Share

Chapter 1:

Sheya's POV:

I always start my day with a breakfast with my whole family. But this day is different. 

I didn't know why but everyone seemed to be on a hurry these days. Tanging si Ate Loureen lamang ang nakakasama ko sa hapag-kainan ngayon.

"Ate, may problema ba sa negosyo natin?" tanong ko.

"Wala namang nababanggit si Mommy," sagot niya. 

Kung gano'n, anong nangyayari sa kanila ni Daddy?

"Bakit mo natanong?" tanong ni Ate.

"Hindi mo ba napapansin? Ilang araw na silang laging balisa. Halos hindi na nga natin sila makita dito sa bahay. Ano kaya ang nangyayari?" tanong ko.

Nagkibit-balikat na lamang si Ate Loureen. 

"May sakit kaya si Dad?" tanong ko. Napatanga si Ate sa sinabi ko at tila napaisip.

"Baka malate ka sa school. Pumasok ka na, naghihintay na si Mang Roly," sabi ni Ate.

Tumango ako at nagpaalam na kay Ate Loureen. Paglabas ko nang bahay ay naghihintay na si Mang Roly. 

Hindi ko parin naiintindihan ang nangyayari. I think I should pay them a visit. I needed to know what's wrong. I couldn't just stand knowing na may nangyayari kina Daddy. Hindi nila ako masisisi. Natuto na ako.

The last time they hid something from us came out very bad. Dad was brought to the hospital due to a heart attack. At tsaka ko nalang iyon nalaman makalipas ang isang buwan. Dalawang linggong nawala si Daddy noon. Pinalabas lang nila na nasa business trip si Dad. 'Yun pala, naka-admit siya sa ospital.

Ayoko nang mangyari ulit iyon. Mukhang wala ring alam si Ate kaya ako na mismo ang aalam sa katotohanan.

"Mang Roly, pwede bang dumaan muna tayo sa opisina nila Daddy?" 

"Sige iha," sagot ni Mang Roly.

Mas mabuti nang makasiguro. Hindi pa naman ako male-late. Isa pa, hindi naman ako magtatagal doon.

----------

Ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe at nakarating agad ako sa office building ni Dad.

"Hintayin niyo nalang po ako dito sa labas Mang Roly. Ako nalang ang aakyat sa taas." Nagmadali akong bumaba ng kotse.

I walked inside the building and some of our employees greet me. Sumakay ako Ng elevator papunta sa floor ng office ni Dad, Mom and Kuya.

"Kuya," nakangiting tawag ko kay Kuya Lourde na nakatayo sa labas ng opisina ni Dad. Agad niya akong hinarang bago paman ako makapasok sa opisina ni Daddy.

"Bakit ka nandito? Hindi ka ba pumasok sa school?" natatarantang tanong niya.

"Kuya alam ko na to. Wala si Daddy dito no? Ano? Nasa hospital na naman ba siya? May sakit ba siya?"

"Hindi ka pwede sa loob. May client na kausap si Dad," he said.

Pinigilan ako ni Kuya na pumasok ngunit nagawa ko parin makalusot at tuluyan akong pumasok sa opisina ni Dad.

Naabutan ko roon si Mommy at Daddy kasama ang isa pang intsik na lalaki. The man seems very familiar.

Sabay sabay pa sila napalingon saamin ni Kuya. Napakagat labi ako sa sobrang hiya. 

Hindi ko alam na may bisita pala sila ng ganito kaaga. 

"Hello. Magandang umaga po. Pasensya na sa abala," nauutal kong pagbati. 

Ano na naman ba ang ginawa ko? Nakakahiya talaga.

"Ito ba ang bunso mo?" tanong noong bisita ni Dad.

"Yes Mister Chua," nag-aalangang sagot ni Dad. Mister Chua pala ang pangalan niya. 

"Halika na. Lumabas ka muna," bulong ni kuya sabay hila sakin palabas.

I stopped at the doorway when Mister Chua spoke.

"Hindi. Okay lang. Papasukin mo siya," pagpigil ni Mr. Chua.

Nilingon ko muna si Kuya at sina Mommy at Daddy bago lumapit sakanila. Tumango naman sila kaya sinunod ko ang gusto ng matanda. Umupo ako sa pag-isahang sofa kaharap ni Mister Chua. Lumabas naman ng opisina si Kuya Lourde.

Teka nga. Bakit gano'n? Anak din naman si Kuya Lourde, bakit siya hindi pinapasok? Bakit ako lang?

"Ako nga pala si David Chua. Kaibigan ko ang Daddy mo. I'm very glad to meet you," inilahad ni Mister Chua ang kanyang kamay sa harap ko nang may ngiti sa labi.

"Ako naman po si Fritzsheya Pomela Alcantara. Pero Sheya po ang tawag ng lahat saakin. Nice to meet you po," pagpapakilala ko at kinamayan si Mister Chua.

Hindi parin ako komportable sa paraan ng pagngiti niya. Naiilang parin ako. Ano kaya ang iniisip niya?

Nagkatinginan naman si Mommy at Daddy na siyang ipinagtataka ko. Bakas sa mukha niya ang kaba at pag-aalala. Mas lalo akong kinakabahan sa ikinikilos nila.

Sana lang talaga mali ang iniisip ko. Sana nag-ooverthink lang ako. Sana mali ako. Sana pala hindi na ako nagpunta dito.

"Nakakatuwa. Maganda pala ang anak mong ito at mukhang magalang pa. Magiging maganda ang kinabukasan ng negosyo kapag mabubuting tao ang may hawak nito." 

Dad faked a smile to Mister Chua. Gano'n din ang ginawa ko.

