Share

Kabanata III

Kabanata III

"ANIELA!" tawag ni Madison sa akin nang papalabas na ako ng unibersidad noong hapon na iyon.

Habol pa niya ang hininga nang tumigil siya sa harap ko. Nang biglang mamaywang at nagtaas siya ng isang kilay nang mapasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.

"Ano ba 'yang suot mo?" salubong ang kilay na tanong niya.

"What?" nagtatakang tanong ko. I'm wearing a loose peach shirt at hapit na blue jeans. Wala naman akong makitang mali sa suot ko ng araw na iyon.

She rolled her eyes. Sunod-sunod ang pag-iling niya na labis kong pinagtakahan. "May part-time job ka ba ngayon?" kalauna'y tanong niya.

"Same as ever."

"Good, sa akin ka lang magpart-time ngayong gabi kailangang-kailangan ko kasi ng driver." Ngumiti siya ng nakaloloko sa akin. "I told my dad that you will be coming with me kaya pinayagan niya ako."

Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon. Matagal ko ng kilala si Madison kapag tungkol sa mga lakad niyang mangangailangan siya ng kasama, ako ang palaging palusot niya sa ama.

Kumindat pa siya nang iabot sa akin ang susi ng kotse niya. Tinanggap ko naman iyon.

"Date?" usisa ko.

Tumango-tango siya. "Yes, nakilala ko siya sa hilig kong tambayang bar sa Pasay. Nag-text siya sa 'kin kanina na gusto niyang makipagkita."

"Paano si Marco?" Ang huling natatandaan kong nobyo niyang ipinakilala. Kasama niya rin ako noong makipagkita siya ng palihim kay Marco.

"Sino'ng Marco?" kunot-noo niyang tanong.

"Si Marco, boyfriend mo."

"Ano ka ba, last month pa kami nag-break. Nakatatlo na akong jowa pagkatapos naming maghiwalay, huli ka na sa balita."

Hindi na ako nagulat nang marinig iyon. Hindi na kasi iyon bago sa akin, Madison is the type of person who never bother herself thinking of those things. Basta masaya siya, wala ng pakialam ang mundo.

Naglakad na kami patungo sa parking lot nang pasadahan niyang muli ng tingin ang kabuuan ko.

"By the way, you will be needing a dress for tonight," biglang wika niya.

"Sasamahan ba kita hanggang sa loob?" takang tanong ko.

"Of course, sagot ko ang lahat ng magagastos. Kainin mo ang lahat ng gusto mo habang hinihintay mo kami. Ang alam ko kasi may kuwarto sa taas ng club na pupuntahan natin. Ayoko naman pumuti ang mata mo kahihintay sa loob ng sasakyan," aniya.

Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko. "I like that."

Si Madison ang tipo ng babae na sinusulit ang bawat kalayaang mayroon siya. Sa totoo lang naiinggit ako sa kaniya. She's carefree and fearless. Ang mga katangiang hindi ko taglay.

I can't be those. Para makuha ang puso ng lalaking gusto ko kailangang maialis ko muna ang harang na naghihiwalay sa aming dalawa. Kapag nagawa ko iyon, wala ng ibang maaaring pumigil ng tunay na relasyong hangad ko.

***

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata. Agad na gumuhit sa mga labi ko ang isang mapaglarong ngiti. Bumungad kasi sa akin ang mukha ni Samuel habang mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Tumatagos ang sikat ng araw mula sa siwang ng blindfolds ng sliding door ng kuwarto. Nakatulong ang kakaunting liwanag upang mapagmasdan ko ng malinaw ang napakaamong mukha ng pinapangarap kong lalaki simula pa nang mapunta ako sa poder niya.

Marahan kong hinawakan ang baba niya. Saka ko napansin na may mga tumutubo ng bigote roon.

I giggled. Iginaya ko ang isang daliri mula sa noo hanggang sa tungki ng ilong niya. Hindi na ako nakatiis, marahang pinisil ko iyon kitang-kita ko ang pagngiwi niya habang pikit ang mga mata. Tila ba sa bawat mumunting reaksyon niya ay nagagawa niyon alisin ang ano mang alalahanin sa puso ko.

