CHAPTER 8

  “GOOD morning, sir.”

  

  Halos magkapanabay na bati ng mga empleyado sa CEO ng kompanya, ngunit walang nakuhang sagot ang mga ito mula kay Michael. Hindi man lang ito nag-abalang tapunan ng sulyap isa man sa mga ito. 

  

  Perfectionist, meticulous, workaholic, bossy and most of all madamot ang mga ngiti sa mga labi. Hindi nakapagtataka kung bakit ilag at takot ang mga empleyado nito sa kompanya.

  

  He had set everything by the rules. At sino man ang sumasalungat sa patakarang iyon ay agad na napapalayas sa kompaniya. He doesn't need a tommy-rot nor a lazy and clumsy employees in his company. Hindi nito kailangan ang mga taong walang pagpapahalaga sa trabaho. Kung hindi nakikitaan ni Michael ng efficient ang isang empleyado ay tinatanggal nito  kaagad. The hell he care! Work is work!

  

  Si Thalia na ang nahihiya sa inaasal ng binatang boss. Kung sana'y nasa posisyon siya ay kanina pa niya ito pinagsabihan. Kasama nga siya nito pero daig pa niya ang hindi lumabas sa mundo. 

  

  What's the sense of being his nurse kung hindi man lang niya ito mahawakan? O makausap man lang? 

  

  Eh, what does she expect? That Michael will treat her in a nice way? Or in a way that she likes? 

  

  Iyon ang pangalawang araw na isinama siya nito sa kompaniya katulad ng napagkasunduan nila. Tumupad naman ito sa usapan pero hindi naman siya nito kinikibo.

  Nang malaman ni Michael ang susunod nitong mga meeting mula sa personal na secretary—kay Dagz ay pinalabas din nito kaagad ang lalaki. Pagkatapos ay hinarap naman nito ang kabundok na mga papeles sa desk.

  

  Iwaksi man ni Thalia sa sarili ay lihim siyang humahanga sa pagiging masigasig ng lalaki sa trabaho. Hindi balakid dito ang dinaramdam nitong sakit upang ipagsawalang bahala ang sariling kumpanya, pero inaabuso naman nito ang sarili. Health is wealth pa rin.

  

  Sinipat niya ang pambisig na orasan pasado ala una na ng hapon, nakakaramdam na rin siya ng gutom pero mukhang walang balak ang guwapong kumag na lumabas para makapananghalian.

  

  “Ganyan ka ba talaga?” maya-maya'y basag niya sa katahimikan namamagitan sa kanila ng lalaki. Hindi na niya kayang magsawalang kibo. Hindi siya iyong tipong tatahimik na lang sa isang tabi. For heaven's sake! 

  

  Nababagot na siya sa pagkakaupo sa mahabang sofa at marahil kung nakakapagsalita lang ang pang-upong bahagi ng katawan niya ay nagreklamo na ito sa haba ng oras na inilalagi niya sa loob ng opisina ni Michael. Idagdag pa ang kumakalam niyang sikmura.

  

  Sinulyapan lamang siya ni Michael pero muli rin ibinalik ang atensyon sa pinipirmahang mga kalatas.

  

  “Hindi ka ba marunong mapagod? Hindi ka ba nangangalay? Hindi ka ba naduduling?” Tumayo siya sa harapan nito habang nakapamaiwang. 

  

  “What are you trying to point it out, young lady? Go back to your sit.”

  

  “No!” Malakas ang boses na pagsalungat niya na ikinakunot ng noo ni Michael.

  

  “May I —”

  “My God! Mike hindi ako palamuti rito, tao ako, tao ako! Hindi ba puwedeng kausapin mo ako kahit saglit lang, utusan ako kahit simpleng bagay lang? O kahit ngiti man lang ipinagdadamot mo pa? Para saan at nandito ako?" iritableng aniya.

  

  Binitawan ni Michael ang hawak na papel. Namamanghang pinagsalikop ang mga palad at inayos ang pagkakasandig sa swivel chair pagkatapos ay mataman siya nitong tinitigan.

  

  Ang totoo ay kanina pa ito naiinis sa sarili dahil hindi ito makapag-consentrate sa trabaho dahil sa presensiya ng nurse. At ngayon ang babae pa ang may ganang sitahin ito?

  

  The hell of him wanting to taste her lips.

  

  “Don't stared at me that way Michael.”

  

  “Why Bonita? May batas bang nagbabawal tumitig sa magandang kapaligiran?”

  

  “Well, wala akong nakikita rito kung hindi iyang gabundok na mga documents sa mesa mo at mga kasangkapan dito sa loob ng opisina mo. Walang maganda rito!”

  

  “Sinasabi mo bang hindi ka maganda, sweetheart?”

