Share

CHAPTER 5

  Alas- otso na ng gabi nang dumating ang mga kaibigan ni Eugene. Binalaan pa siya nito na huwag lumabas ng kusina na ipinagtaka naman niya. Malulutong na halakhak ang naririnig ng mga kasambahay mula sa malaking living room. Marahil ay nagkakatuwaan ang mga ito.

"Senyorita, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga kasambahay.

"Oo naman po," tipid niyang sagot ngumiti siya upang ipakita na wala itong dapat na ikabahala. 

"Hindi ko matantiya ang ugali mayroon ang bagong may-ari nitong mansiyon," ani Belen.

"Sa nakikita ko magiging maayos ang lahat huwag lang natin siyang suwain." si Aling Lilia na tumingin sa mga kasamahan. 

"Ang guwapo ng mga kaibigan ni senyorito Eugene. Halos ayoko na ngang pumikit kanina, eh," nangangarap na bulalas ni Nanet ito kasi ang naghatid ng mga inumin. "Kaya siguro ayaw kang palabasin ni senyorito ay baka mapusuan ka ng mga kaibigan niya senyorita," kinikilig na dugtong ni Nanet na naging dahilan para pamulaan siya ng magkabilang pisngi.

"Hindi naman sa ganon," nahihiyang turan niya.

"Baka type ka ni senyorito Eugene, senyorita," 

"H-ha? S-saan mo naman napulot ang ideyang iyan?" iwas ang mga matang aniya.

Sina Aling Lilia at Belen ay nangingiti sa katabilan ng kanilang kasamahan. 

Wala naman masama kung magkagusto ang bago nilang amo sa kanilang senyorita dahil napakaganda nga naman ni Danna at kay guwapo naman ni Eugene.

"Oh, siya Nanet tumigil ka na baka marinig pa tayo ng isang iyon," si Aling Lilia.

"Hindi pa natin alam kung may-asawa o girlfriend si senyorito," sumingit sa usapan na ani Belen.

"Ah basta sigurado ako, single pa siya at bagay na bagay sila ni senyorita!" giit at may diing pagbigkas ni Nanet. 

Hindi nalang umiimik si Danna dahil alam naman niyang madaldal ang babae. Maya-maya'y sumulpot sa komedor ang lalaking kanilang  pinag-uusapan. Ang mga mata nito'y sentrong nakatitig sa babaeng nakaupo paharap sa kanya.

"Mag-uusap lang ba kayo rito hanggang umaga?"anitong pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang lahat. Partikular sa kanya. "Nanet dalhan mo kami ng beer," utos nito.

"Masusunod senyorito,"

"At ikaw? Pumanhik ka sa kuwarto ko at linisin mo ang banyo." Madilim ang mukhang utos nito sa kanya. 

"H-ha?"

"Don't you hear me? O baka kailangan ko pang sumigaw para maintindihan mo!" 

"S-sige," nasabi nalang ni Danna pakiramdam niya'y galit sa kaniya ang lalaki sa 'di niya mawaring dahilan.

"Mawalang galang lang senyorito pero lilinisin ko rin naman iyon bukas kaya---,"

"Siya ang gusto kong maglinis. At gusto kong ipaalam sa inyong lahat na mula sa mga sandaling ito. Siya na ang magiging personal kong katulong at uutusan ko siya kung kailan ko gusto! Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" Nakatiimbagang lintaniya nito. "Naintindihan mo ba iyon Danna?"

"O-Oo,"

"Kung ganon ano pa ang tinutunganga mo riyan? Kumilos ka na!" 

Mabilis siyang napatayo   mula sa pagkakaupo at minabuting sundin ang ipinag-uutos nito sa kanya. Puwede naman siyang umalis nalang at hindinsiya puwedeng pilitin ni Eugene na manatili sa mansyon pero hindi niya gagawin iyon. Sasahuran naman daw siya nito ayon sa napag usapan nila at kailangan na kailangan niya iyon para pangtustos sa pangangailangan ng papa niya sa hospital. Sa ngayon ay kailangan niya mona niyang magtiis.

Nakaramdam ng awa na nasundan na lamang ng tingin ng mga katulong ang dalaga. Pakiramdam ng mga ito ay may lihim na galit ang lalaki dito. Unang araw pa lang kasi nito sa mansyon ay pinahirapan na nito si Danna. 

"Parang may nakita akong magandang chick, ah," si Joraks. Halos humaba ang leeg nito na tila may hinahanap ang mga mata sa pangingislap.

"Lahat naman ng babae maganda para sa'yo eh," pag-iignora rito ni Eugene pero lihim na napatiim bagang. 

"Gago! Marunong akong pumili," sabi nitong sinabayan ng halakhak.

"Babaero ka kasi!" panigunda ni Yougie.

"Aren't you, dude?" tumawang ganti ni Joraks kay Yougie. 

"Excuse me for a second, guys. I just wanna get something up stairs," pasintabi ni Eugene sa dalawa.