"Napakaswerte mo sa pamilya mo Henry. Mukhang hindi ka binibigyan ng problema ng mga anak mo hindi kagaya ko na laging naglilinis ng kalat ng isa kong anak. Ipagpatuloy mo pa ang pagsisikap at makakamit mo ang lahat ng ninanais mo," sabi ng matanda.

Ilang anak ba meron siya? Diba intsik siya? Kadalasan sa kanila ay kaunti lang naman ang anak.

"Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko upang masuklian ang kabutihan niyo saakin Mr. Chua. Asahan niyo po at tutupad ako sa usapan," sabi ni Dad.

Usapan? Anong usapan? Hindi kaya--

"Sir si Nate nasa labas, nasangkot po  kaguluhan," sabi ng isang lalaki na biglang pumasok sa opisina. At sa wari ko ay tauhan ito ni Mister Chua.

Isang malalin na buntong hininga ang pinakawalan ng matanda matapos marinig ang sinabi ng tauhan.

"Kasasabi ko lang, hindi ba?" sabi niya kay Dad.

"Paano? Aalis na ako at aayusin ko muna iyon. Sa susunod nalang ulit tayo mag-usap." Tumayo na ito at kinamayan si Mommy at Daddy.

Bumaling ito saakin at ngumiti. 

"I'll see you next time Sheya." Kinamayan niya rin ako bago ito tuluyang lumabas ng opisina.

Tila nabunutan ako ng tinik at naging magaan ang pakiramdam ko sa paglabas ng matanda. Ganoon din ata ang mga magulang ko na malalim ang pagbuga ng ng hangin.

"Sheya, pumasok ka na. Baka malate ka," sabi ni Dad.

"Dad, sino ba 'yun? Anong usapan ba meron kayo? Bagong client niyo ba 'yun?" sunod-sunod ang mga tanong ko.

"He is the owner of the multi-millionaire company. The 6th richest man in the country," sagot ni Dad.

Napasinghap ako. 

Kung gano'n, anong ginagawa ng isang napakamayamang tao sa loob ng maliit naming office building?

"Nag-invest po ba siya satin? Magiging business partner po ba natin siya?" Hindi ko maitago ang excitement.

"Oo parang ganun na nga." Muli akong napasinghap sa sinabi ni Dad.

"Pumasok ka na. Ano ba ang ginagawa mo dito nang ganitong oras dapat nasa school ka na," sabi ni kuya na kakapasok lang sa opisina ni Dad.

"Pero Dad maayos naman ang negosyo niyo hindi ba? Ayos lang kayo right. " Bakas sa boses ko ang pag-aalala.

"Anak ayos lang ang lahat. Pumasok ka na." Hinawakan ni Mommy ang kamay ko.

Kung gano'n ay nag-alala pala ako para sa wala. Kaya siguro sila busy ay dahil sa partnership nila sa isang napakamayamang tao. Ibayong paghahanda naman talaga ang kakailanganin kapag ganoong usapan.

"Halika ka na. Ipahahatid ka kita kay Mang Roly." Iginiya niya ako pababa ng building. 

Pagbukas ng sa elevator ay bumungad saamin ang lumilipad na cellphone. I hold my breath for a second thinking that it'll hit me any second from now. Thankfully tumama ito sa pader ng elevator and not in my face.

"Oh god! Anak natamaan ka ba?" tanong ni Mommy habang sinusuri ang mukha ko.

I ignored her and furiously stepped out of the elevator. 

Sinong hinayupak naman kaya ang nagbato nun? Hindi man lang niya naisip na baka may matamaan siya?

Lumapit ako sa nagkukumpulang tao sa lobby and found a guy and a girl fighting. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa babae.

Siya kaya ang nagbato noong cellphone?

Hindi man lang ba niya titingnan kung sino ang muntikan na niyang tamaan?

"Sino ang nag-utos sayo? Ilabas mo ang amo mo!" Galit na galit na sigaw ng lalaki habang mahigpit ang hawak sa braso ng empleyado naming babae.

"Sir, pakibitawan niyo na po siya. Pababa na po si Sir," paki-usap ng Manager namin.

Napakunot noo ako when I saw him wearing a high school uniform. Mas lalo lang kumulo ang dugo ko. 

May mga bodyguards rin na pilit na humihila sa estudyanteng lalaki ngunit nagpupumiglas ito.

Napa-iling nalang ako sa inasal niya. Kung maka-asta ang isang to, akala niya pag-aari niya ang mundo.

Naka-uniform pa naman siya. Estudyante palang masama na ang ugali. Paano kapag tumanda siya? Malaking eskandalo to.

I was about to confront him but Mom stopped me.

"Sige na. Pumasok ka na anak. Ako na ang bahala dito," sabi Mommy at pinagtulakan ako palabas ng building. She looked at me and tried to ease my raging mood. With her smile, I felt assured that she will take care of it. So I decided to go.

Napilitan narin akong lumabas dahil male-late na ako. I have no time to waste for that obnoxious guy.

 Pagkasakay ko sa kotse ay muli kong sinulyapan ang kaguluhan sa loob. Naroon narin si Kuya Lourde. 

Bago paman kami maka-alis ay lumabas ng building ang estudyanteng lalaki. Nanggagalaiti ito sa galit. 

Nakasunod sa kanya ang mga naka-itim na bodyguards. Sinusubukan siyang pakalmahin ng mga ito at pilit na hinihila pasakay sa itim na kotse.

Napa-iling ako. Ano kaya ang nangyayari sa loob? Itatanong ko nalang kay Kuya mamaya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status