Chapter 8
Secret
Nang mapagod ang anak ko kakalaro ay nagtungo naman kami sa isang seafood restaurant na madalas pag-dalhan sa akin ni Bea mapanoon man hanggang ngayon.Bea ordered a lot of foods, like finger seafoods platter. Dish iyon na pinaghalo-halo sa isang platter like fried tilapia of catfish fillet, shrimp, blue crab cake, stuffed shrimp, stuffed crab with French fries. Gustong-gusto ni Sam iyon, akala pa nga niya ay puro mga fried chicken lang lahat iyon, He loved crunchy foods. Mahilig kasi itong pumapak ng ulam.Bea also ordered our favorite dish, the grilled rock lobster with mashed red potatoes and broccoli on it. And of course, the langoustine and salmon ravioli. Um-order pa si Bea ng dessert trio—sweet potato pecan pie, turtle fudge brownie, at key lime pie na may toppings pa na vanilla ice cream.Iba na talaga kapag sobra ang kinikita dahil nakaka-afford ng gano’n kamahal at karaming lunch para sa amin. Hindi naman sa naiinggit, kasi kaya ko rin namang kumain sa labas kasama si Nanay Martha at ang anak ko, pero hindi nga lang sa ganoon kamahal na kainan.Nang makakain na ng tanghalian ay naglibot-libot kami sa loob ng mall. Nang mapadaan sa World of Fun ay nagtatakbo na naman si Sam doon at naglaro ng kung ano-ano. When he got tired, binuhat ko siya at pumasok muna kami ni Bea sa loob ng grocery. Binili ko ang mga kulang sa bahay.“Bea, will you please wait for me here? CR muna ako.”“Sure, Cha, ako na muna ang bahala sa bata,” sabi niya.Nagmamadali akong nag-CR. Pero paglabas ko, bigla akong nagulat. My world stopped when I saw someone. Natulala, namutla, at nataranta ang buong pagkatao ko.Oh, my God. Is this real? Is he real?Kinusot-kusot ko ang mga mata para lang siguruhin kung tunay ba talaga ang nakikita ko.Oh, my God, totoo nga…Sa pagkatulala ko, hindi ko inaasahan ang paglingon niys sa direksiyon ko. Napalunok ako at napakurap. Nang makabawi ay bigla akong tumalikod at agad na humalo sa maraming tao para lang maiwasan ang matiim na titig niya sa akin. Pakiramdam ko, lalapit siya sa akin, I don’t know kung iyon ba talaga ang gagawin niya. Pero mas maigi nang umiwas ako.He was not all alone. He was with somebody. Girlfriend or wife?Hindi maaari ‘to. Hindi dapat magtagpo uli ang mga landas namin. Isang gabi lang ‘yon. Dapat hanggang doon lang ‘yon. Oo, inaamin ko na malaki ang naging perwisyo niyon sa buhay ko. But when I think about my son, nawawala ang lahat ng panghihinayang na nararamdaman ko. Mas gusto ko nang nangyari iyon, kaysa wala akong anak ngayon.Nang masigurong walang matang nakatingin ay agad kong pinuntahan ang kinaroroonan ni Bea at ng anak ko. Inakay ko na agad sila pauwi. Tinanong pa ako ni Bea kung bakit ako nagmamadaling umuwi. Dinahilan ko na lang ang pagsakit ng ulo ko.Pagkauwi ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Ipinasok ko agad si Sam sa silid niya at inihiga sa kama. He was sleeping peacefully. Tinitigan ko siya at hinaplos sa noo.“Ano’ng nangyari kanina at nagmamadali kang umuwi?” Bea asked, sumunod sa akin.“Nakita ko siya kanina,” sabi ko habang nakatitig pa rin sa mukha ng anak ko.“Huh? What do you mean? Who?”Tiningnan ko siya at nakitang nakakunot ang noo niya. “H-hindi ko akalaing makikita ko siyang muli kanina. I know nakilala niya ako base on his expression. Ewan kung guniguni ko lang ba iyon or what.” Napabuntong-hininga ako. “Paano kung nakilala nga niya ako? At paano kung may kasa-kasama akong bata kanina? Makakaiwas kaya ako sa kanya?” sunod-sunod na tanong ko. “Kamukhang-kamukha ng taong iyon ang anak ko, kaya hinding-hindi maikakailang anak niya si Sam.”Kanina lang ay napag-usapan namin ang ganitong bagay ni Bea. Could God hear us? Kaya ‘yong laging iginigiit ni Bea na may araw din na magkikita kami ay nangyari ngayon.