Hindi ako nakontento nang lakbayin ng daliri ko ang magkalapat na mga labi niya. Inilapit ko ang sarili sa kaniya hanggang ang iisang hangin na lamang ang aming hinihinga. He smells very manly. Naaamoy ko pa sa kaniya ang shampoo na ginamit niya kagabi maging ang parehong brand ng toothpaste na gamit namin.

Hindi na ako nakatiis at hinalikan ko siya. Naramdaman kong gumanti siya. Impit na napangiti tuloy ako habang inaangkla ko ang braso sa leeg niya, sinusundan ang bawat labi ng inaabot ang tamis ng loob ng bibig. Ang mainit niyang dila na naglalakbay sa loob niyon. Napaungol ako nang kagatin niya ang ibabang labi ko.

Nang magdilat ako bumungad agad sa akin ang mga mata niyang ako lamang makikitang repleksyon mula roon. "Can we go further?" I pleaded.

"What?" gulat na tanong niya.

Doon ako nagising ng tuluyan sa pagpapantasya ko nang mapagtanto na wala ako sa kuwarto ni Samuel. Wala rin ako sa bahay, at hindi rin ang lalaking gusto kong umangkin ng lahat ang nasa harap ko.

Malutong na napamura ako. Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha. Frustrated na malalim na bumuntong-hininga ako. Bumangon ako sa kama at nagmamadaling dinampot ang mga nagkalat kong gamit sa sahig.

"Aniela, where do you think you're going?" galit na tanong ng lalaking hubot-hubad na nasa kama. Nang akmang tatayo siya ay agad kong itinaas ang isang kamay para pigilan siya.

"I'm going home," tipid na sagot ko.

Matinding pagtataka ang bumakas sa maganda niyang mukha sa naging sagot. "We're not yet starting, akala ko ba gusto mo ako?"

Natawa ako ng pagak. "Ako may gusto sa 'yo? Baligtad yata, baka ikaw ang may gusto sa 'kin?"

Sunod-sunod ang pag-iling niya bakas ang matinding kalituhan. Nasa hotel suite ako ng isa sa mga kaklase ko. Medyo malabo na sa alaala ko kung paano ako napunta sa hotel suite ni Drevor pero mukhang may ideya na ako kung sino ang may pakana ng set-up na ito.

“Madison...” I uttered to myself.

Hindi rin nakatiis si Drevor at tumayo na upang habulin ako. "Oo, may gusto ako sa 'yo! Kaya kinausap ko si Madison na i-set-up tayo kagabi sa isang blinddate. Pero kung hindi ako nagkakamali, alam mo 'yon. Kaya ka nga sumama sa 'kin dito," aniya.

Umismid ako. Binasa ko muna ang mga labi saka siya pinukol ng masamang tingin.

Lihim kong inasadahan muna ng tingin ang kabuuan ng hubot-hubad niyang katawan. Pero hindi ako nakaramdam ng ano mang pag-iinit hindi tulad kapag kaharap ko si Samuel. Wala siya sa kalingkingan ng lalaking gusto kong makauna sa akin.

"Iyon lang ba?" tanong ko.

"What? What do you mean, iyon lang ba?" gulong-gulong usal niya.

"Sinabi sa 'kin ni Madison kagabi na kailangan niya ng driver. I took her offer because I need money. Kaya ngayon pa lang nililinaw ko na sa 'yo magsasayang ka lang ng oras sa 'kin. Magpaligaya ka na lang ng ibang babae gamit 'yang alaga mo."

Napamaang siya. "Aniela, please... I really like you. I waited patiently all night, hindi kita ginalaw dahil ganoon kita nirerespeto. Totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon."

Tila nabunutan ako ng tinik sa narinig mula sa kaniya. Nagagalak akong malaman na walang nangyari sa amin habang natutulog ako dala ng kalasingan. Hindi ko rin naman maramdaman ang pananakit ng ibaba ko kaya naniniwala ako sa sinabi niya.

