Share

I Have Her Heart (BL)
I Have Her Heart (BL)
Author: Alnaja❤

SIMULA

Ang mga karakter, pangyayari, lugar, at organisasyon na nakapaloob sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang! Ang pagkakatulad ng mga ito sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

"Ang pagsasalin o paglalathala ng istoryang ito sa ibang medyum na walang pahintulot ng may-akda ay maituturing na Krimin."

Alnaja♥

SIMULA

"Jusko! Nay! Tay! Tulong!" 

Malakas na bulalas ni Eilana nang makita nitong nakahandusay ang kanyang kapatid at hinahabol ang kanyang paghinga.

Tumakbo siya patungo sa silid ng kanyang mga magulang upang humingi ng tulong. Patuloy pa rin ang kanyang pagsigaw dahil sa nerbyos at pag-aalala.

Hindi pa man nakakaabot si Eilana sa pintuan ng kanyang mga magulang ay sinalubong na siya ng mga ito na bakas sa mga mukha ang labis na gulat at pag-aalala.

"Eilana, anak! Anong nangyari?"

Pagtatanong ni tatay Alberto sa anak.

"Tay, nay! Si Spencer!" ani Eilana sabay takbo pabalik sa kapatid.

Nagmadaling sumunod ang mag-asawa at sa pagkakataong 'yun ay alam na nila kung bakit.

Tumambad sa kanila ang nanghihinang si Spencer na halos hindi na maigalaw ang katawan at makikita mo rin ang paghihirap nito.

"Spencer anak! Eilana Ihanda mo ang sasakyan, dadalhin natin ang kapatid mo sa ospital." utos ni tatay Aberto at nagmadaling binubuhat ang anak.

Kahit na nangangatog ang buong katawan ay sinikap pa rin ni Eilana na ikalma ang sarili at sinunod ang kanyang ama.

"Mahal! Mauna na kami ni Eilana, e impake mo damit ni bunso tapos sumunod ka sa ospital! Okay?!" 

Ang bilin ni tatay Alberto kay nanay Rosa, habang sila naman ni Eilana ay nagtungo sa Vicente Memorial Hospital upang isugod si Spencer.

Nanginginig ang kamay at maiyak-iyak na si nanay Rosa habang iniimpake ang mga gamit na dadalhin n'ya sa ospital.

Sa isip-isip n'ya, kailangang niyang maging matatag para harapin ang laban nilang mag-iina.

Hindi naman unang beses na inatake at nag hyperventilate ang anak niyang si Spencer, ngunit habang tumatagal ay palala nang palala ang kundisyon ng anak. Kaya hindi niya maiwasang kabahan ng sobra.

Nagdurusa si Spencer sa sakit na CHD (Congenital Heart Disease), mahina ang puso nito no'ng ipinanganak. Sabi sa kanila ng doktor maaring tumagal lang ang mga pasyente na may CHD ng 16–18 taong gulang. Kaya ganoon na lamang ang pagkabahala ng kanilang pamilya, sa edad kasi ngayon ni Spencer na walong taong gulang ay maaaring hindi na makayanan ng puso nito ang sumuporta sa katawan. At kung dumating nga ang araw na hindi na kayang sumuporta ng puso ay kinakailangan na nitong mapalitan sa pamamagitan ng heart transplant upang madugtungan pa ang buhay ng binata.

Sa ospital naman ay nakarating na ang mag-aama. Pagkarating na pagkarating nila ay kaagad na dinala ng mga staff ng ospital si Spencer sa emergency room dahil alam ng mga ito ang kalagayan ng binata. 

Pagkalipas ng ilang minutong paghihintay sa labas, nakakuha na rin sina tatay Alberto at Eilana ng balita galing sa doktor na unang tumingin kay Spencer.

"Doc... kumusta ho anak ko?" 'di mapakaling tanong ni tatay Alberto sa doktor.

"Stable na po ang pasyente, nagpapahinga na po ito sa loob."

Ang sagot naman nito na nakapagpagaan sa loob ng mag-ama. 

"And just kindly wait for doctor Mendoza for further update about the patient's condition. Anyway, his already on the way here." Dagdag nito bago tuluyang nagpaalam sa mag-ama.

"Sige po doc. Salamat po" wika ni Eilana.

                      • ~ • ~ • ~ • ~ •

EILANA

"Tay! Bili muna ako ng kape, pahinga ka muna dito sa upuan." alok ko kay tatay dahil alam kong pagod na ito sapagkat magdamag kaming naghintay ng balita mula sa doktor na tumigin sa kapatid ko.

