Share

A Heart's Vengeance
A Heart's Vengeance
Author: modernmariaaa

Prologue

I was eighteen when I met him in our family gathering. He was fresh from abroad.

“Oopps, sorry!” 

A man suddenly appeared in front of me at halos lumipad ako nang mabunggo niya ako dahil sa pagmamadali sa pagtakbo na parang may humahabol sa kanya. 

“Fuck, Adrian! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!” Suway ni Kaiser sa lalaking tumatakbo na parang ninja palabas ng mansion tsaka mabilis na inalalayan ako para di tuluyang mabuwal sa pagkakatayo.

“Are you okay?” 

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya at nilingon ang lugar na tinahak nung lalaki. Mukhang papuntang swimming pool ang nilabasan niya. I wondered. Is he one of my cousins? Anak ba siya ng may-ari nitong mansion? 

“That fucker... tsk.”

My gaze averted to the man who's walking down the stairs like a model with his hands on his pockets. Umiiling-iling siya habang nakatingin sa daang tinahak nung lalaki kanina. My lips parted in amazement as our eyes locked up. Nakababa na siya ng hagdanan at naglalakad patungo sa pwesto namin ni Kaiser habang nakatitig pa rin siya sa'kin.

His alluring pale greenish-blue eyes were like hypnotizing me that I can't look away. Oh, god. Para akong tinutunaw sa bawat titig niya sa'kin. 

The man is wearing a ragged pants paired with a white long sleeves polo, folded up to just his elbow. His two upper buttons were loosen kaya malaya kong nasisilayan ang matipuno niyang dibdib na may mga balahibo. Parang gusto ko siyang hilahin palapit sa'kin at halikan ang matipuno niyang katawan. 

Fuck! Why do I have to feel this kind of emotion? Sheez. This is bad.

“Conan... damn, fucker!” Kaiser exclaimed at halata sa boses niya ang galak na makita ang binata. They did the 'bro hug'. “Why didn't you tell me you're coming home when we had a conversation over the phone?”

Conan just slightly chuckled. “Well, it's a surprise like Mom told me so... yeah.” Kibit-balikat nito bago bumaling ng tingin sa'kin. “Who is she? Your girl?” He asked curiously, but I can sense in his cold voice that he doesn't like the idea of having me as Kaiser's girl, if that's the case, but too bad, I'm not. 

Tumawa si Kaiser tsaka umakbay sa'kin. “I hope so too, but no, she's not my girl. Hindi ba siya nakukwento ni Tita sa'yo? She's Calista Hidalgo, my ugly little sister.”

Nanlalaki ang mga matang napalingon ako kay Kaiser. “Yuh!” Siniko ko siya sa tagiliran dahil sa pagtawag niya sa'kin ng panget. “I'm not little anymore and most of all, I'm not ugly, you jerk!” 

“Your word, Cali.” Suway niya kaya inirapan ko lang siya bago ngumuso. 

Ang daya niya. “I hate you.” Nakakainis siya. 

Kaiser is three years older than me. Suplado siya sa ibang tao pero pagdating sa'kin at sa mga mahal niya, lumalabas ang pagiging maloko niya. He's fond of teasing me... na kesyo panget daw ako, ganito, ganyan. Minsan hindi ko nalang pinapansin pero kadalasan naaasar ako sa kanya kaya di ko maiwasang sapakin siya, kurutin o kaya ay sikuhin. Minsan naman ay nasisigawan ko siya at nakakapagsalita ako ng mga bad words. And he hates that. Ayaw na ayaw niya akong marinig na nagsasambit ng mga bad words dahil mabait kasi ako at masunuring anak at hindi raw bagay sa'kin ang mga ganoong salita. Pero okay lang kapag siya na yung nagsasalita ng bad words. Lalaki raw siya, e. Hmp.

“Anyways, Cali, this is Conan Silvestre, our cousin. Anak siya ni Tita Cassie.” Pakilala ni Kaiser dun sa lalaki. 

