Share

Chapter 3

    On the other hand, this was supposed to be a normal busy day for Jonathan, aside from the fact that he feels more light and productive today.

    “Someone seems to wake up at the right side of the bed.”

    “You think so?” From snickering like a dumb head, nakataas ang kilay na tiningnan ko ang lalaking biglang pumasok at bumasag sa katahimikan ng kaniyang opisina. Ang lalaking sumira o sisira ng magandang mood na mayroon siya ngayon.

    “Dude! I’m pissed right now! I’m gonna erase that smug on your face. Stop smiling like an idiot!” asik nito sa kaniya. "Naiirita ang guwapo kung mukha sa `yo!”

    I laughed like a lunatic. Mukhang ako pala ang sisira sa araw nito. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Aiden na maganda araw ko at nasa mode ako ngayon, gayong wala naman akong pinapakitang kakaiba.

    Ah, maybe my smile? Or the way my blue eyes’ sparks?

    “Kung hindi lang talaga dahil sa matandang `yon, hindi ako magsusuot nito.” Naiiritang hinubad ni Aiden Fredericks ang kaniyang coat bago niluwagan ang pagkakatali ng kaniyang necktie. “Damn! I hate this suit. My body is itching, and this damn ties!” reklamo nito sabay hagis sa mesa niya ang kawawang necktie.

    “Ang sabihin mo hindi ka lang sanay na mukha kang tao,” biro niya sa kaibigan. 

    Naka-polo nalang si Aiden at nakatupi na sa maskuladong braso ang mga manggas ng polo. Ginulo nito ang dati nang magulong buhok at pabagsak na umupo sa kaniyang harapan sabay bagsak sa folder na bitbit nito.

    Aiden Fredericks is a rugged multi-billionaire, kung dati naka-jacket, at rugged jeans ang laging suot nito, ngayon naman ay naka-suit and tie na ito. Nalabis nitong ikinainis, gustong matawa ni Jonathan dahil sa hitsura ng kaibigan.

    “What brings you here? Nababagot ka na ba sa apat na sulok ng opisina mo?” tanong niya rito.

    “You know me already. I rather go off-road than sitting on that hell chair. Isama mo pa ang assistant na binigay ni Dad. Fuck! Sakit sa ulo,” naiinis na wika ni Aiden sabay turo sa folder na inilapag nito sa kaniyang harapan. Inabot niya naman iyon at binuksan habang patuloy na nakikinig sa pinagsasabi ni Aiden. “But you know what? May nakasalubong ako kaninang babae. She looked so familiar. Although her outfit seems out of this world, but hey, she looks charming.” Sumandal si Aiden sa kinauupuan at itinaas ang mga paa sa katapat na upuan.

     Mula sa pagbabasa sa ibinagay nitong folder, napaangat siya ng tingin dito na may pagtatanong sa kaniyang asul na mga mata. 

    “Iyong mukhang librarian?” he asked with a flat enthusiasm. “Though she’s not a librarian, she’s my new secretary,” napapailing na sagot ko sa kaibigan. “Isa pa, maganda ang credentials niya.” The moment that I laid my eyes on her, no more questions, she already got the job.

    “It’s your time to pick a hot chic secretary, but still you chose a librarian. Man! Panahon na para magka-love life ka. Iyong mga kaibigan natin kaliwa’t kanan ang babae. Ikaw lang yata ang tigang sa atin,” natatawang wika ni Aiden.

    “Banging women are not my thing, yes I do have a fair share of women, but still, that’s not my thing. I need a secretary, not a distraction.”

    Besides she’s here! Usal niya sa sarili..

    “Still looking for the love of your life thingy.” Nakataas pa ang dalawang kamay ni Aiden. “Ikaw na talaga ang numero unong Mr. Romantiko,” natatawang wika nito. Napailing nalang si Jonathan dahil sa kalokohan ng kaibigan.

    “I signed the contract already, get out of my sight, dimwit!” 

    Natatawang kinuha ni Aiden ang folder na naglalaman ng kontrata na sila ang gagawa sa bago nitong building na ipapatayo. Matagal na nila iyong pinagusapan at napagdesisyonan kaya for formality na lamang ang kontratang aking pinermahan.

    “Chiao! Loverboy.” Kinindatan pa siya ng kaibigan habang natatawang umalis na sa kaniyang opisina. 

    Nang mapag-isa ay sumandal sa kaniyang swivel chair si Jonathan na may kakaibang kislap sa mga mata.

It’s been what? Nine years? And finally, nice to see you again.

----------------

    “Sa palagay niyo, makukuha ko kaya `yong trabaho?” Tamad na tanong ko sa mga kaibigan, habang kumakain nang mainit-init na mani. Isang linggo na rin ang matulin na lumipas simula nang mag-apply ako ng trabaho. Ngunit mag pa sa hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na balita, susuko na ba ako? 

    Naalala kung malapit na pala akong tumungtong sa edad na trenta, ngunit wala pa rin akong makuhang matinong trabaho. Paano na ang pangarap kung maging single mom?