Sobrang naaawa ako sa kapatid ko, he's really suffering since birth that makes his life different from his peers, he cannot do normal things as a teenager and he even never had a girlfriend dahil natatakot siyang masaktan ang puso niya't makasama ito sa kanya. Hindi siya pwedeng makaramdam ng sobra-sobrang emosyon, dahil maaari siyang mapahamak.

Sa aking sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang narito na pala ako sa canteen ng ospital. Kaagad kong tinungo ang counter at bumili ng kape.

"Kuya, dalawang kape nga, 'tig isang Caramel at Black." pag-agaw ko sa atensyon ng lalaking staff sa canteen. 

"Gawin mo nang tatlo!" Biglang wika ng boses mula sa likuran ko.

Nilingon ko ito at nakita ko ang mukha ni Bryell na nakangisi. 

"Oh, bat ganyan mukha mo?" pagtatanong nito sa akin.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na ibuhos ang kanina ko pa pinipigilang luha dahil sa presensya niya, siya lang kasi ang dali-daling maiiyakan ko.

"S-si Spencer..."saad ko habang labis ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.

"Shhhhh... wag ka ng magsalita."

Hindi na n'ya ako pinatapos magsalita at agad akong niyakap.

"Tol! Help him! We can't afford to lose him." pagtangis ko sa kanya.

My best friend is my brother's doctor. 

He's a cardiologist and he's my classmate during first year high school at doon kami naging magkaibigan, simula no'n lagi na kaming magkasama.

He is a straight guy at hindi ko ikakaila na na-aattract ako sa kanya pero mas mahalaga pa rin ang pagkakaibigan namin. 

Nagkahiwalay kami no'ng college kasi sa abroad siya nag-aral ng medicine at ako naman ay naka-kuha ng shcolarship sa isang sikat na University dito sa Pinas and I took civil engineering. 

Ngunit kahit na gano'n ay may contact pa rin kami sa isa't isa. Lagi kaming nagkukumustahan at nagkikita tuwing uuwi siya dito sa Pilipinas. Close na close rin sila ng kapatid ko since siya na ang naging doktor nito.

Gumaan nang sobra ang pakiramdam ko dahil nasa tabi ko na ang bestfriend ko. We went back to my brother's room at nadatnan namin si nanay.

She was seated on my brother's bed at halatang labis ang kanyang pag-aalala.

"Bryell nariyan kana pala!" bungad sa amin ni tatay.

"Opo tito, kararating ko lang po!" Saad niya sabay kuha sa kamay ng tatay at nagmano, pumunta rin siya sa kinaroroonan ni nanay para magmano.

"Iho, kumusta ba kalagayan ni Spencer ngayon?" Maiyak-iyak na tanong ni nanay sa kanya.

Sobrang sakit na makitang nadurusa ang mga mahal mo sa buhay! Sina nanay't tatay! Lalong-lalo na si Spencer. We love him so much that's why we can't afford to lose him.

"Sa ngayon po stable na po siya, 'wag po kayong mag-alala palagi ko po siyang e momonitor para makita ang progress niya. May-awa po ang diyos tita, lumapit lang ho tayo sa kanya." Pagpapagaan nito sa loob namin.

Tumingin siya sa kinaroroonan ko na para bang nagpapahiwatig na wag na akong magalala pa. Then I felt so comfort, nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan niya ako nang kaibigang katulad ni Bryell.

3 HOURS LATER...

"Tol? Tol?" 

"Hmmm... nandyan ka na pala."

Ginising ako ni Bryell galing sa mahimbing na pagkakatulog.

"Yeah! Ikaw na yung ginising ko kasi nahihiya ako kina tita" sambit nito

"Bakit? may problema ba?" pagtatanong ko sa kanya. 

Yumuko lamang ito at halatang nag-aalangan.

Medyo kinabahan ako sa tinugon n'yang iyon, ngunit dapat hindi ako mag-isip ng masama.

I look around at nakita ko sina nanay at tatay na tulog habang si Spencer naman ay wala paring malay.

"Wait lang gigisingin ko muna sina nanay't tatay." sabi ko at tumayo sa kinauupuan.

Nakaramdam ako nang pagkabahala sa kung ano mang sasabihin ni Bryell sa amin, alam ko kasing seryoso ito.

Pagkatapos kong magising sila nanay ay kaagad kaming naghanda sa ano mang sasabihin ni Bryell.