Matagal ko na siyang kilala. Nabanggit din sa akin ni Madison na may isa raw kaming kaklase sa isang laboratory subject namin na may gusto sa 'kin. Kahit hindi ni Madi ituro kung sino, alam ko na simula pa noong lumapit sa akin si Drevor para kunin ang number ko. May hitsura naman siya, anak mayaman, malinis sa katawan, maganda ang hubog ng katawan ngunit ang ayoko sa kaniya ang kainosentehan na nakabalot sa buong pagkatao niya.

Pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya kaunting kibot magkakasala na ako. Tulad ngayon, habang nasa harap ko siya nagmamakaawa patong-patong na bigat sa dibdib ko ang nararamdaman ko.

Ngunit marahil nang mapagtanto niya na wala ring saysay ang pagmamakaawa niya. Naglakad na siya palayo. "Ihatid na kita," aniya.

"Hindi na," agad na tanggi ko.

"Ako ang nagdala sa 'yo rito kaya dapat lang na ihatid kita." Nagsuot muna siya ng boxer shorts at jeans.

Kahit pala sino'ng lalaki ang maghubad sa harap ko ay walang epekto sa sistema ko. Sanay na kasi akong makakita ng hubad na katawan, kaya kahit pakitaan ako ng espada hindi ako basta-basta tatablan ng tukso.

Pero sa isang tao siguro baka nauna pa akong tumalon sa giyera ng dala ay wala kahit ano kapag iyon ang nagmakaawa sa akin. Napakagat ako ng ibabang labi dahil pakiramdam ko nag-iinit ang magkabilang pisngi ko.

"Are you feeling sick?" tanong ni Drevor sa akin nang makalapit siya. Nang akmang hahawakan niya ang mukha ko ay agad kong iyon na pinigilan.

"I'm fine," sagot ko nang hindi na siya tinatapunan ng tingin.

Nauna na akong maglakad palabas ng hotel suite niya.

"Gusto mo bang magkape muna? May alam akong coffee shop na malapit," wika ni Drevor habang nasa loob kami ng elevator.

"Hindi na, salamat," tipid na sagot ko.

Muling namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. Iyon ang gusto ko, kapayapaan.

"Lunch? Baka gusto mong mag-early lunch?"

Salubong ang kilay nang balingan ko siya. "Drevor, please. Ayokong paasahin ka, you deserve better. Stop wasting your time over someone like me."

"Hindi ka aksaya ng oras sa 'kin Aniela. Hindi ako agad susuko, saka hindi mo pa ako lubusang nakikilala. Bigyan mo lang ako ng chance para maipakilala ang sarili ko sa 'yo."

Napamaywang na ako dahil pakiramdam ko para akong nakikipagtalo sa isang batang paslit na nangungulit na bigyan ko siya ng candy.

"Eh, ako ba? Kilala mo ba ako?" sarkastikong tanong ko.

Bahagyang napangiti naman siya. Ang cute pala niya kapag ngumiti, ngayon ko lang napansin. Karaniwan kasing napapalibutan siya ng mga kapwa naming kaklaseng babae kaya wala akong ideya na ganito pala siyang ngumiti.

"You're Aniela," aniya.

Umismid ako. "Syempre, ako si Aniela."

Lumabas na kami ng elevator at nauna naman siyang maglakad akin para salubungin ang isang bell boy na humahangos na lumapit sa kaniya.

Nakatayo ako sa isang sulok habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng lobby. Ngayon ko natiyak kung gaano kayaman ang isang Drevor Sebastian.

Ilang sandali lang ay hinawakan ako ni Drevor sa kamay. "Aniela..." pukaw niya ng atensyon ko.

Saka ko napansing nakaparada na sa labas ang sasakyang pinakuha niya kanina. Walang imik na lumulan ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. Gusto ko na talagang umuwi at maligo. Naglalagkit na rin kasi ang buhok ko. Naaamoy ko pa ang booze na ininom ko kagabi kaya hindi nakakapagtaka na agad akong nawalan ng malay. Kulang na lang kasi ay gawin kong tubig iyon.

Tila nag-slow motion ang lahat sa akin nang may unti-unting napagtanto. Sa isang iglap biglang nag-flash sa alaala ko ang mga nangyari nang nagdaang gabi.