Our cousin... 

Napatitig ako sa kanya tsaka wala sa sariling inabot ko ang aking kamay para makipagkamay sa kanya. Bakit nakaramdam ako ng panghihinayang nang malamang pinsan ko pala siya? 

Ano ba yang iniisip mo, Calista? Magpinsan kayo niyan!

Parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko nang hawakan niya iyon at umawang ang labi ko nang bahagya niyang pisilin ang kamay ko. Bago ko pa magustuhan ang hawak niya sa'kin ay mabilis na niyang binitawan ang kamay ko nang dumating sina Mom. 

~~

I was innocent. He was intimidating. Yet, he was sweet and caring towards me. 

Naupo ako sa pang-isahang sofa tsaka yumukod. Hinilot ko ang aking paa dahil nagsisimula nang sumakit iyon. Siguro ay dahil sa ngalay. 

“Wala ka bang pamalit pangpaa?” 

Bahagya pa akong napaigtad nang bigla nalang siyang magsalita. Napaangat ako ng ulo at halos kapusin ako sa hininga nang sumalubong sa'kin ang napakagwapo niyang mukha. Ang lapit ng mukha niya sa'kin! 

I gulped at bahagyang lumayo. Naiilang ako sa titig niya. 

Lumuhod siya sa harapan ko- yung kaliwang tuhod lang- at di ko inaasahan ang sunod niyang gagawin. Tinabunan niya ng throw pillow ang mga hita ko para siguro hindi ako masilipan. Tinanggal niya ang sandals na suot ko at ipinatong iyon sa center table. Pagkatapos ay marahan niyang minasahe ang mga paa ko. 

Hindi ako makapagreklamo dahil aaminin ko, gusto ko rin itong ginagawa niya. Susulitin ko na hanggat kami lang dalawa ngayon dahil mamaya, hindi kami pwedeng maging ganito kalapit sa isa't isa sa harap ng pamilya at kamag-anak namin. We are cousins kahit baliktarin ko pa ang mundo. 

“A-Aww...” Igik ko nang parang may tumunog na buto sa paa ko.

“Masakit?” Tanong niya at matamang tumingin sa'kin. I just nodded and looked away. Para akong napapaso sa titig niya. “Tss. Bakit ka ba kasi naka-heels? Namumula na tuloy itong mga paa mo.” He's good at speaking Filipino Language.

Nilingon ko siya at nagpapasalamat akong nakatungo na siya at nakapokus ang atensiyon sa mga paa ko. “Ahm, hindi ko kasi alam na sa isang resort gaganapin ang gathering. I thought sa isang resto lang or so and Kaiser didn't inform me about it.” Pagpapaliwanag ko sa kanya. “A-Are you mad?” Mahina kong tanong pero sapat lang para marinig niya.

I don't know why, but I hate the thought of him, being mad at me. 

Hindi siya nagsalita pero narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin. Ilang sandali pa ay tumayo siya at walang paalam na lumabas. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

He's mad. Parang may kumirot bigla sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko dapat 'to maramdaman. He's my cousin, but my heart... it is showing me a wrong emotion. Definitely wrong.

-

“Come here.” Utos niya at sinenyas iyong tabi niya. 

“Bakit?” I asked while walking towards his spot. Naupo ako sa katabing stool. 

Tumayo siya at lumuhod uli sa harapan ko. Tinungo ko siya at nakita kong may isinusuot siya sa'king isang step-in. Parang pamilyar iyon sa'kin.

“K-Kanino galing 'yan?” 

Natapos na niyang isuot sa paa ko kaya tumayo na siya at humarap sa'kin. “Kay Kaiser. Anyways, kailangan na tayo sa ibaba. Nandoon na silang lahat.” 

Bago pa ako makapagtanong muli ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palabas. Kahit naguguluhan ay wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya. Siguro ay si Kaiser nalang ang tatanungin ko kung saan galing itong step-in at kung bakit may dala siya nito. 

