Share

CHAPTER 8

    Umalingawngaw ang boses ni Eugene sa buong kabahayan mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Galit ang tinig nito habang tinatawag ang pangalan niya. Naramdaman na naman niya ang biglaang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang nagawa niyang pagkakamali? 

  

  Hindi pa man niya ito nakikita ay raramdaman na niya ang galit nito. Ano na naman kaya kinakagalit ng lalake? 

  

  

  Magalang na nagpaalam si Danna sa kanyang yaya upang puntahan ang tola tigreng lalake. Hindi na niya hinintay na makasagot ang may edad na babae bagkus ay kaagad na siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Eugene.

  

  

  "Hija?!" tawag ng yaya Ging niya ngunit hindi na niya ito nilingon sa halip ay nagtutuloy-tuloy na siya sa ikalawang palapag.

  

  Hindi na lingid sa kaalaman ng mayordoma ang tungkol sa lalake sapagkat naikuwento na rito ng mga kasambahay ang tungkol dito at kung paano nito tratuhin ang kanilang senyorita. Napailing na lamang ito. Awang-awa sa kinasapitan ng mag-ama. Kung sino pa ang mabait ay iyon pa ang sinusubok ng diyos. 

  

  

  Tila bulkan na gustong magbuga ng apoy ang mga mata ni Eugene. Madilim ang mukha at maitim ng pagkakatitig nito sa kanya na lalong nagpapatindi ng kaba at takot sa dibdib niya. Sa pakiwari niya ay gusto na siya nitong lamunin ng buhay. 

  

  "At anong ibig sabihin nito Danna? Sinusubukan mo ba talaga ang pasensiya ko, ha?!" sambulat nito. Hinablot nito ang braso niya at ipinamukha sa kanya kung gaano karumi at kakalat ang silid.

  

  

  Dumagundong ang boses ang nito sa loob ng kuwarto. "Bakit hindi ka naglinis dito?"

  

  Sapilitan siya nitong hinila papasok sa banyo upang ipakita sa kanya ang dumi roon at basang sahig na ito rin ang may kagagawan. "At anong masasabi—" katulad noong una napatigil ito sa kalagitnaan ng pangungusap. 

  

  

  "Shit!" 

  

  Lihim na napamura si Eugene nang paglingon nito ay saktong nagtaman ang kanilang mga mata. Nakayuko ito habang nakaingala naman dito ang babae. Tila naulit ang ganoong eksena sa pagitan nilang dalawa. Their lips are almost touching but not kissing. That's certainly makes him feel so enrage for the fact that he felt the rapid arousal of his masculinity inside his pants.

  

  

  He can smell her sweet feminine scent. Naaakit na rin itong hawakan at haplusin ang maganda at maamong hugis pusong mukha ng salaga.. He almost left the real world because of that. Nanonoot iyon sa ilong ni Eugene at tila gusto nitong pumikit at samyuin ang halimuyak niyon. 

  

  

  Kanina sa kotse ay subra-subra ang pagtitimpi ang ginawa nito para huwag kuyumusin ng halik at parusahan ang mga labi ng dalaga. Ngunit tulad pa rin ng dati sinaway ni Eugene ang sarili sa kadahilanang hindi ito maaaring makaramdam ng ganon para sa babae.

  

  

  

  Marahas nitong binitawan ang braso niya. Tila ito mapapaso sa simple at 'di sinasadyang  pagdidikit ng kanilang mga balat. And damn because he was affected by that! 

  

  

  "What the hell is happening to him?" This can't be! There's no way he'll tolerate this kind of feelings towards her. No!

  

  

  

  Gustong maglandas ng mga luha sa sulok ng kanyang mga mata pero ayaw niya na muli iyon makita ng lalake. After all, this bachelor doesn't care about her. Eh  bakit nga naman ito magki-care sa kanya? Sino ba siya sa akala niya para isipin nito?

  

  

  

  Nanlumo siya nang mapagmasdan ang kabuuan ng silid. Kasalanan niya ang lahat. Ang totoo'y nawala sa isip niya ang paglilinis sa kuwarto ni Eugene ngayon araw. Naisip kasi niya na mainit ang panahon at malayo ang lalakarin niya papuntang taniman kaya pagkatapos niyang mag-almusal ay hinanda na niya ang sarili sa paglalakad. Nakalimutan niya ang tungkol sa paglilinis sa kuwarto ni Eugene.