Napasinghap ako nang manariwa sa memorya ko na umiikot na noon ang paningin ko pero nagawa ko pang makahingi ng panibagong shot ng booze. Gumuhit sa lalamunan ko ang init na dala niyon bago mahapo-hapo na idinikit ang baso sa pisngi ko. Kung hindi ako nagkakamali may mga salita akong binigkas ng gabing iyon habang bukas ang linya ng call sa cellphone ko.

Mabuti kong inalala ang pangalang nakarehistro sa screen ng cellphone ko at laking pagkagimbal kong pangalan ni Samuel ang nakalagay.

"What do you think Aniela? Magkape muna tayo bago kita ihatid sa inyo?" biglang wika ni Drevor habang nakatuon ang mga mata sa daan.

"No, you have to send me home, as soon as possible."

Kalauna'y bumigay din siya at hindi na muling nagsalita. Wala na rin naman akong lakas ng loob para i-entertain pa iyon dahil binalot na ang puso ko ng matinding takot. Para bang katapusan na ng mundo ko habang tumatagal na hindi ako nakakauwi ng bahay sa lalong madaling panahon.

Dinukot ko ang cellphone na nasa loob ng backpack ko. Sinigurado kong hindi lamang iyon dala ng imahinasyon ko na tinawagan ko si Samuel.

“Aniela, sa dinarami-rami ng puwede mong tawagan habang lasing ka. Si Samuel pa!” sermon ng munting tinig sa isip ko.

Napamura ako nang tumunog ang hawak kong cellphone. May text message akong natanggap galing iyon kay Madison.

“How's your hot night with our hottest classmate? You even called your Kuya Samuel last night telling him that you're about to give your virginity to someone.”

Tumirik ang mga mata ko at lihim na nagdasal na sana hindi naniwala si Samuel sa mga pinagsasabi ng intoxicated na ako. Lasing ako kaya hindi ko alam ang ginagawa ko.

Nagmamadaling bumaba ako ng sasakyan. Bababa rin sana niyon si Drevor pero agad ko siyang pinigilan.

Hindi ko na nahintay ang sasabihin niya dahil patakbo kong tinungo ang pinto ng bahay. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto, katahimikan ang sumalubong sa akin nang pumasok sa loob. Rinig na rinig ko tuloy ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"Breakfast is ready," pumailanlang sa loob ng tainga ko ang baritonong boses na iyon ng lalaking ayoko sana munang makita sa pag-uwi ko.

Nangangatal na maging ang labi ko nang mahagip ng paningin ko ang bulto ng isang katawan na nakaupo ngayon sa dining area.

Tumayo si Samuel at dinampot niya ang attache case na nasa ibabaw ng mesa.

"Let me explain..." usal ko.

Nag-angat siya ng paningin upang salubungin ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.

"For what? Ang akala ko ba ayaw mo'ng nagpapaliwanag?" nagtatakang tanong niya.

Nakagat ko ang ibabang labi nang manaig sa sistema ko ang kalamigan sa boses niya.

"No, no. Please let me explain Kuya Samuel, kahit ngayon lang. Pakinggan mo ang paliwanag ko."

Tumindig siya sa kaniyang kinatatayuan tanda na wala na siyang oras at wala ang interes niya na malaman ang sasabihin ko.

"Walang nangyari sa 'min ni Drevor," pag-amin ko.

Nilamon ng nakabibinging katahimikan ang pagitan naming dalawa. Hindi ko naman maiangat ang mga mata ko upang tingnan siya. Wala akong karapatang gawin iyon lalo't sa pagkakataong ito ako ang tunay na may kasalanan.

"Is that an explanation for you?"

Napamaang ako sa narinig mula sa kaniya.

"Hindi ka umuwi kagabi, naglasing ka magdamag, binantaan mo akong oras na puntahan kita maglalayas ka at hindi na magpapakita. Tiniis ko buong gabi na hindi ka hanapin dahil baka mawala ka na naman and yet an explanation you will give me is that you did not have sex with anyone?"

"Pero 'yon ang totoo. Walang nangyari sa 'min."

"Aniela, hanggang kailan mo ba ako pahihirapan? You became so liberated, hindi naman kita pinalaki ng ganyan habang nasa poder kita."