Napuno ng katahimikan ang silid.

"Bakit iho? May balita ka ba tungkol sa kundisyon ng anak ko?" pagbasag ni nanay.

"Ahhh. Tita, tito, tol! Didiretsyohin ko na ho kayo, Spencer's condition is getting worst, he needs a heart transplant as soon as possible or else..." Tumigil ito, napayuko at nag-aalangan.

"Or else what? Mawawala siya sa amin? No! No... Hindi kami papayag." 

Ang nasabi ko na lang sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Lumapit si mama sa kapatid kong walang malay, habang labis ang pagpatak ng mga luha nito. Sobra akong nasasaktan sa nakikita ko! Hindi ko na kinakaya kaya lumabas na lang ako ng kwarto.

"Tol! Tol wait..." tawag sa'kin ni Bryell.

Bahagya akong tumigil at humarap sa kanya at sinabing "Tol! What if Spencer can't make it? What if..." hindi ko na mapigil ang sarili sa labis na pagtangis.

"Stop thinking like that, he needs you now! He needs us now! Magpakatatag tayo para sa kanya okay?" saad niya saakin sabay punas sa mga luha sa pisngi ko.

                      • ~ • ~ • 

AARON

My phone suddenly rang. I picked it up right away and gave it a glance. It's Nathalie so I answered.

"Hello luv?"

Masiglang pagbati ko sa kanya.

"Tagal ha, mabigat phone mo?" 

She ironically answered. Pero alam ko namang nagpapacute lang 'to.

"Sorry BABE, nagmamaneho kasi ako ngayon." Sinadya ko siyang tinawag sa hindi namin tawagan, balak ko kasi siyang inisin.

"Okay BABY! It's fine just take your time!" 

Diing sabi nito at hindi ko naman maiwasang maiinis dahil 'don.

Alam ko kasing si Richard ang ibig niyang sabihin, dahil baby ang tawagan nila dati. 

The guy was her ex-boyfriend and unfortunately they always see each other everyday. Kasi pareho silang artista and loveteam pa sila ngayon sa ginagawa nilang isang project film.

I'm not a superficial person nor do I think like one. Pero pinagseselosan ko ito dahil ayaw niya pa kasing tigilan ang girlfriend ko. 'Yung tipong kunwaring makikipagkaibigan pero sobrang halata na may ibang balak.

"Ahhh talaga, ex na, pero baby pa rin ang tawagan." I frownedly said to her.

"Oh, bakit ka galit?! Ikaw kaya nagsimula! Batukan kita eh." 

Hindi ko na kayang pumatol pa baka kasi lumaki pa 'to, alam ko namang lagi akong talo sa babaeng 'to eh.

"Okay fine! Sorry! How's work, by the way? May maipaglilingkod ba ako sayo mahal kong prinsesa?" 

Nilambing ko na lang ito dahil baka mag-away pa kami.

"Luv! can you pick me up tomorrow?" she said.

"Ahhh... okay, no problem luv! Just text me when and where do I pick you up! Tapos na ba shooting nyo? Buti naman at napaaga!"

"Tinapos ko kaagad kasi miss na kita. Ayiee hahaha" sabi niya habang tawang-tawa sa kabilang linya. 

Minsan talaga tong girlfriend ko hindi ko rin maintindihan, buti nalang mahal ko 'tong babaeng 'to.

"Oyyy... kinikilig ang kupal. namumula siguro 'yang mata mo sa kilig no! hahahaha" nakakairitang tawa nito sa kabilang linya.

"tumigil ka nga d'yan! Ano ako adik!"

"Ay hindi ba? hindi ka ba adik sa'kin? Ayieee" patuloy na banat at pang-aalaska nito. 

"Luv please stop it, you're getting corny! Patayan kita ng cellphone d'yan eh!" I pretended to be annoyed at her, pero ang totoo na ku-kyutan ako sa kanya.

"Subukan mo! Sasabay na lang ako kay Richard, pinipilit pa naman ako 'non." 

Pagmamalaki nito sa akin.

"Edi sumabay ka, paki ko."

"Talaga lang ha!"

"Ano ba kasing oras? After one week ngayon nga lang tayo nagusap, iinisin mo pa ako."

"Ikaw naman kasi eh. Ang hilig mong mang-asar pero pag nabawian ka ang bilis mo ring mapikon! Sorry na! Alam mo namang mahal na mahal kita eh." paglalambing nito.

"I love you too!"

