Share

KABANATA 2 — PASUKAN

"Bro, I think it's enough, let's go! I'll take you home." paulit-ulit na pangungumbinsi ni Kevin sa kaibigang kanina pa lasing.

Nasa isang bar and dalawang magkaibigan. Dinala kasi ni Aaron si Kevin dito para uminom ng alak at magpakalasing. 

Nung una ay tinanggihan siya ng kaibigan, pero walang nagawa si Kevin kun'di sumama na lang, baka kasi pumunta ito mag-isa at mapa-trouble pa.

"Bro, I brought you here to company me to drink and enjoy. And now, you didn't even taste your drink! Come on. I'm not drunk okay! So don't worry. Now you KJ bastard drink this." lasing na sabi nito, sabay abot sa isang basong alak.

"Aaron, bro! I'm not a Kill Joy. I'm just concerned about you. You look like a mess since Nathalie had passed away, yo..."

Hindi na nito pinatapos ang kaibigan at nagsalita.

"Then what would I do Kevin? You don't understand me, do you? All of you do not understand what it feels like. Sobrang sakit Kev, sobrang sakit! And I want to forget this pain even in a short period of time, with this fucking drink." hindi nito napigilan ang emosyon at tinapon ang hawak-hawak na baso.

Nagtinginan ang mga tao sa katabi nilang table at lumapit ang isa sa mga security ng bar.

Nang makita ni Kevin na papalapit ang security ay kaagad niyang pinakalma ang kaibigan.

"Mga sir, may problema ba? Pinagbabawal po ang pagbabasag at pang-gugulo rito." wika ng gwardya sa kanila.

"Ahh... Wala boss, pasensya na, babarayan na lang namin. Ako na po bahala sa kasama ko." paghingi ng despensa ni Kevin.

"Segi Sir, mukhang lasing na po kasama n'yo baka pwedeng..."

"Hindi pa 'ko lasing." biglaang sabat ni Aaron sa nagsasalitang gwardya.

Kinabahan si Kevin, kaya dalidali nitong sinaway ang kaibigan.

"Shut up bro! You're drunk!"

 "Ahh boss, ako na humihingi ng pasensya. Iuuwi ko na po 'to. Pagpasensyahan nyo na po kasama ko kasi..." lumapit ito sa gwardya at bumulong.

"Pagpasensyahan nyo na. Namatayan kasi 'yung tao." bulong nito.

Tumango na lamang ang gwardya at nagsalita.

"Paki-alalayan na lang po si sir palabas at do'n nalang ho kayo magbayad sa counter, sa mga nabasag." pag-unawa ng gwardya.

"Yeah, yeah don't worry, ito nga pala..." sabi ni kevin at inabutan ng tip ang security.

"Segi po salamat ho rito."

Nang umalis na ito ay tinanong ni Aaron si Kevin kung anong ibinulong niya rito.

"Anong sinabi mo don, ha?" nahihilong wika nito.

"Wala, Mapapa-trouble pako nang dahil sayo eh." inis na saadnito sa kaibigan.

Kahit nahihilo at hindi na maituwid ang paglakad ay lumabas si Aaron ng bar mag-isa. Pilit siyang inaalalayan ni Kevin pero nagmatigas ito at hindi pinansin ang kaibigan.

Nang makalabas na sila sa maingay na bar ay hindi na mapigilang sumuka ni  Aaron dahil sa kalasingan. Sumuka ito sa gilid ng kotse niya. Habang si Kevin naman ay pinagmamasdan lamang ang pasaway na kaibigan.

"Oh, ayan pa suka-suka ka! I though you're not drunk. You know what bro, you should..."

"Yeyeyeyeye. Ang ingay mo para kang manok." naiinis na paggaya nang lasing na si Aaron kay Kevin.

Sinubukan pa nitong buksan ang pintuan ng kotse para sana mag drive pauwi sa condo niya. Pero pinigilan ito ni Kevin at kinuha ang susi.

"Hey, What the fuck is wrong with you!" Bulyaw ni Aaron sa kaibigan.

"No! What's wrong with you. Pa'no kung ma disgrasiya ka, konsyensya ko pa!" naiinis na ganti ni Kevin.

