***continuation
PINAMULAHANAN ako ng mukha. "Alam na rin ba ni Tita Sophia?" halos pabulong ko nang tanong."Yeah. Even Ate Sera knows it."Gusto ko mang sumabog sa pagkahiya. Parang nanariwa sa akin na animo'y normal lamang kanina ang naging pag-uusap namin ng pamilya niya."I can't tell if they were mad about me...""Why would they?"Binalingan ko siya. Parang hindi siya apektado ng balitang 'to at wala mula sa kahit sino sa kanila ang negatibo ang reaksyon.Kaya nagduda na naman ako kung panaginip lang itong lahat.Muling nagbadyang maluha ako. Ayokong magising na panaginip lang lahat at hindi totoong pinangakuan ako ni Samuel.Sunod-sunod ang pagtikhim ang narinig ko na kapwa pumukaw ng atensyon ko at ni Samuel.Madilim ang anyo ng mukha ni Tito Rucio nang makita ang namumugto kong mga mata. Nakita kong umigting ang panga niya at ano mang oras ay handa ng ambahin ng suntok ang lalaking nasa tabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa anak
TINUPAD ni Tito Rucio ang pangakong tutulong siyang mabuo muli ang pamilya ko. Hindi naman nito iyon responsibilidad, pero lubos-lubos ang pagpapasalamat ko.Katuwang ang anak na si Samuel, agad kaming naghanap ng malilipatang bahay. Pinili ko kasing manirahan na lamang ang mga magulang ko sa syudad. Lubos akong natutuwa na matapos ang ilang taon ko na pag-iipon upang makapagpundar ng sariling bahay ay nagamit ko na.Dinagdagan lang 'yon ni Samuel para sa mga ibang appliances na kakailanganin ng mga magulang ko para maging komportable sila.Tahimik, payapa at malayo sa mga mapangbuskang mga tao. Iyon ang gusto kong lugar kung saan sila mamumuhay na dalawa. Kahit unti-unti nang nakalilimutan ng nanay ko ang sariling pamilya nang lumala ang kanyang dimentia. Wala akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak sa bisig ni Samuel.Napakabigat ng dibdib ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga taon na nasayang at mga panah
Extra III"MAGANDANG umaga ho!" bati ni Aniela sa maghahatid sa kanya sa school. Labingdalawang taong gulang na siya at nasa first year highschool na. Napakalaki ng ipinagbago niya nang magsimulang magdalaga.Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniporme at paldang umaabot lamang hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok na mamasa-masa pa dahil hindi na nagawang mapatuyo dahil tinanghali na siya ng gising, sa sobrang kaba kasi niya kaiisip tungkol sa unang araw niya sa pagiging highschooler nakalimutan na niyang ipikit ang mga mata.Sa katunayan, halos tatlong oras lang ang tulog niya. Pero hindi mahahalata dahil sa baby face pa ring mukha.Agad siyang lumulan ng sasakyan na nakaparada sa labas lamang ng tinutuluyang bahay kung saan ay kasama si Samuel.Mayamaya'y lamang ay kasabay ring lumabas si Samuel habang ang suot naman ay simpleng polo at maong pants."Lalong gumaganda si Ma'am Aniela, 'di na ako magugulat kung maraming lalaki ang manliligaw sa ka
“This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons living, or dead and events happened are purely coincidental.”***PrologueMARIING napapikit ako nang makita ang resulta ng pregnancy test kit na binili ko kanina sa isang botika malapit sa bayan ng San Agustin. Hindi ako makapaniwala na totoo ang sapantaha ko ng dahilan ng madalas na pagduwal ko sa umaga. Madali rin akong mahapo, mabuti na nga lang ay mabilis na dumating ang bakasyon upang mapagtuunan ko ng pansin ang aking kalusugan.Iiling-iling ako nang isilid iyon sa paper bag at ilagay sa basurahan. Tulad ng ginawa ko sa mga naunang test kit na ginamit ko. Mayamaya'y lumabas ako ng banyo at agad tinungo ang drawer kung saan nakalagay ang cellphone na palihim ko noong binili upang magamit sa mga ganitong pagkakataon.Hindi ko maiwasang
Kabanata IALASINGKO na nang magdesisyon mag-dismiss ang professor ko noong hapon na iyon ng klase. Kaya todo-todo ang pagmamadali kong magligpit ng mga ginamit ko sa laboratory."Aalis ka na?" tanong ni Madison sa akin, kaklase ko sa mga laboratory subject.Isinukbit ko muna ang backpack saka siya hinarap. Taas pareho ang kilay niya habang nakatingin sa akin. My friend is wearing a v-neck shirt na hinapit niya sa bandang baywang at mini-skirt na kitang-kita ang mahahaba at mapuputi niyang legs. Doon ko lang din napansin ang mga kakaibang tingin na ibinigay sa kaniya ng mga kaklase namin sa loob ng laboratory.Pero halata namang wala siyang pakialam sa mga iyon dahil kanina pa nakatuon ang atensyon niya sa akin.Nang biglang napasinghap ako. I forgot that I promised to go with her after class."I'm sorry, Madi! Nakalimutan kong may lakad pala tayo tonight," nagmamadaling wika ko.
