Share

Chapter 3: Lucky

CALI’S POV

“Are you ready, ladies?”

An astonishing man came in from the door of the room where we are in. He's wearing a black suit, defining his well-toned body, how gorgeous yet dangerous he was. The impish smirk on his stern face can decisively make anyone wobble. 

He went in, leaned back on the side of the door and watched us, preparing ourselves. 

“Of course, Boss, I am pretty ready.” Sagot ni Savannah na nakaharap sa human-sized mirror at katatapos lang na mag-make up sa sarili. May malawak na ngisi sa kanyang mukha nang humarap siya kay David. 

She's wearing a blue long neck gown with a slit on her right leg. It is paired with a platform pumps kaya mas lalo siyang tumaas. Her hair was tied up into a messy bun. She looks like a freaking model. 

Savannah Cortez, 23 years old, one of the high-profiled agents of CIA. Agent Light is her codename in the field.

“Hell yeah! I'm fucking ready too!” Empress giggled on the side. She's sitting on the couch while her legs were crossed so as her arms. 

She's wearing a black backless gown that exposes her bare back. Kita rin sa suot ang pusod niya na mas lalong nakadagdag sa appeal niya. She's wearing an oxford heels. Her hair was tied into a high ponytail. Like Savi, she looks like a model too. 

Empress Beatrize Reyes, 23 years old. My bestfriend since high school. A secret agent. Agent Black is her codename. Hindi ko alam kung bakit siya pumayag na sumali sa ganito. Paniguradong magwawala si Kaiser kapag nalaman ito. Tss. 

Then the man stared at me, followed by the two, waiting for my response. I just gave them my famous blank expression before getting the mask on the center table then wear it to cover half of my face. 

Saglit akong napatitig sa repleksyon ko sa human body-sized mirror. I'm wearing an Iman Burgundy dress with a slit on my left leg. I paired it with a bondage boots. Maayos lang na nakalugay ang aking buhok. 

Kung itataas pa ang slit ng suot ko ay makikita ang nakatagong holster na may isang 32 ACP pocket semi-automatic handgun. At sa loob ng suot kong bondage boots sa kanan ay may naka-strap na dalawang pen clip knife sa may itaas lang ng ankle ko.

“Let's get this over.” Ani ko tsaka naunang lumabas sa suite. 

We are going to an auction party. Hindi siya karaniwang auction party na kung saan mga sentimental and valuable possessions or items ang pag-aagawan. This one is illegal. Dahil mga babae ang ibebenta nila sa mga mayamang matatanda na hayok ang mga laman. 

Hindi kami nahirapang makapasok sa venue dahil may mga VIP cards sina David at ang iba pang lalaking agents na kasama namin. Tatlo lang kaming babae at kabilang kami sa mga io-auction mamaya. 

That was our plan. 

David will join the bidding. While his men will be dispersed around, monitoring and hacking the control system, checking the perimeter, and guarding everyone involved-making sure no one can and will escape. Nakaabang din ang backup team ni David para lumusob kapag oras na. 

This is a covert mission so we have to be very careful. Isang pagkakamali, matunugan lang nila kami, pihadong palpak at dadanak ng dugo rito. At iyon ang iniiwasan namin, hangga't maaari, hangga't kayang pigilang kumalabit ng gatilyo.

Nandito na kaming tatlo sa likod ng entablado, kung saan mamaya, isa-isa kaming rarampa sa harapan ng mga negosyanteng iyon. I roamed my eyes around. At umusbong lang lalo ang galit ko. May napansin akong isang babae. She's maybe around sixteen only. Nakaupo lang siya sa may sulok, tahimik, at parang takot na takot. Seeing these women, trembling in fear, can't do anything, made my heart flinched. 

How could they do this thing to them? Napakawalang puso nila. Alam ko, marami sa kanila ang hangad lang ay trabaho at kumita ng pera para sa pamilya, pero ang mga hayop na pasimuno ng iligal na bentahan na ito, sinamantala ang pangangailangan ng mga babaeng ito.

“Position everyone.” Hudyat ni David sa suot naming wireless earpiece kaya nawala ang attention ko ro'n sa babae. 

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na tumango. 

“On standby.” I reported normally para hindi mapansin ng mga babaeng kasama namin dito. 