"Edi, masaya! magsasama na kami ni Nathalie diba?" tumatawa ito habang sinasabi ang mga katangang iyon. Pero ramdam naman ang pait sa bawat ngiti na pinapakita nito. Hindi na nito mapigilan na mapa luha, at ang kaninang tawa ay napalitan ng paghagol-gol.

Labis ang awa ni Kevin sa kaibigan habang pinagmamasdan ito. Alam niya kasing sobrang hirap para rito ang pagkawala ng girlfriend niya. 

"Hey! Stop that, Let me drive for you." sabi nito at inalalayan ng kaibigan papasok sa likuran ng kotse para makapagpahinga, pumasok na rin siya sa driver's seat para ipagmaneho ang kaibigan.

                     • ~ • ~ •

"Haysst. Pasalamat ka Aaron at may konsensya akong kupal ka." pagmamaktol ni Kevin habang kinakarga sa likuran ang kaibigang walang malay dahil sa kalasingan.

Binuhat niya ito mula sa kotse papuntang elevator. Buti na lang at may malapit na elevator sa area ng parking lot na pinagparadahan niya sa kotse.

Papalapit na sana sila nang biglang nagising si Aaron at pinilit na bumababa sa likuran niya.

"H-hey, I ca-can handle mmmmyself, baba mo'ko!" pautal nitong sabi na bakas pa rin ang kalasingan.

Pilit itong bumaba at hindi na rin ito pinigilan pa ng kaibigan.

"Goddamn, Aaron! Alam mo ba kung gaano kahirap kang buhatin? Haystt. Sarap mong batukan!" wika ni Kevin dahil sa lubos na inis.

"Leave me here, I can ha-handibwuaaaa... Bwuaaa.." biglang itong sumuka at hindi na naituloy pa ang gustong sabihin.

"Puta! Kadiri ka! Pano nato ngayon?" ani Kevin.

Bigla humiga sa lupa si Aaron habag naliligo sa sariling suka.

Walang nagawa ang kaibigan nito kun'di buhatin siya paakyat sa kanyang condo unit kahit sobrang asim ng amoy nito.

"Goddamn Aaron, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo." pagtuloy na sermon nito sa lasing na kaibigan.

Sa isip-isip niya hindi naman niya masisisi ang kaibigan dahil malala rin ang pinagdadaanan nito ngayon. Minahal niya ng lubusan si Nathalie, pero kinuha ito kaagad sa kanya. Sinisisi narin nito ang sarili dahil siya rin ang sinisisi ng pamilya ni Nathalie sa pagkamatay nito.

Nang makaabot na sila sa condo unit ay agad na pinunasan ni Kevin ang kaibigan at maging siya rin ay nanghiram na ng damit para magbihis. Malalim na rin kasi ang gabi kaya nagpasya itong doon na lang matulog.

Kinabukasan ay maagang nagising si Kevin, dahil may pasok na sa university kung saan sila nag-aaral. Magkaklase silang dalawa ni Aaron, pareho silang 2nd year sa kursong Bachelor of Arts in Music. Doon na lang siya naghanda sa condo ni Aaron at naghiram na rin ng isang pares ng uniform.

Gigisingin niya pa sana ang kaibigan pero naisip niyang huwag na lang dahil siguradong may hangover pa ito. Sa halip ay nag order nalang siya ng pagkain para kakain na lang ito pagkagising. 

Sa isip niya'y hindi naman kaagad mag kaklase ngayon dahil unang araw ng pasukan, kadalasan kasi binibigyang oras ng University ang pag welcome sa mga freshmen at iniimbitahan rin ang ibang year level na makidalo para sa gagawing acquaintance party.

Taon-taon ay ginagawa ng university ito, at sa isip niya ay panahon rin ito para maghanap ng bagong popormahan.

                     • ~ • ~ •

SPENCER

Maaga akong gumising dahil sa pasok namin ngayon, Actually hapon pa ang start talaga ng meeting ng bawat course subject namin, dahil sa gagawing acquaintance party sa umaga. Hindi ko rin naman dapat palagpasin ang event dahil para sa aming mga freshmen 'yun. 

Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako ng kwarto para mag-almusal. Nakita kong kumakain na silang lahat kaya agad akong umupo para kumain na rin.

"Good morning." masiglang bati ko kina nanay, tatay, at ate.

"Good morning din." sabay na bati nila sa akin.

"Tay, kumusta ho si Xander?" agad akong tanong kay tatay dahil hindi pa rin nakakauwi ang aso namin simula kahapon ng dalhin ito sa vet. Miss ko na kasi ito.

"Ayon! Sabi ng vet doon lang daw muna siya para iwas stress. Umiiyak nga nang iwan ko roon eh." pagpapaliwanag sa akin nito.

"Kawawa naman si Xander! Miss ko na kasi kakulitan niya dito sa bahay." medyo matamlay kong wika.

"Oo nga, ako rin. Naninibago akong wala nang kumakagat sa pantalon ko, hahaha" patawang sabi ni ate.

"Ako naman, na miss ko nang maglinis ng ihi at dumi niya." pagsali ni nanay sa usapan na ikinahalakhak naming lahat.

Nang matapos na kami ay sumabay na ulit ako kay ate papuntang University. Medyo malayo kasi ito sa bahay at sayang ang pamasahe. 

Balak naman ni mamang bilhan ako ng motor, pero tutol si papa dahil sabi niya delikado raw. Dagdag pa nito na mas mabuti pa umanong sa naiwang condo unit nalang ako ng tiya Marie muna manuluyan, dahil wala namang tao roon matapos na mag-migrate sila sa America. 

Sobrang lapit lang nito sa University. Nabili kasi nila iyon no'ng dito pa sila sa Pilipinas, gusto nga ng tiya na doon na kaming mag-anak tumira para magkatao naman daw, pero ayaw nila nanay baka kasi  mapabayaan ang bahay namin.

Pagdating ko sa University ay pumunta kaagad ako sa gymnasium kung saan ang venue ng gagawing event.

Medyo naiilang ako habang naglalakad dahil wala pa akong kakilala sa university at pakiramdam ko pa, parang maraming matang nakatitig sa akin. 

Alam ko namang wala, pero sobrang awkward lang talaga ng feeling na ikaw lang mag-isa ang naglalakad sa mataong lugar, kaya binilisan ko na lang ang lakad ko.

Sa pagmamadali kong makaabot sa lugar ay di ko na napansin na may tao pala akong kasalubong kaya nabangga ko ito nang di sinasadya.

"Ay, Sorry! Sorry!" kasabay ng paghingi ko ng paumanhin ay ang pagpulot ko sa nalaglag nitong susi.

Nagmadali rin nitong pinulot ang susi niya kaya nagkasabay kami at nagkabangga ang mga ulo namin.

"—Aray!" ani ko.

"—Shit!" anito.

Sabay naming sabi sa sakit ng pagkakauntog namin sa isa't isa. Tinignan ko siya at ganon din ito sa akin.

"Okay ka lang? Masakit ba?"

"Are you okay? Masakit ba?"

Sabay ulit naming wika.

Nagtawanan na lang kami dahil sa nangyari. Kinuha na nito ang susi n'ya at tumayo na kami ng sabay.

Medyo na intimidate ako sa kanya, kasi halatang mayaman ito at sobrang tangkad pa. Katamtaman naman ang height ko pero kung kasama ko siya palagi, siguro magiging bansot akong tignan.

"Are you fine?" natatawang kumusta nito sakin.

"Oo, okay lang salamat. Hahaha!" tinawanan ko na lang ang nangyari.

"Buti naman, at di nag crack ulo mo. Matigas kasi 'tong sakin. My mom told me." biro nito sakin.

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo nga eh. Medyo matigas nga." biro ko rin sa kanya.

"May ititigas pa yan." bigla nitong sabi.

"Ha? Hahaha" medyo naguluhan ako sa sinabi niya, pero tinawanan ko na lang.

"Hakdog!" sabi naman nito. Mas lalo ko tuloy siyang di naintindihan pero tawa lang ako ng tawa.

"Kevin nga pala. Ikaw anong pangalan mo?" pagpapakilala nito sabay abot ng kamay.