  

  Bigla na naman ang pananalasa ng kaba sa dibdib niya sa tinurang iyon ni Michael.

  “Hindi ako nature.” she bit her lower lip. His word consoled her fury in just a snap, oh god.

  

  “Would you mind if I do that myself, bonita?” he smiled  gorgeously, ang mga mata nito'y nakuon sa kanyang mga labi.

  

  Oh, lord, higupin na sana siya ng air conditioned sa loob ng opisina.

  

  “Are you flirting with me Mr. Valdemore?” pinaningkitan niya ito ng mga mata, ramdam din niya ang pamumula ng magkabila niyang pisngi.

  

  But deep inside her chest, she really wanna taste his lips, too. For wishing out loud! Higad ka Thalia!

  

  Sa halip na sagutin siya ni Michael ay tinawalanan lamang siya nito pakiramdam niya naghatid ng kakaibang kiliti ang bawat halakhak nito sa puso niya. Sa wari niya'y napawi ang gutom niya sa mga ngiti nito.

  

  “Come here, sweetheart?” itinulak nito ang swivel chair paatras.

  “What?!” ang paniningkit ng mga mata niya ay namilog.

  

  At anong gusto ng lalaking ito? Maupo siya sa kandungan nito? The asshole! 

  

  Pero hindi ba naisip din niya minsan na magpakandong dito? Bakit ngayon ay nag-iinarte siya?

  

  “Don't you hear me, sweetheart, o kailangan ko pang ulit-ulitin?”

  Her heart leapt inside her chest sa mga ngiting iyon. “A—at ano sa tingin mo—”

  

  “Lumapit ka.” he commanded.

  

  Aba't ang hudyo! Ang kapal!

  

  Inis na umikot siya sa desk ng binata at lumapit dito. Gayon na rin ang pagbilis ng pintig ng puso niya.

  “Closer.”

  

  “Ano ba kasi ang kailangan mo?” she spoke irritably pero ang mga mata ay nakapukol sa bahaging kaselanan ng binata. 

  

  She felt the sudden dryness of her throat.  Pauupuin ba talaga siya nito roon? 

  Oh my god! What a nice lunch. Anang malanding isip niya na kaagad din niyang sinaway ng huli.

  

  “How do you like the view, huh?” nakakaluko ang mga ngiti nito na kahit yata sinong angkan ni Maria Sinukuan ay hindi mapahihindian ang magandang oportunidad na iyon. "You're blushing, sweet Bonita." 

  

  Gusto na niyang hampasin ng laptop ang mukha ni Michael pero nagdalawang isip din ng huli.

  

  Sayang ang magandang mukha nito kung magkakapiklat, sayang ang binhi kung papatusin niya ang pagkalalaki nito. 

  

  Oh darn it! What the shit was she thinking again?

  

  “Ano ba kasi ang gusto mo?”

  

  “Closer.”

  

  “My god Mike I can't do this! I'm not what you—”

  

  “Get the document beneath my desk.” putol nito sa iba pang sasabihin niya. Lalong lumapad ang pagkakangiti nito sa kanya. “You asked for that, right? Or perhaps you want to do something else?” nanunudyo ang boses na anito.

  

  Pakiramdam ni Tinker ay umakyat na ang lahat ng dugo niya sa katawan pataas sa kanyang mukha. Kung anu-ano kasi ang iniisp niya eh. Malay ba niyang may ipapakuha ito sa ilalim ng mesa? Bakit ba kasi nakalimutan niyang may kapansanan ng lukong hudyong ito?

  

  “Hayan ang documents mo! pabagsak niyang inilapag iyon sa mesa. 

  

  “Are you dismayed?”

  

  “Ano?! Anong dismay ang pinagsasabi mo? Nakakainis kang bakulaw ka!” pumuputok ang budhing tinalikuran niya ang binata. Nagmartsa patungong pinto.

  

  Pero bago pa man niya marating ang bukana ng pinto ay may pinindot na si Michael upang madoble ang lock ng niyon.

  

  “Where do you think you're going, Bonita?” he raised his lips and smiled at her.

  

  “Open the freaking door!”

  

  “Let me remind you something sweetheart, I'm your boss and you're my nurse, ugali ba ng hired nurse ang iwan ang kanyang pasyente?” he arched his one brow.

  

  Pinaikot ni Tinker ang mga mata sanhi ng iritasyon. She's being unreasonable. Bakit nga ba siya umaakto ng ganito? 

  

  Bakit? Ano ba ang inaasahan niya buhat kay Michael? Na tratuhin siya nito ng espesyal? 

  

  Sino ba siya sa buhay ng binata? Hindi ba hired private lang siya nito? Tama naman ito bilang PN hindi niya ito puwedeng iwan nalang basta. 