Liberated? Nagpanting yata ang tainga ko sa narinig dahil iyon ang hindi ko basta kayang tanggapin na sabihin niya sa akin. Samantalang lahat ng ipinag-uutos niya ay walang pag-aalinlangan kong sinusunod dahil ganoon kataas ang respeto ko sa kaniya.

"Hindi na ako bata," mahinang usal ko.

Narinig kong marahas na bumuntong-hininga siya. "Oo, tama hindi ka na bata. Kaya naman hindi mo na ako kailangan?"

"Wait, what? Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

"Ano ba ako sa 'yo Aniela? You never listen to what I say."

"I always listen. Sinusunod ko ang lahat ng gusto mo."

Pero nilagpasan niya lang ako na parang wala ako roon.

"I'll be moving today."

"What? Dahil ba sa nangyari ngayong gabi?"

"No, it's not about that."

"Then, why are you leaving me?!" Nagsimulang mangilid ang mga luha ko.

Maging siya ay natigilan nang makitang lumuluha na ako.

"Sige, umalis ka. Lahat naman kayo iniiwan ako!"

"Aniela..." Agad akong lumayo nang akmang lalapitan niya ako.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Wala ka ring pinagkaiba sa pamilya kong tumalikod sa 'kin! Lahat kayo gusto akong iwan!"

"Aniela, it's not what you think..."

Ten years ago, my father was convicted for homicide while my mother was put into a mental institution. Lumayas ang nag-iisang kapatid ko at nagtago-tago dahil sa takot na madamay siya sa kasalanan ng mga magulang namin. Kaya ako lang ang natira sa bahay na ang buong akala ko ay walang kahit ano'ng sisira.

Mapait na napangiti ako kahit tuloy-tuloy na bumabagsak ang mga luha ko sa mga mata.

"Sana hindi ka na lang nangako kung aalis ka rin tulad nila..."

***

Ten years earlier...

"MGA salot kayo!" Napakislot ako sa aking kinatatayuan sa malakas na boses na iyon ni Aling Hilda habang nakaduro sa akin.

"Pamilya kayo ng mamamatay tao!" sigaw ni Mang Kanor sa hindi kalayuan bakas ang takot sa mukha.

"Bakit naiwan pa 'yang batang 'yan? Baka bukas makalawa patayin na lang niya ang mga anak natin!"

"Anak 'yan ng mag-asawang Anton at Farah, siguradong nagmana rin 'yan sa mga magulang niya. Ang balita ko nga ay pinagmamalupitan din ng Ate Frixie niya si Frexa, kaya habang bata pa ay paalisin n'yo na 'yan sa bayan natin!"

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko habang yakap-yakap ang bag ko. Kauuwi ko lang galing ng paaralan dahil pinauwi ako ng maaga ng titser ko sa hindi malamang dahilan. Agad na tumambad sa akin ang kumpulan ng mga kapitbahay namin sa harap ng bahay. Masasama ang mga tinging ipinukol nila sa akin na animo'y ano mang oras ay handa nila akong sugurin.

Nanginginig ang mga binti ko sa matinding takot habang nagkukubli ako sa gilid ng bakod ng tahanan namin.

"A—Aling Hilda, hindi po totoo ang sinasabi n'yo. Hindi po mamamatay tao ang mga magulang ko...." nauutal kong sabi.

Nagsalubong ang kilay nito sa narinig mula sa akin. Nanguyapit ako sa puwesto ko nang humakbang ito palapit sa akin at saka ako hinawakan sa braso.

Umalpas sa mga labi ko ang malalim na singhap nang manuot ang sakit niyon.

"Mga salot kayo, magsilayas na kayo rito at baka mahawa pa ang mga anak namin sa kademonyohan ng pamilya n'yo!" bulyaw niya sa mukha ko.

Nagsimulang mangilid ang mga luha ko sa lakas ng pagkakatulak sa maliit kong katawan ay napaatras ako dahilan upang masira ang kahoy na bakod. Nangangatal ang mga labi ko sa pagkahindik dahil hindi ko inaasahan na magagawa nitong saktan ang tulad ko na napakabata. Walang kahit sino'ng naglakas ng loob upang awatin si Aling Hilda nang akmang muling lalapitan nito ako. Mabilis na kumilos ako para maitayo ang sarili natatakot na maaaring may matindi pa itong magagawa sa akin.

