Share

Chapter 2: Mommy


CALI’S POV

When the banging sound, produced by the gun, filled the whole track, the racers started to drive furiously, with a lightning speed. Kasabay noon ang sigawan ng mga manonood habang winawagayway nila ang maliit na flag na ipinasadya para kapares ng kulay ng mga sasakyan namin. 

Pumapangalawa ako sa number thirty-five. I know who's this asshole driving. He is my mortal enemey in this field, or rather in drag racing. Napailing ako. He must be nuts for joining here. He drives insanely. Kung gusto mong makita si kamatayan, well, siya ang kalabanin mo because he will gladly bring you there. 

Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse. Nilagpasan ko siya na alam kong ikinangitngit niya. I know him very well. Ayaw niya ng nauunahan. He always wants to be number one. 

Natapos ang dalawang lapses nang ako ang nauuna. We only have three lapses in the track to complete the race. And every lapses we have to change tyres in our designated garage. Pero sa may labas lang. Mabilisan. 

I maneuvered my car composely, yet maintaining the maximum speed to lead my way to the finish line. Nasa kalagitnaan ako ng huling ikot nang maramdaman kong may tumatama sa likuran ng kotse ko. Palakas nang palakas. Parang sinasadya. Nang lingunin ko mula sa rear view mirror ay nakita ko ang kotseng may numerong trenta y cinco na nakabuntot sa hulihan. Binubunggo ang bumper ng kotse.

Siya na naman. Ayaw talaga magpatalo ng gago. Pagbigyan natin. Medyo kumaliwa ako ng linya nang paikot na ang daan dahilan para makapantay siya sa'kin. 

Buti na lang at saulado ko na kung paano siya gumalaw. Kaya inasahan ko na ang sunod niyang ginawa. Mas binilisan ko ang pagmamaneho pero dahil paliko ay sabay lang halos ang kotse namin. He bumped his car on mine purposely causing me to lose my lane. I heard the crashing sound. Gumewang ang kotse ko at napadpad sa ground na nasa gitna ng race track. Mabilis kong tinapakan ang preno. Kita ko ang pag-usok nang sasakyan ko sa unahan nang maihinto ko ito. 

“Fuck! Are you okay there?! Say something! Do you need the medic team? Calista!” Sumakit ang tainga ko sa sunod-sunod na pagmumura ni David mula sa suot kong earpiece. 

“He just fucking hit my baby.” I grimaced instead of answering his rants. Tinanggal ko ang suot kong helmet at iniwan ang earpiece na nasa tainga ko. Muli kong ibinalik ang kotse sa linya ng track.

“Damn. I pity that asshole.” Labas sa ilong niyang sambit at alam kong napapailing pa siya. 

I snorted. “You should be because I'm a damn pilot.“ Makahulugan kong turan. “Hold your breath, and ready to mourn your dream, motherfucker.” Tukoy ko sa kalaban at pinaharurot ng andar ang kotse.

Mautak siyang kalaban. Magaling manggitgit. Pero anong silbi no'n kung mabangis ako? Sa tatlong taon kong pangangarera, wala pang nakakatalo sa'kin. No one. And never. 

At hindi ang isang tulad niya ang makakatalo sa katulad kong demonyo.

Lahat nang sasakyang humaharang ay binabangga ko para sila ang magbungguan. They should be honored dahil ang paborito ko lang naman na sasakyan ang dumadampi sa sasakyan nila. My baby is so precious. Kaya magbabayad ang Rios na iyon sa pagsira sa kotse ko. 

Medyo malayo pa ang finish line. I still can catch up with that asshole. He drives like a lightning, yeah, but I'm the lightning itself. Tinabihan ko ang kotse niya mula sa kanan. Napataas ang sulok ng labi ko. 

Nang paliko na kami ay kinabig ko ang sasakyan ko pakaliwa upang sadyaing mabunggo siya katulad ng ginawa niya kanina sa'kin pero siniguro kong magmumukhang naggitgitan lang kami pauna. I smirked nang mawala siya sa linya at mapunta sa ground. I can imagine his frustated face right now as I lead my way to finish line. 

Sorry not sorry, jerk, but the victory is mine. Alone.