Kabanata IIBINILANG ko ang laman ng savings ko sa laptop bago nagmamadaling isinara iyon. Tumayo kasi sa harap ko si Samuel habang magkasalubong ang mga kilay. Tiniyak ko muna kasi kung pumasok ang compensation pay ko sa nangyari ngayong gabi. Sayang naman ang mga gabing pinagpuyatan ko sa pagtatrabaho sa club kung hindi ako mababayaran.Baka bigla ko na lang sugurin ang kulungan kung saan ngayon nakapiit si Aziel. Hindi sana ako mahuhuli ni Samuel kung marunong siyang magpigil ng libido.Hayop na 'yon, balak pa yata akong gawing parausan. Kahit may hitsura iyon, wala naman sa kalingkingan ang gandang lalaki ni Samuel ang taong iyon. Parang hindi rin nga makatarungang ikumpara ko ang dalawa dahil iba naman ang pagka-yummy ng tagapag-alaga ko sa mukhang gangster na ex-manager ko sa club.Para tuloy gustong masuka sa mga naiisip ko. Ilang beses ko na ngang hinugasan ang nadumihan kong kamay sa paghimas sa nakadidirin
Kabanata III"ANIELA!" tawag ni Madison sa akin nang papalabas na ako ng unibersidad noong hapon na iyon.Habol pa niya ang hininga nang tumigil siya sa harap ko. Nang biglang mamaywang at nagtaas siya ng isang kilay nang mapasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko."Ano ba 'yang suot mo?" salubong ang kilay na tanong niya."What?" nagtatakang tanong ko. I'm wearing a loose peach shirt at hapit na blue jeans. Wala naman akong makitang mali sa suot ko ng araw na iyon.She rolled her eyes. Sunod-sunod ang pag-iling niya na labis kong pinagtakahan. "May part-time job ka ba ngayon?" kalauna'y tanong niya."Same as ever.""Good, sa akin ka lang magpart-time ngayong gabi kailangang-kailangan ko kasi ng driver." Ngumiti siya ng nakaloloko sa akin. "I told my dad that you will be coming with me kaya pinayagan niya ako."Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon.
Kabanata IV"I'M sorry..." Tinitigan ko sa mga mata si Samuel. He was hurting just like me, sapagkat saksi siya noong mga panahon na hindi ko alam kung paano bumangon nang mawala na sa akin ang lahat.Niyakap niya ako at agad naman akong gumanti. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na humantong kami sa ganitong estado na kapwa nasasaktan. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na ako ang palaging may dahilan niyon at wala pa ring humpay na ginagamit ko ang pangako niya noon."A-Aalis ka pa rin ba?" nauutal kong tanong habang humihikbi sa bisig niya.Hinaplos niya ang pisngi ko upang alisin ang mga luhang naroon. "No," tipid na sagot niya.Sa halip na agad magbunyi, tinanggap ko ang sagot niyang iyon bilang salitang walang katumbas na kahulugan. Balang araw ay iiwan niya rin ako, magkakaroon siya ng pamilya at doon na matutuon ang atensyon niya. Mawawala na ako sa isipan niya at magigin