Tinakbo ko ang bahay at agad na isinara ang pinto. Isinara ko rin ang lahat ng bintana. Inilibot ko ang buong paningin sa buong kabahayan tinitiyak na wala ng kahit sino'ng nakasunod sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang tsinelas ni Ate Frixie kaya tiyak akong naroon siya sa loob at tulad ko'y nagtatago.

"Ate Frixie!" tawag ko sa kaniya.

Hinanap ko agad sa loob ng bahay ang nakatatanda kong kapatid subalit laking gulat ko na imbes na siya ang makita ko, tumambad ang mga nagkalat na damit sa sahig.

Nakagat ko ang ibabang labi nang mahagip ng paningin ko ang papel na nakapatong sa mababang mesa sa silid niya. Damang-dama ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko nang lapitan iyon.

Hindi pa man nababasa ang nakasulat ay tila pinagsakloban na ako ng langit at lupa. Papel iyon na nakasulat kung saan ko matatagpuan ang kapatid pati ang pera na maaari kong magamit.

Doon bumagsak ang malulusog kong luha at nagsimula akong humikbi. Umalis siyang hindi ako sinasama.

Tuluyang bumigay ang mga tuhod ko. "A—Ate..." usal ko sa pagitan ng pagluha.

"Lumayas na kayo rito sa bayan ng San Agustin! Mga salot kayo!" Rinig kong sigaw ng mga tao sa labas ng bahay.

Napaigtad ako nang mayamaya'y pumailanlang ang sunod-sunod na hampas sa pinto.

"Magsama-sama kayong buong pamilya na mga salot sa impyerno!"

Balot ng matinding takot hindi ako kumilos sa puwesto ko na yakap ang mga maliliit kong binti. Iniwan na ako ng lahat, si Tatay at Nanay may kumuha sa kanilang dalawa kahapon wala akong ideya kung saan sila dinala. Ang huling nakita ko lang noon ay umiiyak si Ate Frixie habang galit na galit.

"‘Tay, ‘Nay, natatakot si Aniela..." usal ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa isang sulok. "Bakit n'yo po ako iniwan? Takot si Aniela mag-isa..."

Ang dating nakasanayan kong tahanan na may kompletong pamilya ay tila naging isang disyerto. Tila sa isang iglap naglahong parang bula ang dati niyon na sigla.

Piping nagdasal ako na may mag-alis sa akin sa bangungot na nangyayaring ito.

Kinaumagahan sinubukan kong maging normal pa rin ang lahat. Gumising ako ng maaga tulad ng karaniwan kong ginagawa. Isinuot ko ang uniporme na pampasok.

Pilit na ngumiti ako sa salamin kahit mugtong-mugto ang mga mata ko kaiiyak buong magdamag.

Nakangiti akong naglakad sa labas na animo'y walang nangyari. Binabati ang mga kapitbahay na kung umilag sa akin ay mistulang may nakahahawa akong sakit. Masama ang tinging ipinupukol ng karamihan ang iba nama'y awa.

Ngunit tiniis kong lahat iyon, wala akong ibang hangad kung hindi maging tulad ng dati.

"Hoy, salot!" Hindi ko sana lilingunin ang batang iyon na alam kong kanina pa nakasunod sa akin. Subalit natigilan ako nang maramdamang may matigas na bagay na hinagis sa likod ko. "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa amin! Sabi ng mama ko pinatay daw ng papa mo ang anak ng dating mayor ng San Agustin at binalak naman patayin ng mama mo ang apo. Mamamatay tao kayo!"

Tila ilang libong karayom ang tumutusok sa puso ko habang pinakikinggan ang bagay na iyon. Pero batid kong walang katotohanan ang mga bagay na iyon, mabait ang ama ko kaya hindi niya magagawang pumatay ng tao.

Nagsimulang maglakad muli ako, pero hindi pa man nakalalayo may humarang sa daan ko. Inangat ko ang paningin upang makita kung sino iyon. Si Mark, dati kong matalik na kabigan.