May isang staff na lumapit sa amin at pinapila kami. Pangalawa si Em sa pila at si Savi ay pang-pito. Ako ang pinakahuli at saktong nasa unahan ko lang iyong babae na siyang pinakabata sa'min dito. 

Napabuntong-hininga ako nang magsimulang magsalita ang host ng party. May pinakilala pa siyang mga bigating negosyante na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Pero naagaw niya ang atensyon ko nang sabihin niyang may pasabog na intermission muna bago magsimula ang bidding kasabay nang paglabas ng mga babaeng halos wala ng suot mula sa kakabukas lang na pinto dito sa backstage. 

What the fuck? I blinked enumerable times.

This is too much. Mga naka-bikini straps lang sila. Tapos sasayaw pa? Will they strip? 

Damn it. 

Kailangan talagang maging matagumpay ang operation na 'to. These women really need help. Paano nila nasisikmura ang mga bagay na 'to? 

Sumandal na lang ako sa gilid tsaka pumikit. Hindi ko man kita ang pagsasayaw sa entablado, dahil may nakatakip na kurtina rito para surprise ang pagpasok namin, ay alam ko naman kung ano ang nangyayari. Those bastards are groaning in lust. I can hear them clearly. Daig pa nila ang gutom na hayop, naglalaway, nauulol. 

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naghihintay habang papalapit na sa'kin ang pagtawag. Wala na sina Em at Savi. Malamang ay dinala na sila sa kani-kanilang kwarto ng kung sinoman ang nakabili sa kanila. 

“Updates.” I commanded, salubong na ang mga kilay. 

“Front guards all down.” Agent Dark reported who's monitoring the control system. 

Tumango ako at naghintay pa ng kanilang updates.

“Someone is impatient.” Pang-aasar ni Em at alam kong nakangisi siya. 

I hissed at her. “Enjoy your dinner, Agent Black. You too, Agent Light.”

Parehas silang napaubo. “This old fodgey sucks.” Reklamo ni Savi, nasusuka, na ikinailing ko. 

Lumapit 'yong organizer sa'min at hinila iyong batang babae papunta sa may hagdan kung saan aakyat papunta ng stage. The girl is trembling at nag-umpisa na itong umiyak sa takot. Damn this. Awtomatikong kumilos ako at pinigilan sila. 

“What are you doing?” Tanong ng organizer. 

“I should ask that. What are you doing?” Balik-tanong ko at hindi na nagdalawang isip na patulugin siya. 

“Goldeneye, what are you doing? That's not included in the plan!” Gunner exclaimed at the line. Malamang ay nakita niya kung ano ang ginawa ko.

“What's happening?”

“Report. ASAP.”

“Goldeneye knocked the organizer down. She will ruin the plan, Boss.”

Hindi ko muna sila pinakinggan at binalingan ang bata. “Are you okay?” 

“T-Thank you.” 

“Cali? What are you planning?” Boses na ni David ang narinig ko, malamig, strikto. 

I sighed and speak on the mini microphone. “Fetch the girl here. And standby. It's my turn now. No need to worry, I will never ruin the plan.”

Hindi ko na sila hinayaang magsalita at agad na tinanggal ang earpiece na nasa kanang tainga ko. 

“Let's welcome our second to the last item!”

Bumukas ang kurtina, hudyat ng pag-akyat ko. Nilapitan ako ng host. “Oh, she's wearing a mask. Can you introduce yourself, Miss?” 

“I'm Red Lady. And I'm the last, Miss.” Malamig kong turan at naglakad sa unahan, nang-aakit. 

“Such a fierce lady. I think you'll cost a million for first bidder.” Lintanya niya na hindi ko pinansin. 

I roamed my eyes, may hinahanap. 

Yes, kanina pa ako naiinip kakahintay na ako naman ang i-bid. Dahil nasa loob ng venue na 'to, humahalo sa mga bidders, ang isa sa mga pumatay sa ina ko. 

Nagsimula silang mag-ingay nang bumaba ako mula sa runway. Wala ito sa plano. I just caught someone staring at me, full of lust, salivating. Gumiling ako sa harapan niya. Pinaglakbay ko ang daliri ko sa dibdib niya at kita ko kung paano siya lumunok at pagwisan. I saw how his eyes glisten in desire, controlling his self from touching me.