  

  

  

  

  Ayaw man niyang lumuha ay hindi niya napigilan ang sariling emosyon. Ni minsan sa buhay niya'y hindi siya nagmalupit isa man sa mga kasambahay niya o sa kahit sinong tao. Pero heto siya ngayon at pinapagalitan dahil sa kapalpakan niya. Naglandas ang mga luha niya sa gilid ng mga mata. Kaagad niyang pinutol  ang emosyon namamahay sa dibdib niya pero sadyang mababaw ang mga luha niya kusa lamang itong naglalalandas. Kasalanan naman niya ito! 

  

  

  

  "Malinaw naman ang mga sinabi ko sa'yo na ikaw ang maglilinis ng silid ko! Sinusuway mo ba talaga—"

  

  

  

  Hindi naituloy ni Eugene ang dapat sana nitong sasabihin. Sagkat kitang-kita nito ang pagmamalabis ng luha sa mga mata ng babae. At kung bakit ito ang nasasaktan ay labis nitong kinaiirita sa sarili. 

  

  

  He hated himself because of that. He shouldn't feel that way. Dahil anak ito ng taong nagpapatay sa buong pamilya niya. He damnably hates her father to the core! But why he has to felt this way for his daughter? Is he out of his mind already?

  

  

  

  He found her so lovely weeping and shedding those tears na ito mismo ang may kagagawan. He felt so annoyed and disgusted to himself. Seeing her this way makes his heart tightened in disgust. Bakit ang babaeng ito pa ang naging anak ng taong kinamumuhian niya?

  

  

  

  He wanted to console and comfort her and wipe those tears away, using his lips but for goodness sake! He can't just fucking do that! Isa pa'y sa tuwing bumabalik sa balintataw ni Eugene ang kahayupang ginawa ng mga tauhan ng  don sa pamilya nito ay kaagad na umaapoy sa galit ang dibdib ni Eugene. 

  

  

  "I'm sorry," aniyang hindi makatingin ng diretso sa binata. "Uumpisahan ko na ang paglilinis ngayon din."  Dagdag pa niya pero wala siyang nakuhang pagtugon buhat dito dahil lumabas ito ng silid.

  

  

  

  

  

  Sinimulan ni Danna ang paglilinis ng silid ni Eugene habang patuloy sa paglalandas ang mga luha mula sa mga mata. Puwede naman siyang umalis nalang sa mansion at maghanap ng trabaho ngunit paano ang kaniyang ama? Paano ang pagpapagamot nito?

  

  

  Hindi niya kayang tustusan ang mga gastusin at bill sa hospital. Dapat ay magpasalamat siya sa lalake dahil sa kabila ng galit nito sa kanya ay inako nito ang mga bayarin sa hospital na kahit siguro magbanat siya ng buto maghapon ay hindi niya kikitain sa loob ng tatlong buwan. Marahil ay stress lamang si Eugen kaya palaging mainit ang ulo nito.

  

  

  

  Higit pa roon hindi niya kayang iwan ang asyenda pagkat dito siya lumaki at nagkaisip hindi niya kayang iwan ang tahanang kinagisnan niya at ang masasayang alala nilang mag-anak. 

  

  

  

  

  "Anak tulongan na kita," Presenta ng yaya Ging niya mula sa bukana ng pinto.

  

  

  "Ayos lang po ako nanay Ging, kaya ko na po ito." Nakangiting turan niya mabilis na pinahid ang mga luha upang hindi iyon mapansin ng kayang yaya.

  

  

  Lumapit ang may edad na babae sa dalaga ya at hinawakan ang kanyang kamay. Pagkatapos ay hinaplos nito ang magandang mukha ni Danna. "May-awa ang diyos, hija, manalig ka lang sa kanya." 

  

  

  "Hindi naman po ako nawawalan ng pananalig sa kanya eh, alam ko po na sa kabila ng unos mayroon naghihintay na liwanag," Tugon niya rito. Sinabayan pa ng matamis na ngiti. Ngiting hindi umabot sa kaniyang mga mata.

  

  

  "Kumusta na nga po pala si papa?" nasasabik at puno ng pagkabuhay na usisa niya.

  

  

  Bahagyang natigilan ang kaniyang yaya. Hindi malaman kung paano ipagtatapat sa dalaga ang tungkol sa tunay na kalagayan ng don.

  

  

  "Nanay Ging, may problema ho ba?" Kinabahang tanong niya.

  

  

  

  "H-ha? W-wala naman, hija." Nagpkawala muna ito ng hangin sa dibdib bago nagpatuloy. "Ang totoo niyan ay hindi pa rin nagkakamalay ang don pero wala ka naman dapat na ipag-alala dahil gagaling din ang papa mo," 

  

  

  Hindi pa ito handa para ipagtapat sa dalaga ang totoo. Dahil maging siya'y taimtim na nananalangin na sana'y magkaroon ng himala.

