Share

CHAPTER 3

    Malungkot na pinaglipat-lipat ni Danna ang mga mata sa mga kasambahay na nagtipon-tipon sa malaking living room ng mansion. Napamahal na siya sa mga ito kaya napakahirap para sa kanya na magdesisyon.

  

  

  Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong- hininga bago nagsalita.

  

  

  "Hindi po lingid sa inyong kaalaman na naisanla ng papa ang hacienda at ang mansion na ito sa isang mayamang negosyante." panimulang aniya. "Alam din po ninyong lahat na nasa hospital pa ang papa't hindi pa nagkakamalay. Malaki po ang mga gastusin namin sa hospital at...." muli ay humogot siya ng malalim hangin sa dibdib bago nagpatuloy. Napamahal na po kayong lahat sa akin, amin ni papa pero ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi ko na rin po kayo kayang suwelduhan." pagtatapat niya sa mga ito. Sinikap ang sarili na huwag maiyak pero hindi mautatago ang lumbay sa magandang mukha. 

  

  

  

  Nagkatinginan naman ang mga kasambahay sa isat-isa. Nasa mga mata ng mga ito ang kalungkutan. Napamahal na rin ang mga ito sa Don at sa kanilang mabait na senyorita. Kaya mahirap din para sa mga ito na lisanin ang mansion.

  

  

  "Tatawagan ko po ang mga kaibigan ko kung nakakailangan sila ng kasamambahay para mairekomenda ko po kayo sa kanila. Napamahal na rin po kayo sa akin pero ayuko naman pong abusuhin ang inyong kaibaitan. Sa susunod na araw ko po ibibigay ang kumpletong sahod ninyo."

  

  

  

  "Senyorita, ayaw din po namin kayong iwan lalo pa't hindi pa nagkakamalay ang Don." anang isang kasambahay.

  

  "Ako rin naman po aling Lilia. Pero sa lunes po ay darating na ang taong pinagsanlaan ni papa nitong mansion at ang taong ito rin po ang nakabili ng iba pang ari-arian namin." malungkot na pahayag niya sa mga ito.

  

  "Eh, senyorita saan po kayo titira ni Don Feliciano?"

  

  "May nahanap na po akong Paupahan sa bayan. Nakausap ko na rin po ang landlady roon. May kalakihan rin po kaya makakapag-adjust rin agad si papa."Nakangiting saad niya na hindi naman umabot sa mga mata.

  

  

  Pilit na ikinukuble ang pait at paghihirap ng kanyang kalooban. Ang totoo'y pigil niya ang mga luha na huwag maglandas sa mga sandaling iyon.

  

  

  Awa ang mababanaag sa mga mata ng mga kasambahay para sa dalaga. At kung may maitutulong lang sana sila sa kanilang senyorita ay hindi sila manghihinayang.

  

  

  "Seneyorita, ipandagdag niyo na po sa gastusin ng Don ang tatlong buwan sahod ko, naging napakabuti po ng inyong mga magulang sa akin at sa pamilya ko. Kulang pa po ang halagang iyan kumpara sa kabutihang ng iyong ama." naluluhang wika pa ng isang ginang. Ang kusinera sa mansyon.

  

  

  "Idagdag niyo na rin po ang huling sahod ko senyorita. " ani Belen. 

  

  

  "Iyong sa akin rin senyorita." dugtong ni Nanet.

  

  

  "Maraming salamat po, pero kailangan niyo rin po ang halagang iyon," aniyang labis na natutuwa sa kabaitan ng mga katulong.

  

  

  Nagpapasalamat siya't mayroon pa rin mga taong may busilak na puso at nagmamalasakit sa kanilang mag-ama.

  

  "Hija, kulang pa ang maliit na tulong na ito kumpara sa kabutihang ipinakita sa amin ng inyong nasirang ina at ni Don Feleciano, tanggapin n'yo po sana ang aming maliit na tulong." giit ni Aling Lilia.

  

  

  

  Hilam sa luhang tumango ang dalaga. Tila yata baliktad na ang panahon ngayon at katulong na ang nagbibigay tulong sa kanilang amo. Hiyang-hiyang aniya sa sarili. 

  

  

  Ang totoo ay labis siyang nangangamba at nag-aalala kung makakayanan ba niyang lisanin ang mansyon gayong dito na siya lumaki at nagkaisip. Masakit para sa kanya ang nga nangyayari pero wala siyang magawa sa ngayon kundi ang tanggapin na lamang ang katotohanan.

  

  

  

  

  

  -

  

  

  Iginala ni Eugene ang mga mata sa buong kapaligiran paglabas niya ng NAIA. Kasabay ng paghugot niya ng hangin sa dibdib. Kay guwapo at kay kisig ng binata sa simpleng kasuotan nito. Sinong mag-aakala na sa kabila ng masayahing aura nito'y nagkukubli ang madilim na kahapon?

  

  

  "I'm glad your back, dude." yumakap na bati ni Yougie sa kaibigan. 

  

  

  "Thanks, dude. ,Mahirap kalimutan ang inang bayan, you know." sagot dito ni Eugene nang humiwalay sa pagkakayakap sa kaibigan. 

  

  

  Sa tulong ng ama ay nakumbinsi niya ang ina na bumalik ng Pilipinas pero sa kondisyon kailangan niyang bumalik ng abroad pagkaraan ng anim na buwan magtagumpay man siya sa mga plano niya o hindi ay kailangan niya iyon kalimutan. But six months is long enough to to pursue his main goal. Sapat na ang anim na buwan upang maisakatuparan niya ang lahat. 