Oh, dear God. This is not a joke.“T-teka! Teka, sino ba’ng tinutukoy mo?” tanong niya na hindi pa rin nagkakaideya kung sino ang tinutukoy ko.“Bea! I saw him. I saw my son’s father.”“Talaga? Oh, my, kaya ka pala nagmamadaling umuwi kanina.” Nakiupo siya sa gilid ng kama paharap sa akin.“He was almost near me. Nagkatitigan kami kanina nang medyo matagal.”“A-are you sure?” Tumango ako. Hindi agad siya nakakibo. “Uhm… M-maybe it’s a sign, Cha. Tadhana na ang naglalapit sa inyong dalawa para sa anak ninyo.”“Pero hindi ako nakahanda sa pagkikita naming iyon. Gosh, hindi ko nga alam kung naalala pa niya ako, eh, isang gabi lang naman iyong nangyari.” Napatayo ako at nagpalakad-lakad sa harap niya. “Isang gabi! Isang gabi lang iyon, Bea. Pareho pa kaming lasing. So what did I expect? Maaalala pa rin niya ako? May kasama siyang babae kanina, eh, paano kung asawa niya iyon, Bea? Wala nang dahilan. Klaro nang may pamilya ‘yong taong ‘yon.”“You’re so paranoid, Charmane. Calm down and sit here. Tapos na, nangyari na at nagkita na uli kayo. Hindi mo hawak ang panahon. Ang Diyos pa rin ang tunay na nakakaalam sa susunod na mangyayari. Iwasan mo man ang lahat, pero kung pagtatagpuin talaga kayo ng tadhana, eh, wala ka nang magagawa doon. Pilit mo mang iwasan, mapapagod ka lang. Kung asawa niya iyon, ano namang pakialam ng babaeng iyon? Ang importante, malaman din niyang nagkaanak kayo,” mahabang litanya niya.“My God, Bea. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung magkrus uli ang mga landas namin. Sana naman huwag na. Tama na ‘yon.” Kinakabahan pa tuloy ako ngayon.“Try not to escape, Cha. That is the easy way para malaman mo kung kilala ka pa rin ba niya. Kung hindi ka siguro umiwas kanina, nasagot na ang lahat ng tanong mo ngayon. Hindi ka sana paranoid ngayon kakaisip ng mga what ifs diyan. At nalaman mo rin sana kunng asawa nga niya ‘yong kasama niya. Wala ka namang dapat ikabahala kasi ikaw lang namang mag-isa kanina nang magkita kayo, ‘di ba?”Maybe she was right. At least ako lang ang nakita ni Lee kanina. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga sinabi ni Bea. May point siya. Kahit anong iwas ko sa lalaking iyon, kung ang tadhana naman ang gagawa ng paraan, siguro nga wala na akong magagawa.“O, ba’t natahimik ka diyan? Any problem?” tanong niya.“Problema ko pa rin talaga sina Mama.” Napakagat-labi ako. Sobrang laki ng problema ko. Kaya minsan wala nang space ang saya.“Kasi naman talaga. Three years ka nang nagsisinungaling sa kanila. Siguro kung ako ang isa sa pamilya mo, magagalit din talaga ako sa ‘yo. I can’t believe you. Paano mo nakayang itago sa kanila na may anak ka na?” Nakokonsiyensiya na talaga ako. Para na akong sasabog. “Pero wala naman silang magagawa. Nandiyan na ‘yan. Ang dapat mong gawin, magsabi ng katotohanan. You know what, Cha? Mahirap mabuhay nang may kinatatakutan sa puso. Always remember na masarap mabuhay nang walang inaalala. Now, you have to choose where you want to belong.”
