at tumawid ng talahiban. Napapakamot silang dalawa ni Tina habang naglalakad sa mabato at mausok na kalsada. Mas malalaki pa kase s
Naghiyawan ang team nina Gino nang manalo sa pustahan sa basketball, mga pawisan na sila at iba pa nga ay mga walang suot pangitaas.Tahimik na kumakain sa pinakamataas na bleacher si Ruth, noon pa man na nasa junior highschool sila ay lagi na niyang pinanonood si Gino na maglaro sa court na iyon malapit sa school.Naiangat nya ang tingin ng maramdaman na may humihila paitaas sa ilang hibla ng buhok nya. Napabuntong hinga sya, kung may makakakita sa kanya ngayon ay magtataka sila kung paanong umaangat ang buhok niya gayong mag-isa lamang siya roon."Austin," suway niya.Maya maya ay lumitaw ito sa tabi niya, pinapanood niya ngayon sina Gino na magkasiyahan sa baba. Inayos naman ni Ruth ang buhok niya, bakit ba lagi nitong pinaglalaruan ang buhok niya.Galit siya nitong binalingan ng tingin, napakunot ang noo n
Napaatras ang binata sa paglingon ng babae at nagtanong, nagpalinga-linga siya sa paligid, tiyak niyang silang dalawa lang ang naroroon.Iwinasiwas ng babae ang dala niyang tungkod, "sinong nandyan? Magsalita ka."Napatakip sa bibig ang binata, hindi siya makapaniwalang bukod kay Ruth ay may isa pang nakaririnig sa kanya."Magsalita ka," sabi ni babae, lumakad ito palapit. Tila may kinakapa ito sa hangin."Woah, Nahahawakan mo ko?!" bulalas ni Austin nang madakma ng dalaga ang kamay niya, nanlalaki ang mga mata niya sa gulat."Sino ka?" tanong nito, hindi malaman ni Austin kung sasagutin ba niya ang babae o tatanungin kung pano niya ito nagawang marinig at mahawakan.Nagsalubong ang dalawang kilay ng dalaga,"Kaluluwang ligaw," sambi
Pagmulat ng mga mata ni Ruth ay nasa kama na siya at pinagmamasdanni Austin."Good morning," bati nito, nakatukod ang kamay sa noo nya. Gusto sabihin ni Ruth dito na halatang nagpapacool lang sya subalit napangiti nalang siy, ang gwapo naman niya talaga, hindi niya iyon maitatanggi."Hinihintay mo nanaman ba akong magising?" mahinang tanong ni Ruth, nagbabadya pang pumikit ang mga mata niya, sa pagkakatanda niya kase ay pasado aalas onse na sila bumalik ni Austin sa bahay kagabi.Tumango siya sabay ngumiti"Tumayo ka na d'yan, kung ayaw mong makarinig nanaman ng barena," payo nito.Sinilip ni Ruth ang orasan sa dingding, limang minuto nalang para alas singko, gigising nanaman si Ester, ang barenang sinasabi ni Austin. Maghapon nanaman itong magbubunganga, madalas nga ay hinuhulaan pa niya kung ilang beses siyang tatatamaan dito sa b
Lahat ng mga mata nila ay isa lamang ang pinaniniwalaan, mabuti na lamang at hindi na naapektuhan ng mga iyon si Ruth."Ikaw lang ang lumapit sa desk ko kahapon, umamin ka na Ruth." Ilang beses na atang narinig iyon ni Ruth, kanina pa pinaalala ng guro na si Sir Banerra na siya lang ang lumapit sa desk nito kahapon at siya lang din ang posibleng kumuha ng nawawalang pera nito.Hindi siya nagsalita, sa halip ay nakipagsukatan lamang ng tingin sa guro."Huwag mo akong tignan ng masama, mabuti pang umamin ka nalang dahil kung hindi,mas lalong maraming makakaalam ng ginawa mo."Bahagya siyang natawa, pinagbabantaan ba siya nito? Hindi parin ba nito alam na wala ng epekto sa kanya ang lahat ng pananakot nito sa kaniya?Tila lalo namang napikon ang guro sa inasta ng dalaga, "at ngayon tumatawa
Alas nuwebe na ng gabi at tulog na si Tina sa tabi ni Ruth, hanggang ngayon ay nakaupo parin siya sa kama, bakit kaya hindi parin nagpapakita si Austin sa kaniya magmula kanina.Galit kaya ito? Inalis niya ang mga iniisip ng utak, ano naman ngayon kung galit nga ito. Isipin na nila lahat ng gusto nilang isipin, isa pa may Vicky naman na ito na makakausap, hindi na siya nito kailangan. Ayos narin ito, walang mangungulit sa kanya, walang maingay na palaging magkukwento ng tungkol sa mga kasiyahang napuntahan nito. Kaya magalit lang ito hanggang kailan nito gusto. Sa pag-iisip ni Ruth ay hindi niya namalayan na kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Austin mula sa bintana."Hinihintay mo ako?" tanong niya. Napabaling sa kanya si Ruth, muntik na niyang makalimutan na nagtatampo siya rito. G