-

Napaigtad ako nang maramdamang may malapad na bagay ang lumapat sa likod ko hanggang sa balikat– isang tuwalya! I looked at the man who did it. 

“Hindi ka ba nilalamig?” He sat beside me.

Umiling ako. “Nope.” I said popping the 'p'. “But thanks to this though.” Tukoy ko sa tuwalya. 

Tumango lang siya bago uminom ng beer na hawak niya. Di ko mapigilang mapatingin sa Adams apple niya nang umalon iyon dahil sa paglunok niya. Bakit ang hot niyang tingnan?

May ganito pa palang lalaki 'no? Almost perfect. Hindi lang siya nabiyayaan ng karangyaan sa buhay, pinagpala rin siya pagdating sa mukha at katawan. Pansin ko kasi ang anim niyang pandesal since nakahubad siya at nakaswimming trunks lang. Nagpuputakan din ang mga muscles niya sa katawan. Ang sarap sigurong hawakan noon. Matigas. 

Siguro kung hindi ko lang siya pinsan, baka kanina ko pa siya inakit at hinalay. Haha. Bad, Cali. Bad. Pero seryoso, masarap siguro sa pakiramdam ang maging kasintahan ang isang supladong mabait na tulad niya. Haayst. 

Tumayo na siya kaya nasilayan ko lalo yung katawan niya. Yummy.

“Let's go? Mahamog na rito.” Aya niya at naglahad ng kamay sa‘kin. 

See? Kahit tahimik at masungit siya, mabait at sweet pa rin naman kahit papaano. 

Hindi na ako umangal dahil nilalamig na rin naman ako kaya tinanggap ko iyong kamay niya. Inalalayan niya akong tumayo at halos mangisay ako sa kilig nang hawakan niya ako sa bewang. 

Oh God! This feels good and sweet, but this is wrong. Just so wrong. I hate my feelings.

~~

Weeks passed and he started to show off signs. 

Gumilid kami ni Empress nang may tumabing isang itim na Bugatti Veyron malapit sa kinatatayuan namin. Kumunot ang noo ko nang bumaba ang bintana nito sa passenger seat at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang lumitaw doon ang gwapong mukha ng lalaking isang linggo ko nang hindi nakikita. 

“Oh my gosh! Ang gwapo.” Pasinghap na bulong ni Em sa tabi ko and I just couldn't agree more. Ang gwapo naman talaga niya.

Lumabas siya ng sasakyan at naglakad sa papalapit sa pwesto namin... ko. 

“A-Anong ginagawa mo rito?” Kapos ang hiningang tanong ko dahil ang lapit niya sa'kin. Naaamoy ko tuloy iyong pabango niya na nakakahumaling. 

He's wearing a plain v-neck shirt and ripped jeans tapos naka-converse shoes. Ang gwapo niya pumorma. Ang lakas ng dating. Pinagtitinginan tuloy siya nung mga dumadaang studyante at yung mga naghihintay rin ng mga sundo.

“Kaiser called me to fetch you.” Pati ang hininga niya ang bango. Nagrarambulan na naman tuloy ang mga cells ko. Bwisit.

“Huh? I thought si Manong Lando—”

“Nasiraan daw.”

Manong Lando is our family driver at siya ang alam kong susundo sa'kin ngayon. Tumango na lang ako. Humarap ako kay Em na ngayon ay nakatitig kay Conan. 

I did a fake cough to get her attention. “Ahm, Empress, this is Conan, my cousin. And Conan, this is Empress, my bestfriend.”

“So you are Conan, huh?” Pinanlakihan ko ng mata si Em dahil parang may gusto siyang iparating kay Conan. She should not say something and better stays silent, or else, I'll cut her tongue. “Nice to meet you.” Naglahad siya ng kamay na tinanggap naman ni Conan. 