Ganyan nga. Lust me over. Ikaw ang kailangan ko ngayong gabi. You should be the one to buy me. 

Nang hindi na siya makapagpigil ay agad niya akong sinunggaban, but my reflexes are fast at agad na nakaiwas sa kanya. 

“Not so fast, loverboy.” Malambing kong tuya and I wanna puke right now. Where the hell did I get that? Shit. 

I just mentally smirked when I saw him being disappointed. Tumalikod ako at muling bumalik sa entablado. 

“Alright. I can feel the atmosphere being hotter. All of you must got hot because of her unexpected show. So let's start the bidding to one million! Anyone?” 

A chinese old man stood up, raising his number. “Can she take her mask off? I'll bid five million.” 

“Whoah! You heard that? You cost too expensive. Five million from number 3.” Nasisiyahang sambit ng host. Eh kung sapakin kaya kita ngayon nang makita mo 'yang sinasabi mo? 

“I'm not taking this off. Higher.” Matamis akong ngumiti sa kanilang lahat. 

“You heard her? Higher bid for seeing her face!”

At nagkanya-kanya sila ng presyo. Hanggang sa umabot ng fifty million. Really? I'm that expensive? Or they are just too eager to claim me? Tss.

“One hundred million.” A bidder in the middle stood up and raise his number. 

Napataas ang sulok ng labi ko. Finally. Kumagat ka rin sa bitag.

“One hundred million from number 15. Going once? Going twice?” Wala ng nagbalak na tumaas pa. “Last item sold for one hundred million!” Anunsyo ng host at rinig ko ang panghihinayang ng iba. “You can now have this lady, Mr. Stanley.”

Ngiting tagumpay ang iginawad niya sa'kin habang iginagaya sa isang suite. Let's see kung makangiti ka pa mamaya kapag nakita mo ang mukha ko. 

Malamig na silid ang sumalubong sa'min. I scanned the room. There's a sliding door going to the balcony. A great way to escape. What a lucky night for me. 

“Darling, you can strip now.” Humarap sa'kin si Mr. Stanley na may manyak na ngisi sa mga labi. He is starting to remove his suit. I cursed him at my mind. 

I'm not a fucking stripper. But surely, I am a killer.

I smiled at him sweetly. “Can I use the bathroom first? I will just clean my body.” 

Tumango siya. He is now half naked. Damn. “Sure, Darling. Make it fast so we can enjoy the hot night.” Hindi na ako nagsalita pa. I winked at him playfully before entering the bathroom. Sinigurado kong naka-lock ang pinto. Humarap ako sa salamin at muling ibinalik sa tainga ko ang earpiece na inilagay ko kanina sa may dibdib ko. 

“Goldeneye, speaking. What's the situation outside?”

“All guards, down.” Gunner reported.

“This old fodgey is, well, ahm, knocked out?” Narinig ko ang pag-ngiwi ni Savi.

“My buyer is already tied, blind folded.” Si Em na tumatawa-tawa pa. 

“All women are safe.” Boses iyon ni David.

I smiled at that, relieved. “Good to hear that. But, can anyone deal with the men outside the room 13?”

“I'll take them down.” Ani David at biglang nawala sa kabilang linya. 

Saktong kumatok si Mr. Stanley sa may pinto. “Darling, why are you taking so long?” Napairap ako. Long? Wala pa ngang limang minuto akong nakikipag-usap. Tss.

“Stay on the bed, I'm coming out.” Saad ko at mabilis na nag-ayos. 

Isang sulyap muli ang iginawad ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng banyo. 

“Why are you still wearing those, darling?” Pagtukoy niya sa damit at mask ko, halatang dismayado. I mentally snorted. 

“Too excited, are we?” Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa paanan ng kama. He is lying on the bed, almost naked. Tanging boxer na lang ang suot niya. Gusto kong masuka. This shitty man. Wala pa rin siyang pinagbago. Hayok pa rin ang laman niya. Tss.

Tumango siya, parang nauulol. “You are too sexy, darling. My money won't be a waste. I can't wait to have you.”

Marahan kong itinaas ang kaliwang paa ko at ipinatong sa kama, making the slit of my dress moved higher, exposing the holster with a handgun. “And I can't wait to have you too, head blown.” Ani ko at mala-demonyong ngumisi. 

