JADE
Isang araw na ang nakalipas matapos ang pangyayaring iyon. Hindi naman na ako nilapitan pa ni Jordan para magpaliwanag at kahit pa gawin niya yun hindi ko siya papakinggan, sapat na ang nakita ko hindi ko na kailangan ng paliwanag ng walang hiya na yon.
Tungkol naman doon sa babae, syempre hindi ko siya sinugod kinabukasan dahil ngayon ko yun gagawin. Naghanap pa ako ng information about sa kanya at napag alaman ko rin na Roxanne Cait ang pangalan nito. Alam rin pala ni Arnold ang tungkol sa dalawa, pero hindi alam ni Jordan na alam ito ng kaibigan niya. Madalas daw mahuli ni Arnold ang dalawa na magkasama at tuwing may training ay sumasama ang babae.Tungkol naman sa amin ni Nerd, matapos ang araw na yon. Hindi naman na kami ulit nagpansinan pa. Parang wala lang ang nangyari non hindi niya rin ito kinuwento kina Dana at Roan kahit na nakakausap niya ang mga to dahil narin sa kagrupo niya ang mga ito sa Thesis.Tungkol naman sa mga kaibigan ko, hindi ko pa nasabi sa kanila ang nangyari sa amin ni Jordan. Kahit sa buong campus ay wala pa rin na kumakalat about doon. Syempre kapag ako ang pinag-uusap malaking balita yun para sa kanila, pero this time wala pa ata talagang nakakaalam."Jade, saan ka ba pupunta?" tanong ni Dana.Saan pa? E'di sa classroom ng babaeng haliparot na 'yon.
Bago ako umalis kanina sa classroom pagkalabas ng first subject, padabog akong tumayo halos lahat ng classmate ko ay napatingin sakin at ramdam ko ang titig nila hanggang sa makalabas ako ng classroom. At eto, nakabuntot sakin ang mga kaibigan ko dahil baka may awayin nanaman ako kasi halata raw sa itsura ko ang maitim na awra. What the heck? Ano ang maitim na awra ang sinasabi ng mga ito?Hindi ko pa rin sila pinapansin ngayon at hanggang sa makarating na kami sa classroom ng babae. Sarado ang pintuan dito sa likod, ganun rin sa unahan. Huminto muna ako sa harap ng pinto dito sa likod."Sino ang pupuntahan mo dito? Hindi naman dito ang room ni Jordan." nilingon ko si Dana at doon ko lang napansin na ang iba sa mga classmate ko ay nakabuntot rin pala sa akin.What the heck??
Hindi ko sila pinansin at binalingan ng tingin si Dana. Maganda nang maraming audience ngayon, para malaman nila na ang nagtapon sakin ng tropical shake ay isang malanding babae."You will know," sagot ko.'Ha?' lang ang naisagot nito at malakas ko nang tinulak ang pintuan dito sa likurang pinto. Nakuha ko lahat ng atensyon nila, wala ang prof. Nasaan kaya nakaupo ang babae yon? At nang hindi ko talaga ito makita, nagtanong na ako.
"Asan si Roxanne Cait?"Agad silang napalingon sa babaeng kakapasok lang sa silid, dumaan ito sa unahang bahagi ng classroom. Pansin ko lang, bakit salungat kami lagi ng pinapasukan na pinto? Well, salungat rin naman din kasi ako sa kanya. Hindi ako malandi kagaya niya, slut.
"Jade sino ba 'yan?"Hindi ko pinansin ang tanong ni Roan na halos pabulong na. Ngumiti ako kay Roxanne nang madako ako ng paningin nito.
"Oh, there you are." nanlaki ang mata nito at napahakbang pa patalikod nang umabante ako."Bakit parang nakakita ka ng multo?" pang aasar ko dito. Hindi na kasi maipinta ang itsura nito. I crossed ny arms, at naglakad palapit sa kanya siya naman ay patalikod ang ginawa hanggang ang white board na ang masandalan nito."Ops, dead end." hindi parin nawawala ang ngiti ko sa labi. Ngiti na may bahid ng galit. Umingay ang paligid.
