Share

KABANATA 1 — BAGONG BUHAY

FOUR MONTHS LATER

Four months later...

SPENCER

"Nay! Nay! Pahingi po ng t'walya." sigaw ko mula sa banyo.

Hayst... Napaka-makakalimutin ko talaga hindi ko na naman nadala 'yung t'walya at mga damit na hinanda ko kanina.

"Hay naku Spencer! Ang laki-laki muna pero lagi mo na lang nakakalimutan magdala ng t'walya sa banyo." pagpapangaral sa akin ni nanay habang papalapit sa pinto ng banyo.

Bahagya ko itong binuksan nang mailabas ang aking kamay at makuha ang t'walyang pamunas.

"Nay naman, hindi naman parati." wika ko habang nasa loob ng banyo at pinupunasan ang basa kong katawan.

Pagkatapos kong magbihis ay kaagad akong pumunta sa kusina para mag-almusal, dahil medyo nagugutom na rin ako.

"Pogi natin nak ha! Bihis na bihis, sa'n ba punta natin?" tanong ni nanay sa akin na ngayon ay nagkakape sa lamesa.

"Si nanay, nambola pa talaga." ngisi kong tugon rito.

"Hahaha, san ba punta mo?" 

"Hala nanay naman. Diba sabi ko sayo kagabi, na ngayon na 'yung enrollment sa PSU. Excited na nga ako eh! Sana nay no! Maging adogado talaga ako balang araw. Meron ka nang anak na attorney! Si Atty. Spencer Dela Cruz. Galing non nay diba?" saad ko habang eni-imagine ang sariling isa nang ganap na abogado.

Hindi ko alam pero simula pagkabata ay hilig ko na talaga ang manood ng mga palabas kapag isang abogado, detective, o kaya'y pulis ang character, Iniisip ko kasing ako 'yung palaban na bida. Siguro dahil sa tingin ko napaka astig, independent, at napakalakas ng personalidad na pinapakita kapag isa kang pulis, detective, o kaya'y abogado. Naiisip ko kasi noon na sana gano'n ako kalakas — walang sakit, para di na mag-alala pa sina nanay, tatay, at ate.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni nanay habang nag-aalmusal ay lumabas na si ate sa kwarto niya.

"Good morning!" masiglang bati nito sa amin at kaagad na umupo. 

"Good morning ate, halika kain ka na! Ang sarap ng ulam! Luto kasi ni nanay." alok ko sa kanya na sinabayan pa ng pambobola kay nanay.

Tanging ngiti na lamang ang initugon ni nanay sa amin.

"Oo nga eh, mukhang masarap." abot sa tenga ang ngiti ni ate habang tinititigan ang tocino at longanisang gawa ng aming ina.

Paborito kasi namin ito dahil sobrang sarap, si nanay kasi mismo ang gumawa at syempre nagtimpla ng mga ito.

"Hala... Sige ate, kain nang tumaba ka't hindi na talaga mapansin ni doc Bryell." pang-aasar ko kay ate. Lagi na lang kasi itong nagpa-promise sa sarili niya na magbabawas ng timbang pero laging hindi natutupad, dahil sa parating masarap ang luto ni nanay.

Hindi naman siya overweight at sakto lang ang katawan, pero gusto kasi nitong ibalik ang dati niyang hugis. Medyo napabayaan kasi n'ya simula no'ng mag resign siya bilang model at  tuluyang tinuloy ang pagiging civil engineer.

"Ikaw bunso ha! Sama ng ugali mo sa 'kin, ate mo ko ha! Baka nakakalimutan mo." sinimangutan niya ako tanda ng pagkainis.

"Joke lang, alam mo namang lab parin kita kahit mas matimbang ka sa akin." biro ko sa kanya at sabay kaming nagtawanan ni nanay.

"Ayoko na, Bahala kayo jan."  ngumuso na lamang ito ma parang bata.

"Para rin naman sayo 'yan no. Sabi mo nga sa akin kagabi na always kitang ere-remind sa diet at workout mo diba? Promise ka ng promise, pa'no ka mapapansin ni doc n'yan."

"Kanina ka pa ha. Hindi ako nagpapa-cute kay Bryell no! At isa pa bestfriend ko siya kaya hindi kami talo." diin nito upang pagtakpan ang pagtingin niya kay doc Bryell. Alam ko namang crush ni ate si doc Bryell, hindi lang niya sinasabi dahil matagal na silang mag bestfriend.

