Share

4

Umuwi na ko sa bahay matapos ang sandaling pakikipag-usap sa mga kaibigan ng pamilya namin. Nando'n din ang pamilya ni Latrelle na abalang nakikipagtawanan kay Papa.

Napagpasyahan kong maidlip sandali. Matapos nito ay kumuha ako ng tinapay sa itaas ng ref at pinalamanan iyon ng peanut butter. Bumalik ako sa kwarto saka naglagay ng headphones habang nagbabasa.

Walang sound ang headphones ko kaya rinig ko pa rin ang ingay ng mga taong nasa ibaba. Magulo dahil sa paglalaro ng dalawang pinakabata sa amin. Mayamaya ay umilaw ang cellphone ko. Nakareceive ako ng text galing kay Wyn.

Wyn

May bisita tayo.

Binaba ko ang cellphone ko sa side table. Hindi ako interesado kung sinuman 'yon. Naglagay ako ng unan sa mga hita ko upang pagpatungan ng libro.

"Ikaw 'yung nakita ko sa lugawan!" Bulalas ni Latrelle. Kumunot ang noo ko.

Masyado na silang maingay kumpara kanina kaya napagpasyahan kong bumaba para sawayin sila. Pagkababa ko ay tumambad sa akin ang babaeng gusto kong makitang muli matapos n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status