David shook his head as I get off in the car. “You are really undefeatable, Cali, or should I say, Sabiah Raines?” I can see the mischievous smirk he's sporting right now as he mentioned my second name.

I just shrugged my shoulders.

--

“Are you okay?” 

Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayuko nang marinig ko ang malamig niyang boses na may halong pag-aalala. Our gaze met, but I looked away, not because I was intimidated. I jusy don't want him to see the emotions my eyes were showing. Hindi ko siya naramdamang pumasok sa loob. Napailing ako. I'm really not in my senses right now to not feel his presence ahead of time.

I sighed heavily as I roam my eyes outside through the glass window. Nandito ako sa private office niya sa headquarters, nagpapalipas ng oras. “Kaiser just called me.” 

“How did he know your number?” 

“Empress surrendered.” Naiiling kong sagot at mahinang napatawa nang sumagi na naman sa isipan ko ang hitsura niya. She was very sorry for giving my number to Kaiser na mahigpit kong ipinagbawal sa kanya. Pero nang pumunta siya sa botique ko kanina ay daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa. By that, I know something happened. 

“She can't really resist your brother.” May bahid ng pagkamangha ang boses niya kahit alam kong walang emosyon ang mukha niya. 

“I know that from the very start.” I heaved a deep sigh again. Ramdam ko ang kagustuhan niyang malaman ang sinabi ni Kaiser pero nanatili akong tikom ang bibig. 

Nang lumipas ang ilang segundo at naramdaman niya na wala akong balak magkwento ay nagsalita siya.

“Well,” He trailed of. “It's good that you are here anyway. We have an urgent meeting—”

“I won't come. Just go.” I shooed him away.

“You do realized that this is my office and I'm your—”

“You are too loud for a man.” Basag ko sa sinasabi niyang pagmamalaki sa sarili. That's my last words to shut him up, and of course, to annoy him. 

He just tsked and walks out. Lihim akong napangisi. I imagined him glaring at me and murdering me in his mind. He can't resist me anyway.

Nang mapag-isa ay wala sa sariling napatitig ako sa kawalan. Muling pumasok sa isipan ko ang nangyaring usapan namin ni Kaiser.

“Hello?” Sagot ko sa unknown number.

I heard a gasp. “Calista! What the hell? Where the hell are you?! You've been missing for almost five years! Why the hell did you leave our home?!” Napakurap-kurap ako nang marinig ang sunod-sunod na pagmumura sa kabilang linya. I stilled. Ilang segundo ang lumipas bago nag-sink in sa'kin kung sino ang tumawag. 

Kaiser...

“Hello? Are you still there Cali? Tell me where you are and I will come to you. Ayos ka lang ba? Kumakain ka ba ng tama? Natutulog sa tamang oras? Please... tell me what happened to you. I'm losing my mind thinking of reasons why would you left us... without even saying goodbye.” I sense the desperation, longing, tiredness in his cold voice. Parang may pumiga sa puso ko. Mariin akong pumikit at pinigil ang sariling maluha. 

I cleared the lump on my throat. “Where did you get my number?” Tanong ko kahit na may hinala na ako kung kanino nanggaling iyon. 

“I've been looking for you, tracing where could you be for these four years and more the same time courting your bestfriend, Beatrize, to tell your whereabouts. Tiwala ako sa sarili kong alam niya kung nasaan ka. I know, too, that she likes me, at least, and I used that chance to ask her again and again. I'm sorry, but I'm so desperate to find you. Nahirapan ako. Kasi alam kong pinagbawalan mo siyang sabihin ang lahat. Pero hindi ako tumigil. I pleaded. I told her I will do everything she wants just to tell me where you are. But she just gave me your number before your leaving me rattled. She's still loyal and obedient to you.” 

Napakagat ako sa ibabang labi ko. I know. “I see.”

“Umuwi ka na, please, Cali. I missed my baby sister.” 

Lihim akong napangiti sa sinabi niya. I missed you too, Kuya, but... 

“I won't go home... yet.”

“Why? Just tell me your reasons at least, please? I'm begging.” 

“Just.” Tipid kong sagot na ininda ang pagmamakaawa sa boses niya.

Napabuntong-hininga siya at alam kong lumaglag ang mga balikat niya sa sinagot ko. “Okay. If you're not ready to tell me, I will wait. But can I at least call you, often, if not a hassle for you?” 