"Nak, aminin mo na alam na namin. At isa pa nasa tamang gulang kana para mag-asawa." biglang pagsali ni nanay sa tuksuhan namin ni ate.

"Hala! Nanay! Eh, hindi pa nga kami, pag-aasawa na kaagad sinasabi nyo." wika ni ate na halatang naha-hotseat na sa ginagawa namin.

"Tumigil ka! Sa bibig mo na mismo nanggaling oh! HINDI PA NGA KAMI! So gusto mo maging kayo! Alam mo nak ang tanda mo na, mag tu-twenty five kana ngayong November. Magpahalata kana kay Bryell, tutal matagal na naman akong boto jan eh."

Dahil sa sinabing 'yun ni nanay ay biglang namula si ate. Hindi ito nakaimik at halatang pinipigilan ang pag-ngiti.

"Hala, si ate. Ba't ka ganyan? Bespren pala ha... Huli kana, hahaha." pinagpatuloy ko naman ang pang-aasar sa kanya.

"Oo na. Crush ko na siya. Wala namang masama do'n diba? Tapos paghanga lang naman, sino naman ang di hahanga sa kanya." pagtatangol nito sa sarili.

Tinignan lang namin siya ni nanay na ani mo'y pinipigil ang pagtawa.

"Tama na nga! kayo talaga, ako nakita n'yo ngayon ha. Pinagkaisan n'yo ko! Humanda kayo, 'san na ba 'yun si tatay. Eba-backup ko 'yun." sabi nito habang tumitingin sa paligid.

"Oo nga, asan ba si tatay, nay? Diba sabay kayo palagi gumising? Wala ba kayong pasok ngayon?" taka kong tanong kasi usually silang dalawa ni tatay ang gumigising ng maaga at naghahanda ng almusal dahil parehas silang maaga ang pasok sa trabaho, pero ngayon alas nuebe na ng umaga pero nandito pa rin si nanay.

"Nag leave kasi kami ng tatay mo nak, magpapahinga lang sana kami kahit isang araw lang. Pero ang tatay kanina, maagang dinala si Xander sa vet kasi may sakit kahapon pa." pagpapaliwanag nito.

"Napansin ko nga kahapon nay, matamlay si Xander." wika ni ate.

Si Xander ay ang pinakauna at nag-iisang aso namin dito sa bahay, binili namin siya ni ate. Gusto kasi namin magkaroon ng aso at nakita namin siya sa isang petshop, pero medyo mahal kaya pinag-ipunan talaga namin para mabili siya. Nakakatawa nga kasi lagi kaming pumupunta sa shop na 'yun araw-araw baka kasi bilhin s'ya ng iba. Hindi alam ni nanay 'yun, dahil ayaw niya ng mga alaga, pero nang makita na niya ito mas naging close pa tuloy sila. Isa siyang Chihuahua, medyo matagal na siya sa amin kasi grade three pako no'ng bilhin namin siya. Thirteen years old na nga siya ngayon eh, kasi two years old na siya nung binili namin tapos eleven years na siya sa amin.

"Okay lang 'yan, tingin ko simpleng sipon lang 'yun ng aso." ani nanay.

"Ate sabay na ako sayo ha." pagpapacute ko kay ate, para makasabay sa kanya papuntang PSU, madadaanan lang naman niya kasi ang university.

"Bakit san ka ba?" tanong nito.

"Magpapa enrol ako sa PSU." sagot ko naman sa kanya.

"Segi, no probs. Madadaanan lang naman ang PSU papuntang site eh. Pero bilisan mong kilos mo ha. Ang lamya mo pa naman."

"Okay! Nice..." masayang sabi at nagpatuloy na sa pagkain.

Umalis kami ni ate ng magkasabay sa bahay, sumakay ako sa kotse niya papuntang Pantukan Science University habang siya naman ay papunta sa pinamamahalaan niyang construction site. 

Pagkarating ko sa University ay namangha kaagad ako sa laki at lawak nito. Mas na-excite pa tuloy ako dahil sa nakita, hindi ko mapigilan ang tuwa ng sa wakas ay isa na akong college student, pero alam ko naman na talagang mahirap ang pagdadaanan ko para matapos ang kursong kukunin ko pero hindi ko na dapat isipin 'yun, ang importante magagawa ko na ang mga gusto kong gawin dati pa na hindi ko magawa-gawa dahil sa sakit ko.