  

  

  "Susubukan ko pong dalawin si papa bukas, miss na miss ko na po siya, nay Ging." Sabi nito ang mga luha'y hindi naitago sa harap ng kaniyang yaya.

  

  

  "Sige anak, tiyak matutuwa ang papa mo, alam ko kahit nakapikit pa ang mga mata ng don sigurado naman ako na maririnig ka niya," Wika nito pigil ang emosyon upang huwag maiyak.

  

  

  Ang totoo'y maihahalintulad sa patay na buhay ang don. Kaninang umaga ay tinapat siya ng doctor na tanging oxygen lamang ang siyang nagbibigay buhay sa pasyente. Hindi raw lumalaban ang don ayon pa sa doctor.

  

  

  Humikbi siyang napayakap ng mahigpit sa kaniyang yaya Ging. Ang totooy kanina pa naninikip ang dibdib niya. Gumanti naman ito ng yakap upang payapain at mapanatag ang kalooban ng dalaga. Nais niyang ipadama dito na hindi ito nag-iisa.

  

  

  Mag-aalas onse na ng gabi pero hindi pa nakakauwe ang binatang amo. Pagod siya't nais na niyang magpahinga subalit kabilin-bilinan nito na hindi siya puweding matulog hanggat hindi ito nakakauwi. 

  

  

  Isa pa'y gusto niya itong makausap. Magpapaalam siya rito upang payagan siya nitong dumalaw sa ospital.

  Sinikap niyang hintayin pa ito hanggang ala una ng madaling araw pero wala pa rin ang hudyo! Hanggang sa muli niyang makatulogan ang paghihintay. 

  

  

  

  Sunod-sunod ang ginawang paglagok ni Eugene. Gusto niyang payapain ang sarili sa emosyong nararamdaman niya para sa dalaga.

  

  

  He wanted to scream and yell of disappointment. He wanted to hurt her but damn because he can't! Higit siyang nasasaktan sa tuwing nakikita niya ang mga luha sa mga mata nito. 

  

  

  Muli siyang nagsalin ng alak sa kopita at tila tubig na muling nilagok iyon. He fisted his hand and clenched his teeth in anger. Hindi siya dapat magkaganito at mas lalong hindi siya dapat makaramdam ng habag para rito. 

  

  

  Hindi niya gusto ito. Higit sa lahat hindi niya gusto ang inaakto ng sariling katawan sa tuwing nagkakadikit ang katawan nila ng dalaga. Marahas siyang tumayo at lumabas ng mansion. He could no longer tolerate his feeling dahil hindi maaari. Kailangan niyang bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng pamilya niya.

  

  

  

  Kung tutuusin napakadali lang para sa kanya na ipapaslang ang don at nang anak nito. Ngunit hindi sapat ang kamatayan nito para maibsan ang sakit sa dibdib niya. 

  Nais niyang ipalasap dito at ipadama ang galit niya. But there are always strange feelings na palaging humaharang sa kanya upang isagawa ang anumang plano niya. 

  

  

  "Something bothering you, dude?" Lumapit na tanong ni Joraks sa kaibigan. 

  

  Inubos muna ni Eugene ang laman ng kopita bago nito sinagot ang binata. "Pampalipas lang ng oras," Tipid niyang turan.

  

  "Well, mukhang ang lalim ng iniisip mo."

  

  

  Eugene took a deep breath at tumingin sa gawi ni Joraks. Hindi naman ligid sa mga kaibigan ang tungkol sa kaniyang paghihiganti laban sa don. Subalit ang makadama ng damdamin para sa anak ng lalaking kinasusuklaman niya'y hindi sakop ng kaniyag hangarin. 

  

  

  "You knew what is it all about, don't you?"He said with a fist and furious in his eyes. Sininyasan niya ang bar tender na bigyan pa siya ng isa pang bote ng alak. 

  

  

  "You know what, bakit hindi mo na lang ipa sa diyos ang lahat? I mean what's the sense of that revenge? Patay na ang mga magulang mo at sisirain mo lang ang buhay ng anak ni Feliciano at mapapahamak ka pa ng dahil d'yan." Pahayag ni Joraks noon pa man tutol na ito sa plano ng kaibigan.

  

  

  "Don't you dare tell me what to do, dude. Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko. You wasn't there sa kalupitang ginawa ng mga tauhan ng hayop na iyon sa pamilya ko!" Kuyom ang magkabilang kamaong sambulat ni Eugene.

