CHAPTER ONE: Pretty boy

ICE’S POV

Bitbit and Malaki at mabigat kong maleta, isa-isa kong chineck ang mga listahan ng pangalan na nakasabit sa bawat kuwarto ng dormitory. I am looking for my room assignment.

I am one of those 200 cadets na napili para mag-aral sa MUP and I will be part of the Marine Engineering department (engine). Sobrang saya sa pakiramdam. From written exam, physical exam which consist of series of physical exercises, interview, lahat yun nakayanan ko.

Lahat ng mga nakapasa will stay sa MUP dormitory, which is a mandatory at during freshmen year daw, isasalang kami sa semi-military training. Thinking about it - semi-military training, medyo kinakabahan ako. I am not sure if I am physically ready sa ganito pero para sa pangarap, kakayanin ko. Dream ko to. Ang maging isang magaling at mahusay na seafarer and MUP will help me para makamit ko ang pangarap kong ito.

Hindi ko mahanap ang pangalan ko sa mga rooms na  nasa 1st floor kaya umakyat ako sa 2nd floor. Una kong tiningnan ang list sa RM201 “Jimenez, Ice Angelo” Finally! I found it, my room assignment.

Kinakabahan ako na excited. “Ano kaya klaseng tao ang mga kasama ko sa room? Makakasundo ko kaya sila?” Kung ano-anong mga tanong ang pumapasok sa isip ko but there is only one-way para malaman ko. Yun ay ang kilalanin sila. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto. The room is spacious with 2 double deck beds at 4 na lockers. Sinalubong ako ng isang naka-eyeglasses na lalake. Payat sya pero di naman sobrang payat at siguro magkasing height kami.

“Hi! You must be Ice Angelo? Ako nga pala si Miguel Vergara” Pakilala niya sakin habang ngumingiti

“Hello. Yes, ako nga si Ice pero pano mo nalaman?” nagtatakang tanong ko sa kanya

“Ikaw nalang kasi ang hindi pa dumadating”

Ginala ko ang paningin ko sa buong kwarto at hinanap yung ibang makakasama namin kasi sabi ni Miguel ako nalang daw ang di pa dumadating.

“Well, nasa CR yung dalawa. Common kasi yung CR at liguan. Nasa dulo ng hallway” paliwanag ni Miguel sa akin

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang maputing lalake na medyo may pagka-chubby siya daw si Ramon Maraig. Kasunod naman niya ang isang moreno at astigin na lalake. Siya naman daw si Roberto Reyes.

Mukha namang okay sila. Magaan naman pakiramdam ko habang kausap sila.

“Pretty boy, dito kana sa deck sa itaas ko. Ito nalang kasi ang bakante” Sabi sakin ni Roberto habang tinuturo ang bakateng bed.

“Pretty boy?” balik ko na tanong sa kanya.

“Sorry! Nakasanayan ko na kasing itawag yan sa mga kakilala ko na may itsura”

“Bakit siya lang tinawag mo na pretty boy? May itsura din naman kami ah” pabirong tanong ni Ramon

“Loko! May mga kaibigan din kasi ako na parang same ang feature ng mukha kay Ice.”

Tinanong ko uli si Roberto kung ano ang ibig niya sabihin sa featue ng mukha ko.

Alam mo yung parang babae ang feature ng mukha. Yung mahahaba ang pilik mata, tapos yung lips maliit at mapula. Rossy cheeks pa” paliwanag niya

“Naku Roberto, baka ma-inlove ka kay Ice nyan ha” Pabirong tukso ni Miguel

“Loko!” sagot ni Roberto kay Miguel “Oy Ice, wag kang maoffend ha. Compliment yung pagtawag ko ng pretty boy”

Nginitian ko si Roberto na parang sinasabi kong okay lang di naman ako naoffend. Actually, sanay nadin ako. Bata palang ako hanggang sa nagbinata, lagi na akong sinasabihan na mukha daw akong babae. Dahil nga siguro sa feature ng face ko. Pero ngayon ko lang narining na may tumawag sa akin na pretty boy.

Biglang naputol ang pag-uusap naming apat ng biglang may kumatok. Dahil ako ang pinakamalapit sa pinto, ako na ang nagbukas. Kunti lang ang bukas ko ng pinto at tamang-tama lang na masilip kung sino ang nasa labas. Wala akong nakitang tao pero may naaamoy akong familiar. Amoy ng perfume. Isa lang ang kilala kong may ganitong pabango. Lumabas ako at nagulat ng biglang may kamay na tumakip sa mga mata ko mula sa likuran. Tinanggal ko ang mga kamay na iyon at tiningnan kung sino. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko ng makita ang taong nasa likod ko nakangiti sya sakin na parang sinasabing “Surprise!”.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status