I massaged my temple, controlling my emotions. “Okay.” 

“T-Thank you, baby sis. Please keep safe for me. I love you.” Aniya at ibinaba ang tawag. Parang may kumurot sa puso ko. Hearing his sad voice makes me cry. But I can't do anything about. 

I'm sorry but this is not the right time. I'm not yet ready. I'm not yet fully healed. And there are things that I have to find out, to clear everything... and to be able to move forward. 

--

Nagsusuot ako ng maong na jacket habang nagmamadaling bumaba sa hagdan. I looked at my wristwatch. I only have thirty minutes left.

“Are you leaving again, Nana?” 

I halted from my steps when I saw him sitting on the couch while looking at me, eyeing my get up. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Magkasalubong ang mga kilay at magkalapat ang mga labi. Pero may bakas ng lungkot sa kanyang kalmadong boses. 

Dumiretso ako sa pwesto niya at naupo sa tabi niya. I hold his hands and stared at his sea green eyes. Walang emosyon ito. Parang hinihigop ang buo kong pagkatao at ikinukulong ako. Nawawala ako sa katinuan tuwing tinititigan siya. Napakakalmado ngunit mapanganib. Delikado. Malalim pero napakagandang pagmasdan. 

Manang-mana sa ama niya. 

I shook away my thoughts. Palagi kong naaalala ang lalaking iyon sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya. Napakaswerte ng babaeng pinakamamahal niya.

Bumuntong-hininga ako. “You know that Nana have to do this, right? I can't just sit and relax and do nothing wherein there are many individuals out there whose relying on me, needing help.” I combed his hair gently. He is aware of my job, but not exactly. He just know that I help people in need, but not to the extent of killing. “And you know that I'm still hunting the person behind your Mommy's death, right?” 

Tumango siya. Kita ko ang pagbalatay ng pangungulila sa mga mata niya. “I wanna see Mommy, Nana.” Nabasag ang boses niya at tahimik na napahikbi. Kinabig ko siya at mahigpit na niyakap. My poor baby. Bilang lang sa mga daliri sa kamay ang makita ko siyang umiyak. He's a strong kid. But when it comes to his Mommy, he will always broke down like this. 

I caress his hair. “Sooner enough, I'll seek justice and give us our family the peace we want. Just let Nana do her things for now, okay?” 

“Okay.” Huminto na siya sa pag-iyak.

I smiled. “Where is your twin, anyways?”

“He went out with Daddy Lolo.”

“Then why didn't you join them?”

Nilingon niya ako at napatitig sa'kin. He then suddenly cupped my face. “I want to be with you.” 

“Oh...” I was surprised, napakurap-kurap habang nakamaang sa kanya, but then I chuckled after. May kung anong bagay ang humaplos sa puso ko. Masarap sa pakiramdam. “How about we bargain? Let me finish my business for today and we'll go visit your Mommy.”

Tumango siya. “I want that.”

“Is that a deal, old man?”

“Deal, Nana.” Mabilis niyang sagot at may kung anong kislap ng saya sa mga mata niya.

“Good. I'll go now, then.” I kissed his head and off to go. Sa agency ni David ako pumunta. 

Dire-diretso akong pumasok. I don't care kung pagtinginan nila ako. I'm used to this. Nothing is new, eventually. Pero agad akong napahinto pagkabukas ko ng pintuan ng headquarter nang makitang halos mapuno ang loob ng mga nakaitim at puting tauhan ni David. Iginala ko ang paningin ko. Anong meron?

Tumigil sila sa pagdidiskusyon nang makita ako. Now, this is awkward. Bumaling na lang ako kay David.

“You have operation?” Tanong ko habang naglalakad sa may pwesto niya. Naupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. 

Isang mahabang pa-oblong na mesa ang naroon na may espasyo sa gitna nito. Mahigit benteng katao ang kayang okupahin ng mesa. Sa magkabilang gilid ng mesa ay may mga upuan para sa mga low-profiled agents niya. 

“Yeah.”

At the age of twenty-six, who would have thought na pinamumunuan niya ang ganito kalaking ahensya? His father retired from the position here in CIA at ipinasa sa kanya ang tungkulin. Tatlong taon na siyang Head Director. At hindi lang basta siya umuupo at nag-uutos, he join in the field too. Well, he is the best agent in this field. Just like his father.

