PANGARAP KO ANG IBIGIN MO
PANGARAP KO ANG IBIGIN MO
Author: BlueMoon
CHAPTER 1

      "Huwag!" Awat na sigaw ng Ginang sa ginagawang pagpapahirap ng mga armadong lalaki sa esposo. 

Hilam na rin  sa luha ang mga mata. Wala itong magawa maliban sa pagmasdan ang pagpapahirap ng mga tauhan ng Don sa asawa.

    Subalit nagmistulang bingi ang mga armadong lalaki na patuloy sa pananakit kay Doglas.

    

    "Maawa kayo sa asawa ko, wala kaming ginagawang masama!" 

    

    Halos lumuhod sa pagmamakaawang sigaw ng Ginang. Sinugod ang isa mga ito upang itigil ang pananakit sa walang kalaban-labang  asawa. 

    

    "Huwag kang makialam!" Mabagsik na turan lalaki, hinablot ang buhok ni Ara at kinakaladgad sa damuhan.

    

    

    "Ara?!" Duguan ang mukha at tila mawawalan ng ulirat na tawag ni Doglas sa pangalan ng asawa.

    

    

    "Itay.......inay...." hilam na rin sa luhang tawag ng dalawang batang lalaki na hindi nagkakalayo ang edad. 

    

    "Peste! Iyan ang nababagay sa mga taong mahirap pakiusapan!" Galit na saad pa ng lalaki pagkatapos ay inundayan ng malakas na sundok sa sikmura ang kawawang si Doglas. Manlaban man ang Ginoo ay wala rin  panama sa mga ito.

    

    

    "Layuan n'yo ang tatay namin." umiiyak na saad ng batang lalaki, pinagsusundok ng malambot nitong kamao ang tila bakal na likod ng lalaking nananakit sa ama.

    

    

   Sa halip na maawa ay nakakalukong ngumisi lamang ang lalaking nambubugbog kay Doglas. "Matapang ka ah!" Pagkuwan ay mabagsik na wika nito. Nasa anyo ang kawalang pasensiya. Binalingan ang batang lalaki saka hindi ito nagpatumpik-tumpik na sikmuraan ang wala pang muang na batang lalaki.

    

    "Kuya ko!" humahaguhol sa iyak na tawag ni Eugene sa nakatatandang kapatid.

    

    

    Kitang-kita niya ang kung paano pinapahirapan ng mga malalaking lalaki ang buo niyang pamilya.

    

    "Yan ang nararapat saiyo Doglas. Kung pumayag ka lang sana'y hindi na humantong pa sa ganito. Masuwerte ka't iyan lamang ang napala mo! Siguro naman ay magtatanda ka na ngayon!" Dagdag pa nito. Walang mababakas na konsensiya sa mukha ng lalaki.

    

    "Bitawan mo ako, hayop ka! Mga hayop kayo!" nagsisigaw at nagwawalang wika ni Ara.

    

    "Tumahimik ka!" 

    

    Malakas at nakabibinging sampal ang ipinataw  dito ni Doglas. Naging sanhi iyon upang humandusay sa damuhan ang babae. Ngunit bumangon pa rin ito at muling pinaghahampas sa likod ang lalaking nanakit sa asawa.

    

    

    "Ubos na ang pasensiya ko sa 'yo babae ka!" Nag–iigting ang mga bagang na lintaniya nito.

    

    Hindi ito nagdalawang isip na hugutin mula sa tagiliran ang baril. Ang sunod na nangyari ay ang pag–alingawngaw ng malakas na putok sa kadiliman ng gabi

    

    "Ara!"

    

    "Inay!"

    

    "Nanay!"

    

    

    Pumalahaw sa iyak na tawag ng dalawang bata sa  nakahandusay at wala ng buhay na ina.

    

    

    "Bruko, bakit mo binaril?!" galit na singhal ng isang lalaki sa kasamahan.

    

    "Ayoko ng sagabal!"

    

    "Malalagot tayo sa Don niyan!"

    

    "Putang ina! Problema ba 'yon? Eh di sabihin natin nanlaban sila! At huwag ka ngang takot Mario!" walang pusong sagot ng lalaking nagngangalang Bruko.

    

    

    "Mga hayop kayo!" Sigaw ni Doglas. Tumayo buhat sa pagkakasalmapk sa damuhan pagkatapos ay marahas na hinablot ang baril sa tagiliran ng lalaki sa tabi nito at itinutok iyon kay Bruko. 

    

    Pero naging mabilis ang pagkilos ng mga kriminal. Bago pa man nito makalabit ang triger ng baril. Bumulagta sa damuhan si Doglas. Duguan at wala nang buhay.

    

    

    "Itay!" 

    

    Humaguhol sa iyak na  dinaluhan ng magkapatid ang wala nang buhay na mga magulang.

    

    "Anak ng! Bakit mo na naman binaril?!"

    

    "Gago ka ba?! Inunahan ko lang siya! Kung hindi ko binaril malamang bulagta na ako ngayon! Balik na singhal ni Bruko.

    

    Mabilis na kumilos si Dylan at dinakma ang kamay ng nakababatang kapatid.