He was stunned for a minute, but when he realized what just he saw, he cussed and moves backward 'til he reached the end of the mattress. 

“Don't come near me! Guards, help! Help me here!” He panicked.

Kinuha ko ang handgun sa holster at dinala sa mga labi ko. “Sshhh. No one will hear you. It was just the two of us, here.” 

His hand moved to get something, I know it's gun, inside the drawer just near the bed. So my hand automatically moved and shoot his arm. “Argh! Fuck! W-Who are you?! What do you want?!” He shrieked, gripping his other arm to stop from bleeding. 

I smiled coldly, untying my mask. When it fell down, I stared at him, emotionless. “Don't you recognize this face?” Tiim-bagang kong tanong. 

Kita kong naguguluhan siya, nalilito, pero kalaunan ay nanlaki ang mga mata niya, sa gulat at takot. Para siyang aso, ulol at naglalaway na parang handang-handa nang manlapa, pero ngayon ay bahag na ang buntot niya. 

“Y-You are that girl... you are still a-alive!?”

“The one and only.” 

So inakala nilang napatay nila ako? Lihim akong napatawa. They are fools for not assuring I was dead. 

I started crawling on the bed, slowly approaching him. 

Nagkukumahog siyang gumalaw kahit may iniindang sakit, pinipilit na umatras sa aking paglapit.

“N-No! Stop nearing me!”

I stopped on the middle of the bed, just on his front. Inilabas ko ang dalawang pen clip knife na nasa right ankle ko. 

“Do you still remember that cold night, when you all gangbanged my mother? Do you still remember her pain, how she pleaded to all of you to stop? Do you still remember what damage have you made to her? And do you still remember how merciless you murdered her?” I threw one pen clip at him, aiming just an inch of his neck. 

He shouted and cries, horrified, pleading me to stop. Looking at him, trembling, just made my heart aches. Not because I'm guilty and sorry, but because of the fact that, even if I kill him right now, my mother won't come to life again. I clenched my free hand at mabilis na umalis sa kama. 

It shouldn't be done like this. I shouldn't seek justice through killing. I shouldn't solve a murder by a murder. 

My mother won't be happy if she sees this, if she sees what her daughter is doing. 

But they deserve this. My mother suffered so much in their hands. I did see it. I did witness it. And that's the most painful and horrible scene I had seen. That night, I was so useless. I can't even do anything to help her. And now that I'm capable of avenging her death, I won't let this chance slip in my hands. 

“You are just like your mother, weak. I admit, your mother taste good. But you should have killed me now. So say good bye now and I will let you see your mother again.” Nang harapin ko siya ay nakatayo na siya sa gilid ng kama, malawak ang ngisi habang hawak ang baril na kinuha niya sa drawer, bahagyang nakatutok sa'kin, nanginginig pa. Tumutulo pa rin ang dugo sa kaliwang braso niya. 

Tinitigan ko lang siya, hoping he will change his mind from doing this shit. But when he pulled the trigger, shooting me, which was failed attempt, my hand automatically moved and shoot him at his right leg dahilan para mapaupo at mapasandal sa gilid ng kama.

“Aaargghh! F-Fuck you to death, bitch!” Nabitawan niya ang baril as he groaned in pain.

Hindi ko iyon pinansin. I watched him blankly. “I'm giving you an option. Be a witness, you'll be jailed. Or pull that trigger again and you'll rot in hell.” 

Hindi pa siya nakakasagot nang padarag na bumukas ang pintuan. Napalingon ako ro'n at bumungad sa'kin si David, medyo naghahabol ng hininga. 

“Calista. Don't kill him.” He looked at me, his eyes were pleading. 

I held the gun tightly. “Why shouldn't I? He murdered our mother.” Malamig kong turan.

Umiling ito at naglakad palapit sa pwesto ko. “I knew that. But killing him now would be an easy wrath-” I heard a click sound and when I faced the old fodgey, his now pointing his gun at David. My face darkened and without even blinking, I pulled the trigger first before he could shoot David, right at his forehead. 

Suminghap si David sa gilid ko. 

No matter how we consider things with others, if their souls are burning, they will cause a bigger damage. So to stop that, we should blow them away, before they burst in flame. 

“He is lucky. I just only shoot his head.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status