"Sa tingin mo anong nangyare?""Baka tinapunan niya ulit ng tropical shake."
Hindi umaalis ang tingin nito sa akin hanggang malapitan ko na siya nang tuluyan. Itinaas ko ang kanang palad ko at akmang sasampalin siya. Inilihis nito ang ulo saka pumikit. Napa ismid na lang ako, takot na takot ka gurl?
"Oh my ghad!"
"Ano kayang ginawa nito ni Roxanne para dayuhin pa siya dito ni Queen?"
Nahalata niya atang walang sasampal sa kanya kaya dahan dahan itong nagmulat ng tingin. Ibinaba ko naman ang palad ko saka hinarap ang mga kaklase nito. Sa likuran ay nakita ko parin ang mga kaibigan ko at ilan sa mga kaklase ko, nakatayo parin sila doon at tila may pinapanood."Gusto niyong malaman kung anong ginawa nito?" lahat sila ay tumango. Tangina natatawa ako, bakit parang sobrang special ako sa mga estudyanteng nasa eskwelahan na ito.
"Well-" naputol ang pagsasalita ko nang maramdaman ang paghawak sakin ni Roxanne.
"P-please.. Pakiusap, patawarin mo ako hindi ko naman s-sinasadya." napaismid ako sa sinabi nito. Hindi sinasadya? Fuck you.
"Ah, talaga?" sa kanya na ako ngayon bumaling habang ang mga braso ko ay pinag ekis ko sa unahan ng dibdib ko. "Hindi mo sinasadyang yakapin si Jordan?" narinig ko ang bulungan sa paligid.
"Hindi mo sinasadyang halikan si Jordan?" mas umingay pa."Hindi mo sinasadyang makipag relasyon sa lalaking alam mong may girlfriend?" at mas lalo pang umingay ang paligid."Ha?! Hindi mo sinasadya?!" lumakas na ngayon ang boses ko. Tangina bumalik kasi ang imahe nila na naghahalikan. Fuck.Nakayuko lang siya, umiiyak at hindi nagsasalita kita ko pa ang balikat nito na tumataas baba. Hindi ako maaawa sa kanya dahil mas naaawa ako sa sarili ko. Hindi dapat siya bigyan ng awa."Totoo ba yun?"
"Ang bobo naman ni Jordan pinagpalit ang Gold sa Bronze."
"Dapat ako na lang talaga ang boyfriend nito, e.""Kawawa naman si Queen."
"Napaka bobo ni Jordan!"
"Ang landi nama nito ni Roxanne.""Sabi ko na nga nasa loob ang kulo nito."Binalingan ko ng tingin ang mga classmate nitong si Roxanne at lahat naman sila ay natigil sa pagbulong bulungan."Payag ba kayo na inagawan ng boyfriend ang Queen niyo?" lahat sila ay nagsisagutan ng 'hindi' ang iba naman ay umiling lang. "Paano kung sa inyo ginawa yun? Papayag ba kayo girls?"Lahat sila ay malakas na sumigaw ng 'hindi'. Lalo pa atang napaiyak si Roxanne dahil rinig na rinig ko na ang paghikbi nito. Pero wala akong paki, mas malakas ang iyak ko sa kanya noong nakita ko silang dalawa ni Jordan.
"E, kayo boys? Payag ba kayong lokohin ang Queen niyo?" malakas din silang sumagot ng hindi. Ngumiti muna ako magsalita. "Kung ganoon, kayo na ang bahala sa babaeng to at kay Jordan." sumeryoso ang mukha bago naglakad palapit sa mga kaibigan ko.Nakita ko ang mabilis na pagtayuan ng mga classmate ni Roxanne hanggang sa marinig ko ang malakas na pagtili ng babae. You deserved it. Hindi ka kasi nag iisip, sa dinarami rami ng pwedeng agawan ako pa talaga ang napili mo."Jade kawawa naman yung babae," ani Dana bago ako makalabas. Nilingon ko siya.