Natigilan si Danna sa paghakbang nang makita kung gaano ka kalat ang silid na nilinis niya kaninang umaga. Ang mga inayos niyang damit ng lalaki ay nagkagusot-gusot halatang sinadyang itapon ang mga iyon sa sahig.

Napabuntong-hininga siyang nagtuloy sa banyo.  Napangiwi pagkuwan nang makita ang loob niyon. Nakabukas ang toothpaste, nasa lababo ang toothbrush hindi tinanggal ang shaver sa saksakan. Nagkalat ang shampoo at body wash sa bathtub. Idagdag pa ang basang brief na iniwan lang sa basang sahig.

"Oh god!" nanlumong aniya. Hindi malaman kung anong uunahing linisin. Ang mga kalat sa silid o ang loob ng banyo?

Hindi niya ma-imagine na magkakaganito ka terible ang dating silid niya. Ganito ba ka kalat ang lalaking ito?

Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto't niluwa niyon ang bulto ni Eugene. Madilim ang anyo nito at matalim na nakatitig sa kanya. Bigla siyang binundol ng kaba. Ano nanaman ang ginawa niyang mali?

"Didn't I tell you not to go out from the kitchen? Sinusubukan mo ba talaga ako, ha?!" anitong hinawakan ng mahigpit ang braso niya.

"Nasasaktan ako," 

"Masasaktan ka talaga pag patuloy mo akong susuwain."

"Sinabi mong pumanhik ako rito para maglinis, paano sa tingin mo ako makakarating dito kung hindi ako lalabas ng kusina?" aniya sa impit na boses.

Tila naman natauhan si Eugene. May katwiran naman ito. Baka nakita lang ito ni Joraks nang pumanhik ito. Niluwagan nito ang pagkakahawak sa braso niya. Pero ang mga mata'y hindi humihiwalay sa pagkakatitig sa kanya. Lihim pa itong napalunok nang mapadapo ang paningin sa mga labi ng babae.

"Bilisan mo ang paglilinis. Pagod ako't gusto kong magpahinga pag-alis ng mga kaibigan ko." anitong pinawalan siya at malalaki ang habang na lumabas ng silid.

Naiwang napahawak sa namumulang braso ang dalaga. Naitanong niya sa sarili kung bakit pakiramdam niya'y galit sa kanya si Eugene. Wala naman siyang ginagawang masama na ikagagalit nito sa kanya.

At sa katunayan unang araw at gabi palang nito sa mansion pero kung pagsalitaan siya ng lalaki ay parang may matinding poot sa dibdib nito.

Dahil hindi naman siya sanay sa mga gawaing bahay ay inabot siya ng mahigit tatlong oras sa pagliligpit. Tiningnan niya ang kamay ng orasan pasado ala una na. Hindi pa pala siya naghahapunan. 

Bumaba siya dala-dala ang maruming damit ni Eugene. Kaagad siyang nagtuloy sa kusina upang kumain. Laglag ang mga balikat niya nang makita ang hitsura niyon.  Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang bulto ng mga kasambahay. 

Noon lang niya nakitang marumi ang kusina sa tanang buhay niya. Na saan sina Aling Lilia? Si Belen at Nanet? Bakit iniwan ng mga ito na makalat at marumi sa loob? Ngunit bago pa man niya masamagot ang mga katanungang iyon sa isip niya ay sumulpot na sa harapan niya si Eugene.

"Kung sila ang hinahanap mo, pinagpahinga ko na. Pagod sila kaya kailangan nilang matulog ng maaga," naka sandig sa bukana ng kusina  

At ano naman ang tingin sa kanya ng lalaking ito? Hindi napapagod?

"Huwag kang matutulog na hindi nalilinis ang kalat, ayokong mangamoy ang kusina bukas." dugtong pa nito. "Oh, before I forgot, nagsuka si Yougie sa sofa linisin mo na rin bago matuyo." dagdag na utos nito. Halatang naiingganyong pagmasdan ang pangungunot ng noo ng dalaga.

Walang nagawa si Danna kung hindi ang sumunod. Pagod man at napipikit na ang mga mata ay sinikap niyang tapusin ang ipinag-uutos sa kanya ng damuhong lalaki. 

Naisip niya ang ama dahilan para magpakatatag siya. Kailangan niyang magtiis para rito. Na mi-miss na rin niya ito. Buong araw kasi niyang hindi nadalaw sa hospital ang don. Mabuti na lang at tinawagan ni aling Lilia si nana Ging upang ipaabot dito na hindi siya makakadalaw. Pinahatiran na rin niya ito ng pagkain kay Sergio.

Mag-aalas singko na ng madaling araw nang matapos niya ang lahat. Lumabas siya ng mansion at tinungo ang bahay sa likod kung saan naroroon ang bago niyang silid.

Lingid sa kaalaman niya ay gising pa si Eugene sa mga oras na iyon. Nakamasid lamang ito sa kanya habang nagliligpit siya sa kusina.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status