Share

Kabanata IX

TULAK-TULAK ang wheelchair ni Estevan ay nagtungo kami sa rooftop ng ospital. 

Nang makarating, inalalayan kong makatayo siya upang mahawakan ang gilid. "Thank you," aniya habang nakatitig lang sa akin.

His knees were trembling when I removed my hands supporting him. Hinayaan ko lamang siya habang pinapanood na pilit na ihakbang ang mga paa. 

"Narinig kong naaksidente ka raw," biglang wika ko.

Binalingan niya ako. "Yeah, it was my carelessness why this happened to me," nakangiting sagot niya.

"I see. Pwede ko bang sabihin, buti nga sa 'yo?"

Naglahong parang bula ang mga ngiti niya sa labi ng marinig iyon mula sa akin. 

"If you're still mad, just tell me. Alam kong galit ka dahil sa nangyari kanina."

"I'm glad you know. Kahit sino naman ay magagalit kapag nalaman nilang may isang taong hindi nila kilalang basta na lang hinalukay ang buhay at ngayon pati ang ama niya ay nalaman iyon, kaya tuloy tinalaga akong private nurse mo dahil paniguradong sa akin ka lang makikinig."

Pinamulahanan siya ng mukha. This man is despicable. "Okay, you're right..."

Napahalukipkip ako at saka nagtaas ng kilay. "You only met me once, yet you do those things to me."

"I'm sorry..."

Nakita kong humigpit ang hawak niya sa railing nang iiwas ang mukha. 

Kung hindi ko pa siya nagawang mapaamin kanina baka nasapok ko na ang ulo niya. Umihip ang malamig na simoy ng hangin, hindi maiwasang dumako ang paningin ko sa mahaba niyang buhok na ngayon ko lang napansin. To be honest, this man is ruggedly handsome, with his beautiful emerald colored eyes, unique shape of nose and perfect jawline. Every woman will surely fall in love with him. 

Natigilan lang ako sa pagtitig sa kaniya nang balingan niya ako at mahuling kanina pang nakatitig sa kaniya. Once again, I saw him flustered. 

"Do I have something on my face?" he asked suddenly.

Sandaling ipinikit ko ang mga mata saka humalukipkip. "You look dashing, I can't help but to stare at you," pag-amin ko.

Sa pagkakataong iyon pati ang tungki ng tainga niya ay namula na rin. Wala naman akong ibang sinabing masama, I only admire his looks and I wanted to tell him that.

Mahinang tumikhim siya habang nakaiwas ang mukha sa akin. "T—Thank you..." mahinang usal niya.

Is he embarrassed? 

"Ngayong alam mo ang tungkol sa nakaraan ko. Don't you think it may bring more stain to your name? A daughter of criminal is your personal nurse, the son of the hospital's director."

Naglahong parang bula ang pamumula ng mukha niya. He looked serious now. 

"You can't change past. Kaya ang payo ko sa 'yo, let me do my thing while away from you. Ayaw mo naman siguro dagdagan ang mga natatanggap mong hindi kaaya-ayang bagay tungkol sa buhay mo?" 

If he's an illegitimate son and always commiting things that will stain his father's name, being with me would surely make everything worst for him.

Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit noong nakaraan ay bulung-bulungan siya ng mga hospital staff. Sa totoo lang, ang dahilan din kaya ayokong manatili sa tabi o umaaligid sa kaniya ay para maiwasang mapukaw ang pansin ng iba at baka mabulilyaso pa ang pagtanggap sa akin doon na matagal ko ring pinagsikapan na mapili sa ilang libong nag-apply.

"Do you hate me?" aniya.

"Wala akong sinasabing kinamumuhian kita," agad kong sagot nang ibaling ang paningin ko sa malawak na syudad.

"Then, why are you driving me away? If you're worried about your past—being with me will surely benifit you a lot. I can help you have a permanent job here in my father's hospital if that is what you wish."

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig hindi ko tuloy mawari kung susunggaban ko ba siya para suntukin o kung sasampalin. Isang malaking insulto ang lahat ng mga binitawan niyang salita sa ilang taon kong paghihirap upang makarating lang sa puntong iyon ng buhay ko. 

Para bang binuhusan ako ng isang baldeng puno ng yelo dahil sa dignidad kong unti-unti niyang dinudurog. Hindi ako nagpakahirap magtrabaho gabi-gabi para makapag-ipon ng pera at ilaan iyon para sa tuition fee ko, masangkot sa maraming problema para lang marinig sa isang spoiled brat na tulad niya na walang silbi ang lahat ng iyon kung papayag akong maging alipores niya.

"Tapos ka na?" tanong ko na may pagtaas ng tono ng boses.

"To what?" naguguluhang tanong niya.

Kung hindi ko marahil lilinawin sa kaniya ang dahilan ng pagpupuyos ko ngayon dahil sa inis duda akong makakatulog ng mahimbing mamaya.

"Do you think that how's life work? Even without your help I can have a permanent job in this hospital, even without you I can work without worrying about my future. Hindi mo 'yon alam dahil fixated ka sa lahat lang ng gusto mo at wala kang pakialam kahit na makatapak ka ng tao... A person like you is whom I hate the most." 

Naiyukom ko ang kamay saka sinulyapan ang relong pambisig na suot. 

"You're time is up, I'll send you back to your room Mr. Estevan Madeo."

 

Nagpupuyos pa rin ako sa galit kahit noong sandaling nagpahangin ako sa labas. Wala naman dapat akong ikagalit kay Estevan, pero hindi lang ako makapaniwala napakadali lamang sa taong tulad niya na sabihin ang lahat ng 'yon.

Nakagat ko ang ibabang labi nang napagtanto na mali pa rin na makipagtalo ako sa pasyente ano naman ang problema ay wala ako sa lugar na sumigaw at magsalita ng ganoon. 

Iiling-iling ako nang magtungo sa iba pang silid na kailangan kong i-check bago tuluyang mag-lunch.

Ilang gabi na ring kulang ako sa tulog at binabawi lang ang pahinga kapag nadidistract ako sa trabaho. Hindi pa rin kasi makatulog ng maayos sa tuwing naaalala ang mga huling salita na binitawan ni Samuel.

Pakiramdam ko, parang wala na ulit na pagkakataon na magkita kami at balak na niya akong tuluyang kalimutan.

Iyon ang gabi-gabing bumabagabag sa akin.

Marahil nakalimutan na talaga niya ang batang kinupkop. Kung totoo rin bang naging bahagi ako ng buhay niya ay hindi ko na rin alam, ang mahalaga ngayon ay mapagtuunan ko muna ng pansin ang sarili.

Ngunit sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata dinadalaw na naman ako ng mga nangyari, dinadalaw ako ng takot na akala ko ay matagal ng naglaho at kinalimutan. Higit sa lahat, natatakot akong mawala na lamang isang araw ang lahat ng mayroon ako. Lalo na sa mga panaginip ko, may nagbabantang kukunin ng taong “iyon” ang lahat daw ng sa akin.

I felt shiver down my spine as I recalled my dream. To be honest, I don't want to call it a dream, it is as if real. So real that I almost get crazy believing that those things happened for real.

I'm scared, Samuel. I'm really scared.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status