  

  But this man is so annoying...and...and...natigil siya sa bahaging iyon ng kanyang paglalarawan sa binata. 

  

  He's so damn seductive in spite of being lame hindi iyon nakabawas sa angkin nitong kakisigan. 

  

  Damn his handsome face! 

  

  “Nagugutom ako, hindi ako robot mas lalong hindi ako alien na katulad mo.” 

  

  Napamura ang binata nang masipat ang wrist watch nito. "Damn it, Thalia. Why did you not tell me."

  

  Aba at ito pa ang may ganang magmura at magalit. The jerk!

  

  “Sabi mo nga boss kita? Do you think I have the right to tell you kung gaano ako nagugutom ngayon?” inirapan niya ito.

  

  “You're cute, bonita.” 

  

  “Stop boxing my ear, Mr. Valdemore dahil baka... baka maniwala na ako sa'yo ng tuluyan.” sa loob lang niya ang huling kasunod niyon. 

  

  In spite of the fact, how she felt kiligs in her veins every time he calls her with that endearment.

  

  “Yes, you are more than just cute, sweetheart. Now come back here and help me stand.”

  

  Kumakabog-kabog ang dibdib na tumalima siya. Ewan ba niya pero hindi niya man lang niya matanggihan ang guwapong hudyo. 

  

  Kung dahil ba sa trabaho o dahil damdaming unti-unting umuusbong para rito ay hindi niya mabigyan ng tamang kasagutan.

  

  Muli na naman niyang nalalanghap ang nakakatangay na pabango ni Michael na humahalo sa lalaking amoy nito na tila nagpapawala sa kanyang tamang kaisipan.

  

  Sa kabila ng paiba-iba nitong ugali masuwerte pa rin siya at nalalapitan niya ito at naaamoy na kahit yata idikit na niya ang ilong dito ay hindi pa rin siya magsasawang samyuin ang binata. 

  

  At dahil malaki at matangkad itong lalaki ay halos mawalan siya ng balanse na kamuntikan na nilang ikatumbang pareho. 

  

  “Are you okay?” nasa boses niya ang pag-aalala. 

  

  Inangat niya ang mukha upang siguraduhing ayos lang ito pero dahil nga inaalalayaan niyang makaupo sa silyang di-gulong si Michael ay halos mapang-abot ang kanilang mga labi. Nagtama ang kanilang mga mata na sa pakiwari ni Tinker ay panandaliang tumigil sa pag-inog ang mundo. 

  

  Si Michael ay tila napaso sa pagkakadikit ng kanilang mga balat. Nakatuon ang paningin nito sa mga labi ng dalaga. 

  

  Halos kapusin na rin ng hangin sa dibdib ang dibdib ni Thalia sapagkat halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha at kung gagalaw isa man sa kanila ay paniguradong maglalapat ang kanilang mga labi.

  

  “I'm fine.” Sagot nito pero hindi hinihiwalay ang mga mata sa maganda at hugis pusong mukha ni Thalia. 

  

  Si Michael ay naakit nang kabigin ang dalaga at sakupin ang mga labi ng private nurse nito pero nangibabaw pa rin ang ego ng lalaki.

  

  “Pasensiya na mabigat ka kasi.” aniyang binawi ang tingin dito. 

  Marahil kung hindi lang nakadikit sa loob niya ang puso niya ay pulidong tatalon na iyon sa labis na pagwawala n’yon sa loob ng dibdib niya.

  “You have to be strong, sweetheart, I preferred you to be on top of me when we're going to make love.” he said and he meant it with a killing smile that made her heart leapt.

  

  “Kaya mo na ba?” hindi niya pinansin ang tinuran nito. 

  

  Ramdam din ni Thalia na masyado na siyang apektado sa mga pinagsasabi ni Michael. And she hates that feeling of hers.

  

  Making love with her? Is he serious? Is there something she can do about that? Is he enjoying himself the way he talked to her that way? Devil take him away.

  

  “Yeah! I can manage now, just stay with me, Bonita.” nakangiti ito pero lumalarawan pa rin ang kirot sa guwapo nitong mukha.

  

  “Saan tayo pupunta?”

  

  “To have lunch, Bonita.”

  

  “Shall I call Dagz  and—”

  

  “Just you and I, sweetheart.” he interupted.

  

  “Pero—”

  

  “Do you want to have lunch with me, Bonita or not?” nag-iba ang timpla ng mukha nito na hindi nakaligtas sa mga mata ng dalaga.

  

  “Of course, I want to, but—”

  “No buts! Let’s go, I'm famished, too, you know,”

  

  Kung gaano siya humahanga rito gayon na rin ang pagkainis niya rito. 

  

  Dinaig pa kasi ang babaeng may regla!

