Share

KABANATA 7 — BRYELANA (Balon)

BRYELL

"Goddamn Bryell, you're so stupid! Why did you suddenly kiss her, huh? What do you expect, sempre magagalit sya. You are bestfriends! Ba't ang tanga-tanga mo?"

I can't help to bump my own head to the steering wheel because of my stupidity earlier.

Hindi ko alam kung anong katangahan ang ginawa ko kanina at hinalikan ko si Eilana. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapagpigil.

Her eyes seems like hypnotising me while my lips wanted to have hers! 

"Oh God Bryell, ano ba'ng pinag-iisip mo?" wika ko sa sarili.

Aaminin kong matagal ko nang na-realized na mahal ko siya. No'ng una akala ko I'm not attracted to her and I just love her as my bestfriend pero ngayon iba na. Napatunayan ko na!

Kaya pala wala akong interest sa ibang mga babae, because I already found her at ang tadhana na ang nagtakda.

Gusto ko na sanang umamin sa kanya that's why I always inviting her to have a date, pero lagi akong naduduwag. Dapat nga siguro dapat maging masaya pa ako sa nangyari kanina, kasi dahil do'n para ko na ring nasabi ang nararamdaman ko sa kanya.

Pero mali eh, dapat hindi ko siya hinalikan kaagad. Pa'no kung galit s'ya?! Anong mukhang ihaharap ko sa bestfriend ko? Ano na lang ang sasabihin nila tito at tita? Oh God! You're stupid Bryell, you're stupid!

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nasa labas na pala ako ng gate ng bahay namin. 

Habang binubuksan ng guard namin ang gate ay napansin kong nakaparada sa garahe ang kotse nila mommy at daddy. Sa isip ko'y baka umuwi na sila galing states. Pagkatapos kasi ng libing ni Nathalie nagdesisyon muna silang umalis ng bansa para na rin makayanan ang pagkawala ng kapatid ko. Kung dito kasi sila mamamalagi, baka mas mahirapan silang makapag-move forward dahil sa mga ala-ala ng kapatid ko.

It's already five months at para sa akin dapat magsimula na kami sa pagmo-move forward at tanggapin ang pagkawala ng kapatid ko.

As I enter the door rinig ko na kaagad ang malakas na pagtawa ni mommy mula dining area. Binilisan ko ang paglalakad at agad nangtungo kina mommy at daddy, miss na miss ko na kasi sila.

Nakita kong kumakain sila mommy at daddy kasama ang besfriend ni Nathalie na si Samantha.

"Bryell, son! Narito ka na pala." masiglang bati sa akin ni mama.

Tumayo ito sa pagkakaupo para puntahan ako, agad ko naman siyang sinalubong at niyakap.

"Yes mom. You surprise me! Bakit hindi kayo nagsabi nang nasundo ko kayo sa airport ni daddy?!" 

Tinungo ko rin si daddy at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"'Yan kasing mommy mo gusto kang e surprise. Para talagang si Nathalie ang hilig sa surpresa." biglang wika ni daddy.

Biglang natahimik ang buong sulok ng bahay. Tinignan ko si mommy at halatang nalungkot ito bigla.

"Oo nga, naaalala ko nga. Every birthday nating lahat meron siyang pa letter at pa bulaklak. Hayst... My daughter, I know she's very happy right now." tugon ni mommy. 

Gumaan ang loob ko matapos sabihin ni mommy iyon. Hindi na kasi siya tulad nang unang mga buwan na iyak lang ng iyak.

Agad naman itong bumalik sa kinauupuan niya at bumalik na rin sa pagkukwentuhan nila ni Samantha.

"Samantha, how are you by the way?" pagungumusta ko rito.

"I'm good kuya! I'm just busy right now. Busy for replanning my college. Nathalie and I used to planned it kasi  and now kailangan kong harapin 'to mag-isa. Malungkot pero dapat kayanin natin 'diba?" sagot nito sa akin.

"Yes dear. You know what, your tito and I had decided to support your college. 'Di ba sa isang state college ka ngayon nag-aaral for free education. Well, no offense. Bilib nga kami ng tito mo sa'yo because your very smart  and pretty girl. Malayo ang mararating mo, so we decided to support you finacially to continue your college in PSU. Kami na bahala sa lahat, just think of it as a scholarship, para lang tanggapin mo eja!" exciter na alok ni mommy sa kanya.