Nang gabing iyon ay wala akong ibang inisip kundi iyong mga sinabi ni Bea. Yeah, she was right. Masarap mabuhay nang walang inaalalang mali. I had to do something. Gustong-gusto ko na talagang ipagtapat sa mga magulang ko ang lahat. Pero paano? Ayokong magtapat through video call. Baka atakihin sila nang wala sa oras. Hindi ko rin kayang isama si Sam sa Amerika dahil wala naman akong malaking halaga para makarating siya doon.Ang sama ko. How could I survive in these world with full of lies and secrets? My God, naguguluhan na ako sa sitwasyon ko at naaawa na sa anak ko.Chapter 9FreezePagpasok ko pa lang sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay puro na lang tungkol sa bagong may-ari ng kompanya ang usap-usapan ng karamihan. Kesyo naibenta na raw nang tuluyan ng may-ari itong kompanya. Actually, noong isang buwan pa ang mainit na balita na iyon. Akala ng lahat ay walang katotohanan dahil napakaimposibleng ibenta gayong napakaganda pa ng estado ng kompanyang ito. But when the owner informed us about it, doon pa lang kami naniwalang lahat.Magma-migrate na raw kasi ito sa ibang bansa. Hindi dahil sa nalulugi na ang negosyo, kundi pagod na raw ito sa pamamahala niyon. Gusto na ng mga anak nito na pagpahingahin ang ama dahil sa katandaan na rin. Palibhasa mga career-oriented ang mga anak nito at may mga sarili na ring maunlad na negosyo sa ibang bansa.Masakit man sa may-ari na ibenta iyon pero wala itong magawa sa kadahilanang ayaw pamahalaan ng mga anak nito ang kompanya. K
I was the new owner of Mr. Cheng’s company. I was here to introduce myself as the new owner. Mr. Cheng and I planned this formal introduction before his flight next week. Mas napaaga nga lang ang pagbisita ko sa kompanya because I insisted it.Actually, my real agenda was to visit and be familiarize with the whole area. But then my plan suddenly changed last night.The company was now under my name kaya puwedeng ako na ang masunod. Ako na ang batas. Kaya kagabi, tinawagan ko si Mr. Cheng to move my introduction today. Agad namang pumayag si Mr. Cheng sa gusto ko. He was one of our family friends kaya pumayag siya agad sa gusto kong mangyari.I scanned all the employees working in this company. But there’s only one person who I wanted to see, pero hindi ko siya mahanap. I knew it was impossible because there were four to six hundred employees here kaya siguradong malabo kong makita ang taong iyon.Matagal ang proseso
I don’t have a choice but to obey him. Kasalanan ko rin naman. But what he did to me was not right. Napaka-unprofessional niyang tao. Ngayon pa lang, nawawalan na ako ng ganang magtrabaho under his new management.Sana kasi sinabing “urgent,” para naman hindi na ako nag-CR!Nagmamaktol pa rin ako at naiinis sa sarili, pero mas naiinis ako sa pagpapahiya niya sa akin sa harap ng maraming empleyado.Walang awa, bastos, walang modo ang lalaking iyon. I didn’t care kung siya pa ang may-ari! Basta galit at naiinis ako sa kanya. Wala siyang karapatang ipahiya ako. I kept on apologizing at inaamin ko naman ang mali ko, pero ano? Instead na pakinggan ako, ipinahiya lang ako ng walanghiya sa harap ng mga tao. Ang yabang talaga!Bakit ba kasi sa lahat ng puwedeng makabili nitong kompanya ni Mr. Cheng, eh, siya pa? Ugh! I just hoped that he didn’t recognize me.I was back with two glasses
[Brad POV]Mr. Cheng really had a good taste on how to decorate his office. Ito kasi dapat ang una sa lahat ng lugar sa buong kompanya na maayos. The office was my second home, so I had to feel comfortable while doing paperwork.The office had a combination of dark gray and white interior design. All the small and big things were arranged properly in each area.Meron pang naggagandahang 3D paintings na nakasabit sa wall. The big luxury table was placed in an open glass wall where you could see the busy streets.It had been a while since I was just planning to convince Mr. Cheng to sell this company. I wanted to buy this para mas lumago pa ang iba kong kompanya at naayon naman sa akin ang plano. But he had a simple request. Na huwag tanggalin sa trabaho ang ibang empleyado. We had a deal, hindi lahat ay mananatili, lalo pa ang mga manager, supervisor, etc sa kani-kanilang puwesto. Kailangan kong i-rambl