  

  Inilibot ni Tinker ang paningin sa kabuuan ng restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Michael. Wala siyang makita kahit isang costumer. Wala naman siyang nakikitang nakakadistract para hindi dumugin ng mga costumer ang naturang restaurant. Class iyon at halatang pang mayaman lang ang makaka afford sa mga pagkaing nakasulat sa menu.

  

  “Chill yourself and eat. You can call the waitress and order something else if you don't like the food.”

  

  “H—huh? Ah-eh, hindi naman sa gano’n sa tingin ko masasarap naman ang mga pagkaing inorder mo, nagtataka lang ako kung bakit wala yatang costumer.”

  

  Sinulyapan lamang siya nito pero agad din ibinalik ang atensyon sa pagkain. 

  

  “Nasa kabilang table sina Dagz, Deigo at Jerry.” walang emosyong saad nito na ang tinutukoy ay ang kalihim at dalawang body guard o mas tamang sabihing butler ni Michael. Isinama rin nila ang mga ito dahil kailangan ni Michael ng aalalay rito at siyempre pa kailangan nila ng driver.

  

  “That's not what I mean.”

  

  “Fine! Pinaalis ko ang mga costumer para makain ako ng maayos.” nanatiling walang ekpresyong ang mukha nito.

  

  “H-huh? Bakit? Paano?”

  

  “I can do whatever I want in my own restaurant Bonita. Now eat.”

  

Sapat na iyon para matahimik siya at mapaawang ang mga labi niya. Nakalimutan niyang napakayaman ng lalaking ito at kahit sampung restaurant ay kaya nitong ipatayo. Na featured nga ito sa men's magaxine na isa sa pinakabatang bilyonaryo sa pilipinas bago ito maaksidente. Palagi rin itong laman ng mga pahayagan at mapa dyaryo man o telebisyon. Idagdag na rin ang mga local and international celebrities and models na nali-l**k dito. But those are just humors. Malay ba niya kung may katotohanan ang mga iyon.

  Ang kinaroroonan nila ngayon ay ang isa sa mga tanyag na restaurant sa buong kabisera. Kahanga-hanga para tuloy silang nagde-date.

  

  “Stop thinking, bonita. And please eat.”

  

  “Y–yes, heto na nga kakain na.” aniyang natatakam sa mga pagkain nakahain sa harapan nila ni Michael. 

  

  This isn’t the first time, na sabay silang kumain ni Michael pero naiilang pa rin siya rito. 

  Naiilang siya sa mga titig nito sa kanya.

  

  “Kung gusto mong makakain ako ng maayos ay huwag mo akong titigan ng ganyan,”

  

  Inabot ni Michael ang glass of white wine sa harapan nito pagkatapos ay dinala sa mga labi. Ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa kanya. 

  

  “Eat Bonita, don’t mind my presence,”

  

  “I can’t eat properly kung titig ka ng titig.”

  

  “Can you blame me for staring at you, sweetheart? Masanay ka na dahil araw-araw tayong kakain ng sabay.”

  

  “Arg!”

  

  “Eh, ikaw bakit ‘di mo ginagalaw ang pagkain mo?”

  

  “I’m enjoying myself watching you, Bonita.”

  

  “Eh, kung magtitigan na lang kaya tayo maghapon at huwag ng kumain?”

  

  Tumawa ng malakas si Michael sa tinuran niyang iyon kahit wala naman nakakatawa. “You never fail to make me laugh, querida.”

  

  “Good. I played clown before when I was 19, glad that I can still make someone laugh without my costume or doing anything funny.”

  Nagkunot noo si Michael. “Did you?”

  

  “Yeah! It was just a part time. Nagkaroon kasi ng emergency ang kasamahan ko sa trabaho at wala na kaming choice  dahil magsisimula na ang party ng costumer namin kaya nagpresenta na lang ako.”

  

  “And?”

  

  “It wasn’t that  hard. I love  kids kaya naging madali lang para sa akin.” She said unknowingly that she was enjoying dining with him again.

  

  “So, you like kids, huh.”

  

  “Yeah.” kaswal na sagot niya habang maganang kumakain. 

  “And how many kids would you like to have, Mike?”

  

  “Six.” 

  

  “Dami naman, kung sabagay mayaman ka naman kaya ayos lang ‘yon.”

  

  “So, is that alright with you to grant me six children?”

  

  Nabulunan siya sa tinuran ni Michael.

  

  “Here drink this,” inabot ni michael ang glass of water sa kanya.

  

  “I’m okay. Ang sarap ng foods nila rito, ano?” Sinadya niyang ibahin ang usapan. 

  Nagpipiging na naman kasi ang mga dragonflies sa loob ng dibdib niya sa subrang bilis ng kabog n’yon dahil sa sinabing iyon ni Michael. 

  

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                           

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Femia Fremista
halla!ano ba naman yan?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status