Share

Kabanata VII

Kabanata VII

Samuel

LIHIM na nakamasid ako sa hindi kalayuan sa isang pamilyar na pigura ng babaeng ang buong akala ko ay matagal pa bago kami magkita. Napalagok ako ng laway habang pilit ikinukubli ang presensya ko na baka mapansin ni Aniela.

Napakalakas ng musika ng naturang club kaya duda rin akong mapapansin niya ako mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang maiyukom ang mga kamay, heto na naman ang bumabangong inis sa loob ko. Ayoko mang aminin sa sarili ko subalit tama ang hinala ni Joseph sa maaaring kahantungan ng lahat oras na malaman ni Aniela ang nangyayari.

Mariing napapikit ako. Wala siyang ideya na nasa bingit ng panganib ang buhay niya, and I'm afraid sticking with her would only make the situation more worse.

Napapiksi ako nang makitang may dalawang lalaking lumapit sa kaniya at maupo sa dalawang bakanteng stool. Doon ako naalerto upang lumapit. 

Mababakas sa mukha ni Aniela ang kalasingan nang dumako ang atensyon niya sa akin. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan sa mga matang natunghayan ko ng mga oras na iyon. May kung anong tila matalim na bagay na tumarak sa puso ko nang makita kong nagbabadyang lumuha siya.

Those were the same eyes when she suddenly disappeared before. Kung dati ay dahil sa kalagayan ng kaniyang ama kaya siyang biglang nawala. 

Ngunit hindi ako hangal upang hindi mapagtanto na ako ang dahilan ng kalungkutan niya.

Ilang sandali lamang ay umalis din ang dalawang lalaki kaya hindi na ako tumuloy upang magpakita sa kaniya. I only wanted to make sure that she's safe. Oras na malaman niya na nasa panganib ang buhay niya. Siguradong agad siyang magpapanic, kilala ko siya.

However, my existence to her life will only make everything complicated because Mr. Rommel is haunting her family.

Sapat na sa akin makita na ayos lang siya nakangingiti ng maayos at higit sa lahat ay nabubuhay ng malaya. Natigilan ako nang may bastang humatak sa akin at dinala ako sa harap ni Aniela. Hindi agad ako nakapag-react ng maayos nang bumungad sa akin ang napakagandang mukha niya.

I'm seriously dead. 

"Hey, landiin mo nga 'tong kaibigan ko sagot ko na ang lahat ng bill mo ngayong gabi," biglang wika ng babaeng bastang humatak sa akin.

Paano ko ipapaliwanag kung bakit ako naroon? Paniguradong magdududa si Aniela at magtatanong, and I'm afraid that I have to explain to her the real reason why I leave her.

"What's your name, pretty boy?" tanong ni Aniela nang lumapit sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko nang igaya niya ang kamay sa dibdib ko. Muntik na akong mapamura sa dulot niyon na hindi pamilyar na sensasyon. Am I being overly sensitive?

"Samuel," I uttered as I answered her question. But to my surprise, wala man lang siyang naging reaksyon ng banggitin ko ang tunay na pangalan. 

Mayamaya'y hinatak niya ako patungo sa isang madilim na pasilyo at sa dulo niyon ay may hagdan, pumahik kami mula roon. After a few seconds, we entered a very dark room.

Pero laking gulat ko nang bigla niyang iangkla ang isang kamay sa batok ko. I felt a soft, wet lips against mine that sent ecstasy throughout my body. Pilit akong tumatanggi na hindi tumugon, but I get drowsy as she insists. 

Then, I later found myself responding to her kisses and became more aggressive as I tried to fed myself with more of her sweet taste. 

Damang-dama ko ang pag-iinit ng buong katawan ko sa bawat pagtugon ko sa mga halik. I never thought that hearing her moan to my ears will put me to a very tight situation. 

I could perfectly see a beautiful woman who's seated at the edge of the bed. She goddamn gorgeous with the dress she's wearing, and innocent by the looks of her eyes as she stared at me. She looks a goddess to be exact. Nakatulong ang maliliit na butas mula sa blinds ng bintana upang malinaw kong matunghayan ang histura ng babaeng ginulo ang matino kong kaisipan. 

I know that I'm currently breathing heavily as I tried to goddamn calm myself, and to bring back my rational self or else I might do something unimaginable.

"C—Can we go further, p—please?" she begged. She started crying while she's covering her eyes with her arm. "Please, help me forget my past for at least tonight..."

Doon ako tuluyang natigilan at tila sa isang iglap naglaho ang kakaibang sensasyon lumulukob sa buong sistema ko. A faint smile formed on my lips. Gusto kong suntukin ang sarili matapos mapagtanto ang lahat ng ginawa ko kanina. 

Ngunit hindi ko kayang ipagsawalang-bahala ang tunay na dahilan kaya nagkakaganito si Aniela. Pero isa ang tiyak na sigurado, Joseph is right. I fell for this woman. 

I move closer to her. Niyakap ko siya ng mahigpit tulad ng madalas kong gawin kapag umiiyak siya.