    

    "Kailangan natin makatakas," mahinang usal nito sa bunsong kapatid bagamat hilam sa luha ang mga mata'y nakapag-isip pa rin ito para sa kaligtasan nilang magkapatid.

    

    

    Durog ang batang pusong binitawan ni Eugene ang ina at sumunod sa nakatatandang kapatid. 

    

    

    "Hoy!? Saan kayo pupunta?" malakas na tawag ni Bruko mahigpit pa nitong hinawakan ang baril at hinabol ang mga bata.

    

    "Bilisan mo Eugene!"

    

    Magkahawak ang kamay na tumatakbo ang dalawa habang nakasunod ang tatlong mga lalaki.

    

    "Kuya si inay at itay?" umiiyak na tanong ni Eugene

    

    "Babalikan natin sila. Kailangan natin makahingi ng tulong." anito.

    

    "Tumigil kayo?"  tawag ni Bruko na pinaputukan ang dalawang bata.

    

    "Takbo!"

    

    "Bilisan mo!"

    

    

    Muling nagpaputok si Bruko at sa pagkakataong iyon ay natamaan ang target.

    

    "Kuya!"

    

    Walang awang pinagbabaril ni Bruko ang landas na tinatahak ng magkapatid. Tinamaan sa likod si Dylan naging dahilan iyon upang matumba ang walang kalaban-labang bata.

    

    "Takbo Eugene! Takbo!" Mahinang usal ni Dylan bago ito tuluyan mawalan ng ulirat.

    

   HUMIHINGAL at pawisang napabalikwas ng bangon si Eugene buhat sa pagkakahiga sa malambot na kama. 

    

    "Nigthmare!" Nakatiimbagang at kuyom ang mga kamaong aniya sa sarili. 

Inabot niya ang switched ng ilaw sa side table ng kama pagkatapos ay marahas siyang tumayo, ang sunod niyang ginawa ay naglakad siya patungo sa may balkonahe. He opened the glass sliding door at lumabas. Nagpakawala siya ng marahas at malalim na buntong–hininga. He could felt the raging anger deep inside his heart. Maraming taon din niyang kinimkim ang galit at poot sa dibdib niya.

    

   Mabilis na lumipas ang mga taon ngunit hindi pa rin niya makalimutan ang masaklap pangyayaring iyon sa kanyang pamilya. Nakatakas nga siya sa mga lalaking walang hangad kung di ang mapatay silang mag-anak. Subalit kailan man ay hindi nawaglit sa kanyang diwa ang masakit, masalimoot at kalunos-lunos na bahaging iyon ng pagkatao niya. Dala-dala pa rin niya ang sakit at kinikimkim na galit sa loob ng dibdib niya.

    

    "Don Feliciano, pagbabayaran mo ng mahal ang mga kasamaang ginawa mo sa pamilya ko!" Muli ay napakuyom ng kamao at nagtatagis ang mga bagang na turan niya.

    

    Narinig niya ang pagtatalo noon ng mga lalaki kung kaya't alam niyang ito ang may pakana ng lahat. He could still remember that Don Feliciano visited her parents days bago mangyari ang krimeng 'yon. Marahil ay nagpunta ito upang paki-usapan ang ama niya na ibigay na ang anim na ektaryang sakahan nila. Hindi marahil pumayag ang mga magulang niya  kung kaya't idinaan na lang sa kasakiman st karahasan ng Don ang lahat.

"Damn you Feliciano! Ako naman ang maniningil!" He clenched his teeth as he fisted his hands in anger. 

    

*****

    "PAPA?" mahinang tawag ni Danna sa pangalan ng ama na kasalikuyang sumisimsim ng alak. 

    

    

    Mula nang maisanla ng Don ang Hacienda ay naging mabisyo na ito. Nababahala siya rito dahil sa malaki ang ihinulog ng katawan nito. Naging abala siya sa trabaho nitong nakaraan. Kailangan kasi niyang magsikap upang makapag-ipon para matubos nila ang kanilang Hacienda. Pero kahit buong buhay niya ang igugol niya sa pagtratrabaho ay hindi pa rin niya kikitahin ang ganoong kalaking halaga.

    

    "hija," mahina't malungkot na sagot ng Don.

    

    Lumapit si Danna at kinuha ang kamay ng ama. Pinisil niya ito upang kahit paano ay maibsan ang sakit at lumbay nito.

    

    "Papa, mababawi rin natin ang Hacienda, magsisikap akong magtrabaho para makaipon."

    

    "I'm sorry, Hija. It's all my fault." nangilid ang mga luhang anang Don.

    

    "Isn't your fault, papa. Walang may kasalanan. Kaya huwag n'yo na pong sisisihin ang inyong sarili." Nakangiting aniya upang itago ang totoong nararamdaman.

    

    "Magtulongan po tayo papa, para mabawi natin ang Hacienda at para makapagsimula uli." 

    

    "Salamat hija, hindi ko na alam ang gagawin ko pag wala ka sa tabi ko," madamdaming pahayag ng Don, mahigpit na niyakap ang nag-iisang anak.

    

    

    

  

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Michelle Balondo
maganda Ang estorya na to
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status