"Sa akin, hindi ka naaawa?" mabilis nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at parang natauhan sa sinabi ko.
"Ipaghihiganti kita, tara na mga alagad!" sigaw nito saka tumakbo palapit sa kumpulan, nagsisunod naman ang mga kaklase ako.
Napangiti na lang ako. Mukha akong kontrabida sa inaasta ko, but I don't care. Hindi naman yan mangyayari sa kanya kung hindi niya pinasok ang sitwasyon na ito. Baka akala nila ay maloloko pa nila ako, haha doon sila nagkamali.I turned my back and left the room with a smile, curved in my lips. Taste my oh so sweet revenge, Roxanne. Taste it.
JADE "Ma'am may naghahanap po sa inyo sa baba," Bumangon ako mula sa pagkakahiga, at tumango sa katulong para umalis na ito. Sino naman kaya itong naghahanap sakin?Hays, imbis na nagpapahinga ako ngayon e. Nilagay ko ang laptop sa side table bago bumaba. Tinitignan ko kasi ang mga post doon sa group ng school namin, at tatlong headline lang naman ang nakikita kong topic doon. At yun ay ang pagsugod ko kay Roxanne, ang panloloko sakin ni Jordan at ang kalandian ni Roxanne."Manang nasan po ang naghahanap sakin?" tanong ko doon sa tumawag sakin kanina sa kwarto. Hindi ko alam ang pangalan nito pero nakikita ko na ito dati pa dito sa bahay dahil gaya nga ng sabi ko hindi ako matandain sa pangalan not unless importante ka sakin."Nand
Hello, everyone! Ako ay humihingi ng paumanhin sa aking matagal na pagkawala at pagtigil sa pagsulat, sa kadahilanang nasira ang aking device na ginamit noon para mag update ng chapters sa librong ito. Ngayon, nais kong bumalik muli sa pagsulat at hingin ang inyong suporta sa aking pagpapatuloy. Inaasahan ko ang inyong pag-intindi sa aking naging sitwasyon. Nawa'y sana pagpatuloy ninyo akong suportahan sa pagsulat at manatili kayo sa pagbasa ng aking gagawing kwento at ng mga susunod pa na aking isusulat. Maraming salamat sa inyong pag-unawa. Nawa'y manatili kayong ligtas araw-araw at maging malusog. Ang susunod na pahina ay pagpapatuloy nang kwento nina Jade and Efraim.
JADE"Saan kayo nanggaling na dalawa? Kanina pa namin kayo hinahanap." bungad samin ni Roan nang makita kami ni nerd na papalapit sa kanila.Nandito sila sa living room, sina Mom and Dad din ay nandito na, kanina pa ata sila nakauwi."Bakit buhat buhat mo si Jade? May nangyari ba?" tanong ni Dad.Oh my ghad! Ngayon ko lang napansin na hanggang ngayon ay buhat buhat parin ako nito. Oh gosh kita ko na ang mapang asar na titig nina Roan. I'm in trouble! Si Mom naman ay parang natutuwa sa n
JADE"Look at Roxanne," nilingon ko ang parte kung saan tumuro si Dana.Mukhang umiiyak si Roxanne, well wala akong paki. Naka moved on na rin naman ako kay Jordan, hindi ko nga alam pero parang ang bilis. Hays, hayaan mo na nga, mas maganda na 'yon kaysa naman magluksa pa ako para lang sa lalaking 'yon. Duh, he's not worth for my tears."Iyak iyak pa, e siya naman ang nanloko." ani Roan saka sinukbit sa braso ko ang braso niya. Hindi naman na ako nagsalita pa at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad.Palabas na kami ngayon ng gate, uwian na kasi. At kanina lang tumawag sakin si Mommy dahil may importante daw siyang sasabihin, tungkol saan naman kaya ang isang yun?I'm tired being Jade, wanna swap?Hindi naman umabot ng ilang minuto naka labas na rin kami ng gate, at kitang kita ko na ang sasakyan ni mommy. Binalingan ko sina Roan at Dana and we exchanged goodbyes before I went t