"I'm sorry," I whispered. Saka nabuo ang pasya ko. Hindi matatapos ang kaguluhang ito hangga't hindi ko pinuputol ang ugnayan ko sa kaniya. If breaking a promise will make her safe, I will.

Mariing naipikit ko ang mga mata habang pinapakalma ang sarili. "I love you, and I'm sorry..."

***

Aniela 

IPINILIG ko ang ulo nang muling kumirot ang sentido ko. 

"Are you all right?" tanong ng clinical nursing instructor.

Today is my first clinical day at Darwin's General Hospital.

Sa totoo lang hindi naging maganda ang kinahinatnan ng paglabas namin kagabi. Masyado kasing na-occupy ng isipan ko ang lalaking nakasama noong unang gabing lumabas kami ng kaibigan kong si Madison, para bang may kung ano'ng humahatak sa akin para bumalik-balik sa lugar na 'yon umaasang makitang muli ang lalaking ni hindi ko maaalala ang histura at pangalan. Tila nakaukit na sa buong pagkatao ko ang matagal naming pagkakayakap ng gabing iyon.

"I'm all right," I politely answered.

Nakahihiya namang lumiban sa unang araw ng clinical day ko sa tinataguriang pinakamalaking ospital sa bansa. I'm honored already being accepted to this place considering that I'm only a student.

Anim kami noon na natanggap na gawin ang clinical training bago grumaduate. Napakahalaga niyon para sa akin lalo na't gusto kong makakuha ng maraming experience bago kumuha ng licensure exam. 

"Good." 

Nahagip ng paningin ko ang kakaibang tinging ipinukol ng mga kasama kong student nurse. Hindi ko sila masisi dahil ako lang ang nag-iisang sa aming lahat na nakagawa ng tamang iv insertion sa isang pasyente. Although we're all student we already have skills, pero mukhang galing sa mga may kayang pamilya ang kasama ko ngayon kaya ang iba ay hirap pang mag-adjust sa tunay na setting ng trabaho.

"By the way, gusto ko sana na makita n'yo rin ang VIP ward ng ospital although you won't be assign there. I still want to show you the place," biglang wika ng instructor nang huminto ito sa tapat ng isang pintuan.

Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakapapasok ng ward ay sunod-sunod na malalakas na tilian ang agad na kumuha ng atensyon namin. Lalong lumakas iyon nang buksan ang pinto sa outpatient ward at bumungad sa amin ang mga nagkalat na gamit at pagkain sa sahig.

"I said leave me alone!" sigaw ng isang lalaki.

Kumunot naman ang noo ko nang mahagip ng paningin sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na pigura. 

Nagkakagulo na ng mga oras na iyon dahil hindi alam ng mga nurse kung ano'ng gagawin dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala ang isang pasyente at basta na lamang hinahagis ang ano mang mahawakan nito.

"What is happening here?" tanong ng instructor sa mga nurse na naroon, tinutukoy ang lalaking nakahawak ngayon sa pader na ginawang suporta para makatayo.

Walang makasagot noon ng tanong na lubhang ipinagtaka ko.

Mayamaya'y nakarinig ako ng pagpalatak sa lalaking nurse na kasama ko. "If I'm not mistaken, he is Estevan Madeo, the illegitimate son of the hospital's director," bulong nito.

Nagsimula ng magkaroon ng bulungan noon sa grupo namin tungkol sa lalaki. Hindi ko maiwasang sulyapan ang tinutukoy nila, kung hindi ako nagkakamali, nagkita na kami nito sa isang party na dinaluhan ko, at kung tama rin ang memorya ko hindi naging maganda ang una naming pagkikita.

"Ang alam ko naparalisa ang mga binti niya dahil sa isang car accident," biglang wika pa ng isa.

"Well, he deserves it. Kung 'di ako nagkakamali, marami siyang kinasangkutang problema kaya tama lang sa kaniya 'yan..." 

Bakas sa mukha ng lalaki ang matinding disgusto sa mga tingin ng mga tao. Ngunit walang kahit sino'ng naglakas loob na lumapit para awatin ang binata. 

"Aren't you all going back to work?! Hindi ko kailangan ang tulong n'yo!" sigaw ni Estevan.

Iginaya na kami ng kasama naming instructor na umalis na sa lugar na iyon, may mga nakaitim na suit kasing dumating at bastang hinawakan sa magkabilang braso si Estevan.

"Don't touch me with your filthy hands!"

Pilit na nagpupumiglas ito kaya lang masyadong malalaki ang katawan ng may hawak dito. Halatang hirap na rin itong magkikilos matapos na puwersahang tumayo na walang kahit na ano'ng alalay.

"Okay, the show is over..." anunsyo ng head nurse na halatang hinihingal pa galing sa mahabang takbuhan.

Nag-angat si Estevan ng mukha, siguradong nagtama ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya ng marahil makilala ako pero hindi ako nagpakita ng kahit na ano mang emosyon bagkus ay tumalikod lang ako at sumunod na sa iba kong mga kasama.

Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status