Habang sinasabi ni mommy ang maganda niyang balita kay Samantha ay halatang nabigla at masiyahan ito. Well para sa akin talagang deserve ni Samantha 'yun. Pero matagal na talagang plano nila mommy na pag-aralin si Nathalie sa isang University kasama si Samantha dahil matagal ng magkaibigan ang dalawa at nais nila na hindi na maghiwalay ang mga ito dahil mabait naman si Samantha at good influence siya kay Nathalie. 

Kaya pala siguro inimbitahan ni mommy si Samantha ngayon dahil gusto na gusto nilang maging sponsor niya sa college.

Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay agad na akong pumunta ng kwarto para makapagpahinga.

Habang nasa higaan ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa amin ni Eilana. Honestly, kinakabahan ako ngayon baka kasi galit siya at magbago ang tingin niya sa akin. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa pagkakaibigan namin. 'Di ko kayang mawala siya sa akin.

Hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip. Nagdesisyon akong tumawag sa kanya dahil hindi ko na alam ang mararamdaman ko, gusto kong nalaman na kaagad kung galit ba siya sa akin o hindi.

Nagri-ring ang cellphone niya pero mukhang wala siyang balak sagutin ito. Alam kong gising pa ito dahil 'di pa naman malalim ang gabi. 

After ten missed calls I decided to stop calling dahil baka galit nga ito sa 'kin. Hindi ko naman siya masisisi at kailangan kong tanggapin kung ano mang kalalabasan nito, napag desisyunan ko ring mag-confess na sa nararamdaman ko kahit ano pang mga  consequences.

Sa 'di katagalan ay biglang nag tumunog ang cellphone ko. I immediately pick it up and saw a message from Eilana. 

As I read it hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan dahil sa kaunting message niya.

"Let's talk tomorrow, 5pm. Magkita tayo sa balon. Kung saan nagsimula, doon din natin tapusin." 

Honestly, labis akong kinakabahan baka kasi tapusin na ni Eilana ang pagakakaibigan namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko basta ang alam ko lang ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kahit na anong mangyari.

                       • ~ • ~ •

EILANA

Naghihintay ako ngayon sa balon kung saan kami unang nagkita ni Bryell. Dito ko kasi siya pinapunta sa text ko kagabi. 

Naalala ko pa, first year high school kami noon. Umiiyak ako no'n dahil nasa hospital na naman ang kapatid ko. Pumunta ako sa balon malapit sa school namin dahil sabi ng ilang studyante magkakatotoo raw kung ano mang hilingin mo rito. Kaya ayon sinubukan ko.

Pagkahatid na pagkahatid ni tatay sa akin no'n sa gate ng school ay kaagad naman itong umalis para puntahan sina nanay at Spencer sa ospital. Hindi ako pumasok no'n at tumakbo ako sa katapat na park ng school at nagtungo agad sa balon. 

Lakad-takbo ang ginawa ko dahil baka makita ako ng guard pero papatawid na sana ako nang biglang dumaan ang isang itim na kotse at muntik na akong mahagip, buti nalang at mabilis akong nakatakbo at mabilis ding nakahinto ang kotse.

Tumatakbo akong umiiyak patungo sa balon na sinasabi nilang may magic. Pagkarating na pagkarating ko rito ay agad kong kinuha ang barya kong baon para 'yun ang ihulog sa balon.

Pinunasan ko ang aking mga luha at ipinikit ang aking mga mata. Bago ko inihulog ang barya ay hiniling ko na sana gumaling na ang kapatid ko at maging okay na ang lahat.

Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko namalayang may isang batang lalaki pala ang tumabi sa akin at bigla itong nagsalita.

"Magiging okay rin ang lahat! They always said that everything you will wish here in this wishing well will become true." 

Agad akong napadilat dahil sa gulat ko sa kanya.

"Si-s-sino ka?" bulol na tanong ko.

"Hi! I'm Bryell Mendoza. Kotse ko 'yung muntik nang makasagasa sayo kanina." patawang sabi nito.