    Oo, may ganyan akong pangarap sa buhay. Wala akong boyfriend, kaya anak nalang ang papangarapin ko sana, kaso mabubulilyaso yata iyon kung hanggang ngayon ay wala pa akong matinong trabaho! 

    Craming na nga ovaries ko, nilalawa na kweba ko, pati ba naman ang aking mahal na wallet? Kaya mas kailangan kong makuha ang trabahong iyon. 

    Isa pa sa nag padagdag sa kagustohan kung mag ka anak ay noong makita ko si Minda, ang kapitbahay kung single mom, ngunit masaya at kontento na sa buhay. Kaya ito, medyo nakaramdam ako ng inggit, gusto ko rin ang magkaanak. Iyong matatawag na akin talaga. Gusto ko iyon, ang problema mas kailangan ko munang magka-trabaho nang matino, at ang Montejo Builders ang susi sa lahat ng iyon.

    “Kung para sa `yo, para talaga `yon sa `yo! No one can stop if it’s destined to be yours,” kibit-balikat na sagot ni Ashley, ang kaibigan niyang Nurse. Nakatira lang ito sa katabing pinto, at tulad niya ay nag-iisa lang din itong nakatira roon. Bukod kay Rose, isa rin ito sa matatalik niyang kaibigan. Isa pa ang isang Daniella Ortiz na masyadong obsessed sa lovelife nito.

    Araw iyon ng sabado, movie time nilang magkakaibigan, kaya napagdesisyunan nila na sa loob ng kaniyang maliit na apartment nalang tumambay. Si Daniella lang ang wala,  naka-duty kasi ito, nurse raw muna ito bago maging tambay.

    “Nako, Ashley. Wala nang pag-asa itong si bruhitang makuha `yong trabaho!” eksaheradang wika ni Ricardo Macapotpot, also known as Rose.

    Nakangusong tinapon ko sa kanya ang maning isusubo ko na sana. 

    “Ang sabi ko kasi, babae, Secretary ang apply-an mo, hindi librarian! Naluka ang beauty ko sa `yo. Kung wala lang akong raket ng araw na iyon, hindi kita papaalisin nang gaanon ang hitsura! Mahabaging langit! Girl! Guwapo, mayaman, yummy, hunk! All of the above ang future boss mo, hindi principal!” talak ni Rose sabay paypay sa mukha gamit ang mga kamay. Para rito, hindi ka tangap-tangap ang naging hitsura ng kaniyang kaibigan.

    “Gaga! E sa wala akong corporate attire, at ang masaklap, lahat ng damit ko iisa lang ang tabas. Ang laging sabi ng Tiyahin kong masungit, pang wife material daw `yon, at bilang isang masunuring pamangkin, sinunod ko naman,” nakangusong sagot ko sa kaibigan.

“Whatever dress you wear, you are a wife material. Kulangin man sa tela ang damit mo, hindi mababawasan n’yon ang kabutihan ng kalooban mo. You are a pure gem, Brittany. Always remember that,” with what Ashley said, brought calm light to her.

    “Ang saya talagang maging kaibigan ka, Ash. You’re a living Mother Theresa.” Masaya kung niyakap ang aking kaibigan, at maya-maya ay nilagay ko ang aking kanang kamay sa noo nito, na tila isa itong puon na dinadasalan.

    “Gaga ka! Ano’ng akala mo sa akin, Santo?” Natatawang hinampas ni Ashley ang kamay ko.

    Napairap sa kawalan si Rose.

    “Duh! Alam ng lahat na pang wife material ka Brittany, pero pakiusap naman, trabaho ang kailangan mo, at higit sa lahat kailangan mo pang mabingwit ang future husband mo!” Nakagat ni Brittany ang pang-ibabang labi. Oo, nga naman kailangan ko talaga ang trabahong 'yun.

    “E... akala ko naman okay lang `yong suot ko. Naisip ko kasi na kung tumagal si Tita Cynthia bilang secretary ni Mr. Montejo, meaning he value hardship and brain, than beauty. May pag-asa ako kasi kung pautakan ang labanan hindi naman ako magpapahuli, bagsak nga lang sa pagandahan."

    “I know, girl. Paano naman kung hindi mo mabingwit ang trabaho? Okay, tanggapin na natin na erase ang beauty mo kay Mr. Montejo? Nagaalala lang naman ako, Friend. Paano na lovelife mo? Forever ka nalang ba magiging manang? Buti nalang talaga naging kaibigan mo ako, may pag-asa ka pa friend! Hindi pa tapos ang laban. Balita ko ay wala pang bagong secretary si Fafa Jonathan, lagi akong nanghihingi ng update kay Tita,” pampalakas loob ni Rose sa kanya.

    “Minsan hindi ko na pinangarap ang magka- boyfriend, girl. Tsaka sa hitsura palang ni Eng. Montejo, talagang hindi iyon papatol sa tulad ko. Duh! Pero inferness bakla, ang guwapo pala talaga ni Mr. Montejo.” Naalala ko na naman ang poging future boss, "salamat talaga friend. Kahit papaano may ten percent chance pa pala ako kung ganoon na wala pa silang nahahanap."