JADE Humahangos akong nakarating sa harap ng eskwelahan. Gosh, simula nang mag isang bahay kami ng nerd na yon, wala na akong tiga hatid at sundo! Hindi ko na talaga maintindihan ang takbo ng buhay ko, feeling ko ako na ang pinaka malas na babae sa buong mundo. Paano ako nakarating? Syempre nag grab ako, di naman ako sanay mag Bus or Jeep no! At isa pa maraming tao doon kaya mas mabuti nang mag grab taxi kaysa naman may makasabay akong iba. Mamaya makatabi ko mga nakakakilala sakin edi anong iisipin nila, na naghihirap na ako? Arg! Why Mom and Dad doing this to me? "Oh bakit ganyan ang itsura mo Jade?" salubong sakin ni Roan nang makasapasok ako sa gate. Hinintay ba ako ng dalawang to? "Yeah right, para kang pinagbagsakan ng langit at lupa." natatawa pang sabi ni Dana. Sinamaan ko lang ito ng ti
JADE "May pinuntahan ka pa ba?"Napaigtad ako sa gulat nang sumalubong sa pinto si Nerd.Damn, gusto pa ata ako nitong atakihin sa puso e. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng bahay hanggang sa makaakyat ako papunta sa kwarto, hindi ako sumagot sa tanong nito.Tumingin ako sa salamin, baka kasi namamaga na ang mata ko e.Holy shit.Napansin niya kaya itong namamaga kong mata? Bwiset kasing Jordan to kung kailan feeling ko okay na ako, saka naman sumusulpot letse."Oh my dear poor ey-- ah!" napahawak na lang ako sa dibdib ko nang biglang bumukas ang pinto at sino pa nga ba ang nagbukas? Syempre si Nerd, binigyan na nga niya ako ng sakit sa puso tapos gusto pa ako patayin sa gulat gusto na ba talaga ako nito mamatay? Tss."Ah sorry" akmang isasarado na niya ang pinto nang hawakan ko ito."Hindi ba uso sayo kumatok?" hindi ako nito pinansin at padabog na
JADE "May something talaga sa inyo ni Efraim 'no?" pangungulit ni Dana sa akin.Nakabalik na kami ngayon sa classroom at eto, nangungulit sila sakin dahil lang sa hinila ko si Nerd palayo sa crowd kanina.Dapat bang hindi ko na lang ginawa yun? G r r. Bakit ko ba kasi ginawa yun? Arg."Tigilan niyo ko, pwede?"bakit ba kasi ang tagal dumating ng prof namin? Tss."Hindi pwede, hangga't di ka umaamin" sagot ni Roan.Hindi na lang ako sumagot at kunwari ay nagbabasa na lamang ako ng libro. Wala naman talagang something samin diba? Wala naman kaming feelings sa isa't isa, pinagkasundo lang naman kami."What the hell Dana?" ani ko dahil hinila nito ang libro na kunwari ay binasa ko kanina.The hell, hindi ba nila ako titigilan?"Sagutin mo muna kasi tanong namin" ani Dana saka niyakap ang lib
EFRAIM"Good morning" bati ko kay Jade nang makita itong pumasok dito sa kusina habang kinukusot-kusot ang kaliwang mata niya."What's good in the morning kung ikaw naman ang bubungad sakin" bakit ba kailangan ako tarayan nito araw-araw? Kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko baka ano na nagawa ko dito, psh."I cooked for you" ani ko sabay lapag ng pagkain sa lamesa.Napansin kong natigilan ito sa paglalakad kaya naman nilingon ko ito. Nakatingin lang siya sakin pero walang emosyon. Hindi ko tuloy mabasa kung ano bang iniisip niya."What? Ayaw mo ba nito? Magluluto na lang ako ng panibago" sabi ko at akmang aalisin ko na sa lamesa ang ulam nang magsalita naman