Kilala ko ang kaibigan kong 'to. Madaldal. Minsan. Kinuwento ko kasi sa kanya 'yong about kay Conan. Wala kasi kaming lihiman sa isa't isa. At ang baliw, kilig na kilig. May pahampas pa nga sa‘kin. Aish.

“Let's go?” Aya ko.

“Sure. Hop in.” Pinagbukasan niya ako ng pintuan sa passenger seat. 

“Pwede ba nating isabay si Em? Wala kasi siyang sundo.” Pakiusap ko sa kanya. 

“Ah, Cali, I think I can't come with you. Nakalimutan kong may pupuntahan pala ako. Sige, una na ako. Bye! Enjoy the ride!”

“Huh? Teka—”

Hindi ko na natuloy iyong sinasabi ko nang nagmamadali siyang umalis habang kumakaway. Saan siya pupunta? Kakasabi lang niya kanina na wala naman siyang gagawin, e. Ang labo kausap. Baliko talaga minsan ang utak no'n.

Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa passenger seat. Mabilis naman siyang umikot at sumakay sa driver seat bago pinaandar ang kotse pagkalagay ng seatbelt.

“Bakit ka nakangiti?” Puna ko sa kanya. He's smiling like an idiot. Pero gwapo pa rin.

“I think I like your bestfriend. She's cool.”

“What?!” I exclaimed. He likes Empress? Bakit nakaramdam ako ng inis sa bagay na iyon? 

Am I jealous?

“Chill, Lo— I mean, Cal. It's not what you think.” Sinulyapan niya ako gamit ang rear view mirror. “I mean, I like her as an acquaintance, not in a romantic way.” Paliwanag siya.

Oh, that. Sabi na, e, advance ako mag-isip. Utak mo kasi, Cali! Pero nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. 

I think, malala na ang tama ko!

Napasimangot ako nang marinig ko pa siyang tumawa ng mahina. He finds my reaction amusing. Sumandal ako at tumingin sa labas ng bintana.

“Thank you.”

“For what?” Ramdam ko ang saglit niyang pagtitig sa'kin dahil sa sinabi ko.

Hindi ko siya nilingon. “For fetching me. Sana hindi ka na nag-abala pa. Ang layo pa nung binyahe mo tuloy.”

Ang layo pa kasi nung binyahe niya para lang masundo ako. Si Kaiser talaga. Dapat nagtext na lang siya na hindi ako masusundo ni Manong Lando para nakapag-commute nalang ako. Ayos lang naman sa'kin 'yon. 

“You are concerned with me now?” He chuckled lightly that made me blushed. Buti na lang talaga at hindi ako nakaharap sa kanya. At pansin kong napapadalas na iyong pagtawa-tawa niya. “Don't worry, no bothers made. I'm actually going in your place because Kaiser and I will talk 'bout some matters.” I nodded my head. May binulong pa siya pero hindi ko masyadong narinig. I just shrugged at that.

~~

We got along. We got intimate. We shared the same feelings... a forbidden connection. And it's a secret.

Nakapameywang ako habang nakaharap sa closet ni Lexus at sinusuyod ang mga suits niya. Ako kasi ang nagpresinta na maghanda ng isusuot niya habang naliligo siya. Pero wala pa rin akong napipili na suit. Ilang minuto pa akong nakatayo sa harap bago magdesisyong kunin ang isang suit na kanina pa pinupukaw ang atensyon ko. Binuksan ko ang drawer sa ibaba at pumili ng necktie na babagay rito.

“What time is your class, Love?” 

Napalingon ako kay Lexus na hindi ko namalayang nakalabas na pala sa banyo at matamang nakatingin sa akin habang nagtutuyo ng buhok. Nakatapis lang siya gamit ang puting tuwalya at aaminin kong napaka-sexy talaga ng lalaking ito. 