    Bigla na naman sumagi sa aking isipan ang mga ngiti ni Jonathan, na talaga namang nakakabighani at nakakalaglag panty, ang mga asul nitong mga mata na nagpapabilis ng tibok ng aking puso. Tila gusto ko na rin na asul ang maging kulay ng mga mata ng future baby ko.

    Oh, his handsome perfect face, and sexy body, ang sarap iuwi tapos yakapin nalang all day. Bigla akong nagising sa realidad nang maramdaman ang malakas na paghampas ni Rose sa balikat ko. Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kaibigan pero deadma lang ito.

    “I know right. Actually, kapag nagsasama `yong magkakaibigan, siya ang may pinakamagandang mata, girl!” kinikilig na wika ni Rose. “Iyong tipong titigan ka lang niya, gusto mo nang maghubad! Ganoon ang effect niya, girl! Hype beast sa kaguwapuhan si Jonathan Montejo. Pagkatapos kung makikita mo si Aiden Frederick, siya `yong tipo na pang-BDSM ang peg, bakla! Spank me daddy.... I’m ready ah—” Natigil ang kahalayan nito nang binatukan ito ni Ashley.

“Tanginang kahalayan `yan, Ricardo Macapotpot. Polluted na nga utak ko sa pinagsasabi mo, polluted pa mata ko rito sa pinapanood natin. Sino ba nagsabing Fifty Shades of gray panoorin natin?” galit na wika ni Ashley. Natatawang tinuro naman ni Brittany ang baklang kaibigan..

“What? Maganda naman ah?” inosenteng sagot ni Rose.

    Sasagot na sana si Ashley nang biglang tumunog ang cellphone ni Brittany. Kinuha niya ito at napakunot ang noo. Hindi rehistrado ang numerong tumatawag.

    “Shh. Manahimik kayong dalawa, may tumatawag.” Sita ko sa kanila, buti na lang at natahimik ang dalawa.

    “Miss Brittany De Salve?” buo at baritonong boses ng isang lalaki ang nakinig niya.

“Yes? Speaking,” wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib. Pamilyar ang boses, ngunit ayaw maniwala ng aking isipan na iyon mismo ang kung sino man na iniisip niyang may-ari ng boses na iyon.

“Hi Brittany, this is Jonathan Montejo. I hope it’s okay if I call you Brittany.” 

Biglang napatayo si Brittany nang nakumpirmang ito nga ang may-ari ng baritonong boses na nagpapabilis ng ritmo ng kaniyang puso.

“Mr. Montejo,” iyon na lang ang aking nasabi. Hindi nakatas sa aking paningin ang palihim na tili ng kaibigang si Rose, at ang nakangiting mukha ni Ashley.

Fuck! Baka ito pa pala ang magsabing hindi siya natanggap. Tangina, kailangan ko talagang magsindi ng itim na kandila para sa puso at bulsa kung mawawasak.

“Yes. I’d like to ask if you’ll be able to report for a work on Monday? If you’re available, I’d like you to start on Monday.” Hindi makapaniwalang napaupo bigla si Brittany dahil sa narinig. “Hello? Brittany, are you still there?” narinig niyang tanong mula sa kabilang linya.

“H-hello? Yes. I mean. Yes, I’m available for you. On Monday, I mean.” Napapikit ako sa pagkapahiya, lalo na nang maarinig ko ang mahinang pagtawa ni Jonathan.

“I’m looking forward to work with you. Welcome to the company, Miss Brittany.”

“Thank you, Sir,” hindi pa rin makapaniwalang sagot ko rito.

“I’ll see you on Monday. Be there by 8AM then.” Iyon lang at binaba na nito ang telepono.

Matagal na akong walang naririnig mula sa kabilang linya, ngunit hawak ko pa rin ang aking cellphone at nakadikit pa rin iyon sa aking tainga.

“Girl! You got the job! OMG! Congratulations friend!” Napabalik ako sa realidad dahil sa masayang turan ng aking kaibigan.

“Damn! I’m hired! I got the job!” hindi pa rin makapaniwalang bulalas ko.

“Congratulations, Brittany, sabi naman sa `yo e. Para talaga `yon sa `yo.” Masaya akong niyakap ni Ashley. Masayang niyakap niya rin ng pabalik ang kaibigan.

“At dahil diyan, pupunta tayong divisoria! Damn! Panahon na para maging ganap ka ng dalaga friend!” Tuwang-tuwa si Rose, napa-sayaw pa ito ng wala sa oras. Hindi rin naiwasang matuwa ni Brittany.

Yup! She needs a wardrobe makeover.

Damn! Thank you Lord! Iyong pangarap kong magkaanak, matutupad na. Piping dalangin ko.

“It’s settled! Then let’s go!” bulalas ni Rose bago ito masayang tumayo.


Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kitty Meyaw
wow ganda naman nito
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hehehe nakka excite
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status