"Ha-ha?! Sorry pala. Hindi ko kasi naisip na baka may dadaan. Pesensya na talaga." napayuko ako dahil sa hiya. Baka kasi iniisip niyang napaka tanga ko't muntik na akong nasagasaan.

"Don't worry it's okay, wala namang may kasalanan. The most important is you're safe now." ngiting wika nito sa akin.

"Ako nga pala si Eilana Dela Cruz. Lana na lang." 

"I know!"

Nagtaka ako sa sinagot niyang 'yun.

"Ha?"

"I know, because we were classmates! Oo nga pala, magdadalawang linggo na since first day of class pero wala ka pa ring kinakausap sa classroom." wika nito na nakapaglinaw sa akin.

Hindi ko naman kasi iniisip ang pakikipagkaibigan sa panahong 'yun kasi sa isip ko no'n ay paano makakatulong kina nanay at tatay.

Sa kalagitnaan ng bagbalik ko sa mga alaala namin ay hindi ko namalayang dumating sa si Bryell at tumabi n ito sa akin.

"Magiging okay rin lahat! Sabi kasi nila na ano mang hilingin mo sa balong 'to magkakatotoo raw." wika ni Bryell na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Hindi na ako tumugon pa at tinignan siya. Nagsalubong ang aming mga mata dahil kanina pa pala ito nakatingin sa akin.

Tinitigan ko ang mga mata nito na para bang nangungusap. Hindi ko alam pero bakas dito ang pag-aalala.

Dahan-dahan kong nararamdaman at naririnig ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Parang kakawala ito dahil sa kasiyahan.

Unti-unti nitong hinawakan ang aking mga kamay, tinanggal  nito ang pagtitig sa akin at yumuko.

"Tol! Alam kong mali ang ginawa kong paghalik sa'yo kahapon. Siguro ngayon nagtataka ka kung bakit ko ginawa 'yun. Alam kong galit ka at natatakot akong mag-iba ang tingin mo sa akin. Tol! Tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo sa akin, pero sa pagkakataong 'to gusto ko sanang malaman mo na mahal kita! Mahal kita matagal na. No'ng una natatakot akong umamin dahil baka masira ang pagkakaibigan natin at hindi ko makakayanan 'yun. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maging matatag sa buhay, kung paano pahalagahan ang pamilya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako naging mabuting anak, kapatid, at tao. Kaya ngayon siguradong-sigurado na ako, kahit ano pang maging kapalit aaminin ko nang mahal kita! Mahal na mahal." 

Habang binibitawan niya ang mga katagang iyon ay labis naman ang pag-agos ng kanyang luha. Hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na lumuha dahil damang-dama ko ang bawat salita na kanyang binitawan.

Habang patuloy ang pag-agos ng aming mga luha ay hinawakan ko ang kanyang mukha at ito'y ipinaharap sa akin.

"Bryell! Tol! Dito tayo nagsimula sa pagkakaibigan at ngayon dito rin natin 'to tatapusin." 

Nang marinig niya ang mga katagang 'yun ay napayuko na lamang ito at nagsimula nang humikbi. 

"Ibig mo-mong sa-sabinin..."

"Tatapusin natin ang pagkakaibigan natin dito, dahil magsisimula tayo ng panibagong pahina sa ating pagmamahalan." kaagad kong wika at hindi siya pinatapos dahil alam kong iba na ang iniisip nito.

"Ang ibig sabihin ba n'yan ay mahal mo rin ako?" 

Tanging tango ay matamis na ngiti na lamang ang aking naitugon sabay punas sa kanyang mga luha.

Nagtatalon ito sa tuwa at hindi na nito napigilan ang pagkatuwa at bigla akong binuhat.

"Yes! Girlfriend ko na siya." malakas na sigaw nito.

Sobrang saya ko sa mga oras na ito. Para akong nasa alapaap. Totoo nga siguro ang magic ng balong ito. 

Wala na akong maihihiling pa dahil natupad na ang matagal kong hinihiling na pag-galing ng kapatid ko, naging okay na rin ang lahat sa buhay namin, at ngayon meron pang bonus. 

Nang dahil sa balong ito nagkita kami ng lalaking naging sandigan ko sa paglaban sa buhay at siya na ang mamahalin ko sa pang habang buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status