Sumandal ako sa closet niya. “Ten sharp.” Sagot ko at ipinakita sa kanya ang hawak ko. “What do you think about this one?” I asked. Itinigil niya ang ginagawa at lumapit sa akin. Nagulat ako ng kunin niya iyon sa kamay ko at inihagis na lang bigla sa kama. “Hey, magugu—”

He pulled me closer and suddenly kissed me. Sa pagkabigla ko ay naitulak ko siya nang hindi naman ganon kalakas. Sapat lang para mapabitaw siya. 

“What?” Magkasalubong ang kilay na tanong niya. Siguro ay naguluhan sa naging tugon ko.

Umatras ako ng ilang hakbang palayo sa kanya. Mukhang nainis naman siya sa ginawa ko kaya napabuntong-hininga na lang ako tsaka lumapit muli sa kanya. Kinuha ko iyong tuwalya na nakasampay sa balikat niya at ako na ang nagpatuloy na magtuyo sa basa niyang buhok. He holds my waist and place his head on my neck.

“Male-late ka sa work mo kaya magbihis ka na. C'mon.” Saad ko. 

Umingos siya. “I'm the boss so I have my own time. They can function without me.” Masungit na balik niya at tumingin sa akin tsaka nag-iwas ng tingin. Tinotopak na naman po siya. Di ko tuloy maiwasang mapangiti. 

I stopped and pinched his nose. “Kaya nga po. You are the boss so you should be a role model to your employees. Paano ka nila susundin kung ikaw mismo ay hindi sumusunod?”

“Love, that's the sense of being the boss. I follow my own will.” 

Geez. What will I do to this handsome man? Inaabot siya ng kamanyakan kaya ganyan siya. Maraming dahilan kapag gusto niya akong angkinin. 

“You are the boss, but I'm your boss, am I right, Love?” Nakangiti kong tanong sa kanya. Sumimangot siya at nag-iwas ng tingin. “So get dress now, because that won't work on me, Lexus.” Tinalikuran ko siya at lumapit sa kama para ayusin iyong suit na hinagis niya kanina. 

Haharap na sana ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. Saglit akong natigilan nang maramdamang parang may tumutusok sa may pwetan ko. I blushed when I realized that he removed the towel covering his length. Now his proudness is poking me.

“L-Love?” Nauutal kong untag. 

Humigpit ang yakap niya sa akin na parang sinasabing hindi ako makakatakas sa kanya ngayon. Then he sniffed my neck kaya napabaling bigla ang ulo ko sa kabila dahilan para mabitawan ko ang suit na hawak ko.

“Just one round, please, Love?” Nahihirapan ngunit nagmamakaawa ang malamig niyang boses. He planted small kisses on my neck.

Kinapitan ko ang mga braso niyang nakapulupot sa beywang ko tsaka humarap sa kanya. Nasalubong ko ang matiim niyang titig. Naiiling kong inilagay ang mga braso ko sa leeg niya. 

“Kanina pa 'yan?” I asked meaningfully. He nodded without breaking his stares. Bumaba ang kaliwa kong kamay at pinasadahan ang dibdib niya pababa sa v-line niya. I stopped when I reached his manhood. I slowly stroke it back and forth, still looking at him. I saw how his eyes blaze with desire. Nang hindi na siya nakapagpigil ay sinakop na niya ang mga labi ko. 

And then I just found myself being invaded by him.

~~

For us, it was perfect. Until that day, we got caught.

“What the hell?! Are you out of your mind? Hindi kita pinalaking ganyan para lang makipagrelasyon sa lalaki at sa pinsan mo pa talaga?! Hibang ka na ba, Calista?!” Galit na sigaw ni Dad habang nakapameywang. Namumula ang mukha niya at halatang nagpipigil lang na saktan ako. Mom is just beside him at pinapakalma ito. I can see disappointment in her eyes. My brother, Kaiser, is calmly sitting on a single couch. No expression. 