Agad kong hinanap kung saan ang registrar office ng university, sa lawak nito tiyak na maliligaw ang hindi pamilyar sa paaralan. Buti na lang at na organize nila ng mabuti ang enrollment. Sa entrance pa lang ay naglagay na sila ng mapa ng buong university at direksyon kung saan pupunta kung magpapa-enroll. At sa daanan naman ay merong mga signage na nakalagay at mga Supreme Student Government na nakabantay upang maging guide sa mga magpapa-enroll.

Habang naglalakad ako ay may biglang lumapit sa akin na isang babae. Hindi ko siya kilala pero sigurado akong member ito ng Supreme Student Government dahil sa suot na t-shirt niya.

"Hi, I'm Larah! Larah Navarro, how may I help you ses?" bilang sabi nito.

Medyo naguluhan ako sa kanya, hindi ko kasi ma-gets kung bakit ses ang tawag niya sakin, pero inisip ko nalang na baka ganon siya sa lahat.

"Ha? Ahhh ehh... magpapa-enroll sana ako." tanging tugon ko sa kanya sabay kamot sa ulo.

"Oww sure, dadalhin kita don, sino pa ba ang matutulungan kun'di tayong mga magaganda." wika nito. 

Bakit siya ganito? Mukha ba akong bading? Sa isip-isip ko.

Nang makaabot na kami sa registrar ay nagpaalam kaagad si Larah.

"Oh, we're already here! Aalis na 'ko " sambit nito sa akin.

"Ano ba pangalan mo ses? Kanina pa tayo magkausap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Ahhh. Hehe. Spencer pala." sabay abot ng kamay ko sa kanya. 

"Seryoso?" biglang sabi nito, naguluhan naman ako kung anong ibig niyang sabihin dun.

"Ahh... Ha? Bakit?" nalilito kong tanong dito.

"Ses, 'wag ako. You're gay, aren't you? Ganyang ganyan rin 'yung mga ex kong beki pala. Mga gwapo pa naman kayo, jusko! Sayang! No offense ha, sayang lang kasi 'di ko kayo matitikman — Charot! Pero okay lang, the more the merrier 'di ba?" halakhak na kwento nito.

Nagulat ako sa sinabi niya. Tama nga ako ng hinala, kanina pa talaga siya nag-iisip na bakla ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, kung maiinis ba ako o matatawa.

"Ahh.. Larah, right? Hindi ako bakla, hahaha." tanging patawang tugon ko dito dahil medyo nahihiya pa ako sa kanya.

"Weeeehh..."

Tinignan ko lamang siya upang ipahiwatig na hindi ako nagbibiro.

"Seryoso ka?" itinaas nito ang kanya isag kilay at umikot-ikot sa akin.

"Tignan mong balat mo!" sinunod ko naman siya at tinignan ang aking balat sa braso.

"Mas makinis pa siguro sa akin!"

Bigla nitong inamoy ang aking likuran at nagsalita. "And your perfume is pambabae. Tell me! Hindi ka bakla?"

"Ha? Pagmedyo makinis ang lalaki at pambabae ang scent ng perfume bakla agad? Hindi kasi ako lumalabas ng bahay at sa ate ko 'tong perfume, humingi lang ako. Judgemental mo!"

"Hay naku! In denial ka pa, but it's okay bahala ka, bye Spencer see you around." pagpapaalam nito sa akin.

Ngunit bigla itong tumigil at lumingon ulit.

"Spencer, get out to your closet girl. Baka ma lock ka jan. Madaming namamatay sa closet. Baka magmulto ka pa." sabi nito sabay alis.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya pero nagtinginan ang ibang studyante sa akin at bahagyang nagtawanan.

Sinawalang bahala ko na lang iyon at agad na pumila para makapag enroll.

Madali akong natapos dahil mabilis ang kanilang pag process sa enrollment kaya agad akong pumunta sa cafeteria ng university dahil medyo nagugutom na rin ako. Malapit lang rin naman ang Cafeteria nila dahil katapat lang ito ng registrar office.

Habang pumipila ay narinig ko ang ilang studyante na nagbubulungan. Na para bang mayroon silang pinag chichismisan. Hindi ko na lang pinansin at nag-isip ng ibang bagay.