  

  

  

  "Nagsawa na marahil sa mga babes sa State kaya napasugod pabalik ng Pinas." mula sa likuran na wika ni Jorakz. Halatang kararating din lang nito.

  

  

  Napangiti na lamang si Eugene sa sinabing iyon ng lalake. 

  

  

  "Hey! I thought hindi ka darating." masayang pahayag ng binata, sinalubong na rin ng yakap ang kaibigan.

  

  

  Matalik na kaibigan niya ang dalawa mula pa noong highschool at kolehiyo hanggang sa kasalukuyan. Nakilala niya ang mga ito sa America.

  

  

  "So, what's up, dude?" How was New York? I thought isasama mo si Jenny sa pagbabalik mo rito," tanong dito ni Jorakz nang nasa loob na sila ng sasakyan. 

  

  

  Ang tinutukoy nito ay ang long time girlfriend ni Eugene sa New York.

  

  "She's busy and I came here for important things guys,"

  

  

  "Oh yeah! Business as well," nagkibit balikat na sabat ni Yougie. Batid kasi nito na ang kaibigang si Eugene ang mas nakakahigit sa kanila pagdating sa kalakalan ng negosyo.

  

  

  "Not exactly." ngumiting sagot ng binata. 

  

  

  Dumiretso ang tatlo sa club na pag-aari ni Yougie. Nagulat pa ang binata dahil sa surprisang inihanda sa kanya ng mga ito. Naroroon din lahat ang mga olden friends nila noong highschool at college na talaga namang ikinatuwa niya.

  

  

  "Welcome back, pare." anang isa mga kaibigan nila.

  

  "We're all happy to see the one of those stunning, gorgeous and clever, succesfull business man in New York." si Ken na itinaas ang kupita ng alak para sa binata.

  

  

  Eugene smiled tenderly with pleasure. He was so happy and pleased sa pagsalubong sa kanya ng mga ito.

  

  

  "Well, I'm speechless, guys. I'm absolutely flattered and to see all of you guys it's definitely made me feel so great. Thanks for everything. Let's have fun and spoil this night." aniyang itinaas sa ere ang nakakahilong inumin.

  

  

  "Let's cheers!" malakas na sigaw ni Yougie.

  

  

  "Cheers..." halos magkasabay na bigkas ng lahat.

  

  

  Pagkaraan ng ilang sandali, ginayak ni Jorakz si Eugene at ipinakilala sa mga dalagang mistulang kay lagkit at init ng pagkakatig sa kanya. Hindi naman niya ang mang-snobbed nalang lalo pat nagkakandahang muse ang nasa harapan niya.

  

  

  

  "You can take home any of them," nakangising bulong ni Jorakz sa kanya bago siya nito iniwan.

  

  

  "Yeah!" napailing na sagot ni Eugene dito. 

  

  

  

  Kahit noon pa man ay babaero na si Jorakz. Magandang lalake ito kung kaya lapitin ng mga naggagandahang kadalagahan.

  

  

  Hindi na rin nagtagal pa si Eugene sa welcome party sa kanya ng mga kaibigan. Kung kaya't alas dyes pa lang ng gabi ay nagpaalam na siya sa mga ito. May kailangan siyang puntahan!

  

  

  Nasa kotse pa lang siya'y tinawagan na niya ang abogado upang ipaalam na dumating na siya ng Pilipinas. Hindi na rin siya makapaghintay na makita ang taong kinamumuhian niya.

  

  

  Sa pakaisipin ang matandang Don ay nagdulot sa kanyang ng masidhing pagkapuot. Muling nanariwala sa kanyang balintataw ang nakaraang pilit niyang ikinukuble.

  

  

  Matalim ang mga mata at kuyom ang mga kamao ni Eugene habang nakatitig sa nakaratay na katawan ni Don Feliciano. Nanariwala sa kaniyang memorya ang pagpapatay nito sa kanyang pamilya ang daing at paki-usap ng kanyang ina. 

  

  Ang sigaw ng kanyang kapatid at ang pagmamakaawa ng ama na huwag idamay ang kanyang mag-anak.

  

  

  "Ang mawala ka sa ganitong paraan ay hindi sapat na kabayaran pa para sa kawalang hiyaan mo Don Feleciano. Kung mabuhay ka man sisiguraduhin kong mas nanaisin mo pang mamatay." wika ng binata. 

  

  Namalayan na lang ni Eugene na naglandas na ang mga luha sa kanyang mga mata dulot ng masaklap na ala-alang iyon.

  

  "Hindi man ako kasing hayop mo! Ipapatikim ko sa nag-iisa mong anak ang lupit ng aking paghihiganti." nagngi-gitngit ang kalooban patuloy niya na tila naririnig siya ng walang malay na Don.

  

  

  Lumabas siya ng silid. Bukas ay simula na niya ang kaniyang paniningil. Makikita na niya ang anak ng Don. Ipapamukha niya rito ang kalupitan ng ama sa paraaang alam niya. 

  

  

  "I'm sorry," anang binata ng mabunggo niya sa pasilyo ng hospital ang dalaga mistulang wala ng ginawa kundi ang umiyak dahil sa pamamaga ng eyelid nito. 

  

  

  Nakaramdam ng habag si Eugene sa babae. Parabagang nakikita niya ang sarili noong kasagsagan ng kanyang pagdadalamhati. 

  

  

  "It's okay." 

    

  

    Tipid na sagot nito na hindi siya nilingon bagkus ay tuloy-tuloy ito sa paglalakad.

  

  

  

  

  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status