Pinutol ko na lang ang pagtatalo namin, dahil alam ko namang 'di siya magpapatalo sa'kin.

Pero sa totoo lang din sobrang kinilig talaga ako sa sinabi niyang iyon, biglang sumigla ang araw ko kahit na nag-away na naman kami ni daddy kanina.

"Sunduin mo ako mga 9:30 bukas, sa bahay na lang tayo magkita, pupuntahan ko kasi si kuya Bryell sa hospital before tayong pumunta sa White house." wika nito sa kabilang linya.

"Segi! Segi! Akong bahala."

"Okay. Mauna na ako tinatawag na ako ni direk eh. I love you!"

"I love you too."

THE NEXT DAY...

"Sa'n kana, nandito nako sa labas ng gate." I texted her, ewan ko sa babaeng to, kanina pako dito sa labas.

"Pumasok ka dito, kasi may dala akong mga bagahe, medyo magtatagal kasi ako sa white house." reply nito. 

Ang white house na tinutukoy niya ay ang bahay bakasyunan na binili naming dalawa, no'ng grumaduate kami ng high school

Pagpasok ko sa gate ng bahay ay nakasalubong ko si Samantha. Siya ang bestfriend ni Nathalie at naging girlfriend ko rin ito pero matagal na panahon na 'yun at mga bata pa kami.

Hunintuan ko siya at pinagbuksan ng bintana ng kotse. Magtatanong sana ako dahil alam ko namang si Nathalie ang pinuntahan niya rito.

"Oy, Sam. How are you?" Pangungumusta ko sa kanya.

Medyo nagulat ito ngunit agad rin namang ngumiti at nagsalita.

"Good, good. Thanks, how about you? Long time no see!" Sagot nito na sinabayan ng bahagyang pagngiti, ngunit parang may iba siyang iniisip kaya, tinanong ko na lang siya kaagad at baka kasi nakakadisturbo na ako.

"I'm fine too. Galing ka ba kay Nathalie? Asan ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhh yeah. Of course! Nathalie's inside. I...  gotta go! Yeah, maybe I should go now. Bye, see you!" maikling saad nito at nagmamadaling lumakad papalayo.

She's very strange right now, but I just shrugged it off. Si Nathalie naman kasi ang pinunta ko rito.

I enter the house with so much excitement! It's just a bit tense because we haven't seen each other lately.

Sa pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Nathalie na nakaupo sa sofa. I immediately went to her and hug her tight.

"Hi luv, how was your day?" I greeted her once kissing her lips.

"I'm good luv, thank you for asking. How about you? Are you good? How's Tito Armando? Is he fine? Are you guys good?" 

Sunod-sunod na tanong nito sa akin. Alam niya kasing magkagalit na naman kami ni daddy kaya niya ako kinumusta.

"Yeah, yeah. Don't worry about me, I can handle those things."

Pagkatapos kong ilagay sa kotse ang mga bagaheng dadalhin niya ay agad na kaming bumyahe upang makarating ng maaga sa pupuntahan namin.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay napansin kong umiiyak si Nathalie dahil sa pinapanood niya sa cellphone, kaya tinanong ko ito kung anong problema.

"Hey! What's wrong? Napano ka?" I wondered.

"Wala, naaawa lang ako dito sa pinapanoon kong documentary sa youtube, namatay ang bata dahil sa cancer, nakakaawa yung story niya." she said while her tears are continuously falling. 

"Tahan na may plano ang Diyos sa batang 'yun." I started to comfort her, 'coz I know that she was really affected. 

She's such a good-hearted person at 'yan ang nagustuhan ko sa kanya.

Tumahan na ito at iniba ko na rin ang topic para hindi na ito malungkot pa.

Habang nagkukwetuhan kami ay sa di inaasahan pangyayari, may isang batang lalaki na biglang tumawid sa kalsada. 

Medyo malayo pa ito kaya kaagad kong tinapakan ang break, ngunit laking gulat ko nang hindi ito gumagana. 

Papalapit na papalapit na kami sa bata, sa sobrang kaba ko ay hindi ko na maigalaw ang aking katawan at hindi ko na rin kayang mag-isip pa. 

Si Nathalie naman ay nagmadaling inagaw ang manibela at ibinangga ang kotse sa kalapit na malaking puno. 

I felt the front of the car hit the big trunk. I had nothing else to do in those moments but hug Nathalie. As I hugged her, I prayed that nothing bad would happen to the woman that I love. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bright Lastimosa
ang intense ha. banggan agad
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status