Pagpasok pa lang sa opisina ay mukha agad ni Gee ang nabungaran ko. Para pa ngang inaabangan talaga niya ang pagdating ko. Hindi lang pala siya kundi pati na rin ang iba. Pinagtitinginan agad nila akong lahat. Kulang na lang ay lapitan ako at usisain kung ano’ng nangyari. Pero siyempre, naiilang sila sa akin kaya hanggang tingin na lang sila. Si Gee lang ang may lakas ng loob na magtanong sa akin.“Hoy, babae. Saan ka galing, huh? Alam mo bang hinintay kita?” nakataas ang kilay na pagsugod niya sa akin sa table ko. Ang taklesa talaga ni Gee. He did not know how to lower his voice. Napakaingay.Napakunot ang noo ko. Oo nga pala. Sabay dapat kaming magla-lunch kanina. How could I forget that? Napahampas ako sa noo at humarap sa kanya. “I’m sorry, Gee, hindi kita na-inform agad. A-alam mo namang ipinatawag ako, ‘di ba?”“Eh, bakit ngayon ka lang? Huwag mong sabihin na isang oras talaga kayong nag-usap? Ang tagal naman n’on. At ano ito
[Charmane POV]Hindi ko na naabutang gising ang anak ko dahil mag-aalas-nuwebe na ng gabi. Sobrang traffic dahil rush hour. Kaya pumunta na lang ako sa kuwarto ni Sam at humiga sa tabi niya. I kissed his tiny little cheeks and forehead. Masuyo ko rin siyang niyakap.I really miss you, baby.“Mommy…” Naalimpungatan siya sa ginawa kong pagyakap sa kanya.Ngumiti ako. My stress because of work and the traffic was gone. “Sshh… Close your eyes again, baby. Sleep tight. I love you…” bulong ko. Masuyong hinaplos-haplos ko ang ulo niya and then I sang him a lullaby para mahimbing uli sa pagtulog.I sighed.Anak, nakita ko uli siya—si Daddy mo. Pero hindi niya alam ang tungkol sa ‘yo. Hindi na kasi kami nagkita uli noon. Pero ngayon, when I saw him again, hindi ko alam kung paano kita ipapakilala sa kanya. Kung paano ninyo malalaman ang tungkol sa isa’
harmane POV]Everyone kept an eye on me. Pero gaya ng dati, hindi ko na lang pinansin. Hindi ako dumeretso sa mesa ko na ipinagtaka ng iba, lalo na ni Gee. I walked directly to Ma’am Celly’s office. I just wanted to clarify things, kahit hindi malabo na totoo nga na magiging secretary niya ako.Kumatok ako nang tatlong beses bago pumasok.“Good morning, Ma’am,” I greeted her first.“Good morning. Take your seat, Miss Cordova.” Pinaupo muna ako ni Ma’am Celly, saka siya nagsalita uli. “I think you already know it. I mean, about the—”“Yes, Ma’am,” sagot ko, sabay tango.“Our new owner requested that you will be his temporary secretary,” seryosong sabi niya. “Ewan ko ba kung bakit sa dinami-rami ng trabahante dito, ikaw pa ang napili niyang ipalit sa secretary niya. ‘Sabagay, magaling ka namang magtrabaho kaya… pumayag ako. I know your skills when it comes to work. Sa totoo lang, mahirap ka ngang pakawa
Nagulat ako sa impit na tili at pagkalabit sa akin ng kaibigan ko. “U-uhm, sshh… Huwag ka namang tumili, Gee. Nakakahiya ka talaga,” sabi ko sa mahinang tono.“Ahh— S-sorry, Sir,” hinging paumanhin niya sa katabi ko.Bahagya lang siyang tumango kay Gee. Then he focused his stare at the closed elevator.“Charmane Cordova! Bruha ka, ang dami kong hindi alam. Humanda ka mamaya sa ‘kin pag-uwi, aabangan talaga kita. Ang daya-daya mo talaga,” bulong pa ni Gee sa akin.“W-wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo diyan,” bulong ko rin.“Painosente ka pa diyan. Hmp! Inis ako sa ‘yo. Don’t talk to me.” Nagtampo talaga ang baklang ‘to at inirapan pa ako.Sasagot pa sana ako pero bumukas na ang elevator. So, I needed to cut our conversation. Sinulyapan ko si Gee. “Talk to you later…” I whispered, then I followed Mr. Hernandez.He immediately got inside his car without staring at my direction. Nag-alangan naman akong