“Wanna join?” 

Umiling ako bilang pagtanggi. “Nah-uh. I know you can do it without my help. More importantly, I have an unfinish business to deal with. And I promised the old man that we'll visit his Mommy after.” 

“If that is so.” 

“I'll be leaving then. Continue with your work.” Sabay kaming tumayo. 

He kissed my head. “Alright. Keep safe. No wounds, Calista, please.”

“You too, then.” I smirked and pat his back before leaving the headquarter. 

I grabbed a taxi since hindi ko ginamit ang kotse o motor ko, at nagpababa ilang kanto ang layo mula sa ahensya. Pumasok ako sa isang eskinita na medyo matao hanggang sa marating ko ang isang abandonadong bahay. It's not actually an abandoned house. Dahil sigurado ako na may mga tao sa loob. They just made this house a fucking drug den. Aakalain mo lang na abandonado siya dahil mula rito sa labas ay makikita mong hindi na ganon kaayos ang mga bintana at pinto. Makapal na rin ang alikabok na tumatabon dito. May mga nagkalat na sapot sa paligid nito. 

Napabuga ako ng hangin at tinahak ang daan pakanan kung saan mas madali akong makakarating sa likuran ng bahay. Napalingon ako sa paligid para siguruhing walang bantay bago ako sumilip sa loob ng bintana. At mula rito ay kita ko kung paano sila magkasiyahan sa loob. Some are repacking drugs, others are drinking alcohols while smoking. And of course, their boss, is gambling with his business partners.

I shook my head in disbelief. Nag-iinit ang bungo ko habang nakikita siyang nagsasaya. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan sila ng picture. 

“Sulitin muna ang nalalabi mong mga araw dahil sa empyerno, hindi ka na sisikatan ng araw.” Napakuyom ang kamao ko at mabilis na umalis sa lugar bago pa mandilim ang paningin ko at sugurin siya sa loob at barilin ang ulo niya. 

Isa lang siya sa mga pumatay at bumaboy kay Mommy. Hinding-hindi ko sila mapapatawad.

“Anak, ang laki-laki mo na.” Isang nasa middle-age na babae ang yumakap sa'kin habang naluluha. Nandito ako sa park, mag-isa, dala ang mga gamit ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina kaya lumayas ako. They betrayed me. 

Naestatwa ako sa kinauupuan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. 

“S-Sino ka p-po?” Iyon ang tanong na lumabas mula sa bibig ko. 

Humarap siya sa'kin at ngumiti. “I'm Sahara Cassidy Raines, your biological mother.” She then cupped my face.

Umawang ang mga labi ko nang natitigan ko ang mukha niya. My heart aches again. We looked alike much. What the hell?

“Bakit ngayon lang kayo?” 

“Y-You know?” Nagugulat niyang tanong. Siguro ay dahil na rin sa hindi ako nabigla nang sabihin niyang siya ang tunay kong ina.

Umiling ako, naiiyak. “I heard them talking. They lied to me. Anak ako ni Dad sa labas—”

“Anak ka ni Isaac sa'kin.” Pagputol niya.

“How did that happen? Bakit si Mommy ang asawa ni Daddy? Why did you left me?”

Muli niya akong niyakap. “Sshh. I will tell you everything, sweetie. Come with me... with us.” 

Walang pag-aalinlangan akong tumango, hindi iniisip ang maiiwan. I'm sorry, but I have to find myself. Kailangan kong buuhin ang sarili ko sa lahat ng mga kasinungalingang pinaniwalaan ko. 

Kailangan kong hanapin kung sino ba talaga ako. Ang katotohanan...

“Nana?” Two little hands cupped my face, bringing back me to reality. Napatitig ako kay Lexu. “Why are you crying?” Kunot-noo niyang tanong.

Napakurap-kurap ako at mabilis na pinahid ang mga luha sa pisngi ko na hindi ko namalayang tumulo na pala. 

I shook my head. “I just missed your Mommy too.” Nginitian ko siya at sinuklay-suklay ang buhok.

“Don't cry anymore. I'm just here, Mommy.” He then sittted on my lap as we stared at my Mom's grave.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status