While Lexus and his parents are sitting across to me. Kita ko na gusto niyang tumabi sa akin at protektahan ako pero hindi niya magawa. Pinaggigitnaan siya ng parents niya. 

Napatungo ako at napaiyak. I have no one beside me. We got caught. Yes, Lexus is my cousin. I felt guilty knowing that we have an affair and hid it to them when the fact is that we are blood related. But I love him. We love each other. Kaya kahit bawal, kahit mali, sumugal pa rin kami. 

“Dad, I-I'm sorry. Hindi ko po sinasadyang mahulog kay Lexus. I'm sorry! I'm sorry!” Humahagulgol kong hayag.

“Conan!” Rinig kong sigaw ni Tito Zelo.

Sa isang iglap, nasa tabi ko na si Lexus. Mukhang hindi na napigilan pa. “Love, sshh. Don't cry please. I'm here.” He caressed my back.

“What a shameful sight. May nangyari na ba sa inyo?” Nanlamig ako sa boses na iyon ni Tito Zelo. 

“Yes, Dad.” Sagot ni Lexus na para bang wala lang sa kanya.

Mariin akong napapikit nang marinig ang sunod-sunod nilang singhapan at pagmumura.

“You two just disgraced our family.”

--

“After your graduation, ipapadala ka namin sa Lola mo sa Italy. Doon ka na titira at hindi ka pwedeng umuwi hangga't hindi ka natatauhan. Hangga't hindi mo itinitigil ang kahibangan mo. Do you understand, Calista?” Lintanya ni Dad bago ako iwang mag-isa sa kwarto. 

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nag-iba ang pakitungo nila sa akin. They are cold. Very cold. They give me silent treatment. Kinakausap lang nila ako kapag importante ang pag-uusapan. Or about sa studies ko. 

Simula nang malaman nila ang relasyon namin ni Lexus, palagi nang may nakabuntot sa'kin. Pinapabantayan nila ako. Hindi nila hinahayaang magkita kami ni Lexus.

They grounded me. They confiscated my phone, car, and even my ATMs. Hatid-sundo ako. Bahay-school lang ang pwede kong puntahan. 

I felt doomed. Wala akong magawa. 

Nakatulala lang ako ngayon sa kwarto. Ilang araw na lang at graduation day ko na. I don't know what will happen. Hindi ko maramdaman ang excitement na sa wakas, magtatapos na rin ako. 

Gusto kong tawagan si Lexus. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makasama. Pero daig ko pa ang preso sa mansyong ito. 

Hanggang sa dumating ang graduation day ko.. They are complete. Pero hindi ko magawang magdiwang. Siya lang ang wala. Pinagbawalan ba siyang pumunta? Natapos ang seremonyang iyon nang hindi ko manlang siya nakikita. 

I need to see him. I badly needed.

Kaya kinutsaba ko si Em. Nagpaalam akong magce-celebrate kaming dalawa at magpapaalam na rin kahit sa huling pagkakataon. Hindi sila agad nakumbinsi. Kung hindi pa magsalita si Kaiser na sasamahan kami ay hindi sila papayag. 

Sa pamamagitan nila, nagawa kong puntahan si Lexus sa Condo niya. Gusto kong makasama siya kahit ngayong gabi lang. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal niya. 

Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. 

Akala ko wala ng mas sasakit pa sa malamig na pagtrato sa akin ng pamilya ko.

Nagkamali ako. Meron pa pala. 

Umuwi akong durog ang puso. Pero hindi ko ipinakita iyon kay Kaiser.  

At nadagdagan iyon nang marinig ko ang pag-uusap nila Dad. 

Why? How could they break me like this? 

Right there and then, hindi na nila nakita ang presensya ko kinaumagahan.

Without saying goodbye, I left my home.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
modernmariaaa
Hello. I just seen your comment. Sorry for not making a full-English story because I'm not fluent with it. Thanks for understanding!
goodnovel comment avatar
Crystal Paprock
This needs to be translated to English all the way.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status