  

  

  "Hey! Nagkakasiyahan yata kayo dito?"Agaw pansin ni Yougie. Ramdam nito ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalake.

  

  

  

  "I know what you felt, dude. But you're not doing right hindi makatarungan ang gagawin mo sa kanya."

  

  

  "And what the hell is right? Ang hayaan at ibaon nalang sa limot ang lahat? Is that what you want me to do, huh?!" Hindi nakatiis at kinuwelyuhan ito.

  

  

  "Yes, the fact that you have to admit the truth!"Galit na ring turan ni Joraks. Marahas na kinalas ang kamay ni Eugene.

  

  

  "Easy guys. Everything will be all right, hindi niyo kailangan humantong sa pagsasakitan." Awat ni Yougie sinadyang pumagitna sa dalawang kaibigan. Batid nitong parehong mataas ang temperatura ng mga ito.

  

  

  "I'm warning you. Huwag mo akong pakikialaman sa mga plano ko!" Nagtatagis ang mga bagang at nagmarakulyo itong lumabas ng bar.

  

  

  

  Napabalikwas ng bangon siya ng bangon mula pagkakahiga sa mahabang sofa nang biglang makarinig ng ingay.

  

  

  "Goodmorning senyorita, pansensiya na hindi ko sinasadyang gumawa ng ingay at gisingin ka." Humingi ng despensang ani Nanette. "Nakahanda na ang almusal mo," May ngiti sa labing dugtong nito.

  

  

  "M-magandang umaga Nanet, si Eugene?" Ang kaagad niyang tanong dito na nagmamadaling inayos ang sarili. 

  

  

  "Huwag kang mag-alala senyorita, hindi umuwi ang bakulaw na lalaking iyon," Turan ng kasambahay. Kinuha mula sa kaniya ang kumot at ito ang nagtupi roon. "Sige na senyorita, mag-almusal ka na baka parating na rin iyon,"

  

  

  "Salamat, Net," nakangiting tumalima ang dalaga. At tulad ng sinabi ni Nanet nakahanda na ang kaniyang almusal.

  

  

  "Kumain ka ng marami, senyorita, nangangayayat ka na eh," 

  

  Ngumiti lang siya sa sinabing iyon ni Belen. Si aling Lilia naman ay nagsalin ng juice sa baso niya. Nagpapasalamat siya at kahit paano ay hindi nagbabago ang trato ng mga dati nilang kasambahay.

  

  

  

  "Magpahinga ka pagkatapos mong kumain, senyorita, tutal wala pa naman si sir, kami na ang bahala sa mga gawain mo," Sabi rito ni aling Lilia.

  

  

  "Maraming salamat ho, sa inyong kabaitan," Nagbabadya ang mga luha sa mga mata ng dalaga.

  

  

  "Kami ang dapat na magpasalamat sainyo, senyorita. Tinatanaw pa rin namin malaking utang na loob ang mga kabaitan at kabutihang ipinaramdam ninyo sa amin at nang iyong mga magulang." totoo sa loob na pahayag ni Aling Lilia.

  

  

  Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang pinisil, sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Nagpapasalamat siya't nagkaron silang mga mabubuting kasambahay na tulad ng mgaito. Nangangalahati pa lang ang pagkain sa pinggan ni Danna nang bumugad sa pinto si Sergio.

  

  "Magandang umaga, senyorita." Magalang na bati ng lalaki bago ito nagpatuloy. "Hinihintay po kayo ni senyorito Nube sa labas dadalaw daw kayo kay Don Feliciano,"

  

  Umaliwalas ang mukha ni Danna sa sinabing iyon ni Sergio. Nabanggit nga sa kanya ni Nube na dadalaw ito sa hospital at isasabay siya nito ngunit agad din napawi ang sayang bumahid sa magandang aura niya nang maalala ang mga habilin ni Eugene.

  

  

  " Si senyorito Nube ba kamo? Aba'y kailan dumating ang batang iyon?"

  

  

  "Kahapon lang po, aling Lilia." Maagap na sagot ng binata na ngayo'y nakatayo sa bukana ng pinto. " Missing me?" Pilyong kinindatan ang may edad na babae na tila hindi makapaniwalang naroon nga ang lalake.

  

  

  

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Delibeth Ramos
wala po babg free.ang mahal naman kc
goodnovel comment avatar
Rosalie R. Afu
maganda mga story love it
goodnovel comment avatar
Rosalie R. Afu
wala bang free
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status