Gumuhit sa mga labi ko ang isang munting ngiti na makita siya. Tiyak na tutulungan niya akong itaboy ang mga batang naghahagis ng bato sa akin.

"Mark..." Ngunit laking gulat ko nang itulak niya ako kaya natumba ako. "M—Mark?" Umawang ang mga labi ko sa labis na kalituhan sa ginawa niyang iyon. Hindi ko maintindihan.

"Salot kayo!" bulyaw niya sa mukha ko.

Wala na akong nagawa nang magtipon-tipon ang mga bata na lapitan ako at pagtatadyakan. Napahawak na lang ako sa ulo ko upang maprotektahan iyon. Iyak na ako nang iyak nagmamakaawa na tigilan na nila ako. Nanunuot ang bawat sakit sa ginagawa nila subalit wala naman akong ibang magawa para awatin sila.

Ilang sandali ang lumipas saka lamang dumating ang mga magulang ng mga dati kong kalaro. Nanlalabo ang mga matang pinanood ko ng hatakin ang mga bata palayo sa akin.

"Sabi ko na sa inyo! Salot ang batang 'yan, tingnan n'yo! Naiimpluwesyahan n'ya ang mga anak natin para maging masamang tao!"

"Kapag wala pang ginawa ang baranggay ilagay na natin sa kamay ang batas, marapat lang na walang pamarisan ang pamilya nila!"

Pero, wala naman akong ginagawang masama. Ni hindi ko nga maitayo ang sarili mula sa pagkakasadlak sa lupa. Wala na rin akong lakas na ibuka ang bibig upang magsalita.

Walang kahit sino'ng lumapit para tulungan ako maski na itayo. Naghintay ako subalit walang tumulong sa paslit na batang tulad ko. Pilit na itinayo ko ang sarili at ika-ikang dinampot ang bag ko na nagkalat ang mga laman. Isa-isa kong pinulot ang mga notebook ko na nadumihan na matapos tapak-tapakan. Marumi na rin maging ang suot kong puting uniform.

Hindi ko na masyadong makita ang nilalakaran dahil hindi ko na maimulat ang isang mata.

Ngunit kailangan ko ng magmadali dahil siguradong huli na ako sa klase. Mayamaya lang sigurado akong magiging okay din ang lahat. Babalik sa dati na parang magic.

Naniniwala ako na panandalian lang ang mga ito. Mapait na napangiti ako habang tinatahak ang daan patungo sa paaralan hindi alintana ang mga pandidiring tingin na natatanggap ko.

"M—magandang umaga po Aling Lorna..." nauutal kong bati sa ina ng isa sa mga kaklase ko na nasalubong ko noong umagang iyon.

Ngunit inirapan niya lang ako. Tila isa lamang akong basurang iniiwasan ng lahat.

Napatigil ako sa paglalakad ng sa ikalawang pagkakataon ay muling may humarang sa daraanan ko. Kusang kumilos ang mga kamay ko upang iharang sa sarili ko. Kahit balot ang mga iyon ng galot at sugat sa nangyari kanina. "Pakiusap ‘wag n'yo po akong sasaktan..." pagmamakaawa ko.

Ngunit namayani ang sandaling katahimikan na walang ano man ang nangyayari sa akin. Nang iangat ko ang mukha para makita ang taong iyon. Bumungad sa akin ang magandang mukha ng isang lalaki subalit takang-taka ako sa nakarehistrong poot sa mga iyon.

Marahil may galit din siya sa pamilya ko. Masyado siyang malaki kung sakaling bigla niya akong saktan baka wala akong magawa lalo pa ngayong nanghihina ang mga tuhod ko. Dahil matagal na nakatayo ay hindi ko na rin kinaya ngunit bago ko matagpuan ang sarili nakahandusay sa lupa.

May mainit na kamay ang agad umalalay sa akin. Mainit iyon at naghatid sa buong sistema ko ng kapayapaan.

Naglahong parang bula ang kaninang poot sa mga mata ng estranghero napalitang iyon ng awa at malasakit.

Ang pakiramdam ng kaligtasan ang lumukob sa puso ko nang buhatin niya ako at yakapin. Hindi ako umangal. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

***

Special Mention: Thank you @servilariclemie!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status