"Spencer, nice meeting you." inabot ko rin ang kamay ko sa kanya.

"Ahh segi Kevin, I guess see you around?" pagpapaalam ko dahil parang nagsisimula na ang event, rining ko na kasi ang palakpakan at hiyawan ng ilang studyante.

"Yeah, see you around. Perhaps we'll bump to each other again! Haha." 

pahabol na sabi nito habang lumalakad na ako papalayo.

"Yeah, Baka! Pero sana next time 'di na matigas ulo mo." Sigaw ko sa di kalayuan, at kumaway na para tuluyang magpaalam.

Tumawa naman ito at tuluyang umalis.

Sa entrance ng gymnasium ay nakita kong nakaupo si Larah at Raffy sa isang mesa. Siguro sila ang naatasan sa attendance para sa nasabing event.

"Heeeyy, look who's hereee! Hi bro." biglang bati sa akin ni Raffy, sabay taas ng kamao para makipag feast bomb. Kahit medyo naiilang dahil feeling close ito ay sinabayan ko pa rin siya.

"Hoy, Raffael Navarro Gonzales. Feeling close ka talagang kupal ka no." sigaw sa kanya ni Larah.

"Bakit ikaw rin naman ha. Witch!" Pag-irap ni Raffy sa pinsan niya.

"Shut up jerk, talagang friends na kami ni Spencer. 'Di ba Spence? Ganyan na tayo?" saad nito sabay pinagdikit ang magkabilang hintuturo bilang senyas.

Tanging tango na lang at ngiti ang naitugon ko sa kanya. Dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko, kahapon pa kasi kaming tatlo na nagkakilala pero parang close na close na sila sa akin.

"What ever, Larah the Witch." pang-aasar ni Raffy kay Larah.

"Tama na nga yan, pag-untugin ko kayong dalawa eh." bigla kong wika sa kanila.

Biglang natahimik at nagtinginan ang dalawa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ma realize ko ang sinabi ko.

Hindi pala kami close, ba't ko naman sinabi yun. Nakakahiya. Sabi ko sa sarili.

Awkward na awkward ako sa mga oras na 'yun. Hindi ko alam kung anong iniisip nila. 

Pinakiramdaman ko lang sila, hanggang sa nagsipagtawanan ang mga ito.

Baliw ba sila? Sabi ko sa sarili.

Grabe ang halakhak nilang dalawa. Hindi ko naman alam kung bakit pero sinabayan ko na lang ang pagtawa nila.

"I like you Spence. Friend na talaga tayo." maarteng sabi ni Larah sa akin.

"I agree, Babaeng bakla. May sense of humor rin pala itong si Spencer." sabi rin ni Raffy.

"Hahaha nakakatawa yun? Kupal!" pag-irap ni Larah sa pinsan niya.

Para silang mga baliw pero okay rin naman. At least ngayon hindi na ako mukhang loner dahil meron na akong makakasama. At feeling ko masayang kasama ang mga 'to.

Magkasama naming tatlong linibot ang buong university sa araw na iyon. At nalaman ko rin na magkaklase pala kaming tatlo sa kursong Bachelor of Arts in Political Science. Una na nilang nalaman dahil tinignan nila ang mga enrollees sa office ng registrar, auntie kasi nila ang registrar officer, nakita na nila kahapon at no'ng inihatid nila ako alam na pala nila, hindi lang nagsabi ang dalawa para ma surprise rin daw ako. Ewan ko ba sa kanila, iba rin ang amats ng dalawang 'to.

Naging part din pala sila kaagad ng TWG o Technical Working Group ng Supreme Student Government ng University dahil ang Adviser ng organization ay ang Papa ni Larah na Uncle naman ni Raffy. 

Nag promise kasi itong bibilhan ng kotse si Larah kung mag bo-volunteer ito sa org. Sumali naman si Raffy dahil balak nitong tumakbo sa susunod na SSG election.

Natapos ang unang araw ko sa University ng masaya dahil sa dalawang bago kong kaibigan. Buti na lang at nakilala ko sila, feeling ko magiging mas exciting pa ang mangyayari sa college life ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status