Biglang lumakas ang pagbubulungan ng mga ito, sabay tingin sa labas na para bang may hinihintay o may celebrity na tinatanaw.

Sa labis na pagka-curios ko ay nilakasan ko na ang aking pandinig at pinilit na makinig sa dalawang babaeng nag-uusap sa gilid ko.

"Bhe. Ang galing, dito na talaga mag-aaral si Richard San Jose. 'Yung sikat na artista." sabi nung isa.

"Talaga bhe, akala ko talaga chismis lang, nae-excite na tuloy ako. Madadagdagan na naman ang mga gwapo at tunay na lalaki dito. Kasi ng iba jan gwapo nga, pero gwapo rin ang hanap. Ayoko na ma scam. Hahaha" sabi pa ng isa, sabay tingin sa akin at nagtawanan silang dalawa.

Agad akong umiwas ng tingin at nagpatay malisya. 

Ako ba ibig sabihin ng mga babaeng to? Napaka judgemental ng mga to ha, sarap tahiin ng mga bibig. Inis kong sabi sa sarili.

Pero hindi ko naman kilala kung sinong Richard ang tinutukoy nila, hindi naman kasi ako nanonood ng tv simula nang mahilig ako sa anime at hollywood movies. Kaya hindi ko na kilala ang mga bagong artista sa Pilipinas.

Nang ako na ang nauna sa pila ay agad akong nag-order ng pagkain, tinignan ko ang relo ko at medyo tanghali na kaya napagdesisyunan kong e-take out na lang ang mga inorder ko para sa bahay na kumain. Kailangan ko kasing umuwi ng maaga para magprepare para first day ng klase bukas. Huling araw kasi ang schedule ko para sa enrollment, nag set kasi ang university ng appointment sa bawat isa sa aming mga enrollees para maging organize lahat.

Habang naglalakad ako palabas ng Campus para sana sumakay ng taxi sa waiting area ay may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Spencer! Spencer!" 

Hinanap ko ang tumatawag sa akin, nagpalingon-lingon ako hanggang sa mahanap ito.

Si Larah pala, 'yung tumulong sa akin kanina. Kaway ng kaway ito habang nasa loob ng sasakyan. Inilabas lang niya ang kanyang ulo at kamay sa bintana ng frontseat.

Huminto ang sasakyan nila sa kinatatayuan ko.

"Oy, sabay kana sa amin. San ba sa inyo?" alok nito.

"Ahh... Wag na salamat, baka iba daan nyo." tinanggihan ko pa sana ito dahil nahihiya ako sa kanila ng kasama niya.

"Taga san kaba?" dagdag na tanong nito.

"Sa Cabalio street ako sa may Conchita, 'wag na baka kasi maabala ko pa kayo ng boyfriend mo." sabi ko na lang, nahihiya kasi talaga ako, tapos hindi pa kami gaanong magkakilala. 

"Edi Super duper nice... Cruz homeowners Subdivision kami, magkatabi lang lugar natin. At isa pa hindi ko 'to boyfriend pinsan ko to. Raffy say hi to our new buddy, Spencer! Spencer meet couzy, Raffael Navarro Gonzales." masayang saad nito. 

"Hi Spencer." pagbati sa akin ng kasama niya.

Tanging ngiti at kaway nalang ang naitugon ko rito.

"It's okay Spence, Come on don't be shy. We're already know each other, right? We're not strangers anymore, so come we'll give you a ride." panghihikayat sa akin ni Raffael.

"Wag kang mag-alala, mukha lang tong aso ang pinsan ko, pero hindi siya nangangagat." dagdag pa ni Larah na nagpatawa sa akin.

Nawalan na ako ng palusot at wala narin akong magawa kundi pagbigyan na lang sila at sumakay na sa likuran ng kotse.

Inihatid na nga ako ng dalawa. Ang galing lang kasi naka save pa ako ng pera.

Nang makauwi na ako ng bahay ay agad kong inihanda ang mga gamit at susuotin ko bukas. Medyo excited narin kasi ako kaya sobra ang paghahanda ko, hindi naman siguro ako nag-iisa no! Normal lang naman sa mga estudyante na ma excite sa first day of class, kahit ang iba, hindi na pumapasok sa kalagitnaan.

Opss sa matamaan.

Iniisip ko ano kaya ang mangyayari sa akin bukas? Sana maging maayos at masaya ang college life ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status